The Other Side of the Door [C...

By chezzy_kirin

91.7K 1.4K 57

Sabi nila package na daw ang Love and Hurt. Hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmamahal, hindi ka nagmamahal... More

The Other Side of the Door
CHAPTER 1: THE NERD
CHAPTER 2: LOVE AT FIRST SIGHT
CHAPTER 3: DO RE MI
CHAPTER 4: UNWANTED BESTFRIEND
CHAPTER 5: MANGO THIRTEEN
CHAPTER 6: THE NEXT TARGET
CHAPTER 7: FIRST MOVE
CHAPTER 8: FIRST KISS
CHAPTER 9: MOMENT
CHAPTER 10: JEEPNEY
CHAPTER 11: SHE'S DATING THE NERD
CHAPTER 12: ONE SIDED LOVE
CHAPTER 13: LIL SISTER
CHAPTER 14: ENCHANTED
CHAPTER 15: PAYBACK TIME
CHAPTER 16: BETTER THAN REVENGE
CHAPTER 17: JEALOUSY
CHAPTER 18: STUCK WITH YOU
CHAPTER 19: MINE
CHAPTER 20: LET'S GO AND CHEAT
CHAPTER 21: JOYRIDE
CHAPTER 22: 10 YEARS AGO
CHAPTER 23: WHAT MAKES YOU BEAUTIFUL
CHAPTER 24: SLEEPOVER
CHAPTER 25: 1 VS 1
CHAPTER 26: GF VS BFF
CHAPTER 27: END ZONE
CHAPTER 28: BIRTHDAY PARTY
CHAPTER 29: BATANGAS ESCAPADE
CHAPTER 31: I HEART YOU
CHAPTER 32: THE MAN FROM HER PAST
CHAPTER 33: PICTURE OF YOU
CHAPTER 34: ACCEPTANCE
CHAPTER 35: CONFESSION AND PAIN
CHAPTER 36: THANK YOU
CHAPTER 37: GOODBYE
CHAPTER 37: BROKEN
CHAPTER 38: OUR MEMORIES TOGETHER
CHAPTER 39: TEARS
CHAPTER 40: I'LL WAIT FOR YOU
CHAPTER 41: CONFRONTATION
CHAPTER 42: MOMENT OF TRUTH
CHAPTER 43: AWAY
CHAPTER 44: REBOUND
CHAPTER 45: CHANGE
CHAPTER 46: GRADUATION DAY
CHAPTER 47: COME BACK
CHAPTER 48: I MISS YOU
CHAPTER 49: THE NEWS
CHAPTER 50: BESTFRIEND'S TALK
CHAPTER 51: LETTING GO
SPECIAL CHAPTER (Savannah and Louis-PIPIto and DALDALita)
CHAPTER 52: REALIZED
CHAPTER 53: COURAGE
CHAPTER 54: HOW AND WHY?
CHAPTER 55: COUPLE'S GOLDFISH
CHAPTER 56: CHALLENGE OF LOVE
CHAPTER 57: SWEET AND SOUR
CHAPTER 58: MY STRAWBERRY GIRL
CHAPTER 59: FUNNY FEELINGS
CHAPTER 60: WANT U BACK
CHAPTER 61: TO MAKE THINGS RIGHT
CHAPTER 62: COKE FIGHT
CHAPTER 63: IRRESISTABLE
CHAPTER 64: FRIENDS AGAIN
CHAPTER 65: COLD-HEARTED
CHAPTER 66: WHERE IS SHE?
CHAPTER 67: SAVING NATALIE
CHAPTER 68: AUCTION
EPILOGUE
FINAL AUTHORS' NOTE
ANNOUNCEMENT:

CHAPTER 30: SECRET REVEALED

1.1K 21 2
By chezzy_kirin

[Natalie’s POV]

“Good Morning Ladies.”bati sa amin ni Harry habang nakaupo sa lamesa at busy sa pagtimpla ng kape niya.

“Good Morning too Harry…”inaantok pa na sagot ko sa kanya sabay hila ng isang upuan.

Second day na namin ngayon dito sa rest house nila Savannah sa Batangas. So far naman, naeenjoy namin ang pagiistay namin dito. Kahapon naglaro kami ng beach volleyball at nagihaw ng barbecue. Nung gabi naman mga naginuman kami at kantahan habang naggigitara. Si Kenneth lang talaga hindi namin mapainom buti nga yung nerd niyang kaibigan uminom kaya ayun…ang agang bumagsak at natulog.

Tumingin ako sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Wow ah….ang tino yata nung pagkakaprito ng itlog, ham at hotdog…at may sinangag pa.Sa pagkakakilala ko kasi sa mga kasama kong ito…walang may marunong magluto…even me. Palibhasa kasi mga anak ng mga mayayaman eh…asa lang sa mga maid.

Tumayo ako at pumunta sa may kusina para alamin kung sino yung cook namin ngayong umaga.

Nakita ko si Kenneth na nasa harap ng stove at busy sa pagpiprito ng bacon. Pinagmasdan ko muna siya habang nagluluto…Aba may putensyal siya ah? Swerte siguro ng magiging asawa niya…hindi kasi magugutom dahil marunong siya magluto. Teka nga lang…bakit ba pagaasawa iniisip ko?

Bago pa kung ano ano maisip ko…tinawag ko na siya.

“Marunong ka pala magluto Mine.”nakangiting sabi ko sa kanya habang lumalapit sa kanya.

“Naku…gising ka na pala. Wait lang Mine ah? Tapusin ko na ito. Nagkape ka na ba?”sabi niya sa akin habang busy pa rin sa pagluluto.

“Hindi pa Mine.”sagot ko sa kanya ng biglang may sumulpot.

“Tenten naman eh...Matagal pa ba yan? Gutom na kasi ako.”pagrereklamo ni Chezter habang hinihimas pa yung tiyan niya.

“Batugan ka talaga. Tumulong ka kaya?”mataray na sabi ko sa kanya.

“Bakit? Ikaw ba tumutulong?”pangiinis din sa akin ni Chezter. Aba…yung weirdo ito ang aga aga pinapainit ulo ko.

“Oh…tama na yan. Tapos naman na ako eh. Mine, hintayin mo na lang kami dun sa labas. At ikaw Chezter dalin mo sa labas yung iba.”awat naman sa amin ni Kenneth kung hindi lalaganap na naman ang dahas dito.

Lumabas na ako ng kusina…pero bago ako tuluyan lumabas tumingin muna ako kay Chezter at dinilaan ito.Bwahahaha…akala niya.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

“Mine, eto na yung kape mo.”sabi ni Kenneth sa akin habang binababa yung kape na tinimpla niya sa tabi ko.

Tiningnan ko yung kape na ginawa niya. May cream? Mas prefer ko kasi sa kape ay yung black lang and less sugar. Kaso iyon na yung tinimpla niya. Nakakahiya naman sa kanya kung hindi ko tatanggapin kanina pa nga niya ako pinaglalagay ng kung ano anong ulam sa pinggan ko eh.

“Wag mo na pilitin inumin yan. Alam ko mamaya lang isusuka mo yan.”narinig kong sabi ni Benj sa akin ng akmang iinumin ko na yung kape. May inabot na black coffee sa akin si Benj. “Ito naman talaga timpla mo di ba?”

Tumango lang ako at kinuha na yung kape na inabot ni Benj sa akin. Napatingin ako kay Kenneth, parang nalungkot na naman siya dahil sa nangyari.

“Mine, smile ka na diyan ok? Di ba napagusapan na natin ito? Matagal na kami magkaibigan ni Benj kaya kilala na niya ako. Tsaka we have a lot of time para makilala natin ang isa’t isa.”paliwanag ko sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko parang ayaw ko nakikitang malungkot siya.

Nagsmile siya sa akin at hinawakan yung kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

Nagliligpit na kami ng mga pinagkainan namin ng biglang may narinig kaming humintong sasakyan sa labas. Napatigil kami sa ginagawa para lumabas ng bahay at tiningnan kung sino yung dumating.

Nakita ko na lumabas sa sasakyan ang parents ni Savannah. 

“Hello guys. Nageenjoy ba kayo?”cool na sabi ng Mama ni Savannah sa amin. Yun ang gusto ko sa Mama ni Savannah eh, parang bagets lang din.

Lumapit kaming lahat para magmano at batiin sila.

“Oh Kenneth? Kasama ka din pala nila?”gulat na tanong ng Papa ni Savannah kay Kenneth.

“Syempre. Ano naman masama dun? Eh pinsan naman siya ng anak natin.”narinig kong sabi ng Mama ni Savannah.

“MAGPINSAN?SINO?”sabay sabay na tanong namin maliban kila Savannah, Kenneth at Chezter.

“Naku po Tita…parang uulan yata. Tara na sa loob.”narinig kong sabi ni Chezter sa Mama ni Savannah habang hinihila ito papasok ng bahay.

Uulan? Eh tirik na tirik kaya ang araw?Humarang ako sa dadaanan nila papasok ng bahay.

“Tita…sino po ang magpinsan?”tanong ko sa Mama ni Savannah. Para kasing hindi maganda ang kutob ko eh.

“Si Kenneth at Savannah…Pinsan ni Savannah si Kenneth. Hindi ba siya pinakilala sa inyo ni Savannah?”nalilitong sabi sa amin ng Mama ni Savannah habang nagsasalitan ng tingin sa amin.”Akala ko naman pinakilala niya sa inyo.”

“Susmeng batang ito. Bakit hindi mo pinakilala sa kanila yung pinsan mo?”sabi ng Mama ni Savannah kay Savannah.

Hinayaan ko na lang makadaan na sila Chezter at ang parents ni Savannah para makapasok sa loob ng bahay.

“So ganon pala? After all these years…naglilihim ka sa amin?”galit na sabi ko kay Savannah.

“Uhm…Nat, let me explain.”sabi ni Savannah sa akin habang lumalapit sa akin.

“Bakit? Ano ba kailangan mo pa iexplain? Eh sa Mama mo na nagmula mismo ang inililihim mo sa amin.”sita ko kay Savannah. Hindi ako makapaniwala...sa lahat ba naman ng tao. Si Savannah pa ang maglilihim sa akin? Akala ko kaibigan ko siya? Akala ko ba walang lihiman?

“Nagawa ko lang naman yun dahil gusto ko maging kaibigan ninyo. Alam ko naman kasi na kapag nalaman ninyo na pinsan ko ang isang loser at nerd ng school natin...hindi ninyo ako hahayaan maging kaibigan ninyo. Lalo ka na Nat…kaya sana naman maintindihan mo bakit ko linihim yun.”paliwanag ni Savannah sa amin habang nagsisimula na umiyak.

“Hindi mababago nun na naglihim ka pa rin sa amin…lalo na sa akin Savannah. Alam mo gaano ko pinapahalagahan ang mga kaibigan ko. Hindi ako nakikipagkaibigan sa kung sino sino lang. Tapos ikaw pa? Ikaw pa ang pagmumukhain akong tanga?”singhal ko sa kanya pagkatapos ay tinalikuran ko siya at umalis.

“Mine.”narinig kong habol sa akin ni Kenneth.

“Isa ka pa. Kasabwat ka din nyan eh. Ang galing ninyo grabe. Naloko ninyo kami.”mapaklang sabi ko sa kanila. “This vacation is now over. Uuwi na ako. Kung ayaw ninyo pa umuwi. Pwes uuwi ako mag-isa.”

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

Narinig ko nagvibrate yung Iphone 6 ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Nakita ko na may 15 messages at 20 missed calls galing kina Savannah, Benj, Kenneth at Claire.

“Sorry na Dude. Please…forgive me?”-Savannah.

“Sorry na Mine. Gusto ko lang din naman na si Savannah na mismo ang magsabi sa inyo.”-Mine

“Nat, Ano ka ba naman? Patawarin mo na si Savannah, kung tutuusin hindi naman ganon kalaki yung kasalanan na ginawa niya ah?”-Claire.

“Babe, hindi ka pa rin ba papasok today? Answer my calls.”-Benj

Tsk, bakit ganon si Claire? Dapat nga maintindihan niya ako eh? Pero mukhang si Savannah pa kinakampihan niya. Kung sila napatawad na nila yung babae na yun, pwes ako hindi. At hindi ko alam kung matatanggap ko pa ulit siya bilang kaibigan ko.

Tatlong araw na din pala simula nung nangyari yung sa Batangas at tatlong araw na din ako hindi pumapasok sa school namin para iwasan yung magpinsan. Hindi naman big deal yun sa school namin dahil sinabihan ko ang Dad ko na tumawag sa school at sabihin may sakit ako kahit wala naman.

Nakakainis lang kasi parang ganon lang kadali sa kanila na pagmukhain akong tanga. 

“Nat, lumabas ka na diyan . Tama na drama.”narinig kong boses ni Natalie habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Nakita ko na lumapit sa may pinto si Flappy. Aiiissshhh….hindi ba nila ako tatantanan?Si Grasya siguro ang nagpapasok sa kanya kaya mamaya humanda sa akin yung babae na yun. Nagtakip na lang ako ng unan ko sa mukha ko at hinayaan sila sa kakatawag sa akin.

Narinig ko na biglang nagclick yung lock ng pinto na ibig sabihin na tanggal sa pagkakalock nito binigay din siguro ni Grasya kay Claire yung duplicate ng susi ng kwarto ko.

“Tumayo ka na nga diyan. May dapat ka makita sa labas.”sabi ni Claire sa akin at pagkatapos tinanggal yung unan na nakatakip sa mukha ko.

“Ayoko nga.”singhal ko sa kanya.

Nagulat ako ng biglang hilahin niya ako para mapabangon ako sa kama ko. Aba…malakas din pala itong babae na ito. Nagpumiglas ako pero talagang mas malakas siya sa akin kaya nakuha niya ako ilabas ng condo ko at makaladkad hanggang elevator.

“Saan mo ba ako dadalin ah?”inis na sagot ko sa kanya habang hindi niya binibitawan yung pagkakahawak niya sa kamay ko dito sa elevator.

“Basta. Pwede ba Nat? Kahit ngayon lang…wag mo na ako pahirapan?”naiirita ng sabi niya sa akin.

Nang bumukas na yung pinto ng elevator lumabas na kami at hinila na naman niya ako palabas para dalin sa may entrance ng lobby.

“Tingnan mo yun.”utos niya sa akin.

Tiningnan ko naman yung sinasabi niya. Nakita ko sila Savannah at Kenneth na nasa may labas at may hawak na placard na may nakalagay na “SORRY NA” habang nakaluhod.

“Ano ako? Timang? Hindi ninyo ako makukuha sa ganyan.”mataray na sabi ko sa kanila. 

Tumalikod na ako at akmang babalik na sa unit ko ng magsalita ulit si Claire.

“Naku…umuulan na nasa labas pa rin sila.”narinig kong sabi ni Claire.

Napahinto ako sa paglalakad at humarap ulit sa kanila. Nakita ko nga na nandun pa rin sila Savannah at Kenneth kahit na basang basa na sila sa ulan. Tsk…gusto ba nila na magkasakit sila?

“Umalis na nga kayo diyan at pumasok dito.”sigaw ko sa kanila.

“Hindi kami aalis dito Nat hangga’t hindi mo kami napapatawad.”sabi ni Savannah sa akin.

“Oo nga Mine. Sorry na kasi.”pagmamakaawa ni Kenneth sa akin.

Haixtz…tigas talaga ng ulo. Gusto yata magpakamatay ng mga yun eh.

“Oo na. Sige na. Pinapatawad ko na kayo. Pumasok na nga kayo dito.”malakas na sabi ko sa kanila habang lumalapit sa kanila.

“Promise?”paninigurado ni Savannah.

“Oo nga. Kulit.”naiinis na sabi ko sa kanila.

Nakita ko na tumayo na sila sa pagkakaluhod nila ng may marinig akong mga boses.

“Yes…Nagtagumpay tayo.”narinig ko ang boses ni Harry.

Tumingin ako sa may gilid ng building nakita ko silang dalawa ni Louis na may hawak na hose. Bigla akong tumingin sa paligid ko at nun ko lang napansin na kila Savannah at Kenneth lang ang basa. So…hindi pala totoong umuulan at kagagawan yun nung dalawa.

Tiningnan ko sila ng masama.”Ah…eh…ano kasi…ayaw kasi umulan eh.”nakangiting sabi ni Harry sa akin pagkatapos ay nagpeace sign sila ni Louis sa akin.

Hinarap ko sina Savannah at Kenneth na ngayon ay nakatayo na at mga nakayuko habang basang basa.

“Naloko ninyo na naman ako.”sabi ko sa kanila.”Magsiuwi na nga kayo.”

Tumalikod ako sa kanila at sinimulan na maglakad papasok ng building ng condo ko habang nakangiti.

[Kenneth’s POV]

“Ok na ba talaga yun?”tanong ko sa kanila habang inaabutan kami ng towel ni Claire.

“Oo Tenten. Napatawad na niya tayo.”nakangiting sagot sa akin ni Savannah.

“Pero baka mas nagalit natin siya sa ginawa natin.”nagaalalang tanong ko sa kanila. Hindi naman namin talaga plano na lokohin si Natalie. Nagkataon lang kasi na hindi pa rin umuulan at mukhang hindi effective yung unang ginawa namin ni Savannah. Kaya gumawa na lang ng ulan sina Harry para daw mas nakakaawa.

“Oo pare. Napatawad na kayo nun. Nakangiti na kanina si Nat.”sabi ni Louis sa akin.

“Ganon lang naman yung si Nat. Kunwari lang yun na may matigas na puso pero sa totoo lang may part na mamon din ang puso nun lalo na sa mga kaibigan niya.”paliwanag ni Harry sa akin pagkatapos ay tinapik ako sa balikat.

“Ganon ba?”maikling sagot ko sa kanila habang nakatingin sa taas ng building ng condo ni Natalie na para bang kitang kita ko mula dun ang bintana ng condo unit ni Natalie.

“Kaya tara na. Uwi na tayo. At makapagpalit na din. Giniginaw na ako eh.”pagaaya na ni Savannah sa amin.

Naglakad na kami papunta sa nakaparadang kotse nila Claire para umuwi ng biglang magvibrate ang S5 ko na nasa pantalon ko. Buti na lang water proof ang S5 ko kaya ok lang kahit mabasa. Binasa ko yung nagtext sa akin.

Uwi na kayo, Mine. Take care. Good Night.-Mine

Si Natalie yung nagtext sa akin. Tama nga sila…napatawad na kami ni Natalie. Napangiti na lang ako habang naglalakad.

A/N: Grabe din mga trip ng kabarda ni Natalie ah? Akala mo mga staff ng isang movie. Hehehe…sana nagrain dance na lang sila para totoong umulan noh? Hehehe…yehey…buti naman bati bati na sila. Sabi nga “Peace be with you”.

Keep reading kasiderz…Thanks sa mga readers. :)

Next Chapter Title: I Heart You

_ChezZy

Continue Reading

You'll Also Like

26.8M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...