When GANGSTERS meet the SADIST

By arkiSTEPH

10.7M 182K 17.4K

[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko... More

prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
Chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 59
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
EPILOGUE
Special Chapter

chapter 82

104K 1.7K 123
By arkiSTEPH

CHAPTER 82

Napatitig nalang ako sa kanya sabay lunok. Hindi ako makapag isip ng maayos. Hindi ako nananaginip o nag iimagine, talagang magkayakap kami.
Nagulat na lang ako nung higpitan n'ya lalo ang yakap sa'kin kaya halos maubob na ako sa dibdib n'ya.

Oh my! Grabe talaga, nawala ang antok ko bigla dahil sa gulat. Kagigising ko lang pero parang luluwa na ulit ang mga mata ko.

Ang pintig ng puso niya, rinig na rinig ko at sobrang linaw. Iba pala ang pakiramdam pag ganito kayo kalapit ng taong gusto mo 'no? Yung 'di ka makapag isip ng dapat gawin, yung magugulat ka nalang pati pag hinga mo kakaiba na.

Tiningala ko ang ulo ko para tingnan ang mukha n'ya. Lalo nanlaki ang mga mata ko nung maya maya ay tila naingayan siya sa alarm at dahan dahan din niyang iminulat ang mga mata.

Pagkadilat na pagkadilat n'ya ay napatitig siya panandalian sa'kin hanggang sa mag sink in sa utak n'ya ang posisyon namin.

Ang laki padin ng mga mata ko habang kumukurap kurap. Ganun din siya at halata sa mukha n'ya ang pagtataka kung bakit kami magkayakap.

Kaya dali dali na akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at gumulong pabalik sa kabilang side ng kama. Nanatili akong nakatalikod sa kanya ng mga ilang segundo. Ang aga aga natataranta agad ako.

Sabay kaming napabangon at tila natulala. Walang nagsasalita samin. Magkatalikuran kami ngayon. Hindi ko magawang humarap dahil namumula ako. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at pinatay ang alarm.

Nakakaloka... Paano ako napunta sa tabi n'ya. Ang awkward. Ang puso ko, ayaw kumalma.

Di kaya...

" H-hoy! Anong ginawa mo? P-paanong nangyari 'yon!" Sita ko sa kanya.

" Nothing."

" Anong nothing! Ano may bumuhat sa'kin multo para itabi sayo? Wag kang liar! Anong ginawa mo? Nakakaloka ka, sabi mo 'no hug dahil di tayo tapos pag gising ko ganoon na. Wala kang isang salita." sagot ko.Nanatili pa rin kaming magkatalikod sa isat isa.

" Abnormal."

Nilingon ko siya at hinampas ng unan.

" Mas abnormal ka!" Sigaw ko sa kanya, may sasabihin pa sana ako nung bigla siyang lumingon.

" Sa sobrang likot mo nasipa mo lahat ng unan." Sabay tingin n'ya sa sahig. Sinundan ko ang tingin n'ya kaya nakita kong nagkalat nga sa sahig ang mga unan na nakalagay sa mga pagitan namin.

" At ako, nasipa mo ko kaya nalaglag din ako sa kama." paliwanag niya. Pero nawala ng kaunti ang kunot ng noo ko, ang pogi padin niya kasi kahit bagong gising.

Tinagilid ko ang mukha ko at nag-iwas ng tingin. Baka mawindang siya sa istura kong bagong gising. Pasimple kong pinasadahan ng kamay ang mukha ko at kunwari'y inihilamos 'yon sa mukha ko dahil sa inis, pero ang totoo ay magtatanggal lang ako ng muta.

" Weh? E, bakit ka nakayakap sakin! Kala ko bawal 'yon. Tsk Tsk..." sabay tingin ko sa kanya na may pang aasar saglit.

Napangisi siya bigla, "Tss. Ibang klase... Ikaw kaya unang yumakap sakin."
Tapos yung titig n'ya kakaiba. Hindi naman siya parang nang aasar, parang sa titig n'ya ay nagsasabi siya ng totoo. Nakakainis yung tingin n'ya.

" Asa ka!" Sabay talikod ko sa kanya.

" Ni hindi nga 'ko umalis sa side ko. Ikaw ang lumapit sa'kin habang natutulog tapos niyakap mo ko."
Yung tono n'ya ngayon parang nang aasar na." Grabe ka pala mangyakap, ang higpit." aniya.

Grabe, ang bilis ng epekto ng sinabi n'ya at naramdaman ko talaga ang pag init ng mukha ko.

Ginawa ko ba 'yon? Nakakahiya naman.

" H-hoy! Pero kahit na. Dapat 'di mo din ako niyakap. Basta inosente ako,tulog ako nung nagawa ko 'yon." Sabay lingon ko ulit sa kanya. "E, ikaw! Baka nga gising ka nung niyakap mo din ako. Wah! Ikaw talaga. Bad ka!"

Napatitig lang siya sa'kin at hindi agad nagsalita kaya tinaasan ko siya ng kilay.

" Ang aga aga namumula ka agad. Highblood o kinikilig?"

Napandilatan ko siya ng mata sa sobrang gulat. Napangisi pa ako at hindi agad nakasabat dahil nawala ako sa sarili bigla. Grabe!

" Ang kapal mo! Grabe... Feeling ka. Chansing ka lang e Hahahaha!" Tinawa ko nalang. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin.

Binigyan lang niya ako ng walang emosyong tingin. " 'Di nga kita niyakap, pinulupot ko lang ang braso ko sayo para 'di ka na maglikot. Baka kasi ikaw naman ang malaglag sa kama." Sabi n'ya sabay tayo at agad na lumabas ng kwarto.

Tingnan mo nga naman, ang galing din talaga nung isang 'yon, e 'no. Isip at iisip ng paraan para magpalusot.

Ang sarap ng almusal namin 'di ba, away agad.

" Palusot.com ka pa."

Niligpit ko na ang hinigaan at ang mga unan na nagkalat. Mag isa na lang ako dito kaya dinalian ko na. Mamaya may maramdaman na naman ako.

Lumabas na rin ako ng kwarto at dumiretso agad sa banyo para maghilamos.

Magluluto kaya siya? Nakita ko kasi siya na may ginagawa sa kusina. Napangiti ako bigla habang nakatingin sa salamin at pinupunasan ang basa kong mukha.

Ipagluluto n'ya kaya ko ng almusal? Ang sweet kaya n'yon. Lagi ako nakakabasa ng ganoon o kaya nakakanuod. Yung ipagluluto ng almusal ni guy si girl.

Anong lasa kaya ng luto n'ya? Excited pa ko lumabas sa banyo pero pagtingin ko sa kusina wala na siya at andoon na pala siya sa sala nanunuod.

Baka andoon na yung pagkain, ang bilis naman n'ya magluto.

Pagdating ko sa sala...

" Nasaan na?" Tanong ko.

" Ang alin?"

Napakamot ako sa ulo. Okay, 'di pala siya nagluto.

" 'Di ka ba magluluto?"

" Mag order nalang tayo."

Gawain n'ya 'yan. Tamad nito magluto, e. Bakit ko ba kasi naisip na ipagluluto n'ya ko e instant noodles lang alam nito lutuin.

Hinila ko ang kamay n'ya. "Tara..."

Tumingala siya at tiningnan ako. "Where?"

Nginitian ko lang siya at hinila na para tumayo.

" Is this enough?" Tanong n'ya habang hawak hawak ang cup na may gatas.

Tumango lang ako habang nakatingin sa ginagawa n'ya.
Gusto ko matawa kaso pinipigilan ko dahil halata sa mukha n'ya na napipilitan lang siya sa ginagawa n'ya.

Tinuturuan ko kasi siya gumawa ng pancake. Di siya umiimik. Tatango lang o kaya gagawin lang iuutos ko.

" Haluhin mo pa." Utos ko habang naka crossed arms. "Hindi 'yan ganyan! Ganito oh."

Napatigil ako sa pagdadaldal nung bigla niyang pinisil ang pisngi ko na nagpataas ng dalawa kong kilay.

" Just leave this to me. Maupo ka nalang."

Sabay tigil n'ya sa pagpisil ng dalawa kong pisngi.

Napangiti pa ako ng unti, okay pagbigyan. Tutal may instruction naman doon basahin n'ya nalang.

Naupo ako sa sofa, excited na ko sa lulutuin n'ya. Gusto ko na matikman. Habang nag iisip ako napangiti na naman ako., e kasi naman... First time niyang pinisil ang pisngi ko. Wala lang na cucute-an lang ako sa ginawa n'ya.

Dahan dahan ko din idinadampi ang mga palad ko sa mga pisngi ko habang inaalala ang ginawa n'ya.

Tapos pagdampi ko sa pisngi ko parang may kakakaiba.

Ano 'tong nakakapa ko?

Nung pagtingin ko sa palad ko.

Napatayo ako bigla at tumingin sa salamin.

Agad na nagsalubong ang kilay ko.

'Lechugas talaga si Uriah! Puro harina ang pisngi ko.'

Madali akong pumunta sa kusina, doon nakita ko siyang natatawa at nung makita n'ya ako ay tumigil siya bigla at tinuloy ang ginagawa n'ya.

Painosente pa ang mukha n'ya. Akala mo walang ginawa, e. Tiningnan ko siya ng masama.

Mamaya ka sakin.

URIAH'S P.O.V.

" 'Di nga kita niyakap, pinulupot ko lang ang braso ko sayo para 'di ka na maglikot. Baka kasi ikaw naman ang malaglag sa kama."

After I said it, I stormed out of my room

I sat on the couch and turned on the TV.

Iba ang topak ng babaeng 'to. But her humor make me fall deeply for her.

I smiled unconsciously as I remembered kung paano kami nagising.

I know how hard it is to stop your hormones from raging whenever you're together.

I went to the kitchen and get a glass of water. I took a deep breath while staying here in the front of the sink.

If she only knew how hard my situation last night until this morning.

Ang hirap magpigil knowing that she was sleeping beside me. Then lumapit pa siya at niyakap ako. Damn.

I almost out of breath that time because I don't know what to do. I stiffened. assure myself that nothing will happen.

At ng dahil dun, lalo ko siyang dapat bantayan. Paano nalang kung ibang lalaki ang kasama n'ya? Ang dali n'ya lang mapagsamantalahan. Tss!

Pasalamat talaga at napigilan ko ang sarili ko.

And as a man, I have to set in my mind that I need to protect and respect her.

There's a right time for that thing. Hindi ako agad nakatulog noon damn it. Kaya inaantok pa ako ngayon.

Mga bandang 5:00 am na siguro ako nakatulog and the fact that the time now is 7:35 am. F*ck.

And I'm telling the truth, waras siyang matulog. Nabalik ako sa sala at tinuloy ang panunuod.

I switched the channel, looking for the news.

The other part of the Region was devastated because of the Typhoon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ang mga kasama ko, we need something to do.

" Nasaan na?" She appeared from nowhere and then asked me.

" Ang alin?" I replied.

" 'Di ka ba magluluto?"

Oh, she mean breakfast.

" Padeliver nalang tayo." I answered, then put down my phone. I can't take off my eyes from the TV.

" Tara..." Then she grabbed my hand and pulled me.

I looked at her and asked " Where?"

And she didn't answer, instead she just gave me a wide smile. The smile that I can't resist.

" Is this enough?" I asked while holding a cup of milk.

I glance at her, she nodded like a child and that was... cute. A half smile formed on my face.

I never imagined I'll do this kind of thing together with her. Doing this kind of stuff is gaysh*t.

Madalas nag oorder lang kasi ako ng breakfast o kaya minsan si Kurt ang nagluluto para sakin.

Sige lang ang utos n'ya at sige lang ang sunod ko. I don't like cooking but now I'm enjoying it because she is with me.

" Ang tanda mo na dapat marunong ka magluto!"

She is now scolding me because I don't know how to cook. Pinipitik n'ya din ang braso ko pag mali ang nagawa ko.

Paano pag mag asawa na kami? I think I'm going to be a battered husband.

She's a truly sadist, but I find it cool. That's the one factor why I like her so much.

I gave her a blank stare, then I pinched her cheeks to shut her up.

Parang ayaw ko na alisin ang mga daliri ko dahil sa lambot ng pisngi n'ya. Damn.

" Just leave this to me. Maupo ka nalang."

Baka hindi ako makagawa kakanakaw ng tingin sa kanya. I'll just read the instruction.

Natahimik siya at tinignan lang din ako. Her cheeks turned into red.

I stop pinching her and then she walked towards the living area.

I bowed and shut my mouth very tight.

Muntikan na ako mapahalagpak sa pagtawa nung umalis siya. She doesn't have any idea na puro harina ang daliri ko. Flours scattered on her cheeks.

Sumilip ako sa sala. Natulala ba siya? Bumalik na ulit ako sa ginagawa ko. Mukhang gutom na siya.

But damn! I can't help it. Natatawa talaga ako pag naalala ko yung pisngi niyang puro harina.

Napatigil ako saglit sa ginagawa ko dahil pinipigilan ko ang sarili ko sa pagtawa. Mahina lang naman so she can't hear me.

" Hahhaha... Pffftt."

Muntikan na ko mapamura nung para siyang multo na biglang sumulpot sa kusina at nakatingin sa'kin ng masama.

I quickly switched my mood into serious face and continue mixing.

Di ko siya tiningnan at kunwari ay busy ako sa ginagawa ko hanggang sa umalis siya dito sa kusina. 'di ba siya manghahampas o gaganti?

Sinundan ko siya nang tingin habang lumalakad palayo.

Oh, is she mad?

AGATHA'S P.O.V.

Naupo ako ulit sa sofa habang pinupunasan ang pisngi ko.

Pang asar talaga 'yong Uriahngutan na 'yon.

Ay teka! Grabe pala 'yong bagyo 'no? Sobrang nasalanta yung ibang lugar. Kawawa naman. Ipagdadasal ko nalang sila. Maidonate na nga yung iba kong damit na hindi ginagamit. Buti na nga lang 'di na malakas ulan e. Ambon ambon na lang pero makulimlim pa rin ang langit.

Maya maya...

" The breakfast is ready."

Okay kalma, dapat magmukhang 'di ako affected sa ginawa n'ya kanina.

Tiningnan ko siya. "Okay." sabay ngiti ko sa kanya. " Dito nalang tayo kain sa sala."

Parang naweirduhan siya nung ngumiti ako. Bumalik siya sa kusina at kinuha ang pagkain para ilagay dito sa center table ng sala. Umupo kami sa sahig.

Ui ang taray, ang ganda ng pagkakaluto n'ya ng pancake. My honey pa. Nakakagutom 'yong itsura. Parang ang sarap sarap.

" Ay ayoko nito. Wala ka bang milo?" Tanong ko sa kanya.

" 'Di ba gatas din iniinom mo?'

" 'Di na, milo na."

Pero ang totoo gatas nga ang iniinom ko pag umaga. Gusto ko lang siya inisin.

" Wait..." Sabay tumayo siya.

Napatingin ako ulit sa pancake. Gutom na ko.

Napatingin ako bigla sa pinto nung marinig ko 'yon bumukas. Hala! Lumabas pa siya?

Wala na bang milo sa kusina? Ay yaan mo na nga. Dahil lumabas na siya ay ininom ko na 'yong gatas. Sayang 'to mamaya itapon n'ya, e.

Mga ilang minuto ay bumalik na siya. Mukhang nagmadali pa siya sa pagbili.

Pagbalik n'ya dito sa sala ay dala na n'ya 'yong milo na nasa tasa.

" Nasaan na 'yong gatas?"

Tanong n'ya nung makaupo na siya.

" Ininom..."

" Ininom mo na?"

" Ha? Hindi ah. Ininom nung lababo." Sabay turo ko sa kusina." Tinapon ko na kasi doon. Hehehe."

Sabay tiningnan n'ya ko ng kakaiba na para bang naweirduhan na naman siya sa sinabi ko. Okay na 'yon, parang bibig din naman 'yong lababo 'di ba? Napatingin ako sa buhok niya at suot niya, feeling ko nagpaambon siya. Pasaway.

"Nagpaambon ka?" tanong ko, kaso nagkibit balikat lang siya. Ano hindi siya aware sa paligid niya. Loko 'to.

Nagsimula na kami kumain at unang tikim ko palang...

" How is it?" tanong niya.

Okay, poker face muna ko.

" Okay lang." Pero wow! As in wow ang bongga ng luto n'ya ang sarap.

Mukhang mabibitin ako sa luto n'ya. Ayan na nga ang sinasabi ko, gutom pa ko. Meron pang pancake sa plato n'ya. Ang bagal n'ya kumain kasi nanunuod siya.

Yan lang kasi madalas n'ya panuorin, kung hindi movie balita naman.

Gusto ko sana pasimpleng kunin 'yong pancake sa plato n'ya kaso nakakahiya. Wag na nga.

At yung milo? Ayon 'di ko ininom. Siya uminom.

Nakakainis kasi, e pinagtripan n'ya ko kanina.

1 hour later...

Di n'ya ko kinakausap, galit kaya siya?

Ako ngayon yung nasa mahabang couch siya naman 'yong nasa 1 seat sofa.

May balak pa sana ko gawin e, akala n'ya tapos na ang pangtitrip ko 'di pa 'no. Gusto ko lang malaman reaksyon n'ya.

Okay dapat galingan ko ang pag arte...

" Akk... Uriah..." sabay hawak ko sa dibdib ko. Kaso 'di siya lumingon.

" Hikkkk... Hikkkk..." At kunwari ay namimilipit ako. "Hikkk... Hikkk... Uriah!" This time ay napatingin na siya sa'kin at nakita kong nagulat siya.

Mabilis siyang lumapit sakin. "What happened?"
Tanong niya habang nakahawak sa dalawa kong balikat at sinisilip ang mukha ko. Kaya todo acting naman ako. Kita ko sa kanya ang sobrang pag aalala.

" Hikkk... Nakalimutan ko sabihin may allergy ako sa honey. Hikkk."
Naghabol ako ng hininga at kunwaring sinusumpong ng allergy.

Mabilis n'ya akong binuhat. At feel na feel ko ang pagkakabuhat n'ya sa'kin na para bang bagong kasal. Napakagat ako sa labi para pigilan ang sarili kong matawa. Oh my!

Nakakailang hakbang palang siya ng bigla siyang tumigil pero patuloy pa rin ako sa pag acting.

" Honey?" bulong niya sa sarili at tila nawala ang tensyon sa mukha niya.

May papikit pikit pa akong ginawa para makatotohanan. Then naramdaman ko nalang na bigla n'ya ako padabog na ibinababa sa couch. Hindi naman masakit pero anong nangyari?

" Stop acting Agatha." Ramdam ko ang inis sa boses n'ya kaya bigla akong kinabahan.

" Shrimps, crabs, oysters lang nagpapaallergy sayo." Dagdag n'ya.

Agad akong napadilat sa sinabi n'ya. Napatingin ako sa kanya na tila nagtatanong. Paano n'ya nalaman 'yon? Ang bilis naman n'ya ko nabisto.

" Don't be surprised, because I know you very well from the start. So don't try to tell me lies."

Sabay lumakad siya papasok sa kwarto.
Agad akong napabangon. Kinabahan ako, mukhang nagalit ata siya.

Pati pala 'yon alam n'ya din. Grabe, talaga bang pinag-aralan n'ya lahat ng tungkol sakin?

Then agad naman siyang lumabas, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa pumasok siya ng banyo, hala. Galit na nga.

Tanghali na...

Pagkatapos ko mag ayos at pagkatapos n'ya maligo ay umalis na kami ng penthouse.

Andito na kami sa kotse kaso 'di n'ya pa rin ako kinakausap. Nagalit nga talaga siya sa ginawa ko.

Parehas kaming nanahimik, ano bang pwede kong gawin?

Tingin sa kanan, kaliwa, taas, baba kaso wala pa rin ako maisip. Kantahan ko kaya siya? Tama.

Ay teka lang, matext nga si Ethan.

'Psst kapatid, anong fave song ni Uriah?'

Message sent.

Mga ilang minuto ang lumipas.

'I won't give up. Bakit?'

Oh? One of my favorite song. Buti nalang kabisado ko lyrics n'yon.

'Tanong lang. Thanks. Mua.'

Tinabi ko na ang cellphone ko.

"Ehem!"

Pakondisyon muna ko. Ipinako ko ang paningin ko diretso sa daan. Hinga ng malalim.

Okay, ready sing.

"When I look into your eyes

It's like watching the night sky

Or a beautiful sunrise

Well, there's so much they hold"

Habang kumakanta ako ay pasimple ko siyang tiningnan panandalian, ganoon pa rin siya, poker face.

Di 'yan, good mood na 'yan mamaya.

"And just like them old stars

I see that you've come so far

To be right where you are

How old is your soul?"

Bigla akong napangiti nung makita kong pasimple niyang tinatap ang mga daliri n'ya sa manibela at tila sinasabayan ang tono ng pagkanta ko. Kaya naman lalo kong nafeel ang pagkanta.

"Well, I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up."

Tumigil na ako sa pagkanta pero may ngiti parin saking labi. Syempre hanggang doon lang baka sabihin n'ya, e nagconcert na ako sa kotse n'ya.

" Ui biro lang naman yung kanina."

Sabi ko sa kanya. Sabay lingon ko sa kanya with puppy eyes. "Sorry na."

Lalo ako nagpaawa nung tumingin siya saglit sakin. "Sorry na." Sabay kurot ko sa kanya.

Di agad siya sumagot kaya 'di ko siya tinantanan at sige lang ang drive n'ya.

" Don't do it again. Hindi magandang biro 'yon." bigla niyang sabi.

Tumango lang ako. "Okay... Ang bilis talaga uminit ng ulo mo."

Tumingin siya saglit sakin.

" Okay lang magbiro, pero hindi ganoon. Paano pag magkatotoo 'yon?" Seryoso niyang tanong sakin. Mga ilang segundong walang nagsalita samin.

Maya maya ay muli siyang nagsalita at sinabing...

" Nawawala ako sa katinuan pag nakikita kang nahihirapan. Kaya wag mo na uulitin 'yon. Baka kung ano bigla ang magawa ko."

Weh? Ano ba 'yan bakit parang napapangiti pa ako. Naalala ko tuloy nung inaway ako nung mga babae sa CR tapos hinawakan n'ya at tinilapon 'yong umuntog sa ulo ko. Nakalimutan niyang babae pa rin 'yon.

Di ko maintindihan, pinapagalitan n'ya ko pero bakit parang ang sarap sa pakiramdam. Ang weird.

" Ui anong nangyari!" Pangungulit sa'kin ni Chin. Oo nga pala andito na kami sa bahay. Andito ko sa kusina kasama si Chin para magprepare ng lunch.

Si Uriah kamo? Ayon na nasa sala kausap si Mom. Ayaw pa siya pauwiin ni Mom at dito na rin daw kumain.

Ano kaya pinag uusapan nila? Mamaya kung anu ano na pinagsasabi ni Mom doon.

Maya maya magugulat nalang kami ni Chin kasi ang ingay ni Mom tapos sobrang lakas pa tumawa.

" Hoy ano na! Anong nangyari?" - Chin.

" Wala..." Sabi ko habang inaayos 'yong mga pinggan sa mesa.

" Weh?, e Bakit parang napapangiti ka? Yiieee ano? Winner ba?"

Hala! Agad agad kong pinigilan ang mapangiti at nagseryoso. Ang hirap din kasi pag naaalala mo bigla yung ibang bagay. Mamalayan mo na lang napapangiti ka na pala.

" Anong winner ka dyan?"

Sabay tingin n'ya sa'kin na parang nang aasar.

" Hahaha! 'Yong ano... 'yong ano ni Uriah..."

"ANO?" halos kumunot na ang noo ko.

" 'Yong pag aasikaso ni Uriah ang ibig kong sabihin, kung winner ba hahaha!"

Nakakaloka 'tong si Chin. Save by the bell ako nung pumunta na dito sa dining si Mom at nasa likod n'ya si Uriah. Ano? 'di pa rin ba titigil si Mom kakakwento.

Naupo na kami, pero bakit ganoon si Mom.

" Oh Uriah, kumain ka ng madami ah." sabi ni Mom habang nilalagyan ng ulam yung plato ni Uriah.

Tiningnan ko lang sila, si Uriah napangiti na lang at nagbow. Todo asikaso naman 'to si Mom. Kulang na lang ay subuan n'ya si Uriah.

Nagsandok ulit si Mom ng adobo, napangiti na ako dahil akala ko sa plato ko n'ya 'yon ilalagay kaso hindi. Kay Uriah na naman!

" Mom..." Sabi ko.

" Oh anak, kain din madami." Sabay inabot n'ya sa'kin 'yong sandok. ganoon lang? Nakakatampo na talaga.

"Kumusta naman tulog niyo kagabi?"

Muntikan na ko mabilaukan sa tanong ni Mom.

" Okay naman Mom." Agad kong tugon. Baka kasi si Uriah pa sumagot at kung anong sabihin. Tinignan kaming dalawa ni Mom.

" Good." 'Yon lang sagot ni Mom at parang napangiti pa siya.

After lunch...

Nagligpit na 'ko ng pinagkainan. Mamayang hapon pala magsisimba kami. Kanina kasi umaga dapat kaso wala pa ko sa bahay that time.

" Uriah sumama ka samin magsimba." -Mommy.

Bigla nagbago ang mood ng mukha ni Uriah, parang nag aalangan pero hindi naman makatanggi. Naku e 'di naman nagsisimba 'yan. Nakakaloka 'to si Mom. Sa susunod dito na n'ya 'yan papatirahin si Uriah.

Di naman na ako sumabat at nagpatuloy nalang ako sa panunuod sa TV. Natatawa kasi ako sa reaksyon ng mukha ni Uriah.

Di siya makatanggi e, kaso mukhang may iba pa siyang lakad. Maya maya ay nag- excuse siya at lumabas.

Dahil nacurious ako ay pumunta akong pinto. Nakatalikod siya at may tinatawagan ata.

Akala ko magyoyosi siya e, sasawayin ko sana. Syempre andito si Mom. Alam niyo naman si Mom nurse, health conscious.

" Okay na ba pinapagawa ko?... Malalate nga lang ako... Oo... Siguraduhin n'yong walang sabit 'yan."

Walang sabit? Sino kaya kausap n'ya? Ang seryoso na naman n'ya.

Aalis na sana ko ng pinto kaso nahook ako nung marinig ko ang sinabi n'ya sa kausap n'ya na...

" Sige, tsaka niyo nalang tapusin 'yan pag tumawag na ulit ako."

Ui ano 'yon? Tapusin? 'di kaya may balak na naman siyang masama? Bigla akong kinabahan. 'di ko pa rin maiialis ang katotohanan na gang leader pa rin siya, 'di kaya may ipapapatay siya? 'Wag naman!

Kasi 'di ba tapusin daw?

Nung mapansin kong binaba na niya ang tawag ay nagmadali akong bumalik sa pwesto ko kanina.

Pumasok na siya ng bahay pero 'di ko siya tiningnan at kunwari seryoso ko sa panunuod.

Napalunok ako bigla. Kailangan ko umisip ng paraan para pigilan siya. Ayoko na, dapat turuan ko siyang tigilan na ang mga ganyang gawain. Kailangan ko mag isip ng mabuti. Kailangan ko siyang patinuin hanggat may oras pa kaming magkasama. Para maisagawa ko 'yong plano ko na pakiusapan ang Dad ko na wag na silang gantihan pa once na mapunta na ko sa puder n'ya.

ETHAN'S P.O.V.

Ilang mall na ang nalibot ko pero wala akong matinong makita sa gustong ipahanap nila Uriah. Sana palang iba nalang na aasign sakin. I'm not good with this stuff.

Pahirapan ngayon dahil sa dumaan na bagyo. Makaalis na nga. Palabas na ko nung makita ko 'yong Bookstore kaya gaya ng lagi kong ginagawa ay dumaan muna ako doon. Baka sakaling may makita din ako dito but most probably mukhang wala din dito.

I bought hexagonal pencils before I leave. Napatingin ako sa paligid, parang may kakaiba akong nararamdaman. Well, maybe because this is the Bookstore where I first saw her. Impossible naman na makita ko siya dito ngayon.

Nabubugnot na ako, wala pa rin akong mahanap.

Lumabas na ko, habang dinadaanan ko 'yong ibang shops aksidenteng napalingon ako sa salamin ng Cyan shop. Nakita ko kasi 'yong malaking picture ni Doms.

At nung paglingon ko napaatras ako bigla at napatingin sa likod ko.

" Hello kuyang stalker!" Sabay kaway.

Paano ba ako magreresponse sa bati n'ya. Pinilit kong kumalma at maging normal. Nagiging abnormal na naman ako baka kung anong katangahan na naman magawa ko.

" Are you following me?" I asked. Parang nakakag*go ang tanong ko. Very wrong question. I should greet her first. Right?

And she nodded. So she's now the stalker.

" Since when?" another bullsh*t question.

" Nung papasok palang sana ko ng bookstore tapos nakita kitang palabas. Kaya a'yon sinundan kita." Then she smiled at me. Oah, her smile makes me speechless.

" Ang galing naman lagi kitang nakikita sa ganitong lugar, kumusta ka na kuya stalker? Mukhang may problema ka, e."

Para siyang bata kung magsalita at kumilos.

" Ui kuya." Sabay kaway n'ya sa harap ko kaya nabalik ako sa katinuan. Bakit ba kailangan kasi ako kabahan ng ganto pag nasa harap ko ang babaeng 'to. Tsk! Sh*t!.

"Okay ka lang?"

I just nodded at pasimpleng pinunasan ang noo ko.

" Okay sige, baka naman nakakaistorbo na ko. Ingat ka."

Matamlay ang pagkakasabi n'ya, tumalikod na siya at lumakad palayo.

Speak! P*ctha. Bakit 'di ko alam ang dapat sabihin. Gusto ko siyang pigilan. I don't know why. Parang ayoko na palagpasin ang chance na 'to. Siguro may dahilan nga kung bakit kami nagkita ngayon.

" Clumsygirl!"

And that made her stop from walking.

Too bad. Sa dami dami ng pwede kong sabihin 'yon pa. Tsk.

Tumingin siya sa'kin ng may ngiti sa labi. Bakit siya nakangiti? 'di ba siya na offend sa sinabi ko.

Agad siyang lumapit sakin. "Yes?"
Para talaga siyang bata.

" Okay."

" Anong okay?" Tanong n'ya.

Naikusot ko ang daliri ko bigla ang sa aking noo. Ano nga naman ang meron sa okay. Kulang kulang ang sinasabi ko.

" I mean I'll allow you to help me with my problem."

Seryoso kong sabi,

" Alright! So ano bang problema mo?"

Sinabi ko lang sa kanya 'yong problema. Habang kausap ko siya pasimple akong tumitingin sa iba tapos balik sa kanya.
That's another sh*t! If I nailed my eyes on her paniguradong tuluyang matutulala na ako.

" Ay ganun, wala kang mahahanap na ganoon ngayon dahil bumagyo kaya walang delivery. Meron man sira sira na."

It's okay kahit 'di n'ya ko matulungan. Gusto ko lang naman siya makausap. P*tcha ang corny.

Tumingin tingin siya sa paligid habang nakahawak sa baba.

" Ah alam ko na! Tara dali."

" T-teka."

Para may dumaloy na kuryente sa katawan ko nung hawakan n'ya ang kamay ko at hilahin ako.
And my heart is beating so fast. Mas matindi pa kesa kapag makikipag away ako.

Namalayan ko nalang na pumasok kaming National Bookstore ulit.

" Is it common for you to hold the hand of a stranger?"

Ramdam ko ang pagpapawis ng noo ko.

Tiningnan n'ya ko at agad binitawan ang kamay ko. "Opps sorry! Hehehe." Then she made a peace sign.
Ang hyper n'ya.

May kinuha siya sa section ng mga papel,

" Tadaa!" Sabay pakita n'ya ng... What's that? Ah. Okay I got it. "Ito ang gagamitin nating alternative sa kailangan mo." At tinaas taas n'ya ang dalawa niyang kilay.

And she's really cute when she did that. She is witty. 'di ko agad naisip na pwedeng gawin 'yon.

" But I don't have any idea how to make it."

" I'll teach you."

Really? She's surprised me.

" Okay ganito 'yan. Hawakan mong maigi." Seryoso siya sa pagturo sakin.

" 'Di ba weird na dito tayo nag gaganto?" Ngayon lang ata ako naweirduhan sa isang bagay. Epekto siguro 'to kapag kasama siya.

" Hah? Weird nga pero okay lang 'yan, 'yong iba nga din sa ganito gumagawa ng assignments e. Mahiya tayo kung 'di tayo umorder ng pagkain tapos andito tayo." Tumigil siya saglit at sinubo 'yong fries.

She has a point. A half smile draws on my face. I like weird things.

Di ba siya naiilang na kasama ako. Ni hindi nga n'ya alam ang totoo kong pangalan. Napapatingin pa 'yong iba samin. But I don't care.

Medyo makalat na sa mesa namin, pero okay lang naman siguro 'to.

Habang tinuturuan n'ya ako 'di ko mapigilang 'di mapatitig sa mukha n'ya.
Pag saktong mapapatingin na siya sa'kin ay agad kung tinutuon ang tingin sa ginagawa ko.

I looked at my watch, may oras pa naman ako. I still have time to bond with her, 'di ko inexpect na makakasama ko siya ngayon at mayayaya pang kumain.

Minsan may maganda ding dulot 'yong mga kasama kong g*go pag nag aadvice kahit puro kalokohan.

" Bakit ka ba lagi nasa Bookstore?"

Kinapalan ko na ang mukha ko para magtanong.

" Gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag nasa bookstore ako." Ngiting ngiti niyang sagot. "Paradise is when you're with books. Happiness is when you're reading them."

In short, she's a book lover.

" Madalas kasi pag malungkot ako pumupunta 'kong bookstore. At madalas kaya ako pabalik balik dito kasi may mga librong 'di ko pa kayang bilin kaya dito ko na lang binabasa. Hahahaha!"

She's so practical. Napangiti ako sa sinabi n'ya.
Pero agad ko 'yong pinigilan. 'di ako sanay na laging nakangiti, e. Pero ba't ganoon na lang kadali kong mapangiti n'ya ko. Tsk.

Pagkatapos n'yon 'di na ako nagtanong. Nabablangko ako bigla. Kaya siya na lang sige ang tanong at daldal.

" Ui ang ganda ng gawa mo! Artist ka talaga." Sabi n'ya habang sinusuri ang gawa ko. First time ko gumawa nito and it so... Girly. P*tcha.

Alam niyang artist ako dahil sa mga pinagbibili ko sa bookstores lagi.

My phone vibrates.
Jonas is calling.

" Excuse me." I told her. Pero 'di na ko umalis sa upuan ko. Tumango lang siya.

Then I answer the call.

" Oh?"

"Oy nasan na 'yong pinapabili! Iseset up pa 'yan!"

" Wala 'kong makita pero..."

"Anong wala! Takte yari tayo n'yan!"

Ayaw muna kasi akong patapusin.

" Pero may iba tayong pwede gawin."

"Ano 'yan ETHAN? Mamaya kung anong kawirduhan 'yan. Bumalik ka na."

G*go talaga.

" Ok."

I hanged up the phone.

" May lakad ka pa kuya Ethan. Alis ka na?"

I nodded.
Teka...

" You called me what?"

" Kuya Ethan, hehehe. Tama ba? Narinig ko kasi sa phone."

Partida hindi 'yon nakaloudspeaker. ganoon kalakas ang boses ni Jonas. That man...

" Ang cute ng name mo. Hihihi."

Is it common kung makaramdam ako ng pag iinit sa mukha nung marinig ko 'yon? What the F.

Maya maya ay nagpaalam ako sa kanya at sinabing may kailangan lang akong bilin saglit. I'm running out of time.

She insisted na sumama kaso 'di ko na pinayagan at sinabi kong tapusin n'ya lang 'yong kinakain n'ya.

Pero ang totoo pupunta talaga akong Bookstore. Bibili pa ako nung lima pang Japanese paper. Nararamdaman kong kailangan kong damihan 'to dahil tuturuan ko 'yong mga loko loko gumawa ng ganoon.

Dahil wala akong mahanap na pink roses ito ngayon ang pamalit. Thanks to Clumsy at naisipan n'ya ito at tinuruan ako kung paano gumawa ng rose made of Japanese paper. Dahil pag wala kaming naisip na paraan malilintikan kami kay Utol.

Sinadya ko ang bookshelf ng fiction stories bago pumunta sa cashier. Ito nga 'yong book. Ito dapat 'yong balak niyang basahin ngayon dito.

Bibilhin ko na, sabihin ko nalang na pang thanks giving ko 'to para pag binigay ko 'di na siya tatanggi.

" Ah, wait miss." I told to cashier.
Kinuha ko 'yong libro ulit at may inipit ako. May inipit akong maliit na flower na ginawa ko kanina gamit ang japanese paper. Dinala ko talaga 'to dito para isingit sa libro.

" Separate po 'yong paper bag nito sir?"

I nodded.

" Para po ba 'to sa gf niyo? Ang sweet niyo naman sir best seller book po namin 'to."

I just gave her an emotionless stare. Paano ba dapat ako magreact sa sinabi n'ya. Hayaan na nga.

Pagbalik ko sa jollibee...
Andoon na siya sa labas at inaabangan ako. Dito palang kita ko na 'yong ngiti n'ya.

Pinagpapawisan ako sa ngiti n'ya.

" Ah bumili ka ulit ng Japanese paper? Hehehe. Baka kulangin 'yong alambre na gagamitin niyo ah."
Puna n'ya habang inaabot sa'kin 'yong mga unang binili namin.

Oo nga pala, nakalimutan ko 'yong alambre sa sobrang tense. Meron naman siguro n'yon kina Jonas.

" So... bye na kuya Ethan! Salamat sa libre ah."

Tango lang ulit ako.
Natetense na naman ako, 'di ko alam kung aalis na ba ako o ano.

" Ahmmm..." I can do this." A-ano bang number mo?" I tried to be sound cool and speak calmly, but I uttered. P*tcha.

She looks at me. Nagtaka ata siya sa tanong ko. Tagaktak na ata ang pawis ko.

" Okay." Then she smiled.

Agad kong kinuha 'yong cellphone ko. My hand is shaking. F*ck!

Kaya naman inabot ko na lang sa kanya ang cellphone ko para siya na lang magtype. Habang nagtatype siya mabilis kong pinunasan ang noo ko at batok.

Pagkatapos na pagkatapos n'ya magtype ay umayos ako ng tayo at umarteng kalmado. Pero ang kamay ko parang namamawis.

Binalik na n'ya sa'kin ang cellphone ko.
It's time to say goodbye.

" Sige punta na kong Bookstore."

Calm down. I took a breath and say...

" Thank you." Then I grabbed her hand at pinahawakan 'yong paper bag, nakita kong nagulat siya at napatingin sa paper bag. "T-take care."

After kung iwan sa kanya 'yong book at sabihin 'yon sa kanya ay lumakad na ko ng mabilis palayo sa kanya.

" Ui teka..." sigaw n'ya. Nilingon ko siya saglit at nakita kong kinapa n'ya 'yong laman habang may pagtataka pa rin sa mukha n'ya. Bago pa n'ya ko tawagin ulit o habulin ay mas binilisan ko pa ang lakad ko sabay liko para pumuntang parking.

Dahil sa bilis ng paglalakad ko nakarating agad ako kung saan nakapark ang bigbike ko.

Naupo na ako sa bigbike habang hinahabol ang paghinga ko.

Para akong inagawan ng lakas pag naalala ko kung paano siya ngumiti at tumingin.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko. Lalo na nung yayain ko siya kumain at makuha ko ang number n'ya.

I'll considered this as an achievement. Mas masarap pa ang feeling na 'to kesa pag nananalo ko sa mga drawing contest.

Sinuot ko na ang helmet ko at 'di ko na napagilan mapangiti.

" Woah... Achievement."

Sabay napailing na lang ako at pinaandar na ang bigbike. Napapamura na lang ako sa isip dahil parang may kung anong malikot sa dibdib ko na hindi ko mapigilan. P*tcha.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 424 12
[COMPLETED/SELF-PUBLISHED] "You don't need to have a castle, a crown, and a scepter to be a princess. But it takes more than a dream to be in a fairy...
851K 29.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
140K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
270K 7.2K 13
(Pre-Book 2 of MFSBI) He's the eldest of the five brothers. Known as a prodigy in surgical operations, a talented doctor in his present age. Gifted...