My High School Life (Complete...

By Eyesmile_Girl18

7.4K 4.1K 742

Title: My High School Life written by @eyesmile_girl18 More

MHSL Prologue
MHSL:1
MHSL 2
MHSL 3
MHSL 4
MHSL 5
MHSL 6
MHSL 7
MHSL 8
MHSL 10
MHSL 11
MHSL 12
MHSL 13
MHSL 14
MHSL 15
MHSL 16
MHSL 17
MHSL 18
MHSL 19
MHSL 20
MHSL 21
MHSL 22
MHSL 23
MHSL 24
MHSL 25
MHSL 26
MHSL 27
MHSL 28
MHSL 29
MHSL 30
MHSL 31
MHSL 32
MHSL 33
MHSL 34
MHSL 35
MHSL 36
MHSL 37
MHSL 38
MHSL 39:
MHSL 40:
MHSL 41
MHSL 42
MHSL 43
MHSL 44
MHSL 45
MHSL 46
MHSL 47
MHSL 48
MHSL 49
MHSL 50
MHSL 51
MHSL 52
MHSL 53
MHSL 54 Epilogue
Another Character

MHSL 9

159 105 33
By Eyesmile_Girl18


Maria Pov

"Ano ba! At pahara-hara kayo sa daan?! Gusto nyo bang magpakamatay?!"-sabi ng babaeng naka blonde yung buhok actually lima silang bumaba sa kotse

"Sorry..."-sabi na lang ni arianne maglalakad na sana siya upang makaalis nang may humawak sa braso niya.

"Oh look mga girls yung uniform nila diba taga MNHS kayo?"-tanong nung babaeng naka pony tail na humawak din kay arianne. Hindi kami sumagot bagkus nagsalita pa yung babae sa kanila.

"Anong ginagawa niyo dito?"-taray na sabi ng babaeng straight ang buhok at mukang mataray.

"May ibabalik lang kami."-simpleng sagot ni Arianne

"Ibabalik dito sa school namin? Ang mga estudyante dito hindi namumulubi sa kung anong nawala sa amin ay hahayaan nalang namin yun kunin ng mga pulubi."-sabi nung babaeng curly ang buhok

"Mga iba lang wag mong lahatin. Alam niyo kung anong tawag sa ganung taong pinabayaan na lamang yung nawalang gamit nila BURARA."-sagot ni Arianne. Saka naman sumugod yung curly yung buhok saka akmang sasampalin ng may nagsalita na lalaki
na kararating lang at lumapit sa amin.

"Hey girls anong ginagawa niyo?"-sabi nung lalaking nakalapit na saamin.

"Eh kasi prince.. inaaway kami ng taga-MNHS."-maarteng saad nung babaeng kikay. Tinignan naman kami nung lalaki saka humarap dun sa mga babae saka nagsalita.

"Ahh hayaan niyo na sila diba may lakad pa kayo hinihintay na kayo ni Sean sa club."-sabi niya. Bigla namang nagtilian yung mga babae

(Anong meron?)

"Ahh ganun ba, paano ka prince hindi ka ba sasama saamin?"-sabi nung kikay

"Susunod na lang ako mauna na kayo."

Bigla namang nagsipasukan sa loob ng kotse yung babae pero yung nakasagutan ni arianne ay nasa labas pa din at tinignan ng matalim si arianne saka nagsalita.

"Hindi pa tayo tapos."-madiin na sabi nung babae saka tinignan kami isa-isa saka sumakay sa kotse at pinaharurot

"Ano bang ginagawa niyo dito?"-tanong samin nung lalaki nandito pa pala siya.

"Ahh ibibigay sana namin to kay Seaventh."-sabi ni Kristel saka kinuha yung hawak ni Arianne na paper bag.

"Haha. Hindi ko pala alam na may secret admirer din pala si Seav sa MNHS"-natatawang sabi nung lalaki kapal ng mukha niya secret admirer daw.

"Correction. Hindi kami secret admirer at hindi namin to ibibigay dahil ibabalik namin ito."-mataray na sagot ni Arianne

"Ahh wala si Seaventh dito."-nahihiyang sabi niya.

"Alam namin."-sagot ni Nicole

"Pakibigay na lang to sa kanya kaibigan mo naman siya diba?"-sabi ni arianne. Saka inabot sa kanya yung paper bag pero hindi ito tinanggap nung lalaki

(Ahh isa din pala siya sa lima.)

"Bhe nakakahiya.."-mahinang sabi ni Kristel pero rinig namin ito.. Matalim lang na tinignan ni Arianne si Kristel

"Ah bakit hindi na lang kayo magbigay sa kanya? Dadalhin ko nalang kayo sa kanya."-sabi niya

"Sa susunod na lang namin ibibigay tara na."sabi ni Nicole saka tinutulak sila Arianne upang makaalis na ako naman ay hinawakan niya lang sa braso at hinihila.

"Hindi pwede. Ano ba! Nakalimutan nyo na ba? Kung bakit tayo nandito. Ito na yun maibalalik na natin."-sabi ni Kristel saka kami hinawakan sa braso.

"Ikaw talaga nagpapahamak samin! Gusto mo ba mapahamak tayo."-madiin at mahinang sabi ni Nicole kay Kristel. Tinarayan lang ni Kristel si Nicole.

"Ka-kayo nalang magbalik u-uwi na ako."-sabi ko at aakmang maglalakad na sana palayo ng yakapin yung leeg ko ng braso si Arianne saka bumulong sa tenga ko.

"Walang iwanan to bhe damayan na to."-sabi ni Arianne

"Gusto ko pang mabuhay..."-naiiyak na sabi ko. Mamaya kasi ito na yung katapusan namin naku di pa naman ako nakapagpaalam sa magulang ko na mamawala na ako sa mundong to malalaman lang nila wala na yung nag-iisang babaeng anak nila...

"Hah. Miss baka iniisip mo masama akong tao pero ako na ding nagsasabi na hindi ako ganung tao. Tara na?"

Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanila sumakay kami sa kotse niya nasa backseat naman kami nila Kristel naka upo samantalang si Nicole nasa passenger seat pinagtulakan talaga ni Kristel na umupo dun si Nicole.

Nicole PoV

Tahimik lang kami nagbibiyahe tinignan ko yung relo ko at 4:00 na lagot ako sa nanay ko nito. Habang nagbibiyahe kami ay tumingin lang ako sa labas ng bintana nagulat na lamang ako ng maramdaman ko yung kamay nung lalaking yun sa legs ko kaya agad ko itong sinampal saka sinigawan.

"Ano ba! Ang Bastos mo ha!"sigaw ko sa kanya pagkatapos ko siyang sampalin ay hawak-hawak niya ang pinge sa sinampal ko at gulat na gulat tumingin sakin saka nagsalita.

"Aray ko miss ang lutong nun ha! Hindi ako bastos! Naaksidente ko lang nadako yung kamay ko sa legs mo akala ko ayun yung manibela!"sabi niya saka hinihimas yung pisnge niya.

"Bakit?! Mukha bang manibela yung legs ko?!."-sigaw ko sa kanya saka inayos yung uniporme ko saka umayos ng upo pero lumayo ako sa kanya bale malapit na ako sa pinto.

"Akala mo naman may maboboso."-sabi niya bago ipinagpatuloy yung pagdridrive. Tinignan ko lang siya ng masama saka binalik yung tingin ko sa labas kinagat ko yung ibabang labi ko upang mapigilan ko yung luha kong gustong pumatak.

OA na kung OA pero kasi ako yung tao na maalaga sa katawan ko ayokong hinahawakan yung katawan ko lalo na sa private part. Para sakin kasi nababastos kana tapos itong bastos na katabi ko ang lakas hawakan ako hindi ko pa naman siya kilala.

"Ah...pasensya kana ha sa ginawa ng kaibigan ko..."-sabi ni Kristel dun sa lalaki bastos agad ko namang hinarap si Kristel saka nagsalita.

"Bat ka humihingi ng pasensya diyan?! Ako na nga nabastos! Tapos hihingin ka pa ng pasensya diyan?!"-sabi ko sa kanya sabay tingin sa lalaki hindi naman na sumagot si Kristel kaya nanahimik na lang din ako.

Nang makarating na kami kung saan man kami dinala nito. Pinark muna ni pervert yung sasakyan niya saka siya bumababa at pinakbuksan ako ng pinto pero dahil nakasandal yung katawan ko sa pintuan kaya pagkabukas nito ay nahulog ako nice timing.

Narinig ko namang nagtawanan yung mga kaibigan ko hinawakan naman ako ni perv sa braso para itayo ako ng makatayo na ako inilayo ko yung braso ko kamay niya.

"Huwag mo akong hawakan."-sabi ko sa kanya tumahimik naman siya saka naglakad na papasok sa tamabayan nila. Tambayan daw nila to eh. Sumunod namam kami sa kanya.

"Ilan nahuling mong isda?"-natatawang sabi ni Maria

"Lima."-sagot ko na lamang tumawa naman si maria.

"Wala naman kasing tubig dun. Dun kapa nagswiswimming"-natatawang sabi nI Kristel tumawa naman sila Maria sa sinabi ni Kristel di ko nalang sila pinansin ng makapasok na kami sa tambayan nila eh ang dilim konti sa loob saka may naglalarong billiard may babae pang ang iiksi ng suot edi sana teh nagpanty na lang kayo kung ganyan lang din susuotin nyo.

"Oh pre sino yang mga chicks mo?"-tanong nung lalaking mukhang adik at may pa hikaw-hikaw pa siya sa tenga.

"Tanga di ko yan mga chicks."-sagot ni perv saka naglakad ng makarating na kami sa dulo nitong tambayan nila may nakita kaming hagdanan kaya umakyat si perv kaya umakyat na din kami pagkaakyat namin pumasok si perv sa isang pinto at pumasok pero tumigil kami at di pumasok napansin yata ni perv na hindi kami pumasok kaya bumalik siya pinto kinausap kami.

"Tara nandito yung hinahanap niyo."-sabi niya. Nauna namang pumasok si Kristel sumunod si Arianne pangatlo si Maria at ako yung huli magkakahawak yung kamay namin ngayon.

Pagkapasok namin sa loob limang lalaki nga ang nandito kasama na doon si perv at isang babae. Napansin yata nila kami kaya lahat sila nakatigin saamin yung president namin sa school na si clyde nandun malapit sa bintana at may nakasuot na headphone at yung isang lalaking nagbibilliard mag-isa, nakita ko naman yung dalawa doon sa di ko alam anong tawag dun kapag nandoon ka sa bar nakaupo sila doon yung kaninang nakita namin sa school yung kausap ni Kristel na lalaki in short yung crush niya.

Tapos yung katabi niyang lalaki ay ayon may kalong babae tapos ito naman si perv ay nasa tabi ko.

"Oh Seaventh may ibibigay daw sila sayo."-sigaw ni perv dun sa lalaking may kalong na babae ah sya pala si Seaventh "oh ibigay niyo na."-sabi ni perv samin.

Bigla naman pinasa ni Arianne yung paper bag kay Kristel.

"I-ikaw na lang magbigay."-sabi ni Arianne

"Bakit ako? Ikaw na."-sagot naman ni Kristel saka binalik kay Arianne yung paper bag

"Nandun crush mo diba gusto mong kausapin oh."-sabi ni arianne saka pinasa ulit yung paper bag. Bigla namang binalik ito ni Kristel saka nagsalita.

"Nakausap ko na siya at sapat na sakin makita lang siya."-ngiting sabi ni Kristel. Nakita kong parang naiinip na yung lalaki kaya pinaalis niya muna yung babaeng naka kalong sa kanya. Umalis naman yung babae saka tinignan kami ng masama.

"Istorbo"-rinig kong sabi nya saka lumabas muna. Nang makaalis na yung babae bigla na lamang tinulak ni Kristel si Arianne papunta dun sa lalaki. Bago munang maglakad si Arianne papunta doon.

Lumingon muna siya saamin at bumulong ng "samahan niyo ko" hindi na lang namin siya pinansin at itinaas ni Kristel yung kamay niya at nag sign ng parang tinataboy niya si Arianne.

Kaya ala ng nagawa si arianne kundi lumapit kami naman ay naiwan lang dito at saka nagsalita si perv.

"Gusto niyo umupo muna kayo? Habang nag-uusap sila."-sabi niya

"Ah hindi na sa labas nalang kami maghihintay."-akmang bubuksan na sana ni maria yung pinto ng pigilan namin siya ni Kristel

"Wag na dito na lang tayo malamig dito eh."-sabi ni Kristel

"Bawal tayo lumabas baka mapaano si Arianne."-sabi ko sa kanya

Pumayag naman si maria na dito na lang kami saka kami umupo sa upuan
Pagkaupo namin sa upuan nakita ko si Maria na humawak sa kanyang ulo.

"Uy anong nangyayari sayo? Okay ka lang?"-tanong ni Kristel siguro napansin niya din yun nasa gitna kasi namin si maria.

"Nagugutom na ako."-mahinang sabi ni Maria pero rinig ko yun.

"Walang hiya nakakita ka lang ng pagkain nagugutom kana? Eh kakakain lang natin kanina ha."-sabi naman ni Kristel. Ganito si maria kung nakakakita ng pagkaing gusto niya o masarap gutom agad yan kahit kakakain nyo lang. Nakita ko naman si Maria na titig na titig sa harap ng pizza

"Pigilan mo muna uuwi naman na tayo pagkatapos lang nito."-mahinang sabi ko sa kanya pero sapat na para marinig niya.

"Pero nagugutom na ako."-parang batang sabi niya. Patay gutom talaga siya kahit kailan!

"Hoy!"-tawag ni maria kay perv na kasalukuyan naglalaro ng billiard so bale dalawa na sila naglalaro ng billiard. Tumingin naman si perv kay maria. "Pwede bang pengeng pagkain."-sabi ni Maria sabay nguso dun sa pizza. Bigla namang hinampas ni Kristel si maria sa braso.

"Hindi ka na nahiya.!"-sabi ni Kristel kay Maria.

"Diba kakasabi mo lang kanina kung hihiya-hiya ka lang di ka mabubuhay sa mundo."-sagot ni maria

"Oo nga sinabi ko yun...pero---"-hindi na natapos ni Kristel yung sasabihin niya dahil dalawa kaming nagulat ng makalapit samin si perv saka hinawakan yung mukha ni maria na akmang hahalikan napatayo naman si Maria habang hawak hawak yung mukha niya saka pilit na iniwas yung labi niya.

Nang makatayo na si Maria hinampas ni maria si perv sa braso Saka niya sinigawan.

"Bastos ka talaga noh! Ano bang ginagawa mo?!"sigaw ni maria kay perv gulat namang nakatingin si perv kay Maria habang hawak hawak niya yung brasong hinampas ni Maria saka nagsalita.

"Anong bastos?! Diba gusto mo ng kiss?!"-sabi ni perv

"Naka-drugs ka ba? Anong kiss pinagsasabi mo?!"-naguguluhan na sigaw ni Maria

"Diba ngumunguso ka pa nga ng ganun."-sabi ni perv saka ngumuso-nguso

"Bastos na nga Bobo pa"mahinang sabi ni Maria pero narinig ko iyon. Saka humarap kay Perv at nagsalita.

"Pagkain yung hinihingi ko hindi Halik!"

"Ahh Pagkain ba oh ito na."-sabi ni perv saka kumuha ng isang slice ng pizza at binigay ito kay maria agad naman ito tinanggap ni maria saka umupo sa tabi ko saka kumain ng pizza walangya! May gana pa syang kumain pagkatapos ng nangyari sa kanya. Tinde mo teh.

Tumingin naman ako sa paligid namin at nagsibalikan na sila sa ginagawa nila pwera lang kila arianne na nag-uusap pa din sila yung totoo ibabalik niya lang naman yung damit pero bakit nakikipag-usap pa siya? Tinignan ko naman yung katabi ko at sarap na sarap kumain ng pizza.

Hanggang sa napansin niyang tinitignan siya ni Yohan yung president namin. Nasa harap lang namin kasi si Yohan.

"Anong tinitingin-tingin mo? Diyan Nakakainsulto kang tumingin ha!"-sabi ni Maria kay Yohan saka nagtago sa likod ni Kristel at doon kumain nakita ko namang si Yohan tumingin nalang sa labas ng bintana.

Naramdaman ko yung ulo ko na babagsak na kaya agad akong dumilat saka tumingin sa akin relo at shit! lang at 7:02 na agad ako akong tumingin sa mga katabi ko at si Maria ay mahimbing na natutulog at si Kristel naman ay busy sa cellphone ni Maria.

Kinalabit ko si Kristel at tumayo upang puntahan si Arianne pagka lapit ko kay Arianne ayun naglalasing saka ang ingay.

Kaya agad ko itong itinayo si Arianne pero ang bigat niya lang talaga at hindi ko maitayo sa upuan niya agad naman akong pinigilan nung lalaking ka inuman niya ngayon hindi ko lang siya pinansin at pinilit ko yung sarili kong itayo si arianne.

Nagulat nalang ako na may humawak sa balikat ko at pagkatingin ko yung lalaking may hawak sa balikat ko at nakita ko si maria na gising na at hawak nito ang siko nung lalaki.

"Papabayaan mo kami o else!"-mataray na sabi ni Maria sa lalaki. Nagsilapitan naman yung mga kaibigan niya pwera lang kay yohan. pero hinayaan lang kami

"Buhatin niyo na yan"-utos ni maria samin kaya inakay na lang namin ni Kristel si Arianne sa balikat magkabilaan kami.

At nilagpasan na yung mga lalaki. Hinabol naman kami ni perv pagkalabas namin sa pinto ng tinambayan namin kanina at nagsalita.

"Ihatid ko na kayo?"-sabi ni perv

"Hindi na."-sagot ko

"Pero---"-angal ni Kristel. Tinignan ko lang ito ng masama kaya hindi na muling nakapagsalita pa kaya bumaba na kami nakakailang hakbang palang kami sa hagdanan ng gumulong kaming tatlo nila kristel sa hagdanan

"Ano ba! Diba kayo marunong magdadahan-dahan papatayen nyo ba ako"-sagot ni arianne

"Kung hindi ka naman kasi nakipag-inom edi sana ligtas tayo nakababa dito."-mataray na sagot ni Kristel saka tumayo upang akayin si Arianne tumayo na din ako upang akayin si Arianne.

Nang makalabas na kami sa kanilang tambayan ay naghanap na kami ng masasakyan papauwi. Pero si Kristel sinusumbatan pa rin si arianne dahil sa ginawang pag-iinom niya.

"Alam mo kahit ano pang sumbat mo pa diyan kay arianne walang papasok sa kukute nyan. Alam ng lasing sumbat ka ng sumbat dyan! Nagsasayang ka lang ng hininga mo."-sabi ni Maria kay Kristel. Tinarayan na lang ni Kristel si maria saka nagsalita.

"Bakit ka pa kasi naglasing?!"-naiinis na tanong nito kay arianne.

"Shabi ng hindi ako lashing! Bat ba ang kukulet ng lahi niyo!"-sigaw samin ni arianne.

"Nadamay pa ako."-sagot ko na lamang

"Alam niyo ba pabalik satin?"-tanong samin ni Maria.

"Hindi ko alam."-Kristel

"Akala ko ba alam mo?"-sabi ko kay maria paano sya lang naman madaling makatanda ng kung anong bagay kaya confident na akong tanda niya yung daan pabalik saamin.

"Magtatanong ba ako kung alam ko"-sagot ni maria kaya wala na kaming ginawa ni Kristel.

"Ako alam ko."-sagot naman ni Arianne

"Hindi mo yun alam lasing ka."-sagot ni Kristel agad namang bumaling yung ulo ni arianne kay Kristel saka sumagot.

"Shinong lashing?"

Bigla naman iniwasan ni Kristel yung mukha niya kay arianne.

"Ang baho ng hininga mo.!"-sabi ni Kristel kay Arianne habang nakalayo yung mukha nila sa isa't-isa

"Atleash ako ngayon lang hindi kagaya mo araw-araw mabaho hininga mo! Ang shabi mo pa shaken ishang buwan kang hindi nag toothbrush noong bakashyon natin!"-sagot naman ni Arianne bigla akong natawa sa sinabi niya saka nagtanong kay Kristel

"Totoo yun?"

"Naniwala ka naman? Eh lasing yan."-sagot ni Kristel

"Hoy! Kahet lasheng ako natatandaan ko yung mga shinabe mong mga shikreto shaken!"-sagot naman ni Arianne

"Humanda ka sakin bukas!"-sagot na lamang ni Kristel pinabayaan ko na lamang sila. At nakita ko namang nakapara na si maria ng tricycle at kinausap nito yung driver.

"Manong sa ***** st nga."-sabi ni maria dun sa driver biga namang nag-iba yung nung driver.

"San yun?"-tanong ni manong driver.

"Aba malay ko,basta sinabi ko na yung eksaktong lugar kung saan mo kami dadalhin. Ihahatid mo na lang kami."-sagot naman ni Maria

"Iha hindi ko kayo maihahatid kung di ko alam kung saan yung sinasabi mong lugar na yan."sabi ni manong driver bigla namang tumingin samin si Maria saka nagsalita.

"Tignan niyo mismong driver hindi niya alam kung saan yung lugar na sinasabi ko. Ano na lang gagawin natin?."-sabi nya saka pero bigla naman siyang kung anong naisip at hinarap ulit yung manong driver.

"Alam niyo po yung Sevit Academy."-tanong ni Maria. Anong gagawin pa namin doon?

"Ahh oo ayun tuloy alam ko pero yung sinasabi mong street na yan hindi ko yun alam."-sagot naman ni manong driver.

"Edi ihatid niyo po kami doon."-sabi ni maria binuksan naman ni manong driver yung pinto ng tricycle niya saka kami sumakay.

Dahil hindi kami kasya sa loob ay umupo na lang si maria sa labas sa likod ni manong driver ako naman nakaupo dito sa maliit na upuan yung dalawa naman magkatabi.

Tinignan ko ang aking relo at 7:45 na letse! For the first time kong uuwi ng gabi ha biruin niyo naman may pasok kaming umaga tapos pagdating ng hapon pumunta kami sa sevit. At gabi na para umuwi naka uniform pa kami nila maria.

Nakarating na kami sa school at ngayon ko lang napansin na malayo pala yung pinuntahan namin. Bumababa na kami sa tricycle at akay pa din namin si Arianne bumababa na din si maria.

"Magkano po?"-tanong ni maria

"150."-sagot ni manong driver, lahat naman kami nagulat sa presyong sinabi ni manong driver pati na din si maria.

"Ano?! 150? Bakit ang mahal naman! Gold ba yang inupuan namin?! Mabango ba yung binubuga ng tambotso niyo?? Sus! Maryosep nagka-ubo-ubo na nga ako dahil sa binubuga ng tambotso niyo?! Tapos 150? How? Paano nangyari?yun?"-mahabang sabi ni maria dun sa driver.

"Naku iha naman isipin niyo namang ang layo ng hinatiran niyo sakin. Lagpas na nga ako sa bayan namin."-sabi ni manong driver.

"Maria bayaran mo nalang para makauwi na tayo."-sabi ni Kristel

"O sige may pera kayo?"-tanong ni maria samin

Sabay naman kaming umiling ni Kristel. Badtrip namang kumuha si Maria sa kanyang wallet at nagbayad ng 150 dun sa driver.umalis naman kaagad yung tricycle saka lumapit samin si Maria saka nagsalita.

"Pasalamat talaga kayo na may pera ako ngayon."

"Hehe salamat"-sabi naman ni Kristel.

"Anong salamat? Magbayad kayo noh! Ano yan puro kayo pa libre."

"Oo na po."-sabi na lang ni Kristel saka kami naglakad papauwi. Habang naglalakad kami nagsalita si maria.

"Hindi natin pwedeng iuwi si Arianne ng ganyan."

"Huh? Paano yun? Saan natin siya ipupunta? Iiwan nalang ba natin siya dito?."-sabi ni Kristel saka inalis yung pagkakaakay niya kay arianne kaya namang nabigatan ako at buti nalang nabalanse ko yung katawan ko.

"Bobo tulungan mo nga si Nicole bakit mo naman kasi binitawan. Ang ibig kong sabihin bawal natin siya iuwi dun sa kanila dahil lasing siya kaya sa bahay ko nalang siya matutulog tapos ikaw naman Nicole pumunta ka sa bahay ni Arianne mag-isip kang magiging dahilan sabihin mo dun sa magulang niya. Saka kunin mo yung mga gamit ni Arianne pumunta ka bukas ng maaga sa bahay namin.. Nagkakaintindihan."-mahabang sabi ni maria

"Pero hindi ako marunong magsinungaling."-sabi ko sa kanya... Hindi ko kayang magsinungaling. Natatakot akong baka mahalata ng magulang ni Arianne na nagsisinungaling lang ako.

"Weh? Di daw marunong magsinungaling... Ano yung may gusto ka sa kapa---asdfgkl hindi yun pagsisinungaling?!"-sabi ni kristel bago pang nasabi ni Kristel yung tungkol sa kuya ni maria ay tinakpan ko na agad yung bunganga nito. Tinignan naman kami ni Maria saka nagtanong.

"Ano yun?"-takang tanong ni Maria

"Ahh wala yun. Tara na at makauwi na tayo."-sabi ko nalang at salamat nalang ako ng hindi na..Nagtanong pa si maria at pinagpatuloy na namin mag-lakad.

Yohan Clyde Pov

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung bakit sumama pa ako sa kanila kung susundan lang pala nila yung mga babaeng pumunta dun sa tambayan namin kasama na dun yung babaeng baliw. Nakita ko namang bumababa sila tricycle at mukang nakikipag away pa si baliw sa driver.

"Napaka war freak naman pala niya."-natatawang sabi ni Dwight

Hanggang sa nakita ko na nagbigay siya ng pera dun sa manong driver. Magbibigay din naman pala makikipag away pa.

Hanggang sa naglakad na sila siguro papauwi na pero ito naman kami pasimpleng sinusundan sila.

"Pwede ba umuwi na tayo makakauwi naman sila."-simpleng sagot ko. Hindi ko naman ugaling sumunod, hindi ko lang alam sa mga ungas na toh! At naisipan nilang sundan mga yun.

"Hindi na muna pwede kung makita ko nalang sila makauwi ng ligtas uuwi na tayo."-sagot naman ni Dwight. Kaya wala na akong nagawa kundi manahimik at tumingin sa labas ng bintana, wala naman akong magagawa siya yung nagmamaneho.

"Oh Seaven bakit ka nakangiti diyan?"-narinig kong sabi ni Sean sa backseat.

"Wala lang, naalala ko lang yung pag-uusap namin yung babae kanina."-Seaventh

"Bakit ano ba yung pinag-usapan niyo?"-Sean

"Wala kana dun kalalaking tao tsismoso ka."-Seaventh

"Bakit bro? Inlove kana ba dun sa babae?"-natatawang tanong ni Dwight

Tss.. Kalalaking tao ang iingay.

"Bro alam mo namang wala sa vocabulary ko yung salitang inlove, kaya anong pinagsasabi mo diyan."-Seaventh

Nakita naman naming, nahiwalay yung isang kaibigan nila sa ibang daan kaya napahinto yung sasakyan namin.

"San yun pupunta? Sino susundan natin?"-tanong ni Dwight

"Umuwi na lang tayo."-sagot ko.

Hindi niya pinasin yung sinabi ko at pinagpatuloy yung pagmamaneho sinundan namin yung tatlong babae. Nang biglang huminto yung sasakyan namin napatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko sila sa napahinto sa tapat ng bahay na ito. Teka? Bahay to nila Blake ha anong ginagawa nila dito?

"Bahay to ni Blake ha?"-Dwight

Nakita ko naman yung tatlong babae na pumasok sa loob ng bahay.

"Bahay to ng boyfriend ng ate mo ha."-sabi ni Seaventh.

"Inulit mo lang yung sinabi ni Dwight bro."-Sean

"Naulit ba."-Seaventh

Kung maitatanong niyo kung bakit ko nakilala si Blake madali lang sinundan namin ng mga ungas na to! Lahat ng nanliligaw sa ate ko o maging boyfriend man niya iniimbestigahan ko gusto lang malaman kung anong pakay niya sa kapatid ko at bakit nila nililigawan o nagiging boyfriend lahat ng naging lalaki ni ate ang pakay ay pera lang pala o di kaya naman katawan.

Pero hindi ako yung taong naninira kahit na alam ko yung habol nila sa kapatid ko sadyang nahuhuli talaga sila ng kapatid ko na may ibang babae o napapansin niyang pera lang ang habol sa kanya dito.

Kaya nung nagkataong nalaman kong may ipinakilala si ate na boyfriend niya daw agad kong inalam yung tungkol sa kanya, at wala naman akong nakikitang kung ano lang talaga habol nito kaya tumigil na ako.

Pero ngayong may nakita akong pumasok mismo sa loob ng bahay nito may pagdududa akong nararamdaman, siguro nga kailangan ko pang alamin yung namamagitan sa kanila at sino doon sa tatlong yun.

Maria Pov

Ipinunta na namin ni Kristel si arianne sa kwarto ko at doon hiniga sa kama ko.

"Oh siya bhe uuwi na ako at gabing-gabi na papagalitan na ako nito ni tita."-sabi ni Kristel

"Sige bhe ingat"-sabi ko. Lumabas naman siya ng kwarto ko at umalis na. Nagpasya akong magbihis muna saka kumuha ng maliit na palanggan na may lamang maligamgam na tubig saka pinunasan si Arianne upang mahimasmasan pagkatapos kong gawin yun naisipan kong bihisan si arianne ng damit dahil pawis na pawis yung likod niya kaya lumabas ako sa aking kwarto at pumasok sa kwarto ni kuya hihiramin ko nalang yung damit ni kuya dahil yung mga damit ko kasya lang talaga sakin.

At walang magkakasya sa kanya dahil sa katabaan nya. Nang makakuha na ako ng damit ni kuya bumalik ako sa aking kwarto at doon ko hinubad yung damit niya bakit? Anong masama babae naman ako saka babae naman din siya hindi ko nalang tinignan yung hinaharap niya dahil alam ko namang talo na ako diyan. Nang mabihisan ko na siya.

Kinumutan ko na siya saka naglatag sa sahig ng extra bed sheet saka humiga.

(Hayy nakakapagod yung mga nangyari ngayong araw na to ha.)

Makatulog na nga lang at maaga na namang gogora bukas!

Continue Reading

You'll Also Like

365K 15.1K 99
"When I say I love you more, I don't mean I love you more than you love me. I mean I love you more than the bad days ahead of us, I love you more tha...
361K 13K 108
Book 1 Sa isang fixed marriage naganap lahat.Na hindi nila inaasahan na yun pala ang solusyon para mag bago ang ikot ng kanilang mundo. Siguro para s...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
64.2K 1.1K 70
Nagpanggap ka para hanapin at kilalanin ang iyong fiancéé. Paano na lang pag nalaman nya ang totoong pakay mo? Magalit kaya sya? Ano na lang kaya a...