The Other Side of the Door [C...

By chezzy_kirin

91.7K 1.4K 57

Sabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal... More

The Other Side of the Door
CHAPTER 1: THE NERD
CHAPTER 2: LOVE AT FIRST SIGHT
CHAPTER 3: DO RE MI
CHAPTER 4: UNWANTED BESTFRIEND
CHAPTER 5: MANGO THIRTEEN
CHAPTER 6: THE NEXT TARGET
CHAPTER 7: FIRST MOVE
CHAPTER 8: FIRST KISS
CHAPTER 9: MOMENT
CHAPTER 10: JEEPNEY
CHAPTER 11: SHE'S DATING THE NERD
CHAPTER 12: ONE SIDED LOVE
CHAPTER 13: LIL SISTER
CHAPTER 14: ENCHANTED
CHAPTER 15: PAYBACK TIME
CHAPTER 16: BETTER THAN REVENGE
CHAPTER 17: JEALOUSY
CHAPTER 18: STUCK WITH YOU
CHAPTER 19: MINE
CHAPTER 20: LET'S GO AND CHEAT
CHAPTER 21: JOYRIDE
CHAPTER 22: 10 YEARS AGO
CHAPTER 23: WHAT MAKES YOU BEAUTIFUL
CHAPTER 24: SLEEPOVER
CHAPTER 25: 1 VS 1
CHAPTER 26: GF VS BFF
CHAPTER 27: END ZONE
CHAPTER 28: BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 29: BATANGAS ESCAPADE
CHAPTER 30: SECRET REVEALED
CHAPTER 31: I HEART YOU
CHAPTER 32: THE MAN FROM HER PAST
CHAPTER 33: PICTURE OF YOU
CHAPTER 34: ACCEPTANCE
CHAPTER 35: CONFESSION AND PAIN
CHAPTER 36: THANK YOU
CHAPTER 37: GOODBYE
CHAPTER 37: BROKEN
CHAPTER 38: OUR MEMORIES TOGETHER
CHAPTER 39: TEARS
CHAPTER 40: I'LL WAIT FOR YOU
CHAPTER 41: CONFRONTATION
CHAPTER 42: MOMENT OF TRUTH
CHAPTER 43: AWAY
CHAPTER 44: REBOUND
CHAPTER 45: CHANGE
CHAPTER 46: GRADUATION DAY
CHAPTER 47: COME BACK
CHAPTER 48: I MISS YOU
CHAPTER 49: THE NEWS
CHAPTER 50: BESTFRIEND'S TALK
CHAPTER 51: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER (Savannah and Louis-PIPIto and DALDALita)
CHAPTER 52: REALIZED
CHAPTER 53: COURAGE
CHAPTER 54: HOW AND WHY?
CHAPTER 56: CHALLENGE OF LOVE
CHAPTER 57: SWEET AND SOUR
CHAPTER 58: MY STRAWBERRY GIRL
CHAPTER 59: FUNNY FEELINGS
CHAPTER 60: WANT U BACK
CHAPTER 61: TO MAKE THINGS RIGHT
CHAPTER 62: COKE FIGHT
CHAPTER 63: IRRESISTABLE
CHAPTER 64: FRIENDS AGAIN
CHAPTER 65: COLD-HEARTED
CHAPTER 66: WHERE IS SHE?
CHAPTER 67: SAVING NATALIE
CHAPTER 68: AUCTION
EPILOGUE
FINAL AUTHORS' NOTE
ANNOUNCEMENT:

CHAPTER 55: COUPLE'S GOLDFISH

875 15 0
By chezzy_kirin

[Chezter's POV]

Nasa tapat ako ng mcdo at hinihintay si Bea. Ngayon kasi yung usapan namin na pupunta kami sa art exhibit. Neexcite ako, ngayon lang kasi ako makakapunta sa isang art exhibit. Matagal ko na kasing pangarap magpunta sa ganun kaya lang hindi naman ako makapunta dahil wala akong kasama. Ayaw akong samahan ni Kenneth.

Wala pang 15 minutes akong nakatayo sa tapat ng mcdo ng matanaw ko si Bea. Ang ganda naman yata ng suot niya para lang sa isang art exhibit? May iba pa ba siyang pupuntahan at ang ganda ng gayak niya? Plain blue,3/4 sleeves at mid length dress with matching belt at saka pink na sling bag. Tapos naka black sexy cut out lace heels siya. Di naman kami magdadate ah? Bakit ganyan gayak niya?

"Kanina ka pa ba?" tanong niya agad sa akin ng makalapit siya sa pwesto ko.

"Hindi naman, nauna lang ako sayo ng 15 minutes. Bakit pala ganyan suot mo? May pupuntahan ka pa bang iba?" tanong ko habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa.

"Ah, hindi naman. Special lang kasi tong araw na ito para sa akin. Hehe." nahihiya niyang sabi sa akin.

"Ah..Bakit ano bang meron ngayon?"

"H-ha? Wala wag mo ng alamin. Tara na, para maenjoy natin ung exhibit." yaya niya sa akin.

Lumabas na kami ng mall at nagtaxi na lang para mabilis kaming makapunta doon. Nakakahiya din naman kasi kung magjeep kami eh ganda ng suot niya. Ako? Anong suot ko? Simple lang. White long sleeved polo at maong lang, syempre saka rubber shoes, alangan naman naka tsinelas ako di ba? Haha.

Nakarating na kami sa exhibit. Marami rami ring tao yung nandito ngayon. Nakakatuwa kasi ang laki nung lugar tapos ang dami pang nakadisplay na mga animals and insects. Gusto ko silang iuwi lahat, ang cute nila eh.

"Chezter, tignan mo oh. Ang cute nung painting, sa unang tingin akala mo parang binaboy lng yung gawa, pero pag matagal mo ng tinignan, makikita mo yung talagang nakapaint." sabi ni Bea habang nakatingin dun sa painting.

Lumapit naman ako dun at tinignan ung painting na sinasabi niya.

"Asan? Di ko makita." di ko naman talaga kasi makita eh. Kaya ayaw ko ng mga abstract painting eh. Di mo na nga makita yung pinaka pinaint, mukang binaboy pa yung mga kulay.

"Ayun oh, kita mo ito, ito yung mama bear, ito naman yung papa bear at itong pinaka maliit ung baby bear." paliwanag niya habang tinuturo yung mga bilog na hindi ko naman maintindihan kung bear ba talaga.

Pilit kong pinipihit yung ulo ko pakanan at pakaliwa para makita ko yung sinasabi niya kaya lang hindi ko talaga makita eh. Mukha na nga yata akong tanga sa ginagawa ko eh.

"Hindi ko talaga makita eh. Pasensya na. Ayoko talaga ng abstract." simangot kong sabi sa kanya.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya yung magkabilang pisngi ko mula sa likod ko at inilapit yung mukha ko sa painting.

"Tignan mo kasi mabuti."

"Hindi ko nga makita eh, naduduling na ako."

Narinig ko naman yung buntong hininga niya.  Binitawan na rin niya ako pagkatapos at hinarap ko siya. Malungkot yung mukha niya.

"Bakit malungkot ka?"

"Kasi favorite ko yung mga abstract painting eh. Gusto ko sana na maappreciate mo yung mga ganung klase ng painting kaso mukang hindi mo yata gusto. Ang cute cute nga nung painting eh." malungkot na sabi niya.

"Er, sorry naman. Ayoko talaga ng ganun eh ang gulo sa utak."

"Hmp, nakakainis ka."

Napabuntong hininga na lang ako. Sayang naman yung pinunta namin dito saka yung outfit niya kung malulungkot lang siya di ba? Pasasayahin ko na lang siya. Ah, alam ko na.

"Tara sama ka sa akin. May pupuntahan tayo." Hinila ko siya sa kamay.

Lumabas kami ng exhibit. Sa tabi nun may malapit na park kaya dun kami dumiretso. May nakita naman akong nagtitinda ng cotton candy at dun ko siya dinala.

"Anong gagawin natin dito?" takang tanong niya.

"Kain tayo cotton candy!" masayang sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin.

"Sige na wag ka ng malungkot. Libre ko naman yung cotton candy kaya wala kang babayaran,"tinignan ko yung mga cotton candy,"anong kulay ba gusto mo?"

"Psh, pasalamat ka gusto kita." bulong niya.

"Ano yun? Alin ang gusto mo?" napatingin ako sa kanya at bigla siyang namula.

"A-ano...y-yung kulay p-pink." nauutal niyang sabi.

"Okay, manong 2 nung kulay pink." 

Iniabot naman agad ni manong ung 2 cotton candy. Binigay ko kay Bea yung isa. Kinuha naman niya agad.

"Thank You."

Tumango lang ako at nginitian siya.  Naglakad kami patungo sa isang bench at naupo.

"Bakit hindi ice cream ang binili mo? Eh di ba sabi nila kapag umiiyak daw o kaya naman galit, ice cream ang binibigay?" -siya

Napakamot ako ng ulo ko. Dapat ba ice cream?

"Ice cream ba dapat ang binibigay? Hindi ko alam yun eh. Yaan mo next time iyon naman ang ibibili ko sayo."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo nakakatawa ka talaga. "

"Hala bakit naman? Mukha ba akong clown?"

"Hindi. Nakakatawa kasi yung mga kilos at papanalita mo. Kahit hindi mo alam, may napapasaya kang tao."

Napangiti na lang ako ng pilit sa sinabi niya. Kahit hindi naman niya sabihin, clown ang tingin niya sa akin eh. T.T

"Hehe, pag kaubos mo niyan saka tayo bumalik sa exhibit."

"Okay." tapos kinain na niya yung cotton candy niya.

Maya maya pa, biglang nagring yung phone ko. Pagtingin ko sa screen, si Mama pala.

"Saglit lang Bea ha, sagutin ko lang yung tawag ni Mama." paalam ko sa kanya.

Pinindot ko ung 'answer' button.

"Hello Ma?....Opo..Ngayon na?..Ok sige po..." tapos binaba na ni Mama yung call.

"Anong sabi ng Mama mo?" tanong ni Bea.

"Ah, may pinapadaanan lang sa akin." sagot ko.

"Ubos ko na yung cotton candy, balik na tayo sa loob?" tanong niya.

"Ah kasi Bea, kelangan ko na kasi ngayong dumaan dun sa pinapadaanan ni Mama eh, okay lang ba sayo kung ikaw na lang ang bumalik dun?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Ganun ba? Adeh...sama na lang ako sayo." nakangiti niyang sabi.

"Okay." 

At sumakay na kami ng taxi. Inuutusan ako ni Mama na dumaan sa hospital. May pinapakuha siya eh. Nang makarating na kami, agad kaming bumaba at pumasok na sa hospital.

"Ospital? May sakit ka ba?"  tanong ni Bea habang papasakay kami ng elevator.

"Ah hindi. May pinapakuha lang si Mama ko. Doctor kasi si Papa dito. Si Mama ko naman, businesswoman. Madalas niyang isama si Papa sa mga business trips niya. Gusto niya kasi sa bawat bansa na pupuntahan niya, kasama si Papa para daw may memories sila."

"Eh pano yung work ng Papa mo?"

"Ah yun ba, okay lang naman na magleave si Papa sa work niya.  Assistant Director naman siya dito eh. Saka, mga vip lang yung mga nagiging pasyente niya."

Nang makarating na kami sa 3rd floor, agad kaming lumabas at tumungo sa office ni Papa.

"Ang galing naman. So, kung halimbawang magpapatingin ako, pwede bang Papa mo maging doctor ko kahit hindi ako vip?" tanong niya.

"Oo naman, ako magsasabi sa kanya. Teka, may sakit ka?" napahinto kami sa paglalakad.

"Hoy ah, wala. Halimbawa lang naman yun eh." sabi niya at naglakad na ulit kami.

Ilang sandali pa at nakarating na kami sa harap ng office ni Papa. Kumatok muna ako ng tatlong beses saka binuksan ung pinto. Pagkapasok namin nakita ko si Papa na nakaupo sa may chair niya at mukang busy dahil ang daming papers sa table niya.

"Pa." tawag ko kay Papa, tinignan naman niya ako at tumayo.

May iniabot naman sa akin si Papa na envelope. Wow, ha hindi ko pa sinasabi alam na agad yung kukunin ko. Hindi naman siya manghuhula ah, alam ko doktor ang trabaho niya eh. Napatingin naman siya kay Bea.

"Oh anak, girlfriend mo? Hindi mo man lang sinabi na meron ka na." nakangiting sabi ni Papa.

"Ah..hindi po. Hindi po niya ako girlfriend. Kaibigan lang po niya ako." pagtanggi ni Bea. 

Ano ba itong sinasabi ni Bea, eh girlfriend ko naman talaga siya eh,kaibigang babae. 

"Ah ganun ba? Pasensya na iha, akala ko gf ka niya. Alam mo bang simula ng magbinata yan eh hindi pa nagpapakilala sa amin ng babae?" pagkkukuwento ni Papa. Hay nako, eto na naman siya, idadakdak na naman niya na ang buhay ko bilang single.

"Papa, tama na yan. Aalis na po kami. Pinakuha lang to ni Mama." tinaas ko yung envelope.

"Haha, ikaw talaga anak, ayaw mo kinukuwento ko sa iba yang pagiging single mo forever." tapos tumawa ng tumawa si Papa. Nakitawa din naman tong si Bea.

"Haish, Papa naman eh. Nakakahiya kaya." sabi ko saka hinawakan si Bea sa kamay. "Alis na kami Papa." paalam ko sa kanya.

Nang makalabas na kami sa office ni Papa, tinignan ko si Bea at nakangiti siya habang nakatingin sa mga kamay namin.

"Oh wag mong sabihin na pinagtatawanan mo ako?" sabi ko kanya at nagsimula ng maglakad. Ewan pero hawak ko pa rin yung kamay niya. Eh baka kasi mamaya, mawala siya dito sa ospital na ito, ang laki kaya saka mamaya bumalik siya dun sa office ni Papa eh magpakwento pa ulit nung tungkol sa akin.

Bigla naman siyang napahinto. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya dun sa isang painting na nakasabit sa wall. Tinignan ko din yun at may nakasulat dun sa bandang baba nung painting, sa may gilid.

"Beautiful Dawn." basa ko dun sa nakasulat.

"Ang ganda no?" nakangiting sabi ni Bea.

"Ah oo. Kaya lang ang gara, sa dami ng ipapaint bakit madaling araw pa?" 

"Alam mo kasi konti lang ang nakakaaprreciate ang ganda ng view kapag madaling araw. Try  mo minsan lumabas ng ganung oras, tignan mo ang ganda lalo na kapag papalitaw na ang araw."

"Talaga? Sige try ko minsan."

"Tara na?" tanong niya sa akin.

"Ah oo." 

Madilim na din nung umalis kami sa ospital. Dumaan muna kami saglit sa bahay ng tita ko para idaan yung envelope. Sabi kasi ni Mama, ideretso ko na kay Tita ung envelope. Pagkabigay ko kay tita nung envelope, umalis na agad kami ni Bea.

"San tayo ngayon niyan?" tanong niya sa akin.

Napaisip naman ako, sayang naman kung pauuwiin ko na lang siya agad di ba? Sayang ang outfit niya eh. Ah, alam ko na, dalin ko na lang siya sa night market. Alam ko may night market malapit dito eh.

"Punta na lang tayo sa night market?" 

"Meron dito?" 

"Oo, alam ko kasi merong night market dito eh." 

"Tara! First time ko makakapunta sa ganun eh." excited niyang sabi.

Nagtungo na kami dun sa night market. Manghang mangha si Bea, mukang first time nga niya. Ang daming mga stalls. Kung titignan para kang nasa isang japanese festival, ung sa mga anime. Ang daming mga panindang foods, mga laro at iba pang mga tinda. Nagsimula na kaming maglibot. Habang nag iikot kami, bigla na lang may nakaagaw ng pansin ni Bea kaya napahinto siya.

"Try natin un." turo niya dun sa isang stall.

Tinignan ko naman yung stall.  May mga nakaupo tapos mukang may hinuhuli sila sa tubig. Wag mong sabihin na nilipat na ang fish pond dito? Nilapitan ko yung stall para makita ko mabuti. Pakakita ko, tama nga ako, may hinuhuli sila. 

"Arghh, ang hirap naman nito bee eh, wag na lang ito ang ipakuha mo sa akin." reklamo nung lalaki habang may hawak na parang panghuli kaya lang butas tapos parang gawa lang sa tissue.

"Eh bee naman eh, sige na. hulihin mo na para sa akin. Tignan mo ung iba oh, nakakahuli tapos binibigay sa girlfriend nila." sabi naman nung babaeng katabi niya.

"Tsk sige na nga." tapos nagtry ulit ung lalaki at after ilang beses ng panghuhuli, nakahuli siya.  Gold Fish pala yung hinuhuli niya. Sus,nagpapakahirap pang hulihin pwede namang bumili na lang.

Nakita ko si Bea na naglalabas ng pera sa bag niya.

"Oh anong gagawin mo? May bibilhin ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Magtatry ako niyan." turo niya dun sa  mga gold fish na nasa isang lalagyan. Seryoso, pati siya?

"Bumili ka na lang niyan hindi ka pa mahihirapan." tapos ngumiti ako sa kanya.

"Eh ayoko. May napapanuod akong ganito sa mga anime eh, saka mukang masaya, challenging!" sabi niya at nagbayad na dun sa mamang bantay nung stall. Binigyan siya nung panghuli na manipis na parang gawa lang sa tissue.

Naupo na siya dun sa tapat nung lalagyanan ng mga isda at nagsimula ng manghuli. Naupo din ako at tinignan siyang manghuli. 

"Ayan! Sayang naman oh, huli ko na sana." pagsimangot niya. Mahuhuli na kasi dapat niya ung pinakamalaking gold fish kaya lang pagkaangat niya nung panghuli, biglang nabutas. Napatawa tuloy ako ng malakas.

"Tawa tawa ka diyan. Sipain kita eh." tapos tinignan niya ako ng masama. Nanahimik tuloy ako, nakakatakkot pala siya tumingin kapag naiinis.

"Manong isa pa." sabi niya at nagbayad ulit kaya binigyan ulit siya ng bagong panghuli.

Hay, nag aaksaya lang siya ng pera eh, yaan mo na mayaman naman eh haha. Siguro nakaka 5 beses na siyang umuulit pero wala pa rin siyang nahuhuli. Yung muhka niya hindi na talaga maipinta.

"Waaah, gusto ko talaga ung gold fish na yun eh." iyak niya sa akin. Hay, ang babaw ng luha, gold fish lang eh iniiyakan.

"Ako nga ang susubok." sabi ko at nagbayad dun sa tindero.

"Talaga? Kaya mo?" gulat na tanong niya.

"Try lang." sabi ko at pinagmasdan yung mga gold fish. Kung iisipin, kapag nakuha ko ito, dagdag na ito sa koleksyon ko, may new member of the family pa mga fish ko sa bahay. Nice idea. >:)

"Manong pahingi ng lalagyan."

Nagulat naman si manong sa akin. pero binigyan niya pa rin ako. Binigyan niya ako nung plastic na may lamang tubig. Pinahawak ko yun kay Bea.

"Oy, sigurado ka bang mahuhuli mo yan at kung makahingi ka ng lalagyan parang sure na sure ka?"

Nginitian ko lang siya at tinanguan. Kapag gusto ko ang isang bagay, sinisigurado kong makukuha ko, kaya gold fish, akin ka hahaha.  At dahil nga determinado akong makuha si Mr. Gold Fish, unang try ko palang nakuha ko na at agad isinilid sa plastic na may tubig. Wahahaha. 

"Ang galing mo naman." sabi sa akin ni Bea.

"Syempre."  at kinuha ko sa kanya yung plastic na pinaglalagyan nung isda pero nagulat ako nung bigla niyang nilayo sa akin.

"Hoy, akin yan."

"Anong sayo? Akala ko ba kinuha mo ito para sa akin?"

"Wala kaya akong sinabi sayong para sayo yan. Akin na yan, dagdag ko yan sa mga alaga ko eh, sigurado akong matutuwa ang kanyang kapwa mga isda kapag nakita siya." 

"Eh, Chezter naman eh, maging gentleman ka naman at mapagbigay." at nagpout pa siya.

"Nako ha, hindi mo ako madadaan sa pagnguso nguso mo. Akin na dali." ayun binigay din naman siya sa akin. Kahit cute siya kanina habang nagpout siya hindi ko pa rin pwedeng ibigay sa kanya noh. Sayang naman ang pagod at pera ko kung ibibigay ko lang sa kanya.

Nagsimula na ulit kaming maglakad ni Bea.  Huminto kami sa mga food stalls at bumili ng mag pagkain. Nung mapagod na kami at napanin namin na hatinggabi na pala, nagdesisyon na kaming umuwi. Habang nanglalakad kami, tahimik lang si Bea. 

"Ang tahimik mo ah, pagod ka na ba?"

Tumango lang siya ng hindi tumitingin sa akin.

"Uy, bakit ba ganyan ka ang tahimik mo?"

"Wala." matamlay niyang sagot. Hindi na lang ako nagsalita ulit. Habang naglalakad kami, bigla na lang siyang naupo at umiyak ng umiyak. Hala, anong problema neto?

Bigla na lang siyang sumalampak sa sahig. Di kaya, baliw tong si Bea? Bigla bigla na lang umiiyak eh. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.

"Oy Bea, baliw ka ba ha?" 

Huminto siya saglit at tinignan ako tapos ngumawa na naman.

"Problema mo ba? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh. Akala nila pinapaiyak kita."

"Pinapaiyak mo naman talaga ako eh."

"Anong bang nagawa ko ha?"

"Waaaahhh, manhid ka ba talaga?"

"Hindi ah.Tignan mo masasaktan ako," tapos kinurot ko ung sarili ko,"ouch! oh tamo nasaktan ako kaya hindi ako manhid."

Napafacepalm na lang siya at tumingala.

"Waaaahhh, Lord naman eh. Magbibigay ka na lang ng taong magugustuhan ko manhid na, TANGA pa."

"Hoy anong tanga ka diyan? Sipain kita gusto mo? Makatanga ka, ikaw nga tong tanga eh. Hmp." tapos inirapan ko siya. Makasabi ng tanga eh hindi nga niya mahuli ung fish kanina.

"Ano ba kasing gusto mo para tumahimik ka na?" dugtong ko.

"Yung goldfish." mahina niyang sabi.

"Ehhh, wag yun. Pinaghirapan ko yun saka pera ko ginastos ko dun."

"Chezter! Ang sarap mo talagang batukan! Hindi mo ba nakita yung lalaki kanina, binigay niya sa girlfriend niya ung fish saka sa anime, binibigay nung lalaki ung fish sa babae."

Napakamot naman ako sa ulo ko. 

"Alam mo Bea, yung lalaki kanina, sure akong mayaman un kaya binigay dun sa babae, saka sa anime naman, ano ka ba Bea, hindi naman tayo anime eh, tao tayo tao!"

Bumuntong hininga na lang siya at tumayo saka inayos ung sarili niya.

"Che! Ang damot mo." tapos naglakad na ulit siya. Tumayo din ako at hinabol siya.

"Teka saglit."

"Wag mo nga akong sundan, damot mo!" padabog niyang sabi.

Si Bea talaga oh, goldfish lang nagtatampo na. Ibigay ko na kaya?  Tapos pag nabuntis na lang tong fish hihingin ko ung anak hahaha. Nice idea Chezter.

"Sige na nga, sayo na tong goldfish. Tsk, pero pag nanganak yan akin lahat ung anak ha?"

Natuwa naman si Bea sa mga sinabi ko kaya agad niya akong niyakap at kiniss sa cheeks.

"Waaahh,salamat Chezter, sige ibibigay ko sayo ung mga anak." masayang sabi niya habang yakap pa rin ako. Niyakap ko lang siya pabalik.

Hay, ang weird nitong babaeng to. Goldfish lang kelangan umiiyak pa? Tsk tsk, eh ano naman kung binigay nung lalaki sa gf niya ung fish? Si Bea talaga, humahanap lang ng dahilan para ibigay ko sa kanya ung fish eh.

A/N: Kamanhid manhid talaga. Hahaha. Syempre gusto niya ibigay mo din sa kanya para sweet haha.

Next Chapter Title: Challenge of Love

-KIRIN

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
209K 13.5K 67
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
10.3M 563K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."