Benedict Dreams

By abdiel_25

4.6K 299 71

Benedict Duology #1 | You fight for your dream. *** A novella. Benedict is living a nightmare during the day... More

Disclaimer
Prologue
Chapter One : Examination
Chapter Three : Carin
Chapter Four : Erica
Chapter Five : Rain and Pain
Chapter Six : Dust in the Wind
Chapter Seven : Kislap Kingdom
Chapter Eight : Alias Dark
Chapter Nine : In Danger
Chapter Ten : Erica's Dream
Chapter Eleven : His Power
Chapter Twelve : The Test
Chapter Thirteen : Photographic Memory
Chapter Fourteen : Cosmos and Geria
Chapter Fifteen : Special Dreamers
Chapter Sixteen : Nightmare for All
Chapter Seventeen : Coma
Chapter Eighteen : Who's at fault?
Chapter Nineteen : Shared Life
Chapter Twenty : Seven Lights
Epilogue
BD : Playlist
Author's note

Chapter Two : Tree House

308 22 9
By abdiel_25

Chapter Two : Tree House

Benedict.

Kumakalam na ang sikmura ko. Wala naman akong magagawa kundi tiisin ito hanggang sa makauwi ako sa bahay. Sana lang pag-uwi ko sa bahay may pagkain pang tinira saakin sila Tita Jena. Dahil kung wala, mapipilitan akong kumuha sa alkansya ko.

Tangina. Kailangan ko ba talagang kaawaan ang sarili ko?

Hangga't maaari ayoko sanang kumuha at magwaldas nang magwaldas ng pera para lamang sa walang kakwenta-kwentang bagay. Pero hindi naman siguro 'walang kakwenta-kwenta' ang pagkain 'diba? I'm also suffering between life and death. Gutom na gutom na ako.

Tingin ko hindi ako mamamatay sa sakit sa puso, sa tingin ko, mamamatay ako sa gutom. Ayoko no'n! Ayoko na ang reason of death ko ay kagutuman. Pakshet talaga 'yang mga nakabungo saakin. Bumagsak sana sila sa exam.

Ilang minuto na lamang at magbe-bell na. Sana naman makayanan kong tiisin ang kumakalam na sikmura ko para makapag-exam ako ng maayos. Pero base sa pagkakapulot ng braso ko sa tyan ko, mukhang hindi magiging madali ang lahat para sa gaya kong gutom na gutom na.

Nilipat ko sa sunod na pahina ang reviewer ko. Nagre-review parin ako kahit na napupunta sa tyan ang atensyon ko.

"Gusto mo iyo nalang 'to? Mukhang nagugutom ka na." Napa-angat ang tingin ko sa tinig ng babae na nagsalita. Maigsi ang buhok niya na abot hanggang sa paglagpas ng tainga niya. May bilog din siyang salamin na bumagay sa singkit niyang mga mata.

"A-ah. H-hindi na. H-hindi ako gutom," pagsisinungaling ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa hawak niyang softdrinks at isang pirasong biscuit. Kumulo naman ang tyan ko na sumalungat sa sinabi ko.

"Hindi halata na gutom ka ah," natatawang sabi niya. "Kuhain mo na kasi ito," inip na dagdag niya. Feeling ko ikasasama ng pride niya kapag hindi ko kinuha 'yung binibigay niya sa akin. Isa pa, wala na akong dahilan para tumanggi pa. Gutom ako at voluntarily naman siyang lumapit sa akin.

"S-salamat," mahina at nahihiya kong saad. Inabot ko ang pagkain at binuksan na ito ng walang kabig. Uminom kaagad ako ng softdrink nang maubos ko 'yung biscuit. Kahit papaano ay napunan ang dalangin ng tiyan kong nagsusumigaw-ang magkalaman.

"Erica nga pala," nakangiting sabi niya. Nilahad niya ang kanang kamay niya sa akin, samantalang nakalagay naman sa bewang niya ang kaliwa niyang kamay. For unknown reasons, hindi nakaka-irita ang pagkakatayo niya sa harapan ko. Pakiramdam ko, napaka-friendly niya.

"Benedict," maikli kong tugon as we shaked our hands. "Salamat nga pala ulit ah. Baka kung hindi ka dumating, nakalumpasay na ako dito sa sahig at nakatirik ang mga mata," pabiro kong sabi. Tingin ko gutom pa ako. Tangina ang korni ko nanaman.

Tumawa naman siya ng mahina. "Una na ako, malapit na rin namang mag-bell. Ibinigay ko lang talaga sa'yo 'yan dahil nakita ko ang ginawa nila Greg sa'yo," sabi niya. Panandaliang nawala sa kaniya ang atensyon ko. Mas pinili kong tumingin sa bulaklak malapit sa akin.

Ayoko kasi ng ganito, 'yung binibigyan ng ganitong uri ng pansin. Pakiramdam ko, ang hina-hina ko lalo. Tanggap ko na kaawa-awa ako sa paningin ng iba. Pero iba 'yung pakiramdam kapag sinabi mismo nila na naaawa sila sa'yo.

"Ayos ka lang?" tanong ni Erica.

"Ah, oo. Ayos lang ako. Sabay na tayo. Parehas lang naman tayo ng floor," sabi ko bago tumayo. Tinapon ko ang plastic ng softdrink at biscuit sa trash bin malapit sa akin. Kinuha ko na rin ang reviewer ko.

"Paano mo naman nalaman na magka-floor tayo?" takang tanong nito sa akin.

"Syempre. Sa iisang school lang tayo nag-aaral," pabiro kong sabi sa kaniya. Sa totoo lang, palagi ko siyang nakikita sa floor namin. Kaya kilala ko siya sa itsura. Being me na introvert, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.

Tumango naman siya bago kami nagsimulang maglakad papunta sa rooms namin.

~•~

After ng exam, dumiretso agad ako sa bahay.

Pagod na pagod akong umuwi at kaagad na pumunta sa kusina pagtungtong ko sa loob ng bahay. Gutom nanaman ako-hindi, kanina pa ako gutom, pero nabawasan dahil kay Erica. Mabuti na lang at ngayon ko nalang ulit naramdaman ang sobrang gutom at hindi kanina habang nag-eexam.

Thanks to Erica.

3:35 palang ng hapon. Mukhang wala sa bahay si Tita Jena at Joshua. At malakas ang kutob ko na nasa 'comfort zone' nanaman sila. At kung ano ang comfort zone nila? Mall. Shopping. Waldas pera nanaman. Kung umasta akala mo sila ang nag-ttrabaho. Comfort zone ang tawag ni Tita Jena sa Mall. Astig 'di ba?

P'wede ko kaya siya tawaging comfort woman? Tutal wala naman siyang ambag sa bahay na 'to bukod sa pagiging asawa niya kay Papa.

Tinanggal ko na sa isip ko ang bad thoughts at naghanap na ng makakain.

Luckily, may nakita akong pagkain sa ref. Nagluto ako ng hotdog at nagsaing ng kanin. Kahit mayaman kami, hindi na kami naghire ng katulong. Para kay Tita Jena, bakit pa magkakatulong, eh nandito naman ako. Imbis na ipang sweldo, bakit hindi nalang niya igastos sa shopping ang pera.

Kumain na agad ako at hinugasan ang pinagkainan ko. Pumasok na ako sa kwarto ko. 'Yung luma, at madaming sapot ng gagamba. Ibang-iba talaga ito sa kwarto ko sa second floor. Mas maganda at mas yayamanin. Kaso, kapag weekdays doon natutulog si Joshua. Kaya nga kapag bumabalik ako doon ng weekend, it's a big mess.

Humiga ako sa kama ko. Wala naman akong gagawin. Naka-charge pa ang cellphone ko.

Oo, may cellphone ako kahit inaalila nila ako dito. Every weekend chine-check ni papa kung nasa akin ba ang cellphone ko. Kaya takot lang nila Tita Jena na kuhain saakin 'yon.

Pero kahit may cellphone ako, ni minsan hindi ko sinabi kay Papa na inaalila nila ako. Natatakot kasi ako na baka hindi niya ako paniwalaan at mas gustuhin pang palayasin ako sa pag-aakalang nagsisinungaling ako. Alam kong kaya niyang gawin 'yon dahil desperado na siyang mamuhay ng tahimik kasama ang bago niyang asawa.

Naramdaman kong unti-unting bumabagsak ang talukap ng mga mata ko. Ang tanging iniisip ko nalang sa ngayon, ay maging maganda ang panaginip ko, gaya ng nakasanayan.

~•~

Matatayog na puno.

Sariwang hangin.

Huni ng mga ibon na paulit-ulit kong naririnig.

Mga tuyong halaman na nagbagsakan mula sa mga puno na ngayo'y naaapakan ko.

Hindi talaga mapagkakaila ang ganda ng lugar kung saan lagi ako napupunta. Hindi ko alam kung paano nangyari na palaging dito ako napupunta kapag nakatulog na ako. Wala naman akong kahit anong kapangyarihan sa panaginip na kayang gawin ang mga gaya nito.

Ang ganda ng buong paligid. Mayroong mga paru-parong lumilipad. Berdeng-berde ang mga halaman at damo sa paligid. Sa matataas ang puno, naroon ang ginawa kong bahay. Tree house.

Umakyat ako roon gamit ang hagdang gawa sa kahoy na permanente nang nakadikit sa trunk ng puno.

Natuwa naman ako nang bumungad sa akin ang loob ng tree house pero at the same time, for the nth time, napakunot ang noo ko. Ilang beses na kasi akong nananaginip pero ni minsan hindi ako napunta sa ibang lugar. Para bang, paulit-ulit kong napapanaginipan ang lugar na ito sa hindi malamang dahilan.

Walang dagdag, walang bawas. Lahat ng gamit sa tree house ay ganoon pa rin. Natutuwa ako dahil palagi akong nandito sa lugar na ito. Sana lagi nalang akong nandito. Nakakarelax, nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko.

Pumunta ako sa higaan. I sat at the edge of the bed.

May mga frame na nakalagay sa cabinet na gawa sa kahoy. Maganda sa loob ng tree house. Sariwa ang hangin, at madaming fireflies na nag-liliparan. Makikita mo sila kahit umaga dahil may lilim ang tree house na nagmumula sa mga halaman sa taas at paligid nito.

Hindi mainit dito, pero hindi ko rin masasabing malamig. Tama lang.

Mga ilang metro ang layo ng tree house na ito sa eskwelahan namin. Nakakapag-taka na pati sa panaginip ko ay may paaralan. At gayang-gayang nito ang paaralan na pinapasukan ko. Lahat ng estudyante sa paaralan namin, nandito rin. 'Di ko alam kung dahil ba malawak lang ang imahinasyon ko, o dahil mahal na mahal ko ang lugar na 'to kaya palagi kong napapanaginipan.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong kaluskos. Noong una inisip ko na baka isa lang iyong guni-guni. Pero nakarinig ako ng mga palatik kaya na-curious ako at hinanap ang pinanggagalingan ng mahihinang daing.

"Bwiset! Bakit ko ba naman kasi naisipan na sa bubong pa magbantay," dinig kong sabi ng kung sino.

Nanlaki ang mata ko nang itingin ko sa labas ng tree house ang mga mata ko.

Mayroong babae na nakasalampak at halatang nahulog sa mataas na lugar base sa ayos niya. Hawak din niya ang kanang binti niya na parang may iniindang sakit.

"Sino ka?"

End of Chapter Two.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
2.1K 93 1
[ Pereseo Series #7 ] Philemon Meshach Pereseo Status: Soon
2.5M 190K 33
Gabriel is sick and Shane is beside her during her ups and downs. But with both of them losing time and connection, will they be able to pull off an...
74.6K 1.8K 101
Isang daang tula para sa kaisipang malilimot din kita