My High School Life (Complete...

By Eyesmile_Girl18

7.4K 4.1K 742

Title: My High School Life written by @eyesmile_girl18 More

MHSL Prologue
MHSL:1
MHSL 2
MHSL 3
MHSL 4
MHSL 5
MHSL 6
MHSL 7
MHSL 8
MHSL 9
MHSL 10
MHSL 11
MHSL 12
MHSL 13
MHSL 14
MHSL 15
MHSL 16
MHSL 17
MHSL 18
MHSL 19
MHSL 20
MHSL 21
MHSL 22
MHSL 23
MHSL 25
MHSL 26
MHSL 27
MHSL 28
MHSL 29
MHSL 30
MHSL 31
MHSL 32
MHSL 33
MHSL 34
MHSL 35
MHSL 36
MHSL 37
MHSL 38
MHSL 39:
MHSL 40:
MHSL 41
MHSL 42
MHSL 43
MHSL 44
MHSL 45
MHSL 46
MHSL 47
MHSL 48
MHSL 49
MHSL 50
MHSL 51
MHSL 52
MHSL 53
MHSL 54 Epilogue
Another Character

MHSL 24

117 86 5
By Eyesmile_Girl18


Maria Pov

Nandito kami ngayon ni Kuya Blake sa kalsada naglalakad papunta sa school namin, malaking himawala yung nangyari ngayong araw dahil sinabay ako ni Kuya,minsan kasi ayaw niya ako kasabay.

Siguro naawala lang sakin si Kuya kaya niya ginagawa ito, masaya kaming naglalakad ni Kuya nang may humintong kotse sa harap namin, kaya napahinto naman kami.

Bumaba naman yung bintana ng kotse at tumambad yung mukha ng girlfriend ni Kuya Blake, sumama agad yung pakiramdam ko ng kasama nito si Yohan kung saan siya yung nag dridrive, hindi naman ito nakatingin saamin diretso lang ang tingin nito.

"Sakay na kayo. Papunta na din kami doon e."-sabi ni Ate Jayzel, tumingin muna sakin si Kuya.

"Ikaw na lang."-mahina kong sabi kay kuya at lalakad na sana ako palayo nang hawakan ni kuya yung dalawa kong balikat.

"Akong bahala sayo."-mahinang sagot ni kuya sakin saka niya binuksan yung pinto sa backseat, siya na yung pinauna ko sumakay, sumakay din naman ako habang nasa biyahe kami hawak-hawak ni kuya yung magkabila kong balikat.

Madalas ay napapatingin ako sa salamin at naabutan kong nakatingin saakin si Yohan pero oras na tumingin ako sa kanya siya namang umiiwas, hindi ko maiwasang tarayan iyon.

Ilang minuto lang din nang makarating na kami sa paaralan ni ate Jayzel at nagpaalam na din ito. Ilang minuto din nakalipas nang makarating na kami sa paaralan namin at tuluyan na nga kaming bumaba ni kuya, Si Yohan ayun ipaparking pa daw niya yung kotse niya.

...........................

Pagkarating ko sa room namin kaagad akong kinausap ni Kristel tungkol yung nangyari noong sabado yung birthday ni Yohan, kung bakit ko daw binababa kaagad yung cellphone, dahil nga may tsismosa akong kaibigan ay kinuwento ko na din ito.

Pero imbes na magalit sila dahil sa sinabi sakin ni Yohan ay kung ano pa yung iniisip nila except lang kay Eduardo na galit na galit.

Ilang oras din namin hinihintay yung unang teacher namin ay hindi pa dumadating, wala sigurong balak mag turo o di kaya naman absent lang. Buti na lamang hindi na masyado maingay dahil pumasok na si Kyle at may napapag kwentuhan na din ako.

Nagulat na lamang kaming lahat sa klase nang pumasok yung PE/Mapeh teacher namin.

"Ma'am! Naligaw yata kayo."-sabi ng isa kong kaklase, anong ginagawa niya dito? Tapos na yung subject niya samin ha.

"Hindi ako naligaw, may importante lang akong sasabihin sa inyo."-paninimula ni Maam, kaya tumahimik naman kami "May Mapeh Drama tayo magaganap, kayo yung napili ko upang gumanap sa auditorium, papanoorin kayo ng mga ibang estudyante at teacher. Pero hindi kayo lahat ng estudyante dito sa room ninyo, pipili lang ako ng gaganap dito, okay simulan ko ng mamili. Fontanilla, Buenavista, Cordova (Xam), Erasmo(Daisy), Panahon at saka si Samonte."-mahabang sabi ni Maam

Nagulat na lamang ako ng tawagin ako ni Maam, magtataas na sana ako ng kamay nang pigilan ako ni Kyle, para sabihin sana di ako makakapag acting, dahil hindi ko kaya iyon, pinakaayaw ko sa lahat umaacting ako.

Magpapatuloy na sana si Maam sa pagsasalita nang tumingin ito saamin ni Kyle.

"Buenavista, Samonte! Bakit kayo magkahawak ng kamay?"-puna samin ni Maam, kaya kaagad kong binawi yung kamay ko. At tinukso naman kami ng mga kaklase namin nangunguna dun yung kaibigan kong si Kristel. "Hindi bale, sa gaganapin niyo naman may kinalaman sa relationship kaya pwede kayong magka partner."-sabi ni Maam, lumakas naman lalo yung hiyawan ng mga kaklase ko. "Okay class yung mga tinawag ko para umarte, pumunta na lamang kayo sa office ko dun natin ididicussed yung tungkol dito."-pagpapaalam samin ni Maam saka lumabas na ng classroom, todo naman tukso yung mga kaklase ko saamin ni Kyle pero hindi nagpatinag si Kyle bumalik na naman siya sa dating Kyle yung mahigpit. Napansin ko namang namumula yung pisnge ni Kyle.

........................

Nandito kami ngayon yung mag aact sa opisina ni Ma'am dito niya daw sasabihin yung gagawin namin, saka kung anong title ng drama namin.

"Okay Romeo and Juliet yung gaganapin ninyo, gusto ko yung gaganap na Romeo and Juliet ay kayo."-tukoy ni Maam samin ni Kyle, kaya nagkatingin naman kami agad nagka-iwasan. "The rest yung iba mga magulang nalang kayo."-tukoy naman ni Maam kila Xam "okay lang ba yun sayo Mr Fontanilla?"-tanong ni Maam kay Yohan, tumingin muna sakin si Yohan bago nag-aalinlangan tumango. "Okay, kayo na lang bahala gumawa ng scene ninyo, pwede na din kayo kumain."-sabi ni Maam saka umalis sa harapan namin, Nagkatinginan naman kaming anim.

"Ah, ako na lang bahala. Gumawa ng scene saka story natin, pagkatapos ko ng gawin try ko ibigay yung magiging lines ninyo saka gagawin."-sabi ni Daisy saamin.

"Ikaw ba masusunod dito?"-pagsusungit ni Xam

"Hayaan na natin siya Xam, may tiwala ako kay Daisy."-sagot ni Kyle.

"Okay, ayusin mo yan ah."-sagot ni Xam saka hinawakan si Yohan sa kamay "Sabay na tayong kumain."-aya ni Xam kay Yohan, tumingin muna sakin si Yohan saka inalis yung pagkakahawak ng kamay ni Xam.

"May gagawin ako."-sagot ni Yohan.

"Tara, sabay na tayong kumain."-aya sakin ni Kyle na katabi ko lamang.

"H-huh?"-tanong ko

Nagulat na lamang ako nang biglang hinapit ni Panahon si Kyle sa pagkakaabay, inakbayan niya din si Daisy, e nasa gitna ako kaya naiipit na lamang ako sa pagitan nila Kyle, Daisy tapos nasa likod ko si Panahon.

"Tara na! Kumain na tayo, namiss ko kayo kasama e!"-sabi ni Panaho saka kami naglakad palabas ng opisina.

.....................

Ilang araw na din kami nag prapractice ng pag acting namin. At malapit-lapit na yung Mapeh Dramatic namin.

Habang binabasa namin yung lines may binigay pa ng dalawang bond paper si Daisy, kung saan nandun naka type written yung lines saka scene namin.

"Ito yung huling lines saka scene ninyo."-sabi ni Daisy habang binibigay samin ni Kyle yung bond paper at tinanggap naman namin ito. Binasa ko naman ito at lumaki na lang bigla yung mata ko nang mabasa ko yung huling scene na gagawin namin.

"Bakit may? Halikan na magaganap?!"-gulat na tanong ko kay Daisy.

"Kailangan e."-simpleng sagot ni Daisy, nagkatinginin naman kami ni Kyle saka nag-iwasan din ng tingin, hindi naman na pwede ako makapag reklamo dahil ano pang magagawa nun kung nagpakapagod na akong umarte, saka mag memorize nang sasabihin namin.

....................

Eduardo Pov

Nandito ako ngayon sa upuan ni Maria, hinahalungkat yung bag niya, pinapakuha niya kasi yung tubig niya. Kaya habang hinahanap ko yung tubig niya may napansin ako sa kanyang bag na nakatuping bond paper nakaipit ito sa pagitan ng mga notebooks niya kaya kinuha ko ito at binuklat, binasa ko na din tungkol ito sa Mapeh Drama nila habang binabasa ko ito bigla na lamang nanlaki yung mata ko nang may kiss na magaganap sa role playing nila, naiisip ko pa lang na maghahalikan sila Maria saka si Kyle parang hindi ko yata kakayanin, magiging first kiss ni Maria iyon.

Aamin ko nagka gusto ako sa kaibigan ko kaya nga ayokong may nakakasalamuha siya ng lalaki e, except lang sa dati niyang minahal kaya nga thankful ako sa lalaking yun, dahil di niya kinuha yung first kiss ng kaibigan ko.

Pero itong nabasa ko, anong gagawin ko para hindi ito matuloy, gusto ko mapunta yung first kiss niya sa taong mahal niya dahil ayun naman gusto ng mga babae,mapunta yung first kiss nila sa taong mahal nila at ayun din yung gusto ni Maria.

Pagkatapos kong basahin yung nabasa ko ay kaagad kong binalik yung bond paper saka kinuha yung tubig niya. Pagkatapos ay sinarado ko na yung bag niya at lumabas ng classroom.

....................

"Oh, pawis na pawis ka yata?"-puna sakin ni Kristel na kakaupo ko lang sa damuhan nandito kami ngayon sa field.

"Magkakaroon na nang first kiss si Maria."-sabi ko sa kanila na hindi sila tinitignan, nag-iisip pa kasi ako para di matuloy yung kissing scene.

"Weh, kanino?"-tanong ni Arianne.

"Kay Kyle."-simpleng sagot ko.

"Oh, edi maganda."-sagot naman ni Nicole

"Anong maganda dun? Gusto ni Maria ibigay yung first kiss niya sa taong mahal niya hindi para ipapahalik niya yung labi niya para mabigyan lang ng grade!"-sagot ko kay Nicole.

"Nagseselos ka ba?"-biglang tanong sakin ni Kristel.

"Tanga kaba? Ako magseselos? Natandaan ko lang yung sinabi sakin ni Maria kung saan niya gusto ibigay yung first kiss niya, bobo mo naman binibigyan ng meaning!"-sagot ko kay Kristel, nakakabuiset tong babaeng to, di na lang ako tulungan mag isip.

"G, na G, Eduardo?!"-natatawang sabi ni Arianne, hindi ko nalang pinansin yung sinabi ni Arianne.

"Bakit mo pa kasi yun pinoproblema? Yung mga ganyang bagay, di na dapat problemahin. Dapat maging masaya ka nalang sa kaibigan mo."-sabi ni Nicole, lalo naman akong nainis sa sinabi ni Nicole.

"Anong ikakasaya ko dun? Mahal niya ba si Kyle, boyfriend niya ba yun? Para halikan niya."-sabi ko sa kanila

"Oh sige na. Ano bang gagawin natin para di matuloy yung kissing scene na yun."-sabi ni Kristel.

"Tutulungan niyo ko?"-tanong ko sa kanila.

"Ano pa nga ba tayo lang naman, nagtutulungan dito."-sagot ni Arianne

....................

Maria Pov

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin nang backstage, ngayon na yung araw nang Mapeh Drama namin at talaga namang sobra akong kinakabahan, biro mo naman lahat ng ka year level namin panonorin kami saka yung teacher namin, saka for the first ko lang to gagawin.

Tinawag naman na kami ni Xam dahil mag sisimula na daw kaya tumayo na ako sa upuan ko. At pagkatayo ko nagulat na lamang ako nang nasa harapan ko si Yohan kaagad ko naman iniwas yung mata ko sa kanya saka kami sabay-sabay pumunta sa stage.

Tumingin muna ako sa mga tao. Ang dami nila at naka pokus talaga sila ng tingin saamin, nabaling naman yung tingin ko sa mga kaibigan ni Yohan nandito pala sila sinusuportahan yung kaibigan nila, pero usapang kaibigan hinahanap nang aking mata yung mga kaibigan ko pero hindi ko sila makita. Hanggang sa nagsimula na kaming umacting.

Mabuti na lamang nagagawan ko ng paraan kung sakaling nakakalimutan ko yung sasabihin ko. At ito nga nandito na kami sa last scene kung saan hahalikan ako ni Kyle!!. Papalapit na papalapit na yung mukha ni Kyle kaya napapikit na lamang ako.

Inaabangan kong dumapo yung labi ni Kyle sa Kyle sa labi ko pero walang naganap. Sa halip ay nakarinig lang ako ng mga taong nagsisigawan, ibang sigaw hindi yung kinikilig dahil nga may naghahalikan.

Ibang sigaw naririnig ko kaya nagpasya akong idilat ang aking mata pero hindi ko alam kung bakit madilim pa rin nakikita ko, nakadilat naman na ako.naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako kung saan.

Dahil sa ang bilis ng pangyayari ay bigla na lamang bumukas yung ilaw at napagtanto ko ng nandito na ako sa labas auditorium

(Anong ginagawa ko dito?)

Hindi ko man lang nakita kung sino yung humila sakin dito.

Uwian na namin ngayon medyo gabi na din dahil sa Mapeh Drama namin, pagkatapos ng pangyayari kanina ay hindi na naituloy yung last scene dahil nagkagulo na din naman yung mga estudyante saka hinahanap yung gumawa doon sa pagpatay ng ilaw.

"Mabuti na lang hindi nanakaw yung first kiss mo."-natutuwang sabi ni Kristel

"Bakit parang masaya ka pa?"-tanong ko naman sa kanya.

"Kasi diba ang sabi gusto mo lang ibigay yung first kiss mo sa taong mahal mo, kaya natutuwa ako kasi hindi nakuha yun ni Kyle. E hindi mo naman siya mahal hindi ba?"-mahabang sabi ni Kristel, tinawanan ko nalang yung sinabi ni Kristel at hindi na sinagot pa.

"Ahh, Siya nga pala Maria ang ganda mo pala ngayon."-sabi sakin ni Eduardo

"Ah, Salamat."-ngiting sagot ko sa kanya, kanina din sinabihan ako ni Kyle na Maganda ako pero ang kinanda lang doon ay yung puting dress na suot ko. "Siya nga pala nasan pala kayo kanina? Hindi ko kayo nakita kanina."-bigla kong tanong sa kanila, bigla naman silang nagsitingang apat.

"Ay bhe! Nasa bandang taas sa dulo kami umupo, dahil nga nahuli kami ng dating kaya dun kami pinaupo."-sabi ni Arianne, tumango-tango naman ako sa sinabi ni Arianne.

"Sayang naman. Nasa bandang harapan pa naman umupo si Sean."sagot ko, bigla naman nagulat si Kristel sa sinabi ko.

"Si Sean pumunta?!!"-sigaw na tanong sakin ni Kristel, tinanguan ko naman ito.

"Oo kasama din yung ibang kaibigan nito."-dagdag kong sabi.

"Puta!! Sana hindi na lang ako tumulong sa plano niyo! Nakita ko sana si Sean!!"-sigaw ni Kristel habang pinapadyakpadyak yung paa niya.

(Teka Plano?)

"Tumulong sa plano? Kanino?"-bigla kong tanong kay Kristel, napahinto naman si Kristel sa pagpapadyak at tumingin saakin.

"Plano naming ikong-congratulate ka."-biglang sabi ni Nicole saka may nilabas na Cartolina at binuklat nila ito at nakita kong may naka lettering na 'Congrats' saka may nilagay pa silang pictures ko sa Cartolina at may mga sticker.

"Tenen!"-sabi nilang tatlo except lang kay Kristel.

Natuwa naman ako sa ginawa nila.

"Wow! Salamat."-sabi ko sa kanila, binigay naman nila sakin yung ginawa nila at nakita ko pang binatukan ni Eduardo si Kristel.

Continue Reading

You'll Also Like

90.3K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
100K 3.8K 53
Sino nga ba pipiliin ni Lizzy sa dalawang lalaki na ideal type niya? Si Ex crush or Si new Crush? She will be happy until the end? Or she has to l...
9.1K 177 33
• C o m p l e t e d • Every Bully has a Secrets.. A (Bitch) (Player) (Denial) (Lust) (Betrayal) (Witness) Witness How a bully ruin their Lives ...
905K 29.5K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...