Kabanata 22
Ernest's POV
Matagal ko ng nililihim sa anak ko ang totoo, pero may tamang oras para sabihin ko ito.
Pumasok ako sa opisina ng boss namin para tanungin kung san idedeliver ang mga papeles.
Pumasok ako at nagtama nanaman ang paningin namin ni judy.
"Goodmorning eto na yung mga papeles" sabi niya at kinuha ko naman ang mga papeles na ansa tabi niya.
Akmang aalis nako ng tawagin niya ako.
"Ernest sana magkaayos na tayo alam kong malaki ang pagkukulang ko." Sabi niya pero nanatili akong naka talikod.
Kung hindi mo lang pinampon si edison siguro ang ganda-ganda ng buhay natin ngayon....
"A-ahh maam idedeliver kona to sa baba para maayos na." Pagmamalusot ko at lumabas ng opisina niya.
Oo eto ang pinakamalaking lihim ko sa anak ko, dito ako nagtatrabaho sa kompanya ng nanay niya pero wala akong nagawa kundi ituloy na lamang ito dahil kailangan kong magtrabaho para sa anak ko.
Bumaba ako gamit ang elevator at idiniliver sa labas ito.
"Oh brad kumpleto na to?" Sabi ni boy at inilatag ko iyon sa motor niya.
"Oo brad kumpleto nayan" sabi ko na lamang at akmang papasok nako ng opisina ng makasalubong ko si
Judy....
"Ernest please humihingi ako ng pasensya sa mga ginawa ko!" Sabi niya pa "kaya eto na ang kabayaran sa mga ginawa ko ang tanggapin ka sa opisina ko." Sabi niya habang nakatingin sakin pero nakatingin lang ako kung saan.
"Judy nasa labas tayo wag tayo mag usap dito" sabi konay hinawakan ko siya sa palapulsuhan pero pinigilan niya ako.
"Ernest hindi ko alam kung anong gagawin ko pero sana mapatawad muna ako." Sabi niya at hindi ko aakalaing.
Yayakapin niya ako.
"Judy tamana hindi to tama"
"Ernest please! Ernest!"
Uhhhh!!!
Napasigaw siya sa tunog ng isang.
Baril!
At ramdam ko ang pagpasok ng bala sa katawan ko, nanatili akong nakayakap sakanya pero ngayon nakatingin ako kung saan.
Tangina.
"ERNESTTTTTTTTTTT!" Sigaw niya pero umiikot ang paningin ko at tuloy ang pag-agos ng dugo sa likod ko.
"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!" Tanging sigaw niya pero hindi ko namalayan ang panghihina ko at napapikit na lamang ako sa sakit.
Alexis's POV
Paghinto ng taxi agad akong lumabas at dumeretso sa loob at tinanong kung san ang kwarto ni papa.
"Ernest. Ernest david po" sabi ko at agad nila itong hinanap.
"Nasa emergancy room po, room 203" sabi ng nurse at kumaripas ako ng takbo.
Pa please wag naman sana!
At agad akong pumasok sa room non at nakita si papa na nakahilata at may nakatusok ng kung ano-ano sakanya.
"Pa, gumising kana diyan anuba ayoko makita kang ganito!" Sigaw ko at agad siyang niyakap. "Pa, pleasee kayanin mo gagawin ko lahat mapagaling kalang!" Dugtong ko at humawak ako sa sentido ko bigla akong nahilo.
Agad akong napatingin kung sino ang mga tumawag sa phone ko si katelyn ang daming missed calls.
At agad kong pnindot ang number nito at tinawagan siya.
"Ui anubaaa kanina pako tawag ng tawag asan kaba!" Sabi niya sa kabilang linya. "Sabi namin kukunin lang namin ang bag mo pero nawala kana asan ka kasama namin ngayon si russel hinahanap yung hospital!" Sabi niya pero iyak lang ako ng iyak
"Nasa manila hospital ako" walang ganang sambit ko
"Sige papunta na kami jan, dalhan ka namin ng pagkain diyan!" Sabi ni katelyn ay binaba ko na lamang ang telepono at umupo.
Tumingin ulet ako kay papa mukhang wala talaga siyang malay at malamang ooperahan siya kailangan ko ng malaking pera.
Gagawin ko lahat para sayo pa!
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ay iniluwa ito ay si katelyn at si margaux kasama si
Russel.....
"Nako alexis mukhang wala kanang kain okay kalang ba?" Bungad ni margaux at niyakap naman nila ako.
"Oh eto pagkain, dinalhan kana lang namin." Si katelyn "ay buti na lang nakasalubong namin si russel sa field at inaya niya kaming pumunta dito." Sabi niya at tumingin ako kay russel ay ngumiti lamang siya.
"Ano kamusta si tito?" Sabi ni margaux at umiling na lamang ako.
"Wala pa akong balita tungkol sakanya pero malamang kailangan niyang operahin." Sabi ko at tumingin kay papa na nakahilata.
"Si june hindi na nakasama baka bukas siya makadalaw kasi hindi siya nakapagpaalam at ako naman ay nasabi kona sa driver ko na hindi muna ako uuwi" pagpapaliwanag ng margaux at napatingin kami sa pumasok na doctor
"You are the daughter of the patient?" Sabi ng doctor at agad akong tumayo ay pinunasan ang luha ko.
"Opo. Ako po"
"Ang tatay mo ay nasa critical condition ngayon, ibigsabihin malalim ang bala na tumama sakanya at kailangan siyang operahin agad." Sabi ng doctor ay napayakap sakin si katelyn.
"So tawagin niyo na lamang ako kung may kailangan kayong sabihin." Sabi ng doctor at lumabas at iniwan kaming nakatunganga.
"Katelyn alam kong mahirap yon pero sasamaham kita okay." Sabi ni katelyn at muling bumuhos ang luha ko.
Lumabas ako ng kwarto at doon binuhos ang luha ko
Alam kong hindi ko kaya.
Alam kong hindi ako makakabuo ng ganung kalakinh pera.
Pero susubukan kong kayanin para sayo pa.
Nakasandal ako ng may lumabas sa pintuan ay iniluwa ay si russel.
"Are you okay?" Sabi niya ay sumandal din siya katulad nung sakin.
"Muka ba akong okay?" Sabi ko
"Tinatanong ko lang masama ba?" Sabi niya at lumingon naman ako sakanya.
"Kailangan kong mahagilap kung sino ang bumaril sa tatay ko."
"Tutulungan kita." Singhal niya.
"Hindi na kailangan" akmang papasok ako ng kwarto ng agad niya akong hawakan sa palapulsuhan.
"Ako ang bahala sa lahat basta papayag ka na maging kunyaring girlfriend ko." Diretsong sabi niya pero agad kong piniglas ang kamay ko.
"Pwede ba wala akong time makipagusap sayo"
"Eto ang calling card ko, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako." Sabi niya pa pero pinunit ko ang calling card niya.
"Tigilan muna ko!"sigaw ko
"Bahala ka, goodnight mauna na ako." Sambit niya na lamang at umalis sa harapan ko at sinundan ko siya ng tingin papalabas.
Pagpasok ko agad kong nakitang kumakain sila ng mga snacks na dala nila
Nagulat ako ng mangisay si papa sa harapan namin.
" PAAAA, PAAAA!!!!" Sigaw ko "NURSEEEE! NURSEEEEEE!" Sigaw ko at agad naman silang pumasok ay chineck si papa.
"PAAAA!!" Luha ko at yumakap sakin si margaux at si katelyn.
"Alex relax! Mabubuhay pa si tito ernest!" Sigaw ni katelyn
Nakatingin lamang ako sa mga ginagawa ng nurse si papa pero sinalubong isa sa mga ito.
"Maam kailangan na niyang operahin ngayon dahil yung bala ay nasa pinakamalalim padin" sigaw ng nurse at inilabas si papa sa kwarto at idineretso sa operating room.
"PAAAA pleaseee tatagan mo!" Sigaw ko at tuluyan mg sumara ang pintuan ng operating room
Naupo ako dahil sa hindi kona kayang tumayo,
"Sino ba ang gumawa nito!!!" Sigaw ko at niyakap lamang ako ng dalawa. "SINOOO BAAAAA!" sigaw ko at tuloy padin ako sa pagluha.
Nanatili akong nakatingin sa pintuan ng pinasukan ni papa at tinuloy ang pag iyak.