Benedict Dreams

Oleh abdiel_25

4.5K 299 71

Benedict Duology #1 | You fight for your dream. *** A novella. Benedict is living a nightmare during the day... Lebih Banyak

Disclaimer
Prologue
Chapter One : Examination
Chapter Two : Tree House
Chapter Three : Carin
Chapter Four : Erica
Chapter Five : Rain and Pain
Chapter Six : Dust in the Wind
Chapter Seven : Kislap Kingdom
Chapter Eight : Alias Dark
Chapter Nine : In Danger
Chapter Ten : Erica's Dream
Chapter Eleven : His Power
Chapter Twelve : The Test
Chapter Thirteen : Photographic Memory
Chapter Fourteen : Cosmos and Geria
Chapter Fifteen : Special Dreamers
Chapter Sixteen : Nightmare for All
Chapter Seventeen : Coma
Chapter Eighteen : Who's at fault?
Chapter Nineteen : Shared Life
Epilogue
BD : Playlist
Author's note

Chapter Twenty : Seven Lights

105 7 3
Oleh abdiel_25

Chapter Twenty : Seven Lights

Benedict.

Nilingon ko siya.

She's crying. Napaupo siya sa sahig, yakap niya ang mga tuhod niya. Agad akong nagsisi sa kung ano mang nasabi ko kanina. This is more than I expected. Hindi ko naman akalain na ang simpleng mga salita na 'yon ang magpapa-iyak sa kaniya.

Agad ko siyang nilapitan. Niyakap ko siya. For unknown reason, may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. I don't know what's that. Ang gusto ko lang ngayon ay ang mapatahan si Carin. Ang patigilin ang pag-iyak niya. Ang gusto ko lang, si Carin.

“Shhh... I'm sorry,” mahina kong bulong sa kaniya. Yakap-yakap ko pa rin siya. Hinahawi ko din ang buhok niya paibaba. Hindi pa rin tumitigil sa pag-uunahan ang mga luha niya. “Sorry,” muli kong sambit.

“This is all my fault,” saad niya.

“No, hindi mo kasalanan—”

“Kung sana noong natulog ka sa loob ng panaginip, pinigilan kita, hindi sana lalala ang sitwasyon,” umiiyak at nanghihinang sabi niya. “Mawawala na ako, Benedict. Kasabay ng pagkawala ng abilidad mo,” malungkot na sabi niya.

“You wouldn't. Pipilitin kong huwag mawala ang photographic memory ko,” saad ko nang iharap ko siya sa akin.

Umiling naman siya ng ilang beses. “Hindi mo na maibabalik pa ang mga nawala na. Hindi ko alam kung bakit ka natulog dito sa panaginip. Naisip ko nang may nangyaring masama sa'yo sa labas ng panaginip. Pero alam kong may kasalanan parin ako. Kung sana—”

“Shh...” Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya upang patahimikin siya. "Ilang beses ko bang—”

Nakarinig kami ng malakas na pagbagsak ng kung ano.

Agad kaming tumayo ni Carin mula sa pagkakaupo at tumakbo sa pinanggalingan ng malakas na pagbagsak ng bagay. Nakarating kami sa tree house, na ngayon ay nasa lupa na, at nakabagsak.

Nakakapagtaka kung paano biglang bumagsak ang malaking puno na 'yon. Umangat pati ang lupa kung saan ito nakatayo, dahil kasama ang ugat sa natanggal.

“Masama ito,” saad ni Carin.

Dumilim ang buong lugar. Kasabay nito ang pagtawa ng pamilyar na boses.

Tama. Si Nightmare.

“Malapit ng maubos ang mga ilaw. Hindi ko na patatagalin pa. Gusto kong makipaglaro na sa inyong lahat. What if six users turns to... five?" Tumawa siya nang malakas.

Hindi ko alam kung paano, pero bigla nalang kaming napunta ni Carin sa isang hardin. Nandoon din ang lahat ng mga special dreamer, elves at si Empress Dream. Malamang nasa Kislap kami ngayon.

Lahat kami ay nagkatinginan sa isa't isa.

This is wrong. Ito na ba ang panahon ng labanan? Pero wala pa kaming laban kung sakaling ngayon nga.

Ramdam ko ang tensyon sa buong paligid. Lumakas ang ihip ng hangin. Dumilim sa buong paligid kasabay ng nakaka-iritang hawi ng hangin.

Naging pormang tao si Dark, pero naging mailap siya dahil sa anino niyang porma na humahalo sa dilim ng paligid. Ang tanging naaasahan na lamang naming lahat ay ang talas ng pakiramdam namin.

Agad siyang lumapit sa isang special dreamer. Agad naman itong pinrotektahan ng elf niya at gumawa ng nakakasilaw na kulay abong pananggalang. Umiwas dito si Dark. Mukhang takot siya sa liwanag dahil isa lamang siyang anino.

“Playing with nightmare is no fun. Ang boring kaya ng panaginip kung walang bangungot,” mapang-asar na sabi ni Dark bago siya muling mawala sa paningin namin. Nang sumulpot siya, nasa harapan na siya ng isa pang special dreamer.

“This is bad. Hindi pa natin na-ttrain ang mga special dreamer.”

Napatingin ako sa gawi ni Empress Dream. May kung anong ilaw ang lumitaw sa noo niya. Kaboses din niya ang narinig ko sa isip ko. “Oo, ako nga ito. Kinakausap ko kayo gamit ang isipan ko,” saad niya bago tumingin sa akin.

“Kung gano'n lahat kami ay naririnig mo?” Tanong ko rito.

“Oo,” maikling tugon niya sa tanong ko. “Carin, Jellal, Mysto, Mavis, at Makra, tulungan niyo si Zyref. Mga special dreamer, ang kailangan niyong gawin ay ipaliliwanag ko. Basta kahit anong mangyari, 'wag kayong aalis sa pwesto niyo. Kapag binalak kayong tirahin ni Dark, dodge. Please don't die.”

Agad kaming nagtanguan. “It seems like there's a meeting inside your heads. Hindi na naman ako invited,” kunwaring nagtatampong sambit ni Dark.

Agad namang sumugod sila Carin at ang iba pang elves sa kaniya. Masyadong mabilis si Dark kaya hindi siya natatamaan kahit isa sa mga elf.

Aaminin ko, mabilis ang mga elf pero walang panama ang elves sa isang anino. Kahit saan pwede siyang pumunta.

Sa itaas ng hardin, nakalutang ang ilan sa mga elf. Mas maliliit sila kumpara kay Carin, pero ramdam ko ang enerhiyang nanggagaling sa kanila. Nagliliwanag sila. Tingin ko, sila ang mga nakakatandang elf, at binibigyan nila ng karagdagang lakas sila Carin at iba pang lumalaban kay Dark.

“Special dreamers, huminga kayo ng malalim. Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko dahil wala na tayong oras para ulitin pa 'to,” ani Empress Dream sa isipan naming mga dreamer habang nakikipaglaban ang mga guardian elf namin.

Tumango ako bago huminga ng malalim. Magkakalayo kami. Mula sa kanan ko, nakikita ko si Erica. Malalim ang iniisip niya at naka-ilang inhale-exhale na rin siya. Halata ko ang takot sa mukha niya.

Ang dalawang kamay ninyo, itapat ninyo sa itaas,”  saad ni Empress Dream na kaagad kong sinunod. “Isipin niyo ang pinakamasaya at pinakamagandang panaginip niyo simula pagkabata,” dagdag pa niya.

“Close your eyes if necessary. Open it when you're ready.”

Malakas na hangin ang sumasalubong sa mukha namin. Pinikit ko ang mga mata ko, iniisip ang pinaka-magandang napanaginipan ko.

Ang makita sa panaginip na kumpleto ang pamilya namin. Ang makita sa panaginip ang mukha ni Beatrice. Ang maranasan na maging normal na tao sa loob ng panaginip.

Then, I saw her.

Carin.

Her smiles. Ang masungit niyang mukha. Ang boses niya everytime she nags me. Ang mata niyang nangungusap. Ang lahat ng ginawa niya. Sa bawat panaginip ko, she's there. At ayokong mawala siya. Ayokong mawala siya sa tabi ko.

Is it weird if I say, I want her badly to stay by my side?

I opened my eyes. “Ready,” I said.

“I'm ready!”

“R-ready.”

“Can I back out? I mean, h-handa na 'ko.”

“Let's go.”

Lahat kami napatingin kay Erica ngayon. Nakangiti siya at nakapikit. Marahan niyang binuksan ang mga mata niya at agad akong sinulyapan.

“Ready as always,” saad niya.

“Good. Then now. Feel the energy coming through your nerves. Isipin niyo ang panaginip ninyo na nagkatotoo sa totoong buhay,” saad ni Empress Dream.

Huminto si Dark sa pag-iwas sa mga elf. Nagpakawala siya ng malakas na itim na enerhiya, dahilan para tumalsik kaming lahat. Gayunpaman, nanatili ang mga nakakatandang elf sa ere. Naramdaman kong bumalik ang lakas ng katawan ko.

They're raising our attributes.

“Akala niyo ba matatalo niyo ako dahil lang may anim na special dreamers sa inyo?” natatawang saad ni Dark. May lumutang na itim na globo sa ere. Nabalot ang langit nito.

Naging alerto kaming lahat dahil baka ihagis niya sa amin ito. “Pito na lamang ang may magandang panaginip. Kayong anim na special dreamer at, hmm... well itong batang ito sa banda rito,” saad niya bago may iturong ilaw sa globo.

“Ilabas niyo ang lahat ng emosyon na meron kayo. Galit. Saya. Lungkot. Lahat,” saad ni Empress Dream sa isipan namin. Pinipigilan niya ang sarili niya na intindihin ang sinasabi ni Dark.

Agad kong nilabas ang lahat ng emosyon ko. Galit, kay Dark. Lungkot, dahil sa buhay na mayroon ako sa labas ng panaginip na 'to, at saya, dahil kay nakilala ko si Carin.

Umilaw ang mga kamay namin—

No.

Umilaw ang mga kamay nila. Tumingin ako sa mga katabi ko. Iba't ibang kulay ang nasa kamay nila. “Anong nagyayari? Benedict?” tanong ni Empress Dream sa akin dahil ako na lamang ang walang nabubuong mahika sa mga palad ko.

Hindi ako pinapansin ng mga kasama ko bukod kay Erica. Nag-aalala siya sa akin habang ang ibang special dreamer ay namamangha sa nagawa nilang liwanag.

“I don't know. Sinunod ko naman lahat ng sinabi—”

“Bumalik tayo sa pitong ilaw, magiging anim,” sabi ni Dark dahilan para mas lalong maging alerto lahat ng elf.

Napagitla ako nang mapatingin siya sa akin.

Hindi.

Hindi p'wede.

End of Chapter Twenty.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

74.6K 1.8K 101
Isang daang tula para sa kaisipang malilimot din kita
123K 7.4K 19
"If only you could read my mind, you'd get drowned in my thoughts--my thoughts about you." - Kudos Pereseo
5.4M 348K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION