Ethan
Today is Nina's Birthday. As usual, I got her a bouquet of pink roses. Favorite niya ang pink at favorite niya ring binibigyan siya ng bulaklak.
Parati siyang tuwang-tuwa sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Hindi nauubos ang kanyang mga ngiti at ang kinang sa kanyang mga mata na parang parati siyang muling ipinapanganak tuwing May 28.
For the past 5 years ay parati kaming magkasama. Siya ang pinakaunang babaeng itinuring kong best friend.
Para sa akin, Nina is the best girl in town. She's quite an adventure. Hindi ako naboboring kapag kasama ko siya; parati siyang may bagong ipinapakita. Kung tapang lang din naman ang pag-uusapan, siya na yata ang pinakamatapang sa lahat.
Parati akong napapangiti sa tuwing maaalala ang mga napagdaanan naming lahat. Nakailang suntukan na ba ang nasalihan ko ng dahil sa kanya? Kahit masaktan ako ng paulit-ulit ay ayos lang basta para sa kanya. Tanging nasa isip ko lamang ay ang protektahan siya.
Gusto ko siyang protektahan. Gusto kong protektahan ang mga kaibigan ko.
Simula nang makilala ko siya at matulungan niya ang pamilya ko lalong lalo na si Jenny ay ipinangako ko sa aking sarili na mananatili ako sa tabi niya hanggang sa dumating ang panahong makabalik siya sa sarili niyang buhay.
She deserves her life back. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya bilang si Celine, it's high time for her to get her reward.
We celebrated her birthday the whole day. Nakakapagod pero masaya. Alam kong masaya si Nina pero mas magiging masaya siguro siya kapag nandito si Reyden. Kung bakit ba naman kasi masyadong sineseryoso ni Reyden ang trabaho niya?
Nakiusap si Nina na sunduin namin si Reyden sa airport. Paano ako hihindi sa kanya, kitang-kita sa kanyang mga mata kung gaano niya kagustong makita ang lalaking kanyang minamahal. Actually, patay na patay talaga siya kay Reyden.
Pagkatapos naming manood ng sine ay dumiretso na kami sa airport. Hindi mapakali si Nina. Anong problema niya? Kanina pa siya lakad ng lakad pabalik balik.
Wala kaming ginawa ni Ate Bel kundi ang panoorin siya. Pinagpapawisan siya at halatang halata ang tensyon na bumabalot sa kaniyang katawan.
Nagpaalam siyang pupunta sa ladies room.
"Ate Bel, problema non?" Takang-taka kong tanong sa katabi kong si Ate Bel.
"Tsk. Alam mo naman 'yan, pagdating kay Reyden nawawala sa sarili." Biro ni Ate Bel sabay ngisi.
Napangisi rin ako. Sabay kaming natawa ni Ate Bel. Pagdating sa kalokohan at biruan, si Ate Bel ang kasangga ko. Hindi ko alam pero sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Bukod kay Nina, isa siya sa mga dahilan kung bakit masaya ang buhay ko ngayon.
Inabot kami ng mahigit isang oras kahihintay dahil sa delayed na arrival ng eroplano. Nabigla na lang kami ni Ate Bel nang biglang tumakbo si Nina papasok sa arrival area kahit alam naman niyang bawal pumasok doon.
What is she doing, again? Minsan hindi talaga namin mahulaan ang gusto niyang gawin. Ganoon ba siya kasabik na makita si Reyden?
Pasimple namin siyang sinundan. Buti na lang walang guard na nakakita at sumita sa amin. Nakita namin silang magkayakap ni Reyden sa dulo ng hallway. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang tulalang mukha ni Reyden. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Agad kaming lumapit ni Ate Bel.
"Nina.." Pag-aalala kong tawag nang makita kong wala siyang malay.
Panandalian akong nakaramdam ng kaba hanggang sa sabihin ni Ate Bel na okay lang siya. Nawalan lang siya ng malay.
Napabuntong-hininga ako. Basta si Ate Bel ang nagsabi, okay na ako.
Tinulungan ko si Reyden na buhatin ang mga gamit niya at tumuloy na kami sa parking lot. Napansin ko ang kakaibang tingin sa akin ni Ate Bel. Kanina pa siya tingin nang tingin sa akin na parang meron siyang gustong sabihin na hindi niya masabi.
Sumulyap ako sa rear view mirror. Wala pa ring malay si Nina. Nakarating kami sa mansyon.
Inilapag ni Reyden si Nina sa kama. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala.
Sa kabila ng lahat ay alam kong magiging okay din si Nina.
Muli akong napabuntong-hininga. Nagpaalam ako sa kanila na kailangan ko na ring umuwi.
Tinitigan akong muli ni Ate Bel. Minulagatan niya ako. Ano bang gusto niyang sabihin?
"Okay then, I'll just leave her to you Ate Bel." Sabi ni Reyden.
"Ako na ang bahala kay Celine." Sabi naman ni Ate Bel.
Nanlaki ang aking mga mata. Hindi tinatawag ni Ate Bel na Celine si Nina. Never niyang pinagpapalit si Celine at Nina dahil nakikita niya ang hindi namin nakikita.
Napatingin ako sa nakahigang si Celine sabay tingin muli kay Ate Bel. Umiling siya. Nakuha ko na ang gusto niyang sabihin.
Pasimple akong tumango. Tipid na ngumiti si Ate Bel. Alam ba ni Nina na mawawala na siya sa katawan ni Celine? Kaya ba ganoon ang ikinikilos niya kanina? Wow, that Nina, hindi man lang niya kami sinabihan. Lagot siya sa akin bukas, kukutusan ko talaga siya!
Naunang lumabas ng kwarto si Reyden.
"Let's wait for her call." Mahina kong sabi kay Ate Bel bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Kinuha ni Reyden ang mga traveling bags niya sa trunk ng kotse saka siya tuluyang nagpaalam. Bago siya pumasok sa bahay nila, "Bro, good night. See you tomorrow!" Sigaw ko.
Sigurado ako, huling gabi na ito na makakatulog siya ng mahimbing. Kapag nagising si Celine bukas without any memories of these past 5 years, masasaktan si Reyden. I don't want to see him devastated but it's Nina's decision to keep her secret away from him; ayoko naman siyang pangunahan.
Sumakay na ako ng kotse at nagdrive pauwi.
-----------------------------
Reyden
I got up late. Ramdam ko pa ang pagod sa trabaho at sa biyahe. Binuksan ko ang shower at hinayaang dumaloy ang mainit na tubig sa aking katawan. Ang sarap sa pakiramdam.
Gising na kaya si Nina? I need to give her the ring. Kailangan ko na ring sagutin ang tanong niya four years ago. Pakiramdam ko magtatampo na siya sa akin kapag pinagpaliban ko pa.
Excited na ako. Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya? I think I need to say sorry dahil hindi ko talagang napaghandaan ang proposal ko. But thinking that she's Nina, maybe she wouldn't mind. Masaya siya kahit sa mga simpleng bagay lang na ginagawa ng ibang tao para sa kanya.
Nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok. I made sure that I look good. Kinuha ko ang kahon ng singsing at binuksan ito. Pinagmasdan kong muli ang singsing sabay ngiti. Huminga ako ng malalim. This is it! Ibinulsa ko ang kahon.
Mabilis akong tumungo sa mansyon at umakyat sa 2nd floor. Kumatok ako pagtapat ko sa pinto ng kwarto ni Nina.
Pinagbuksan ako ni Ate Bel. Pumasok ako. Nakita kong mahimbing pa ring natutulog si Nina.
"Tulog pa rin siya." Sabi ko.
"Yup." Sabi ni Ate Bel.
Nakita ko si Ethan na nakaupo sa veranda.
"Hey, umuwi ka ba?" Biro ko sa kanya sabay upo sa upuan sa tabi niya.
Tumawa siya. "I actually couldn't sleep properly kaya pumunta na lang ako rito." Sagot niya.
Napangisi ako. Mukha nga siyang puyat na puyat. "Why? Are you that worried about Nina?"
"Nope. I'm thinking of something else." Sagot niyang parang wala sa sarili.
Hindi ako sanay makita siyang matamlay. Kakaiba ang ikinikilos niya mula pa kagabi. Napatingin ako kay Ate Bel. She seems worried na hindi ko malaman. May kakaiba sa expression ng kanyang mga mata. Anong problema ng dalawang ito? Nag-away ba sila?
"Okay lang kayo?" Hindi ko na napigilang magtanong.
Napatingin sila sa akin. Hindi sila sumagot. Napakunot ang noo ko.
"Hey guys, what's happening? Hindi ako sanay na tahimik kayong dalawa." Masigla kong sabi hoping na mag-iba ang mood nila.
Tumayo si Ethan at tinapik ako sa balikat. Pumasok siya sa loob at umupo sa gilid ng kama ni Nina.
"She's waking up." Tawag ni Ethan.
Agad akong tumayo at lumapit kay Nina.
Abot tenga ang ngiti ko nang makita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata.
"Nina!" Malambing kong bati sa kanya.
Napalitan ng pangamba ang aking mga ngiti nang hindi man lang siya nagsalita. Hindi siya kumukurap at hindi man lang siya ngumingiti. Hindi ko makita sa kanyang mga mata ang pagkasabik na makita ako.
Patuloy niya kaming tinitigang tatlo. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin.
Sumulyap ako kay Ate Bel at Ethan. Mukhang hindi rin nila inaasahan ang reaksyon ni Nina.
"Nina?" Tawag kong muli sa kanya.
"Reyden?" Patanong niyang tawag sa pangalan ko.
Nginitian ko siya. "Are you okay?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "Why are you inside my room?" Nagugulumihanan niyang tanong.
Nanlaki ang aking mga mata. Bakit iba ang tono ng boses niya? Bakit iba ang pagkakabigkas niya sa bawat salita?
Napatingin siya kila Ate Bel at Ethan. "Who are you?" Tanong niya.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Seryoso ba siya? Anong ibig niyang sabihin? Hindi niya naalalala sila Ate Bel at Ethan?
"Nina..." Tanging nasabi ko.
Tumingin siyang muli sa akin.
"Why do you keep on calling me Nina? My name is Celine." Sabi niyang naguguluhan.
Napalunok ako. Lumayo ako ng ilang hakbang sa kanya.
Lumapit si Ate Bel at sinipat ang kanyang noo.
"I'm Nurse Bel. I'm your private nurse. Kumusta ang pakiramdam mo?" Mahinahon at nakangiting tanong ni Ate Bel.
Lalong napakunot ang noo ko. What the hell is happening?
Tumayo si Ethan. "I'm Ethan, you may not remember but we're really good friends." Sabi niya sabay ngiti.
Bahagyang ngumiti si Nina. Si Nina nga ba siya o si Celine? Napahawak ako sa aking noo. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko inaasahang mangyayari ito. Bakit ngayon pa? Nakapa ko ang kahon ng singsing sa aking bulsa. How can I give this to her?
"Yeah. I think I know both of you. I just can't remember the details." Patuloy ni Celine.
Ilang sandaling walang nagsalita. Sinulyapan ko si Ethan. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
"I think I need to go. I'm happy you're back. I'll see you around." Sabi ni Ethan kay Celine.
Tumango lang si Celine na parang wala siyang pakialam na aalis na si Ethan.
"Celine. I'll be outside, if you need anything, tawagin mo lang ako." Sabi ni Ate Bel.
Muling tumango si Celine. Lumabas si Ethan kasunod si Ate Bel.
Bumuntong hininga ako sabay lunok. Lumapit ako kay Celine. Gusto ko siyang hawakan pero parang may pumipigil sa akin. Ang mga titig niya, ibang-iba. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Ito na ba ang oras na sinasabi ni Ethan na pwedeng mawala si Nina at bumalik si Celine?
Oh God! Please! Alam kong nandyan lang si Nina sa loob ni Celine. Paano ko siya ulit palalabasin? I want her back! Naalala ko ang mukha niya nang yakapin niya ako kagabi, punong-puno ito na pagmamahal para sa akin. I want to see that face again. I can't accept this, how can she change all of a sudden? Hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko siya!
--------to be continued-------
Thank you for reading!!! Bukas po ulit.
Thank you rin po sa lahat ng nagcomment at natuwa sa pagbabalik ng I Am Nina!!!