So Into You

By tokkibih

19.5K 704 153

WARNING: 18+ (SPG) "Pakawalan mo na ako please..." "Hindi! Dito ka lang! Akin ka lang!" "Hindi na kita kilal... More

PROLOGUE
SO INTO YOU
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 28
KABANATA 29
TEASER
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41

KABANATA 27

284 14 3
By tokkibih



"Anak bakit mo ginawa yun?!" halos binibiyak ang puso nang ginang ng makita ang sarili nitong anak sa loob ng kulungan.


"May dahilan ako kung bakit ko yun ginawa." seryosong wika nang binata na para bang wala itong pakialam sa mga nagyayari rito.


Walang ginawa ang ginang kung hindi humagulgol na lang habang blangko lang ang ekspresiyon nang binata.

Kampante lang ang kalagayan nito dahil ilang araw lang ay makakalabas rin ito nang kulungan. Dahil meron tutulong rito para makalabas na nang tuluyan.


"Please anak huwag mo nang uulitin to.." nagmamakaawa na ang boses nang ginang. Hindi pa rin ito makapaniwala ang ginang sa ginawa mismo nang anak nito.


Halos hindi ito nakatulog nang makatanggap nito ang balita tungkol sa nangyari sa binata. Bumiyahe pa nang napakalayo ang ginang mapuntahan lang anak nito.


"Sumama ka sakin ipapagamot kita.."

Biglang nanlisik ang mga mata nang binata sa binitawang salita nang ginang.


"Sinasabi niyo bang baliw ako?!" nagsisimula na naman magalit ang binata.

"H-hindi anak, makinig ka muna. Gusto ko lang—" hinampas nang napakalas nang binata ang lamesa. Halos matakot ang ginang sa inakto nang anak nito.

"Ang gusto ko lang ay lumabas na dito at hindi na magpakita ang babaeng yun sakin!"

Hindi na nagpaalam ang binata sa ginang at dire diretso itong bumalik sa loob nang kulungan habang ay ginang naman ay naiwan luhaan.


Hindi na nito alam kung paano na ang gagawin sa anak nito.




——





JANELLA




Napapitlag siya nang biglang kumidlat sa labas. Ilang oras nang hindi tumitigil ang ulan, masarap sana matulog ngayon kaso hindi pa rin siya dinadalaw nang antok.



"Sis, papasukin mo na kaya si Mayor. Kawawa naman siya sa labas basang basa na siya." seryosong tumingin sa kanya si Juana na para bang hinihintay ang sagot niya.


Nataranta siya bigla sa sinabi nito. Hindi niya alam na nasa labas pala si Elmo.


"Ha? Nandiyan ba siya sa labas?!"


Nilapitan siya ni Juana at saka siya kinurot nito sa kanyang tagiliran. Napatili siya sa ginawa nito.


Gaga talaga ang baklang to.


"Ang sakit nun baks ha!" sigaw niya sa mukha nito.


"Paano kasi, kanina ka pa tulala diyan. Kanina pa ko nagsasabi dito na nasa labas si Mayor, hindi mo naman ako pinapakinggan."


Kanina pa nga lumilipad ang kanyang isipan.


"Lumabas ka na dun te! Kawawa na yung jowa mo dun at baka magkasakit na naman siya." inis na wika nito.

Aba bakit high blood yata ngayon si Juana. May sumpong na naman.


Nagmamadali naman siyang lumabas nang bahay at nadatnan niya ang lalaki na nakatayo sa harapan nang kotse nito at basang basa na.


"Ano ka ba bakit ka ba nagpapaulan diyan!" nagulat ito nang makita siyang lumabas.


"Janella—"


Jusko baka magkasakit na naman ang asungot na to.


"Tara na nga dito sa loob!" hinila na niya ito at baka tuluyan na rin siyang mabasa nang ulan.


Pagkapasok nila sa bahay ay nadatnan niyang wala nang tao sa maliit na sala nila at mukhang tinulugan na nga siya nang dalawang bruha. Makapagso solo naman silang dalawa nang lalaki.


Kumuha siya nang towel para ipamunas sa basang katawan nito.


Iniabot niya rito ang tuwalya at tahimik lang nito kinuha yon. Medyo naiilang siya sa pagkakatitig nito sa kanya.


"Janella i'm sorry.." mahinang wika nito.


Napabuntong hininga siya. Hindi naman talaga siya dapat magalit rito dahil wala naman itong ginawang masama. Naunahan lang siya nang emosiyon niya kanina kaya nasungitan niya ito.


"Sorry rin, mali yung inakto ko kanina.." tipid siyang ngumiti rito.


Pinaupo niya muna ito at saka niya hinablot pabalik ang tuwalya para siya na ang magpunas rito.


"Bakit ka ba kasi nagpaulan pwede ka naman maghintay na lang sa loob nang kotse mo." bumalik na ang sigla nang lalaki at matamis na itong ngumiti sa kanya.


"Alam ko kasing maawa ka kapag nagpaulan ako sa labas at hindi naman ako nagkakamali dahil effective ang ginawa ko."

Nakuha pa nito humagikgik.


Marahan niyang pinalo ito dahil sa inis. Hinuli naman nito ang kamay niya at saka nito yon pinaghahalikan.


"Janella, i'm sorry sa nangyari kanina. Maniwala ka sa akin hindi ko ginusto yun."


Naalala na naman niya ang mga eksenang naganap kanina. May konting kirot siyang nararamdaman.


"Alam ko... Hindi ko lang nagustuhan
yung nakita ko—"


"Nagseselos ka." pagpuputol nito sa sasabihin niya.


Nagseselos? Siguro nga nagseselos siya hindi naman siya makakaramdam nang ganito kung hindi talaga siya nagseselos.


Tumayo ang lalaki at marahang hinawakan nito ang pisngi niya. Medyo malamig kamay nito.


"Promise, huli na yun hindi ko na hahayaang makalapit ulit si Sonya sa akin.."


Tumango siya. Mabilis lang naman mawala ang galit niya hindi rin naman nagtatagal at isa pa hindi rin naman nito ginusto ang nangyari kaya walang dapat na ikagalit.


"Okay na bati na tayo." pag aalo niya rito. Huminga naman ito nang maluwag at saka siya kinintalan nang halik sa noo.


"Napunasan mo na ba yung labi mo baka may bakas pa nang halik ng babaeng yun ha."


Hindi niya alam kung bakit niya nasabi yun pero huli na para bawiin. Dahil tumawa na nang malakas ang lalaki. Napanguso siya.


"Grabeng pagpupunas na ang ginawa ko sa lips ko, kulang na nga lang dumugo na to eh." natatawang wika nito.


Napadako naman agad ang mga mata niya sa mapulang labi nito.


Naiinis pa rin siya na may ibang humalik sa labi nito.


Argh!!


"Pero may isa pang paraan para tuluyan nang mawala ang bakas nang halik ni Sonya." nakakaloko itong ngumiti sa kanya at alam niyang may hindi ito magandang gagawin.


"A-ano na naman yun?"


Ngumisi ito sa kanya at walang sabi sabing hinalikan siya. Napahawak siya bigla nang mahigpit sa basa nitong katawan nito. Kamuntikan na siyang matumba dahil sa biglang pag atake nito nang halik sa kanya.


Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya dahilan para lalo siyang mapalapit sa katawan nito. Ramdam na ramdam niya ang init nang katawan nito.


Halos maubusan na siya nang hininga nang lalo pang diniin nang lalaki ang pagkakahalik nito sa kanya.


"Ugh.."


Juskopo! Napaungol pa ata siya.


"J-janella.." habol niya ang hininga nang humiwalay ito sa pagkakahalik sa kanya at mapupungay ang mga mata nitong tinitigan siya.


"I love you.." malambing na wika nito. Matamis siyang ngumiti rito dahilan para mapangiti rin ito..


Siniil ulit siya nang halik nito at matamis niyang tinugon yon. Nasasanay na siya sa mga halik nito, natutuo na rin siya sa paraan nang pagkakahalik nito sa kanya.

Akmang bubuhatin siya nito nang marinig nila ang ingay nang pintuan nang kwarto. Mukhang may lalabas na bruha dun.

Dali dali naman niyang itinulak ang lalaki, napasimangot na naman ito. Ramdam niya ang pamumula nang pisngi niya.


"Lagi na lang bitin tsk." reklamo nito.


Naghihikab na lumabas nang kwarto si Serena papungas pungas pa ito.


"Ihi lang ako te." naantok na wika ni Serena nang makita silang dalawa ni Elmo. Napatango na lang siya hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.

"Kailan kaya mangyayari yung wala nang iistorbo satin lagi na lang ako nabibitin." nakabusangot pa rin ang mukha nito. Napairap na lang siya. Magaling lang talaga tumayming ang dalawang bruha.


"Kung ako sayo magpalit ka na ng damit hindi ka ba nilalamig." pag iiba niya dito.

Ngumisi naman ito sa kanya.

"Hindi naman ako nilalamig sa katunayan nga nag iinit pa ko." namula naman siya sinabi nito.


"Tse! Magpalit ka na nga!" natatawang tumayo naman ito.

"Wala akong dalang damit at kailangan ko pang umuwi.. pero babalik agad ako dito pag natapos akong magpalit sa mansion—"


"Wag na, masyado ka aging abala ngayong araw at kailangan mo na din mag pahinga." pagpuputol niya rito. Kita ang kapaguran sa mukha nito. Nakaramdam na naman siya nang awa rito.


"Pero—"


"Huwag na matigas ang ulo. Magkikita naman tayo bukas diba." huminga ito nang malalim at saka ito tumango sa kanya.


"Alright.." lumapit ito sa kanya at saka kinintalan uli siya nang halik sa labi.


"See you tomorrow.." pagpapaalam nito sa kanya.


Ngumiti siya rito at marahan niyang hinaplos ang mukha nito.


"Good night na. Ingat ka sa pagmamaneho ha." pagbibilin niya rito.


"Opo mam!" hinatid niya ito sa labas nang bahay nila. Mabuti na lang at tumila na ang ulan.


"Good night, i love you!" mabilis itong humalik sa kanya at saka dali dali itong nagtatakbo patungo sa nakaparadang kotse nito. Natatawang napailing na lang siya.


Kumaway muna sa kanya ito bago tuluyang paandarin ang sasakyan nito.


Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang lalaki. Papasok na sana siya nang maramdamang may tumitingin sa kanya. Agad naman niyang nilibot ang paningin nang makitang may anino sa hindi kalayuan sa kanya.

Nakatayo ito at mukhang nakaharap sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at masasabi niyang lalaki ito.


Pinanliitan niya ito nang mga mata para maaninag niya nang maayos ang hitsura nito pero agad itong kumaripas nang takbo nang mapansin siyang nakatingin rito.


Nakaramdam siya nang takot sa mga oras na yun pero agad rin nawala dahil baka napagkamalan na naman niya ito. Baka tauhan ni Elmo yun at nagbabantay sa kanya?


Oo nga no, baka nga tauhan ni Elmo ito at nagbabantay lang sa kanila. Nagkibit balikat na lang siya at tuloy tuloy na siyang pumasok sa kanilang bahay.


Sinarado niya nang maigi ang pintuan nila at dire diretso siyang nagtungo sa kwarto nila. Napahikab siya.


Dinapuan rin siya nang antok. Mukhang mapapasarap ang tulog niya ngayon.




——



Umiiyak na tumakbo ang babae at sinunggaban nito ang yakap ang lalaking nakatayo sa tapat nang isang malaking bintana.


"Ayoko na! Hindi ko na kaya!" umiiyak na wika nang babae.


Dahan dahan naman nilingon nang lalaki ang babaeng umiiyak at marahan nitong pinunasan ang luhang tumutulo sa mukha nang babae.


"Nag uumpisa pa lang tayo, susuko ka na agad?" mahinahon na wika nang lalaki.

Panay iling naman ang babae.

"Muntik na naman niya akong patayin!" lalong lumakas ang iyak nang babae. Nandilim bigla ang paningin nang lalaki nang marinig nito ang sinabi nang babae.

Mahigpit niyakap nang lalaki ang babae at malambing itong inaalo.


"Hayaan mo igaganti kita sa kanya. Magbabayad siya sa ginawa niya sayo.. At sa akin.."


Napaigting ang panga nito at kumuyom ang kamay nang lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito






"Magbabayad siya sa ginawa niya.."










——:9

🙊🙈

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
224K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
1.5M 34.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...