Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
03
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

04.

49.6K 1.9K 2K
By maentblack







Demrene's Point of View

Hila-hila ko si Maddy palabas ng gate habang masayang nakangiti. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano nagpadala si Eris sa kamandag ko. I don't know why he closed his eyes when in fact he don't need to do that because he don't have feelings on me. That's ridiculous. I'm laughing. 1 point, Eris. Kaunti na lang at magugustuhan mo na rin ako.

Ilang years ko na rin siyang sinusuyo at nililigawan pero ngayon lang ulit siya kumagat ng ganoon. I feel blessed. Gagamitin ko nga ulit 'yung bagong pabango ni Mama.

"Hibang ka na talaga, Dem!"

Sandali kaming napatigil sa paglalakad nang kumawala sa hawak ko si Maddy at batukan ako. Napataas naman ang kilay ko habang tumatawa.

"I know right. Matagal na akong hibang kay Eris and finally, napaamo ko s'ya kanina. You saw that? Muntik ko ng halikan yung kissable n'yang lips!" Mahinang saad ko ngunit sapat na para marinig niya.

Akmang kukurutin niya ako sa singit pero kaagad akong umilag. "Hey!" I said while laughing. Hindi ko pa rin talaga mapigilan yung kilig.

"Paano na lang kung dumating si Xyzhie at makita ka n'yang hinaharot mo 'yung boyfriend n'ya? Alam mo naman kung gaano kaimpluwensya ang pamilya nila rito sa University, di ba?" Nag-aalalang tanong ni Maddy.

Bahagya namang napawi ang ngiti sa aking mga labi at sandaling napaisip. Yes, she's right. Yun din pala ang kulang sakin. Talo rin ako ng Xyzhie'ng iyon sa impluwensya rito. She's rich. Ako? Medyo lang. Hindi pa sigurado 'yon. Pero ano bang pake ko?

Lumapit ako kay Maddy at marahan siyang inakbayan, "Chill, Maddy. Bakit ako matatakot? I have you and your back, right? Yakang yaka n'yo 'yung pamilya nina Xyzhie. I am sure of it." I said confidently.

Maddy rolled her eyes. "Yah, you're right but not all the times, Dem. Kaya kung ako sa'yo, give some limits sa panghaharot mo d'yan kay Eris. Baka mamaya sa sobrang pagmamahal mo sa kan'ya wala ng matira sa'yo ha? You have me pa naman, hindi lang si Eris yung nandyan, no."

I felt guilty. Sa pagkakataong ito, tama ulit s'ya. Pero anong magagawa ko. Maddy, my best friend makes me happy but Eris, my loves makes me more happy. Bata pa ako and I should enjoy this moment. Mahirap naman kung lagi na lang tayong nagpapaka-kj sa buhay.

Minsan, masarap gawin yung mga bagay na bawal at hindi pwede. Dahil sa pagtanda natin, hindi na ulit na'tin 'yon magagawa. Life is too short. We must enjoy this life while we're still living.

Pumikit ako at niyakap s'ya. I tapped her back three times and estrange myself on her. "Thank you, Maddy. I appreciate it. Yung concern mo and yung mga advice mo pero di ba? Mas masaya kung pipiliin natin kung saan tayo masaya."

"Are you really happy? Kasi sa nakikita ko, you're in pain and in jealous. Don't me, Demrene. I can see it in your eyes. Nasasaktan ka sa tuwing nakikita mo 'yung dalawa." She exclaimed with a frail voice.

I slightly smile. "Oo naman. Sira ka ba? Gagawin ko ba 'tong mga kalokohang 'to kung hindi ako masaya kay Eris? Di ba hindi? Sino ba namang tanga ang gagawa ng isang bagay na hindi naman s'ya sasaya. It's like you're wasting your time on nonsense." I stop and take a deep breath. "And yes, nasasaktan ako pero parte na 'yon ng pagmamahal so wala akong pake. Hintayin na lang natin 'yung oras na magsawa ako kay Eris. Kung hindi pa rin n'ya ako magugustuhan, edi..." Nakakita ako ng kaunting spark sa mata ni Maddy and I smiled. "Gagawa ulit ako ng paraan. Hehe."

"Ang bitch mo talaga, Dem!" Maddy slapped me so I run.

Tawa ako nang tawa habang hinahabol niya ako para hampasin. Papunta kami ngayon sa parking lot at medyo madilim-dilim na rin.

Saka lang kami tumigil sa pagtakbo nang matanaw na namin ang nakatayong si Matt sa tabi ng itim na kotse. Nakasandal ito habang nakatungo at may kung anong pinipindot sa kaniyang telepono.

"Kuya, I'm sorry, we're late! Eto kasing si Dem, napakakupad!" Sumbong ni Maddy sa kuya niya nang makalapit kami.

"Ako pa ngayon ang makupad. Ikaw nga ang nahuhuli sa pagtakbo!" Asik ko naman.

Nakita ko ang pag-iling ni Matt sa aming dalawa. He put his phone in his pocket at lumapit sa'min. Tumigil ito sa harapan namin ni Maddy.

"Pumasok na kayo ro'n sa loob. I have meetings to attend." Said Matt.

Maglalakad na sana kami ni Maddy papunta sa loob ng sasakyan ngunit napatigil ako nang marahang abutin ni Matt ang aking bag.

"Let me take care of it, Dem. Doon ka umupo sa tabi ko." Nakangiting saad niya.

Kaagad naman na pumagitna si Maddy sa amin at binawi ang bag kong hawak ng kuya niya.

"Hey, kuya! 'Wag nga yung best friend ko! Dito kami ni Dem sa back seat! Dyan ka mag-isa sa drivers seat. Halika na, Dem. 'Wag mong pansinin 'yan." Inis nitong saad.

"Hoy. Ikaw ha. Bakit sinisigawan mo ako e kuya mo ko! Mas matanda ako sa'yo. Tsaka anong gusto mo, gawin n'yo kong driver?" Tinignan ulit ako ni Matt. "Dem, doon ka sa tabi ko." Hindi pagpapatalo nito.

"Matagal ka naman na naming driver! Bakit ngayon ka lang nagreklamo. Hay nako, kuya Matt. Sinasabi ko sa'yo, wag si Dem. Hindi 'to chix!" Sigaw ni Maddy rito.

Napairap na lang ako sa pagbabangayan ng dalawa. Hindi ko na matiis ang sigawan nila kaya binuksan ko na ang passenger's seat na katabi ni Matt. Tumingin ako kay Maddy at kumindat.

"Don't worry, Maddy. Hindi naman ako papakagat sa kuya mo. Asawa ko na si Eris, 'di ba? Bawal ang kabit. Masama 'yon. At tsaka..." I paused. "Tangina mo, hindi ka rin chix!"

Pagkasabi ko noon ay tumatawa akong pumasok sa loob ng sasakyan at naupo. Narinig ko naman ang mapang-asar na tawa ni Matt nang makaupo rin s'ya sa driver's seat.

"1 point for Dem. 0 point for Maddy. Lol!" Pang-aasar pa ni Matt sa kapatid habang nagdadrive.

"Shut up, Kuya! Feeling mo nakakatawa 'yon?" Asar na saad ni Maddy.

Tinawanan ko na lang din sila pagkatapos ay ibinaling ang atensyon sa daan. Maddy knows that I am just kidding. I don't have to say sorry or explain for it.

Alam naman n'yang nakikipagbiruan lang ako and sometimes, ako naman yung nababara n'ya. Mas malala pa nga kapag binabara n'ya ako, e.

Matt is just 23 years old. Kami naman ni Maddy, parehas 21 years old. Mas matanda lang ako sa kan'ya ng 2 months but we're still at the same age.

Palaging ganyan si Matt. I don't call him Kuya kasi sabi n'ya wag ko raw s'yang tatawaging kuya kasi once na nagkuya ako sa kan'ya, he will call me "baby" and it's a big yuck.

Kilala na namin ni Maddy na babaero ang kuya n'ya. Hindi nga namin alam kung bakit ganon s'ya when in fact dalawang babae ang kapatid n'ya. Panganay si Matt, sunod si Maddy and yung bunsong babae na si Missy.

Paano kung dumating yung panahon na magmahal sina Maddy ng lalaki and the guy will cheat on her. Karma is a bitch pa naman. Hindi ba n'ya naiisip 'yon since lalaki s'ya?

Pamilya pa naman sila ng maiitsura at mayayaman. Madali para sa kanila ang maloko at manloko. But who knows?

Si Destiny nga lang pala ang may alam kung paano lalaruin ang love.

"Kita na lang tayo bukas, Mads ha." Pagkababa ko ng sasakyan ay nakipagbeso agad ako kay Maddy. Ganoon rin ang ginawa niya.

Mabilis lang ang byahe dahil hindi gaanong traffic. Himala nga 'yon, e. Dapat nga hindi nila ako hinahatid dahil mas una ang bahay nila Maddy kaysa samin. Bumabalik pa sila sa 6th Road Avenue pagkadaan dito sa'min.

"Sasabay ka ba bukas?" Maddy asked.

Umiling ako. "Hindi na. May dadaanan din ako sa Mini Store bukas para kay Eris. Sige na. Uwi na kayo. Have a safe drive!"

"Teka, sino ba kasi 'yang Eris na 'yan? Kanina ko pa naririnig 'yang pangalan na 'yan ah." Napalingon kami ni Maddy kay Matt nang magsalita ito. Nakikinig pala ito samin kanina pa. Haha.

"None of your business, kuya. Magdrive ka na nga. Good night, Dem! I love you!" Kaagad na sambit ni Maddy habang tinutulak ang kuya niya.

"I love you, too!" Tumatawa kong sagot.

"I love you more! Hehe." Nakisawsaw naman si Matt kaya malakas siyang hinampas ni Maddy sa braso.

Umiiling-iling na lamang akong tumalikod at lumakad papunta sa gate. Nakaalis na sila't lahat, rinig ko pa rin ang bangayan ng magkapatid.

Ano kayang feeling ng may kapatid? Ng may kuya tsaka ng may ate? Feeling ko naman masaya kasi may mga taong handang magtanggol sa'yo ng hindi nagdadalawang isip. They will be at your side when you need someone's advice or to lean on.

Pero... hindi ko naman na kailangan yon. I have myself. Bukod do'n, I have Mama and Papa. I also have Maddy in my life. Para na rin s'yang kapatid sa'kin ang pagkakaiba nga lang, ako yung ate. Sya pa rin iyong bunso. Peste!

Pagkapasok ko ng bahay, bumati agad ako kay Mama. Si Papa, maagang nakatulog kaya hindi na ako nakabati.

Umakyat naman na ako sa aking kwarto at pagkatapos ng lahat ng gagawin ko ay nahiga na. Hindi ko natapos 'yung problem solving sa General Mathematics. Medyo nahirapan ako kaya kokopyahin ko na lang 'yung sagot ni Maddy.

Ayokong pahirapan si self. Kawawa si self. Papagurin ko pa ang sarili ko kung meron naman akong Maddy na matutularan. Aww. How brainy?

--

Kinaumagahan ay nagmamadali akong umalis ng bahay. Sa sobrang sarap at ganda ng panaginip ko ay hindi na ako naalimpungatan. Sino ba naman ang gustong magising sa isang panaginip kung saan ramdam mo na yung intense part kasama si Eris?

Malayo na 'yung byahe namin, e. Sakay kami sa kabayo. Nakasakay ako sa kabayo kasama s'ya at siya iyong nangangabayo.

Nakayakap pati ako sa matigas niyang tiyan habang tinitignan ang kan'yang masayahing mukha. Ramdam ko pati roon na gustong gusto ako ni Eris. Na mutual ang feelings namin. Hays.

Alam n'yo ba 'yong panaginip na parang totoo? Pakiramdam ko magkakatotoo 'yon, e. Yung parehas kaming nakasakay sa kabayo tapos nangangabayo s'ya.

Yun na 'yung date naming dalawa. Ayoko pa talagang gumising noon e! Kainis. Kabayu-kabayuhan pa naman!

Nabili ko na rin ang paburitong pagkain ni Eris na lagi kong binibili sa kanya at lagi n'ya rin namang tinatanggihan. Nasasaktan ako pero keri lang. Kakainin n'ya rin ito.

"Hey, Demrene. Doon daw magkaklase si Mrs. Urzula sa 4th floor. Room 4-A1. Bilisan mo ah. Nandon na rin si Maddy!" Pagkapasok ko pa lamang ng classroom ay malakas na boses agad ni Yerrie ang bumungad sa'kin.

Kaya pala walang tao rito sa room. Lagot na, na-late ako sa first class. Shit!

Mabilis akong pumunta sa table ko at kinuha ang books and notebooks na kailangan ko. 4th floor pa 'yon at baka ma-late na naman ako nito kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.

Ano nga ulit room? 4-A1?

Kaagad akong napatigil sa pagtakbo nang ma-realize kung kaninong room iyon.

"O fuck! Room nina Eris! Oh my god!" Kinikilig kong saad nang mapagtanto ang bagay na iyon. Kapag sinuswerte ka nga naman.

Minsan lang ipag-combine ang section namin pati ang section nina Eris. Lower section kami at higher section sila kaya minsan lang. Yung ibang pare-parehas na higher section madalas ipag-combine, e.

Chance ko na 'to! Tutunawin ko sa tingin si Eris. Sana lang hindi sila magkatabi ni Xyzhie. Pero ano pa nga bang inaasahan ko?

Pagka-akyat na pagkaakyat ko pa lamang sa Room 4-A1 ay sumigaw na ako. Hindi ko alam kung bakit ako sumigaw. Ang sigaw na iyon ay nakuha ang lahat ng atensyon ng nasa loob ng classroom. Nakalimutan kong kasama nga pala namin ang higher section dahil sa sobrang tuwa.

Dahan-dahan at nakangiti pa rin akong lumakad papasok sa loob. Hindi ko inalintana ang tawanan at bulungan ng ibang estudyante sakin. Sanay naman na iyong mga kaklase ko sa'kin pero itong mga kasama namin, alam kong hindi kaya ganoon na lamang sila kung tumingin.

Dukutin ko kaya mata nila.

Narinig kong sumitsit sa'kin si Maddy kaya kaagad akong bumaling ng direksyon. Nagserve s'ya sakin ng upuan malapit sa kinauupuan ng grupo nina Eris.

Sinasabi ko na nga ba, katabi na naman ni Eris ang pesteng Xyzhie na iyon. Sige! Akbayan mo pa yang bwisit na babaeng 'yan Eris! Napakataksil mo sa'kin!

"Ikaw talagang babae ka, di ka na nahiya! May kasama tayong ibang section oh." Suway kaagad ni Maddy pagkaupo ko sa tabi n'ya.

Tumawa lang ako. "Bakit? Nahihiya ka?"

"Hindi! Eh mas walang hiya pa nga ang ginagawa mo kesa sa pagsigaw mo kanina, e." Bulong niya sakin na ikinatawa ko naman. This girl really knows me.

"Keep silent, class! Especially you, Ms. San Mateo." Suway ni Mrs. Urzula sakin.

Nginitian ko lang naman ito at humingi ng pasensya. Mabait naman si Mrs. Urzula. Not to mention but we're close. Gan'yan lang talaga 'yan kapag nasa oras ng klase. Kapag klase, klase. Bawal ang biruan.

Habang nagkaklase si Mrs. Urzula, hindi napapagod sa kakatitig ang mata ko habang pinagmamasdan si Eris. Tsk, Eris naman kasi, bakit kasi hindi pa ako?

Eris is my ideal type of guy. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa kan'ya na kahit nagmumukha na akong tanga, pinililit ko pa rin ang sarili ko na magustuhan n'ya ko kahit 0% na yung tsansa na pinaparamdam n'yang hindi n'ya talaga ako gusto.

Pero naniniwala naman ako na kapag may tyaga, may Eris. Kaya konting tyaga pa, Demrene, mailalaga mo na 'yang si Eris.

"Okay, class. We're going to make an experiment using large amount of ice cube. But before we start...uhmm," napadpad ang tingin ni Mrs. Urzula sa aming hilera. "Mr. Eris can you please get some ice cube from the ice storage?"

Napatingin naman ako kay Eris na kasalukuyang nakataas ngayon ang kilay at nakatingin kay Mrs. Urzula.

Inalis nito ang pagkakaakbay kay Xyzhie at tumayo. "Sure, Mrs."

Maglalakad na sana papalabas si Eris ngunit mabilis din akong tumayo. "Wait!" Sigaw ko. Tumingin sila sa'kin. "Baka po kailangan ni Eris ng tulong. I volunteer po. Samahan ko na lang s'ya." Pagpapaalam ko kay Mrs. Urzula.

"No need. I can handle." Masungit na saad ni Eris pagkatapos ay pinagpatuloy ang paglalakad.

Pero hindi ako nagpapigil at humabol pa rin sa kan'ya. Hindi naman na ako pinabalik pa ni Mrs. Urzula. Narinig ko naman ang pagsigaw ni Maddy ng pangalan ko pero hindi ko na rin iyon nilingon.

Medyo malayo –layo na rin ang naihahakbang ni Eris kaya mas binilisan ko ang takbo. Halos hapuin ako nang maabutan ko siya.

Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din si Eris. Bakas ang inis sa kilay, noo at mata niya. His two hands are in his pocket and standing straight in front of me.

Nakatingala naman ako dahil medyo mataas siya sa'kin. Omg, ang lapit namin sa isa't isa!

"Stay back. Bumalik ka na ro'n." Suway niya sa'kin.

Umiling naman ako. "Ikaw na nga yung tutulungan e! Mabigat kaya yung ice cube! Nakapagbuhat na ko n'yan kaya alam ko!"

"Sinabing kaya ko na. Alis! Balik do'n." Pagpapaalis pa rin niya sakin.

Umirap ako at nagpatiuna sa paglalakad. "Bahala ka d'yan. Ang sungit nito."

Alam ko naman na susunod si Eris kaya umuna na ako. Siya iyong inutusan ni Mrs. Urzula kaya s'ya rin dapat yung magdadala.

Kasunod ko na si Eris nang parehas kaming makapasok sa loob ng ice storage. Bago kami pumasok rito, sinuot muna namin iyong makapal at mahabang jacket na sadyang nakalagay dito sa labas ng storage bago pumasok sa loob.

Dala rin namin pagpasok ang isang malaking bucket upang paglagyan ng malalaking ice cube.

Si Eris ang kumukuha ng ice samantalang nakatayo lang ako malapit sa may pinto.

Hawak ko ang pinto dahil hindi pwedeng isara kapag may tao sa loob. Sa labas lang iyon nabubuksan.

Pinanuod at nilibang ko na lamang ang sarili ko habang nilalagay niya ang mga tipak ng yelo sa loob ng bucket.

Kahit saan talagang anggulo tignan, ang gwapo n'yang panoorin. Kaninong breed kaya siya inihalo? He looks so perfect!

"Ilang ice raw ba ang kailangan?" Tanong ko kay Eris para naman may mapag-usapan kami kahit papaano pero nakailang minuto na akong naghihintay sa sagot niya ay hindi man lamang ito sumagot.

Parang wala siyang narinig na tanong mula sa'kin. Ano? Bingi bingihan, Eris? Deadma mo ang beauty ko?

"Binibilang mo ba? Hehe?" Muli kong tanong.

"Shut up, Demrene." Tanging usal nito.

Napatikom naman ako ng bibig ngunit hindi ko maiwasan ang mapangiti. Hindi ko alam kung bakit kinikilig ako sa tuwing nagsusungit s'ya. Tanga ko siguro, no? Hahaha.

Habang hinihintay na mapuno ang bucket, tumalikod muna ako saglit para ayusin ang malaking jacket na ito sa kaliwa kong kamay. Ang haba masyado. Nangangalay ang kanang kamay ko sa pagpigil ng pinto para hindi magsara.

"What are you doing'?"

"Ay palaka!"

Dahil sa gulat ko ay nabitawan ko ang pintong kanina pang hawak. Hindi ko inaasahan ang pagsulpot ni Eris ng ganoong kabilis. Wala rin akong ideya na gugulatin niya ako.

"Fuck!" Mura ni Eris nang makitang nagsarado ang pinto. Nabitawan n'ya ang bucket at akmang hahabulin ang papasarang pinto ngunit hindi na namin iyon nahila pa.

"Anong ginawa mo?" Sigaw ni Eris sa'kin.

Napalunok ako ng laway. "Sorry! Hindi ko sinasadya! Ikaw kasi... g-ginulat mo ko!"

"Ginulat? Hindi sinasadya? Seryoso ka ba? Paano tayo lalabas nito!" Galit niyang saad. Kita ko ang usok na lumalabas sa bibig niya dahil sa lamig.

Ganoon rin ako. Pati ang hiningang inilalabas ko sa ilong ay may malamig na usok na rin.

"Hindi ko talaga sinasadyang bitawan yung pinto! Ayoko rin naman makulong dito sa loob ng yelo, no!" Sambit ko sa kan'ya pero parang hindi siya naniniwala.

"Kung alam ko lang na pinaplano mo 'to, hinayaan na sana kitang ikaw na lang ang kumuha. Look what you've done! Minsan kasi pairalin mo rin 'yang utak mo, wag puro landi." Napahampas si Eris sa pinto at inis na kinamot ang ulo.

Napatungo naman ako. Hindi ako makapagsalita dahil sa lamig na bumabalot sa katawan ko. Mahina ako pagdating sa mga ganitong sitwasyon. Ayoko ng sobrang lamig dahil maninigas talaga ako.

Kung babalakin ko man na makulong kami ni Eris sa isang kwarto ay hinding hindi rito. Mamamatay ako sa ganito. Mas okay pa sana kung sa kwarto ko, sa cr, sa elevator o sa kahit saan, wag lang talaga dito. Hindi ko kakayanin dito kahit kasama ko pa sya.

Napapikit ako at pinagdaop ang mga kamay. Sinubukan kong kumuha ng init sa loob ng kili-kili ko pero hindi iyon sapat. Naglakad ako papunta sa sulok ng silid upang gumawa ng sarili kong init.

Galit si Eris.

Hindi ko rin siya masisisi kung bakit ganon ang tingin niya sakin. Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nakuhang intindihin o tumawa man lang sa sinabi n'ya kahit alam kong nasabi n'ya lang iyon dala ng kaniyang galit.

Inayos ko ang makapal na jacket nang makaupo ako sa sulok. Pinagdikit-dikit ang katawan ko ng sobrang higpit at hinipan ang dalawang palad.

Ilang beses kong hinipan ang dalawang palad ko at medyo nakakaramdam ako ng init pero hindi pa rin iyon sapat dahil doble ang lamig na nararanasan ko.

Sana naman may taong tumulong samin!

Maddy, I need your help!

Makaramdam ka sana na nasa panganib kami...

Tatayo na sana ako para gumawa ng paraan upang humingi ng tulong ngunit naramdaman ko ang isang makapal na tela na lumapat sa harapan ko. Naramdaman ko rin ang malambot niyang kamay habang inaayos ang pagkakapatong ng jacket rito.

"Hey. Relax, okay? I'm sorry." Narinig ko ang boses ni Eris na kasalukuyang nasa harapan ko ngayon.

Binabalot niya sa'kin ang suot niyang jacket. Parehas kaming nanginginig sa lamig pero mas matindi ang panginginig ko.

"P-paano k-ka?" Nahihirapan kong bigkas. "L-lalamigin ka kung w-wala kang j-jacket."

Umiling ito at parang nainis. "Stop worrying about me. I can bear it." Kalmado niyang tugon ngunit bakas rito ang panlalamig.

Pumikit naman ako at napayuko. Ang sarap sanang kiligin sa mga oras na ito pero parang wala akong panahon para landiin s'ya. Naninigas na ako sa kinatatayuan ko at kahit anong gusto kong gawing galaw ay hindi ko magawa.

I feel stunned and frosted.

"Give me your hand." Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.

I opened my eyes and I saw him, sitting in front of me. His lips is still in color red. Medyo nanginginig na rin ang chin niya.

"Let's share our body heat. Maya-maya rin ay magbubukas na rin ang pinto pero bago pa tayo mamatay dito because of coldness, I don't have any choices but to hold your hand and share the heat." He looked at me seriously. "C'mon, akin na ang kamay mo."

Dahan-dahan ko namang inilabas sa loob ng jacket ang kamay ko at inabot ang kamay niya.

Nang maabot namin ang kamay ng isa't isa, mariin niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Nararamdaman ko ang kaunting init sa kamay niya papunta sa katawan ko at nananatili sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay pinapainit nito ang tiyan ko at kinikiliti.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong hinihipan niya pareho ang aming mga kamay. Binibigyan niya iyon ng init galing sa kaniyang hininga. Parang effective ang kaniyang ginagawa dahil kakaunti na ang lamig na nararamdaman ko ngayon.

Napatingin ako sa kan'ya habang abala siya sa paghipan ng aming mga palad. Iginalaw ko ang aking kamay at nakuha noon ang kaniyang atensyon para mapatingin sa'kin.

I smiled. Nagbabakasakali akong ngitian niya ako pabalik ngunit nagulat ako nang ilang sandali pa ng paghihintay ay ngumiti rin ito. Kakaunting ngiti ngunit napasaya niya ako roon. Nakukuha ko ng kiligin sa mga oras na ito.

Lumunok ako ng laway kahit na parang wala na akong laway. Bahagya akong lumapit sa kaniya at walang pasabing inalis ang kamay niyang nakahawak sa'kin at niyakap siya.

Matagal akong nakayakap sa kan'ya. Kulong na kulong ako sa malapad niyang dibdib. Kahit na ramdam kong hindi n'ya ako niyayakap ay patuloy pa rin ako sa pagyakap rito. Mas hinihigpitan ko pa.

"You're too much, Demrene San Mateo. You're chancing me." I heard his husky voice while saying those words. Mas kinikilig ako at hindi ako na-ooffend na sinasabihan niya akong chancing.

Totoo naman e. Chinachansingan ko s'ya. I am using this situation to hug him. Paano kasi kung hindi ko na ito magawa sa kan'ya? Paano kung hindi ko na sya mayakap? Paano kung wala ng oras para mangyari 'to? Kaya dapat lang na sulitin ko na.

"This is not a chancing. Kailangan ko rin ng init kaya huwag mong bibigyan ng malisya." Ilang sandali pa ay nagsalita siya.

Napalunok ako nang unti-unting lumapat ang dalawa niyang kamay sa likuran ko at hapitin ako papalapit sa kan'ya.

Napapikit ako dahil sa dobleng saya at kilig. I feel so warm. Ito yung mga tipo ng yakap na gustong gusto ko. Yakap na galing sa taong gustong gusto mo. I also feel so safe around his hug. I want more.

Isiniksik ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib at pumikit. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kan'ya at parang ayaw ko ng lumabas ng silid na ito.

Lord, handa na po akong mamatay kasama si Eris. Maaari n'yo na po kaming kunin at ikasal sa inyong palasyo.

"Eris," banggit ko sa pangalan n'ya habang nakapikit. I gulped and take the shot. "Gusto kita... gustong gusto kita, Eris... kahit nasasaktan na ako. Gusto pa rin kita." Mahinang saad ko at pakiramdam ko ay maluluha ako dahil sa halo halong nararamdaman.

Bahagya namang lumuwag ang pagkakayakap niya sakin ngunit nanatili ang kaniyang kamay sa akinh likod. I heard his deep sigh.

"I'm sorry, Demrene, pero... hindi kita gusto at malabong magustuhan kita. I'm really sorry. I hope after this, you'll stay away from me." He paused and suddenly my eyes are going to burst. Hindi ko alam pero parang mas masasaktan ako sa mga susunod pa niyang sasabihin.

"I have a girlfriend at ilang beses ko na rin sinabi na mahal ko s'ya. Don't hurt yourself kaya tigilan mo na rin ang paghahabol sa'kin. You're pretty and you deserve someone better and it's not me."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakapikit ako at nakayakap sa kan'ya. Nararamdaman kong umiiyak na ako ngunit hindi ako makahagulhol dahil sa lamig. Patuloy lang ang pag-iyak ko.

Sobrang sakit... Dobleng sakit noong sinabi n'yang hindi s'ya ang lalaking para sa'kin. 

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 1.2K 49
Eleazar Girls Series #1: Book 3 of 3 [COMPLETED] They had the best friendship of all. But they also had the worst pain of having that rule to protect...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
452 84 35
Do you believe that all that is happening in the world is a coincidence? Or are you one of those who believe that our life was already written before...
6.2K 791 125
MERAKI TRILOGY 2 | Completed An epistolary... Are you familiar with RPW? In other words, pekeng mundo. Have you ever been into this world? If not...