Territorial Men 1: Colton Alt...

By missgrainne

15.3M 432K 120K

Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli... More

Synopsis
Prologue
1 ~ The Boss
2 ~Warning
3 ~Admiration
4 ~ Deal
5 ~ Ego
6 ~ Kiss
7 ~ Rival
8 ~ Yes...
9 ~ Bikini
10 ~ Underwater (SPG)
11 ~ I Want You
12 ~ Mistake (SPG)
13 ~ Turn On
14 ~ Secret Affair
15 ~ Promise?
16 ~ Elope
17 ~ Live In
18 ~ First Day
19 ~ Ring (SPG)
20 ~ Villain
21 ~ Visitor's News
22 ~ Jealousy (SPG)
23 ~ Waiting
24 ~ Love
25 ~ Threat
26 ~ Pleasure (SPG)
27 ~ Hopes
28 ~ Darkness
30 ~ Hero
31 ~ Sorry
32 ~ Mrs. Altaraza (SPG)
Epilogue

29 ~ Baby...

384K 10.8K 1K
By missgrainne

Chapter Twenty Nine

COLTON was starting to get insane because of what happened to Karen. He rushed his wife in emergency room after the car hit her. And now he's waiting for the doctor to come out. Her blood is all over his shirt. He could still imagine the pain on her face and how she fought for it, but eventually, Karen lost his consciousness and that made his heart crumpled painfully. Seeing her in pain was like hitting his heart by a sharp knife multiple times.

"What happened? How's she?" Napalingon siya sa tinig na iyon ni Carter. Tinawagan niya ang kapatid nang maipasok na emergency room si Karen.

Nanlulumo na napaupo siya bench do'n. "The car hit her and I don't know how's my wife now." Nasuklay niya ang buhok gamit ang daliri dahil sa kabiguan. "I don't know what to do... Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag nawala siya, Kuya..."

"She'll we be fine. The baby will be fine too."

"I told her to wait for me at Mom's room. Bakit ba lumabas siya? Pinagalitan ba siya ni mom?"

"No," Maagap na sabi ni Carter.

"Hindi siya lalabas ng walang dahilan."

"You texted her."

Mabilis na nilingon niya ang kapatid. "No, I did not!"

Carter eyebrows shot up. Maging ito ay parang naguluhan sa isang bagay na nagpapagulo din sa kanya. He did not send her text message. Kung may sasabihin man siya kay Karen ay mas pipilian niyang tawagan ang asawa.

"You told her to wait at you at the lobby. Dad tried to convinced her to stay, but she insisted, because you texted her."

"No, no." Umiling-iling siya. "I did not text her. Why would I? Ayaw ko siyang palabasin sa kwarto ni mommy dahil hindi niya gusto ang amoy ng buong hospital. I told her to wait for me at Mom's room, not at the lobby."

"Something is wrong, Colton." Anito, tila may napag isip-isip. "If you did not text her, then who the fuck texted your wife? It was your number."

"I lost my phone. Remember? I have my new number now."

"The fuck?!" Carter tilted his head annoyingly. "I need to check the CCTV footage of this hospital." Nang tumayo ito ay wala na siyang nagawa pa. "I'll be back with some news 'bout what happened." Tango lang ang naisagot niya bago tuluyang nawala sa paningin niya ang kapatid.

"Mr. Altaraza, right?" Anang doctor na nagpatayo din sa kanya mula sa inuupuan.

"Yes. How's my wife? How's the baby?" Kabadong tanong niya. Kung mahalata man nito na kabado siya ay wala na siyang pakialam. Buhay ng mag ina niya ang nakasalalay dito! "Tell me, they're okey, right?"

Marahan na tumango ang doctor na nagpalabas ng hangin sa dibdib niya na kanina niya pa pinipigilan. Kahit papano ay medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil sa balitang iyon. Hindi nawala sa kanya ang mag-ina niya.

"We did our very best to save your wife and the baby. We are glad that we made it." Napabuntong hininga ang doctor na babae. "But right now, your wife need to rest. Nabugbog masyado ang katawan niya. We should be thankful because the baby is safe. Malakas ang kapit ng bata."

Napatingala siya at mariin na napapikit. "Thanks God," He murmured. Binalik niya ang tingin sa doctor. "May I see my wife?"

"Later Mr. Altaraza. We will transfer her to her new room. Hintayin mo na lang na lumabas dito ang mga nurse kasama ang asawa mo. Maiwan na kita."

"Thanks doc."

A warm smile made it's way to her lips. "That's our job."

Ilang minuto lang ang hinintay niya bago muling bumukas ang pinto at iniluwa ang apat na nurse na hila-hila ang hospital bed kung nasaan si Karen na walang malay. Namumutla ito. May gasa ito sa gilid ng noo. May mga gasgas din sa braso at binti. She's now wearing a hospital gown.

"This way Sir..." Iginaya siya ng isang nurse na lalaki papunta sa elevator.

Nakasunod lang siya sa mga ito hanggang sa ipasok si Karen sa isang exclusive na kwarto. It almost same on his mother's room, mas mukhang mamahalin nga lang ang sa mommy niya.

"Thank you," He said to the nurses before they leave.

Naupo siya sa gilid ng kama ni Karen at marahan na hinawakan ang kamay nito, dinala niya iyon sa labi niya habang mataman na nakakatitig sa maamo nitong mukha na walang malay.

"Mahal ko..." Tawag niya dito sa isang malambing na boses. "I know how strong you are. I know that you can fight the pain. I just want you to know that I am just here, I can be your strength. I will never leave you. Okey?" He gently kissed her hand. "Fight for me...and for our baby. I'll do everything to find the one who hit you. I will make sure to put him on jail. Right now, I want you to rest more, I know that you're in pain. Kung sana ako na lang ang nasagasaan, hindi ka na sana nasasaktan at ang baby natin." Kumuyom ang isang kamao niya sa labis na pagpipigil ng galit. He needs to control himself. Karen doesn't like when he's mad and he doesn't like the idea that his wife is mad at him.

Malalim siyang napabuntong hininga. Muli niyang hinalikan ang kamay ng asawa upang maibisan ang galit na namumuo sa dibdib niya. Nagpapasalamat siya dahil hindi masyadong malala ang lagay ng mag-ina niya. Kung nagkataon, baka hindi niya na alam ang gagawin niya. Hindi niya kakayanin kung mawawala si K sa kanya. Tiyak na mababaliw siya. Ikamamatay niya ang pangungulila sa asawa!

"I heard what happened." That deep baritone voice from his back making him turned his head to him. It was his brother, Clane.

Tumango siya at muling itinuon ang atensyon sa asawa. "Mabuti at nakaligtas siya at ang baby namin..."

"She survived and saved the baby. She's a strong woman."

"She is." Colton took a deep sigh. "I was so worried. I never felt that kind of feelings before, even to myself. Kahit nag-aagaw buhay na ako noon, hindi man lang ako nakaramdam ng sobrang pag-aalala...ngayon lang."

Clane suddenly patted his back. "You have nothing to worry now, Colton. Ligtas na ang mag-ina mo sa kapahamakan. Lets just pray for her fast recovery." Colton nodded his head. "Carter is working on the CCTV footage now. We already contact Howell too, about what happened."

"Thanks, Kuya."

"No problem."

"As much as I want to help, I can't now. I can't just leave my wife here."

"Hayaan mong kami na ang gumalaw sa kaso na 'to. And yes, you stay here because your wife need you."

Ilang minuto lang ang tinagal ni Clane sa silid bago ito nagpaalam na aalis na para puntahan si Carter. Gustuhin niya man na siya mismo ang makahanap sa may-ari ng sasakyan na bumangga sa asawa niya, hindi niya na magawa. Ayaw niyang umalis sa tabi ni K. Gusto niya na kapag nagising na ito, siya ang unang makakita. Dahil alam niyang siya ang una nitong hahanapin at ang baby nila.

PAIN consumed her as she move her body to change her sleeping position. Karen wince and gasped hurtfully. She could still remember what happened to her, this must be the result. Her eyes were still close, wanting to continue her sleep but the pain all over her body was waking her. Para siyang nalamog na prutas.

"Careful," A warm hand suddenly caress her shoulder gently.

Pinilit ni Karen na buksan ang mga mata kahit pa mabibigat pa ang talukap niyon. She wants to see Colton. Slowly, she open her eyes and was surprised by a handsome man staring lovingly at her. Colton lips form a small smile. Tila ba natanggal ang mabigat na bagay na pasan nito nang makita siyang gising na.

"C-Colton..." She said weakly.

K tried to reach for his face but she cringe when pain hit her arm. Ipinirmi niya na lang ang kamay sa gilid niya at ikinuntento ang sarili na tignan lang ang asawa. Colton looks happy to see her, but his eyes telling a different emotions. It's far from being happy.

"Huwag ka munang gumalaw. Sariwa pa ang mga gasgas at sugat katawan mo..." Masuyo siya nitong hinalikan sa labi. "Gusto mo bang kumain? Ano ang gusto mong kainin?"

"I w-want water." Paos na sabi niya. Natutuyo ang lalamunan niya.

Tumalima naman kaagad si Colton upang kunin ang gusto niya. Ilang hakbang lang ay nakabalik na ito na may dalang bottled water. Hinayaan niyang i-umang nito ang tubig sa bibig niya. Halos mangalahati ang bote bago siya na-satisfied. Ilang oras ba siyang walang malay? Uhaw na uhaw siya at nagugutom siya, mas nangibabaw nga lang ang pagka-uhaw niya.

"Sabihin mo sa akin kapag hindi mo kaya ang sakit ng katawan mo, okey? Magpapatawag ako ng doctor."

"I c-can handle."

Wala sa sarili na bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. His veined arms looks really hot and rough. Kahit sa ganoong estado niya ay hindi niya pa din maiwasan na hindi pansinin ang mga simpleng bagay na iyon mula dito. Dahan-dahan ay bumaba ang mata niya sa impis niyang tiyan at do'n lang tila siya bumalik sa reyalidad na akala niya ay nabalikan niya na ng tuluyan!

"My baby!" Bulalas niya at halos mapabangon pa sa sobrang pag-aalala at pagkabigla. Kaya lang ay inatake ng sakit ang katawan niya. "Ouch...." She let out a long groan.

"Hush, hush..." Hindi malaman ni Colton ang gagawin sa kanya, kung hahawakan ba siya o hindi.

"Y-yung baby n-natin... N-nasa tiyan ko pa s-siya di ba?" Nauutal at kinakabahan na tanong niya.

Kahit masakit na igalaw ang braso niya ay nilabanan niya iyon upang maidampi ang palad sa tiyan niya. Wala siyang ibang maramdaman, kundi sakit lang ng katawan niya. Nanginginig ang mga kamay niya ay nagbabadya na ang luha sa mga mata niya. Paano kung...

"Our baby is safe. Huwag ka ng mag-alala sa kanya. Malakas ang kapit niya, sabi ng doctor kanina." Hinaplos nito ang buhok niya. Napapikit siya sa kapayapaan na dulot niyon sa kanya lalo na ang balitang natanggap.

"My b-baby... Baby..." Naiiyak na sambit niya habang marahan at pilit na hinahaplos ang tiyan niya. "I'm sorry... I was careless. S-sorry, sana hindi kita n-nasaktan..." At tuluyan na ngang bumuhos ang luha sa pisngi niya. "K-kapit ka lang anak, k-kakayanin natin 'to. K-kakayanin ko l-lahat ng sakit p-para sa iyo... Para lang m-mabuhay ka, p-para malusog ka."

Marahan na pinupunasan ni Colton ang namamalisbis na luha sa pisngi niya habang hinahalik-halikan nito ang ibabaw ng ulo niya. Malaman niya lang na nasa sinapupunan niya pa ang anak nila, sobrang saya niya na. Para bang napawi niyon ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

The baby is okey. The baby is still there. Colton is there, too. Siguro ay sapat na na dahilan iyon para malampasan niya ang nangyari sa kanya. Kakayanin niya ang lahat para kay Colton at sa magiging anak nila.

COLTON is preparing their breakfast, while she's video calling with her siblings. Ilang araw na silang nakauwi sa mansion. Ang mommy ni Colton ay nauna pang nakauwi sa kanya. Sa mga sandaling iyon ay nasa silid sila ng asawa niya. Kay bilis nga lang talaga lumipas NG araw ano? Parang kailan lang siya ang nag-aasikaso ng almusal ni Colton sa kwarto ding iyon, ngayon naman ay si Colton na ang tumatayong nurse niya.

Kahit papano ay gumagaling na ang mga gasgas at sugat sa katawan niya, medyo masakit pa pero kaya niya na. Nung mga unang araw ay napapahiyaw pa siya sa sakit dahil hindi naman siya pwedeng uminom ng mga gamot lalo at antibiotics, or pain reliever. Tinitiis niya na lang talaga ang sakit para sa baby nila.

"Ate! Excited na kaming makita ulit kayo ni Kuya Colton! Totoo bang sa mansion kayo nakatira?" Si Rachel na tutok na tutok sa camera. Kumikinang ang mga mata nito sa kasiyahan at excitement. "Sobrang laki daw ng mansion ng mga Altaraza. May Hotel and Resort nga din sila sabi ng classmate ko! Totoo ba 'yon ate?"

"Totoo lahat 'yon, Rachel. Hayaan mo, pagbabakasyunin namin kayo dito."

Inilapag ni Colton ang baso ng gatas sa lamesa sa harap niya. She mouthed Thanks at him. Tumango lang ito at kinuha ang almusal nila na kahahatid lang ng isa sa mga kasambahay.

"Pwede kaming maligo sa swimming pool, ate? Libre?" Ryzza asked.

"Yes, libre." Si Colton ang sumagot nang ilapag ang clubhouse sandwich sa lamesa.

"Talaga Kuya? Salamat!" Ryzza giggled and jump in happiness.

"We are going to book a flight for the three of you. Just wait."

Sabay-sabay na nagtilian ang mga kapatid niya sa sinabing iyon ni Colton. Maging pati siya ay napangiti. Hindi kasi muna sila makakabalik sa bahay nila kaya ang mga kapatid niya na lang ang papagbakasyunin nila sa Villa Altaraza. Makakasama niya ulit ang mga ito habang summer vacation pa.

"Tuwang-tuwa sila." Aniya nang matapos makipag-usap sa mga kapatid. "Siguradong araw-araw ang mga 'yon sa swimming pool. Hindi ba sila makaabala sa ibang guest?"

"They're our guest too. Let them enjoy their summer vacation." Kinagatan niya ang sandwich na inumang nito sa bibig niya. Colton is really sweet. Maasikaso din ito lalo ngayon na hindi pa siya masyado nakakagalaw-galaw ng maayos. "I already talk to my parents about your siblings..."

"W-what?" Bulalas niya. Hindi inaasahan ang pag desisyon ni Colton ng mag-isa at huli nang ipinaalam sa kanya. "A-anong sabi nila? Anong sabi ng mommy mo? P-pwede naman sila sa isang hotel room mag stay habang nandito sila. May pambayad pa naman ako."

"She said yes." Cool na sagot nito at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri. "Huwag mo ng alalahanin pa ang tutuluyan ng mga kapatid mo. Naayos ko na 'yon. All you have to do now is to get even better..." Tapos ay bumaba ang kamay nito sa tiyan niya. "And to stay strong and healthy for our baby."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Napapangiti din kasi talaga siya sa tuwing naiisip ang anghel sa sinapupunan niya. Tama si Colton, kailangan niyang manatiling malakas at malusog para sa anak nila. Kaya nga iniiwasan niya ng mag-isip. Mag-isip ng patungkol sa nangyari sa kanya at sa kung sino ba ang bumangga sa kanya. Mawawalan ba ng hustisya ang nangyari sa kanya? Hindi ba mananagot ang may sala? That's unfair. Kailangan ay mahanap nila kung sino 'yon!

"Ahm," Tinignan niya si Colton, nakatitig naman ito sa kanya.

"Yes baby?"

"Iniisip ko lang kung s-sino ba ang bumangga sa'kin."

Nakita niya kung paano napalitan ang emosyon sa gwapong mukha nito. Mula sa pagiging kalmado, naging madilim ang aura ng asawa niya.

Colton sighed and kiss the side of her head. "Honestly, we have our lead now. My brothers were working on it. Hinahanap na kung nasaan siya. Alam mo naman na hindi ako papayag na hindi managot ang gumawa ng bagay na 'to sayo, di ba. Pagbabayarin natin siya sa ginawa niya sayo, okey?" Masuyo nitong hinalikan ang pisngi niya papunta sa gilid ng labi. "Hindi ako papayag na may taong basta-basta na lang mananakit sa babaeng mahal ko. Ako ang makakalaban nila."

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 112K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...
67.6K 955 21
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries8
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...