Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 45 - The Calm before the Storm

5.9K 213 78
By wistfulpromise

Chapter 45

The Calm before the Storm

Serene

Mula sa pinanggalingan namin hanggang ngayong nasa lupain na kami ng Verino ay may mga humahabol pa rin sa amin na mga kalaban.  

May ilang beses na kaming nakipagpalitan ng putok ng baril ngunit ayaw nilang papigil. Ngunit hindi sila ang higit na problema namin kundi ang oras.  

Hindi ko makakalimutan ang bawat minuto na lumipas. Kung paano pinalipad ni Kuya Niel ang kotse. Kung paano napapakapit si Cello sa upuan sa aking tabi. Kung paano halos masuka-suka si Kuya Paul sa sobrang pagkahilo sa bilis. At kung paano kumabog ang puso namin ni Aziel sa kaba lalo na si Aiden kung makakaabot ba kami sa tamang oras.  

Limang minuto na lang pero papasok pa lang kami sa siyudad bg LaReina na siyang hawak ng Black Savage.  

Lima, apat, tatlo, dalawa...

Hindi ko makakalimutan kung paano mula sa isang minuto ay halos ilundag ng kotse namin ang lupain sa pagitan ng Verino at LaReina. Pigil hininga kaming lahat lalo na noong makita namin sa suot kong relo na pagsapit ng saktong alas-dose ay nakapasok na kami sa welcome sign ng LaReina.  

At ganun na lamang ang gulat namin noong makita sa magkabilaang gilid ng daan ang napakaraming kotse at tao. Lahat nakakulay itim. Lahat ay tila ba kamukha ni Kamatayan na sumusundo sa amin.  

Death.  

Sa gitna ng lahat ng napakaraming taong iyon ay si Jace kasama ang ibang mga gangmates sa likod. Nasa gitna sila ng daan na tila ba kanina pa hinihintay ang pagdating namin.  

Hininto ni Kuya Niel ang kotse bago pa namin sila masagasaan. Kulang na lang lumipad kami mula sa kinauupuan namin dahil sa lakas ng impact, mabuti na lang nakasuot kami ng seatbelt.  

Makikita mo ang usok sa aming tabi mula sa gulong ng kotse. Sa sobrang bilis namin ay halos magliyab ito.  

Pigil hininga kong itinaas ang tingin sa harap. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng kotse namin mula sa grupo nila Jace ngunit parang hindi sila natinag. Mabuti na lang talaga natapakan ni Kuya Niel ang preno. Mabuti na lang.  

"Jace," sambit ni Aiden sa kanyang pangalan. Gayunman, hindi sa kanya napunta ang atensyon ko kundi sa rearview mirror sa aking harapan. Nakita ko kung paano ekspertong ipinuwesto ng Black Savage ang kanilang mga kotse bilang barikada. Kung paano nila pinagbabaril at pinasabog ang mga kotse na kanina lang ay humahabol sa amin. At kung paano nila pinagkaisahan na proteksyunan ang kanilang lupain mula sa mga kalaban. Wala halos natira. Wala ni isa ang nakapasok sa harang na ginawa nila.  

Naunang lumabas sina Aiden, Kuya Niel, at Kuya Paul sa kotse. Gayunman, ang tingin ni Jace ay nasa loob pa rin ng kotse na tila ba pilit inaaninag mula sa liwanag na nanggagaling sa headlights kung sino ang mga tao na naroon.  

"Jace hindi mo na kailangang sumugod sa NL7. Nandito na kami. Eksaktong sa oras na binigay mo."  

"Sa main headquarters ang usapan Aiden."  

"Alam namin pero--"

"And you guys are a minute late."

"Oh come on, seriously?"

"Kuya Paul and Aziel needs an emergency. Ano pang hinihintay nyo?" Utos ni Kuya Niel sa iba. Agad namang lumapit ang mga nakatokang manggagamot sa paligid upang lapatan ng lunas ang mga kasama namin.  

Lumabas ako ng kotse. Kasalukuyan pa ring nakikipagdiskuyunan si Aiden kay Jace.  

"Wala tayong mapapala kung susugod tayo sa NL7. Ang kailangan nating gawin ay pag-usapan ito."  

"Hindi sila makikinig."  

"Nakakatawa na iyon din ang sinabi ng kabilang panig."  

Lumapit ako sa tabi ni Jace upang humarap kay Aiden. Hinaplos niya ako sa aking balikat bago nagpasintabi kay Aiden.  

"Anong ginawa mo?" Una niyang tanong pagkaharap sa akin. Kunot ang kanyang noo, hindi maipinta ang kanyang mukha. Mga reaksyon na hindi ko akalaing makikita sa kanya.  

"Anong ibig mong sabihin?"  

"All I want from you was to follow the damn watch! Kailan ka ba makikinig sa akin Serene? Kailan ba yung kahit minsan yung gusto ko naman ang sundin mo at hindi palagi sayo?"

"Jace na-late lang kami ng ilang minuto. Bakit ka ba nagkakaganyan?"  

"Bakit ako nagkakaganito? I was ready to send our full army just to get you out of there. Ano ba naman yung tumawag kayo di ba? Hindi yung pinag-aalala mo ako ng ganito."  

"Sa dami ng kalaban namin hindi ko na naisip 'yun. I'm sorry."

"Enough with the excuses."

"Yun yung totoo Jace--"

"I said, enough."

I was speechless. Sa galit niya, sa reaksyon, at lalong-lalo na sa tono ng pananalita niya sa akin. He was so tensed and stressed.  

Wala sa sarili akong napaatras palayo sa kanya. Napagtanto naman niya ang mga sinabi niya dahil agad siyang napahilamos sa mukha.  

"Serene I'm--"

"I know you're tired. Lahat tayo pagod at wala pang tulog. Ako na ang bahala rito Jace. Magpahinga ka na."  

"I'm sorry. I didn't mean..."

"I know."  

Ikinulong niya ako sa mainit niyang yakap. Breathing my scent to calm himself down.

"I'm glad you're okay."  

Niyakap ko siya pabalik. "Sabi ko naman sayo di ba? Babalik ako."  

Ala-una ng madaling araw noong makabalik kami sa mismong headquarters ng Ellipses. Akala ko matutulog na at magpapahinga si Jace dahil yun na ang ginawa ng lahat. Pero nagkamali ako. Pagkadating namin sa kwarto niya ay dumiretso pa rin siya sa study table sa gilid. May tatapusin lang daw siya.  

"Kailangan mo ring magpahinga. Kailangan mo ring matulog."  

"Mamaya." Seryoso siyang humarap sa laptop niya pagkabukas niya nito.

Naligo muna ako at nagpalit ng damit na nakita ko sa loob ng kabinet. Inayos ko na rin ang mga unan, pinagpag at saka pinalitan ng punda. Nakikipag-usap ako sa kanya kanina pero agad ding naging tahimik. Umupo ako sa higaan. Narinig ko nang muli ang pagta-type ni Jace sa laptop niya kaya tumayo na ako. Kumuha ako ng isang unan pati na rin ng extra na kumot. Dahan-dahan kong binuklat ang kumot upang ikumot sa likod niya. Kasama ng kumot ang mga braso ko na yumakap sa kanya.  

"Lumalamig na. Malalim na rin ang gabi. Matulog na tayo Jace." yumuko ako ng konti. Nanlalambing ko siyang niyakap ng mahigpit papalapit sa akin. Ang pisngi niya sa pisngi ko, iniangat ko ang tingin at nakita ang mga salita na kanina pa niya sinusulat at binabasa.  

"So Vila Corp. na ang bagong investor ng Ashez?"  

Marahan siyang tumango. Ramdam ko na gumaan ng konti ang mga balikat niya. Ang salubong niyang mga kilay mula pa kanina ay unti-unti na ring naglaho.

"Kumusta si Nathan tungkol sa naging desisyon mo?"  

"Wala naman siyang magagawa kapag ako na ang nakapagdesisyon."  

May tinanong pa ako kay Jace tungkol sa Ashez. Wala namang problema sa kanya na sagutin ito. Kahit ako nagulat na parang good mood yata siya dahil madalas hindi na niya dinadagdagan ng ibang impormasyon ang mga tanong ko. May ibinulong ako sa kanya na isang biro. Gumuhit ang pamilyar na ngiti sa mga labi niya. Noong may kumatok sa pinto ay nagtatawanan na kami ni Jace. Kahit si Aiden na pinapasok namin ay hindi makapaniwala sa mga hagikgikan namin sa ganitong katahimik na oras.  

"Yes, Aiden? What is it?" tanong ni Jace sa kanya. Tumayo na ako ng maayos, ang isa kong kamay ay nakapatong pa rin sa balikat niya. Aalis na sana ako para bigyan sila ng privacy pero pinatong ni Jace ang kamay sa kamay ko.

"Tumawag si Shane kanina. Iniimbitahan tayong lahat para sa premiere ng movie niya."

"Kailan?"

"Bukas daw, 4 pm."

"Party ba ulit? Parang nagkaroon na ako ng phobia kaka-party natin nitong huling mga araw. Puro gulo ang kinalabasan." biro ko sa kanila. Natatawa na lamang na napailing si Jace. Marahan niyang tinapik-tapik ang kamay ko sabay tingin sa akin.  

"Don't worry. Sisiguraduhin kong walang magiging gulo bukas."

Sinara na ni Jace ang laptop at saka tumayo.  

"I'll just take a shower." bulong niya sa akin sabay halik sa aking pisngi. Pagkatayo niya ay humarap na siya kay Aiden. "Is there anything else?"  

"Wala na. Sige matutulog na rin ako."  

Sumabay na akong lumabas kasama ni Aiden pero naghiwalay din kami dahil dumiretso ako sa garden at siya sa kwarto niya. Naglakad-lakad muna ako roon, nagpapahangin, nag-iisip ng mga bagay-bagay sa kung ano na ang nangyayari sa amin.  

"Narinig ko ang pag-uusap nyo ni Lethal 3." May paghakbang akong narinig sa likod. Hindi ko na ito nilingon dahil alam ko kung sino iyon. "Paano kaya kung pumayag ka? Para matapos na ang gulong ito. Para makabalik na tayo sa isla."  

"Hindi ko tatraydorin ang gang ko."

"Papasok ka roon hindi para magtraydor, kundi para ayusin ang NL7 na huwag nang kalabanin ang Society. Serene alam kong kayang-kaya mo silang kontrolin. Alam nahawakan mo na sila sa mga kamay mo, wala nang imposible."

"Hindi ko gagawin yun. Hindi ko iiwan si Jace rito."

"Sakripisyo. Hindi naman permanente iyon. Sasamahan kita. Tutulungan kitang gumawa ng paraan."  

Humarap ako sa kanya. "Na-aappreciate ko ang pagtulong mo sa akin Cello pero kung gagawa ako ng ganitong kalaking desisyon, gusto ko kasama sina Kuya Paul at Kuya Niel lalong-lalo na si Jace."

"Hindi mo kailangang ipaalam agad. Gawin muna natin bago ipaalam sa iba."

"Hindi."

"Serene..."

Tinitigan ko siya diretso sa mata. "Hindi, Cello. At hindi magbabago ang sagot ko. Kung papasok ako dyan sisiguraduhin kong alam ni Jace ang nangyayari. Take it or leave it."

Napabuga siya ng malalim na hininga na may kasamang pagbulong. "Ang tigas pa rin talaga ng ulo mo."

"May premiere night si Shane bukas ng hapon, sasama ka ba?" Pagbabago ko ng usapan.

"Hindi ko naman siya kilala at mas lalong hindi naman ako imbitado."  

"Lahat daw tayo pupunta."  

"Anong gagawin ko roon?" Bagot niyang ibinulsa ang mga kamay. Tulad ko ay may mga benda  at band-aid din siya sa katawan mula sa pakikipaglaban namin sa NL7. "Pupuntahan ko na lang si Clarisse. Nagpapasama siya sa akin."  

"Saan?"  

"Sa ospital."  

Napakunot-noo ako. "Ospital? Bakit?"  

"Hindi ko natanong masyado pero sabi niya may bibisitahin daw siyang kaibigan nyo. Mitch daw?"  

Ang tagal kong iniisip kung saan ko huling narinig ang pangalan na yun. Napapitik ako noong nagkaroon ng reyalisasyon ang utak ko. "O! May nakapagsabi sa akin na gusto raw makipagkita ni Mitch sa akin matagal na. Hindi ko naman naharap dahil sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw. Sasabay na lang siguro ako sa inyo para makita at makilala ko siya. Anong oras kayo aalis?"  

"Maaga. Alas-otso raw."  

"Sasama ako."  

"Akala ko ba may premiere night pa kayong pupuntahan?"  

"Hapon pa yun."  

Sa hinaba-haba ng araw namin, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti. "Aasahan ko yan ah. Sige. Kailangan ko nang matulog. Good night!"  

"Good night din sayo. Well actually, good morning na."  
Tumawa siya noong mapagtanto na tama ang sinabi ko. Pumasok na kami sa kanya-kanya naming mga kwarto pagkatapos no'n.  

Pagkabalik ko sa kwarto ay nakapalit na si Jace ng damit pantulog. May pinindot siya sa tabi. Naging dim ang ilaw sa paligid.  

"Matulog na tayo?--"

"Jace nakausap ko ang isa sa mga Lethal noong niligtas namin sina Kuya Paul at Aziel."

Sandali niya akong pinagmasdan. Kung kanina ay relax na siya, ngayon ay bigla siyang naging alisto.

"Sinaktan ka ba niya?"  

Umiling ako. Alam ko na ang tono niyang iyan. "Kinausap niya lang ako."  

"Anong sinabi niya?"  

"He proposed something," tumingin ako diretso sa kanyang mga mata. "They offered me a spot on NL7 in exchange of fighting against you."  

"You will?"

"Alam mong hindi ako ganyan. Walang kapalit ang katapatan ko."  

"Gagawin talaga nila ang lahat mapabagsak lang ako. Kahit gamitin pa nila ang mga taong importante sa akin."  

"They are desperate."

"Well they should be. Dahil uubusin ko sila." Ikinuyom niya ang mga kamay.  

"Sinasabi ko sayo ito ngayon hindi para magalit ka, kundi para mapag-usapan. They want revenge for the last five years of your reign."  

"Hindi ko na mababago ang nakaraan."  

"Pero mababago mo pa ang kasalukuyan."  

"Ilang ulit nilang sinasabi na ako ang halimaw, pero hindi ba't ganun din naman sila? They killed our people without remorse. They use their money for self-interest. They are worse than I am."

"They want to talk."

"Hindi na maaayos ang gulong ito sa pag-uusap lang, Serene."  

"Subukan pa rin natin--"

"No. That's final. They want this war? I will give it to them."  

"Ang gusto ko lang naman marinig mo ang side nila."  

"Let's not talk about this."  

"I was just hoping for you to at least consider--"

"Please, Serene. I'm tired. I just want to sleep."

Humiga na siya roon sa kama at nagtalukbong. Tumalikod siya mula sa pwesto ko.

Humiga na rin ako. Likod sa likod, parehas kaming naging tahimik. Sinilip ko siya konti pero hindi siya gumalaw.  

Pinalipas ko ang ilang minuto. Pinilit ko rin matulog pero hindi ko magawa. Hindi ko na sana siya kakausapin pero ayoko ng ganitong pakiramdam. Humarap ako ng higa sa kanya upang yakapin siya. Isinandal ko ang sarili sa likod niya.  

"Galit ka ba sa akin?" Bulong ko, sapat na upang marinig niya. Alam kong gising pa siya. Hindi naman ako nagkamali dahil tahimik siyang sumagot.  

"I'm just disappointed."  

"Sa akin?"  

"Sa sarili ko."  

"Bakit?"  

"Naiipit ka sa gulong ako naman ang may gawa."  

"Nangyari na, di ba? Gawin na lang natin ang lahat para maayos ito."  

"Maaayos pa ba, kung masyado nang magulo ang lahat?" May kung anong lungkot ang narinig ko sa boses niya. Hindi ako sanay na marinig na parang nawawalan na siya ng pag-asa.  

"May problema ba?" Malumanay kong tanong.  

"People always have a problem."  

"Hindi naman ibang tao ang tinatanong ko, ikaw."

"Ashez. Mafia. NL7. Do I need to add more?"  

"Gusto mong pag-usapan? Makikinig ako."  

"You already know it."  

"Hmm..." Humikab ako bigla ng hindi ko namamalayan.

"Tired?"  

"Inaantok lang." Ipinikit ko ang mga mata.  

Hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya. "Serene?"

"Hmm?"

"Kapit ka lang ha?"  

"Oo naman. May dahilan ba para bumitaw?"  

Dinampian niya ng halik ang mga kamay ko. Kung may sinabi man siya pagkatapos kong magsalita, hindi ko na alam dahil inaantok na talaga ako.  

"Tulog na tayo Serene."  

"Good night, Jace."  

Hindi siya sumagot. Nakapikit na ang mga mga mata ko noong narinig ko siyang bumulong.  

"Good night, my queen."

**

"Hello! Good morning! Good morning! Good morning!" Ito ang pambungad sa akin ng lalaking naka-apron pagdating ko sa kusina upang manguha ng tubig. Kagigising ko lang pero parang hindi ko pa ramdam ang umaga. Nakaligo na ako at nakapalit pero ang diwa ko parang hindi pa gising. Siguro dahil sa sakit ng katawan mula sa pakikipaglaban kahapon at kakulangan sa pagtulog? Ewan. Pero ang lalaki sa harap ko, kabaliktaran ng lahat ng dinaramdam ko.  

"O, Rico, naparito ka?"  

"Siyempre babes narito talaga ako at hindi naroon, duh."  

Kauma-umaga nagbibiro na agad siya. Natatawa na lamang akong umupo sa mesa na puno ng mga pagkaing niluto niya.  

"Wala kang work today sa restaurant mo?"  

"Wala eh. Dito muna ang work ko ngayon."  

"What do you mean?"  

"Sabi kasi sa akin ni Aiden kailangan nyo raw ng tao na magluluto rito so nagpresinta na ako, ta-dah!" May nilapag siya na isang pinggan na puno ng pagkain sa harap ko. "Sinangag na kanin with tocino, egg and vegetables on the side. Enjoy!"  

"Wow, thank you! Tamang-tama gutom na rin ako." Kinuha ko na ang kutsara't tinidor sa tabi upang umpisahang kumain. Siya sa ikalawang banda ay patuloy lamang humihimig habang nagluluto pa rin. "Kumain na ba yung iba?"  

"Hindi pa babes, ikaw pa lang ang naunang bumangon eh."  

"Talaga?"

"Alas siyete na kaya!"  

"Siguro nasanay na lang talaga akong gumisiging ng maaga."  

"Nakakapanibago naman. Kasi noon ikaw kaya ang palaging late hahaha! Kita mo nga naman, bilog talaga ang mundo."  

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.  

"Si Jace pala, babes? Nasaan na ang ating most punctual?"  

"Tulog pa. Iniwan ko muna sa kwarto namin. Hayaan muna natin siyang makapagpahinga para may lakas siya mamaya."

"Naks naman. Wala nang iyo, wala nang kanya. Kwarto 'nyo' na talaga. Iba rin."  

"Ang aga-aga pinagtitrip-an mo ako." Natatawa kong dinuro ang tinidor sa kanya. Pasalamat talaga siya masarap siyang magluto dahil kung hindi, tinuhog ko na ang tinidor sa ngiti niyang mapang-asar.  

"Maganda rin na pinagpapahinga yung si Jace. Naku, pag yun pa man din ang nagtrabaho tuloy-tuloy. Walang pahinga! Ako kaya ang nai-stress sa kanya. Kahapon nga napadaan ako roon sa Ashez. Uminom ako ng kape sa may coffee shop sa first floor tapos nakita ko si Jace na may kausap na babae. After nu'n mukha na siyang stress lalo. Tapos alam mo ba babes yung sa restaurant ko--"

"Teka, ano ulit yung sinabi mo?"  

"Sa restaurant ko?"  

"Hindi, bago yun."  

"Yung sa kape ko?"  

"Oo. Yung nakita mo si Jace na may kausap na babae?"  

Mula sa niluluto ay kunot-noo siyang napatingin sa malayo na tila ba pilit inaaalala ang sinabi niya. May konting pagnguso pa siyang nalalaman. Para siyang bata. Napaka inosente at genuine ng bawat pagbabago ng mood ng mukha niya.  

"May sinabi ba akong ganun?"  

"Oo."

"Oh! Yeah naalala ko na," ipinagpatuloy niya ang paghahalo sa niluluto. "Hindi ko narinig yung pag-uusap nila pero para silang nagtatalo eh."  

"Anong itsura nung babae?"  

"Hindi ko gaanong nakita pero alam ko babes parang nakita ko na yun noon."  

"Si Aaliyah ba ng Vila Corp?"  

"Aaliyah na ex ni Nathan? Ay, hindi. Iba."  

"Sino?"  

"Hindi ko talaga kilala babes pero may narinig ako konti sa pag-uusap nila kasi lumapit ako ng konti eh, hahaha! May sinabi si ate girl na something along the line na ikaw ang am--" Bigla siyang nabahing. Mabuti na lang natakpan niya ang bunganga at ilong gamit ang braso palayo sa niluluto dahil kapag nagkataon, baka mawalan ako ng gana.

"Ano na ulit yung sinasabi ko babes?" Tanong niya sa akin matapos maghugas ng kamay.

"Sabi mo nakita mo si Jace tapos may sinabi si ate girl."

Tumingin siya sa kisame ng kay tagal, akala mo nakasulat doon lahat ng gusto niyang sabihin dahil masyado siyang pursigido na alalahanin ang narinig.

"Ano na?"  

"Hindi ko na maaalala babes eh. Parang lumipad ang utak ko kasama ng pagbahin ko kanina."  

Natawa ako sa sinabi niya kaya napailing na lang ako. "Hayaan mo na nga. Sige, kain na tayo."

Dumating si Kuya Niel at sinaluhan akong kumain. Tinanong ko kung kumusta siya at ang tulog niya, mukha kasi siyang pagod.

"Napuyat lang. Bakit ba kasi ang dami ng problema sa Society?"  

"Maayos din ang lahat kuya. Huwag kang mag-alala." Tinapik ko siya sa balikat.  

"Wag na nga nating pag-usapan ang tungkol doon. Ang pag-usapan natin, yung pupuntahan nating premiere mamayang hapon."  

"Kailangan talaga?"  

"Oo naman. Suporta natin kay Shane."

"Huwag na lang kaya akong sumama?"  

"Ay babes, ang bad. Punta ka na." Simangot ni Rico sa akin. Tapos na siyang magluto kaya inumpisahan na rin niyang kumain sa tapat namin ni Kuya Niel.  

"Oo nga. Tara na. Minsan na lang tayo ulit makumpleto." segunda pa ni kuya.

"Pupunta pa rin naman si Jace di ba?"  

"Oo pero--"

"Pag-iisipan ko kuya wag kang mag-alala."

"Huwag mo nang pag-isipan. Aasahan ka talaga namin doon."  

Napakamot na lang ako sa determinasyon nilang dalawa. Tumayo na ako matapos kumain. "Sige bibisitahin ko muna sina Kuya Paul at Aziel. Ricorics, salamat sa umagahan ah."

"Oh my god. Tama ba ang narinig ko? Tinawag mo ako sa tawag mo sa akin noon?"  

"Yung Ricorics?"  

"Oo!"  

Ngumiti ako sa kanya. "Dahan-dahan ko nang naaalala ang nakaraan tungkol sa buhay ko rito kasama kayo. Nahihirapan pa rin akong maalala kung ano ang nangyari sa akin bago ako napunta sa isla. Pero sana sana lang magtuloy-tuloy na ang recovery ko. Sige magkita na lang tayo mamaya."   

Dumiretso ako sa infirmary at masaya noong malaman na okay na sila. Chineck ko rin ang iba sa mga gangmates namin upang kumustahin. Nagulat ako noong makita na nandoon na si Jace kasama si Rico. Nag-aabot sila ng mga bagong lutong pagkain.  

Hindi man halata sa itsura ni Jace pero alam ko na nag-aalala rin siya sa mga kasama namin. Napakagaan ng aura niya. Pansin ko rin na hindi siya nakasuot ng kulay itim na madalas kong nakikita sa kanya. Kulay puti na v-neck ang suot niyang t-shirt samantalang dark brown naman ang maong na tinernuhan ng itim na rubber shoes.

Alam ko nitong mga huling araw ay kulang siya sa tulog. Masaya ako na nabawi niya na iyon.  

Lalapit sana ako noong may naramdaman akong tila ba malakas na pagkabog sa aking ulo. Napakapit ako sa katabing pader sabay hapo rito. Parang may puso, tumitibok-tibok. Gayunman, may kasama itong pagkirot na hindi ko alam kung saan nanggagaling.  

May dumaan na mga gangmates sa harapan ko. Ngumiti ako sa kanila upang maitago ang sakit na nararamdaman. Ngumiti naman sila pabalik. Noong nawala sila sa aking paningin ay pinikit ko ang mga mata.  

Hinga ng malalim Serene. Hinga ng malalim.

May pumasok na mga alaala sa aking isipan. May dugo. May sigawan. May tubig... lupa. Masyadong mabilis. Nagpapalit-palit. Hindi ko maintindihan.  

Idinilat ko ang mga mata. Umiikot ang aking paningin. Ano nga ba ang nangyari sa nakaraan ko na hindi ko maalala? Ang isang kamay ay nasa pader samantalang ang isa ay nakasabunot sa aking buhok. Pinilit kong intindihin. Pinilit kong buklatin ang lagusan sa aking isip na hindi ko pa rin mahanap ang susi.  

Gusto kong maalala. Gusto ko nang maalala!

Pero parang pintuan na nagsara ang utak ko. Hindi ko mabuksan. Hindi ko mapasok. Hanggang sa hindi ko nakayanan ang sakit. Pakiramdam ko mabibiyak na ang utak ko. Bumagsak ako sa kinatatayuan ko.

***  

Para akong umahon sa dagat noong muli kong idilat ang mga mata. Nasa loob ako ng isang puting silid. Huminga ako ng malalim at napakunot-noo noong malanghap ang pinahalong amoy ng alcohol, sabon na panlinis, sterile... ospital?

Isang tingin sa suot kong hospital gown ay nakumpirma ang hinala ko.  

Sa may pintuan ay sabay na pumasok si Jace kasama si Dra. Jimenez na ngayon ko na lang ulit nakita.  

"Miss Lopez, I'm glad you're awake. Ano nang nararamdaman mo?"  

"Nahihilo pa rin pero okay naman po."  

"Tinakbo ka ni Mr. Alvarez dito sa ospital kanina noong nakita ka nilang bumagsak bigla."  

"Alam ko po." Tumayo si Jace sa tabi ko para alalayan akong umupo.  

"Can you describe kung anong nangyari sayo kanina?"  

Sinabi ko kung ano ang naramdaman at naalala ko. Nakinig naman si Dra. Jimenez habang hawak ang clipboard niya na marahan niyang sinusulatan. Sa totoo lang ayoko sa ospital lalo na kung ako ang pasyente. Kaya sana matapos na ito at nang makauwi na rin kami agad.  

Matapos magpasalamat sa akin sa pagkukwento ko ay nagpasalamat siya sa akin at sinabi na babalik mamaya. Gayunman, tinawag niya si Jace at sa tingin ko sila ang nag-usap sa labas. Pagkabalik ni Jace ay umupo siya sa tabi ko.  

"Tinakot mo kami alam mo ba 'yun?"  

"I'm sorry. Gusto ko na kasi talagang maalala ang lahat kaya pinilit ko. Pakiramdam ko kasi iyon ang susi para maayos natin ang gulong ito. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito."  

"Yun din naman ang gusto namin. But do not force yourself like that again, okay?" Nag-aalala niyang hinaplos ang buhok ko. Tumango ako.  

"Anong oras na?"  

"Eight."  

"Mukhang hindi ako makakasama kanila Cello at Clarisse niyan para bisitahin si Mitch." Malungkot akong tumingin sa mga kamay ko.

"Saan ba?"  

Sinabi ko sa kanya ang address na sinabi sa akin ni Cello kagabi.  

"We are exactly on that hospital."  

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Matagal na kasing nagrerequest si Mitch na gusto niyang makipagkita. I just feel like I really need to meet her."  

"Gusto mo bang samahan kita sa kanya?"  

"Pwede ba?"  

"Oo naman. Kahit saan." Hindi ko mapigilang mapangiti pabalik noong ngumiti siya sa akin.  

Tulak-tulak ni Jace ang wheelchair ko papunta sa kwarto ni Mitch. Sa totoo lang hindi ko naman kailangang magwheelchair pero noong sinabi ko kay Jace na nahihilo pa ako ng konti pinilit niya na magwheelchair na lang ako.  

Nakakapagtaka rin na parang alam niya kung saan pupunta kahit hindi niya tinatanong sa mga nurse kung saan ang kwarto. Tinanong ko sa kanya kung bakit.  

"Shane always go here, that's why."  

"Sinasamahan mo siya?"  

"Kinukwento niya."  

"She might be special to him."  

"She is."  

Huminto kami sa tapat ng isang kwarto.  

"Nandito na tayo." Sabi sa akin ni Jace. "Ikaw na lang ang pumasok para makapag-usap kayo. Hihintayin kita rito sa labas."  

Tinulungan niya akong tumayo. Nagpasalamat ako sa kanya. Itinabi niya ang wheelchair sa gilid ng pinto kung saan may mga upuan. Umupo siya roon. Ngumiti ako sa kanya bago kumatok sa pinto. Binuksan ko ito noong may marinig na marahang boses na nagsabing, "Pasok."  

Sa loob ay may nakita akong isang pamilyar na babae na may mahabang brown hair na halatang sinadya niyang kinulayan. Mula sa kwadernong kasalukuyan niyang sinusulatan ay inangat niya ang tingin sa akin. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya sa gulat noong mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya.  

"Serene? Ikaw nga. Oh my god! Totoo nga ang sinabi nila na buhay ka!"  

Lumapit ako sa kanya at ganun na lamang ang gulat ko noong inambangan niya ako ng isang mahigpit na yakap.  

"Sabi ko na eh. Sabi ko na babalik ka sa amin."  

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya dahil hindi ko pa naman naaalala ang lahat kabilang na siya. Pamilyar lang siya sa mukha at pangalan pero bukod pa roon, blanko na ang isip ko.  

"Hindi mo na ako naaalala ano? Huwag kang mag-alala, sinabi na sa akin nina Clarisse at Sophia ang tungkol sayo kaya nga pinatawag kita agad kasi gusto rin talaga kitang makita."  

"Pasensya na. Gusto ko rin talagang makipagkwentuhan sayo pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Sa totoo lang kaya nga ako nandito sa ospital ngayon kasi pinilit kong alalahanin ang nakaraan pero nahihirapan talaga ako."  

"Ano ka ba Serene, okay lang. Makita lang kita na ayos, masaya na ako."  

"Ikaw ba? Bakit ka nandito sa ospital?" Napunta ang tingin ko sa kanyang kamay. Sa dami ng nakaturok sa kanya kasama na ng mga makina sa paligid, alam kong seryoso ang dahilan ng pagkaka-confine niya rito.  

"Ah, ito ba?" Itinaas niya ang isang kamay na naka-dextrose. "Naku, wala ito. Ang sabi ng doktor ko malapit na rin naman akong makalabas dito kaya huwag mo nang isipin ito. Ikaw ba? Kumusta na?"  

"Ayos lang. Nahihirapan pero lumalaban pa rin."  

"Yan ang kilala kong Serene. Hindi sumusuko." Napakatamis ng ngiti sa kanyang mukha. Napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya. "Masaya ako na kayo pa rin ni Jace hanggang ngayon. Huwag nyo sanang pabayaan ang isa't isa. Bihira ang ganyang pagmamahalan. Yung akala ko na hanggang sa libro ko lang mababasa. Alam mo yun? Pwede rin pa lang mangyari sa tunay na buhay."  

"Communication lang talaga."  

"I know. Yan din ang sabi mo sa akin noon eh."  

Nagngitian kami. Kahit tahimik wala akong awkwardness na naramdaman at alam kong ganun din siya. Ang ganda ng ngiti sa mukha niya pero sa likod ng mga mata niya, nakikita ko ang pagod dito na pilit nagkukubli.  

"Hindi pa ba pumunta sina Clarisse at Cello rito? Sabi nila alas-otso raw nandito na sila."

"Oh, si Clarisse at yung kakambal niya? Oo nga raw eh. Nagtext sila sa akin. Mala-late raw sila ng konti dahil sa traffic. Maaabutan mo pa ba sila?"  

"Sana. Pero may kailangan pa kaming puntahan ni Jace mamaya. Dumaan lang talaga ako rito para makita ka."  

"I see. Thank you Serene ah. Masaya talaga ako na makita ka kahit sa huling saglit."  

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Makakalabas ka naman na di ba?"  

Ngumiti lang siya sa akin at saka ako niyakap muli ng napakahigpit. "I love you friend. Huwag mong kalimutan 'yan ah."  

Hindi ko maipaliawang ang nararamdaman ko pero parang nalungkot ako sa sinabi niya. Tunay ngang ang isipan ay nakakalimot pero hindi ang puso. Dahil sa puso ko, kilalang-kilala ko siya. Isa siyang mabuting kaibigan.  

Noong una ayaw pa akong payagan ni Dra. Jimenez na lumabas dahil kailangan ko pa raw nagpahinga. Nakipag-deal na lang ako na matutulog kahit dalawang oras lang para wala siyang masabi. Wala naman talaga akong sakit. Pahinga lang ang kulang.

Pumayag naman siya kaya natulog ako habang si Kuya Niel ang nagbantay sa akin. May pinuntahan si Jace. Kung saan man, wala siyang sinabi. Noong magising ako ay nakabalik na siya. Gusto ko na lang talagang lumabas ng ospital.

Dumaan kami ni Jace sa isang boutique para sa isang last minute na pagbili ng semi-formal dress na isusuot ko mamaya para sa premiere night. Sabi sa akin ni Jace ay marami raw na artista at kilalang personalidad ang dadalo. Ayoko namang magpahuli kaya pumayag na akong magpaayos.  

"Kung pupunta tayo roon, ibig sabihin makikita na ako ng media at ng lahat ng tao. Akala ko ba isisikreto natin?"  

"Sa mga nangyari ngayon, parang hindi na natin maitatago pa na bumalik ka na."  

"Okay lang ako sa event pero pwede ba nating iwasan muna ang media hanggat maaari?"

"Private screening siya. Mauna na tayo sa loob ng sinehan kung gusto mo."  

"Yun ang gusto ko."  

"Then we will do it." Ngumiti ako at nagpasalamat. Binuksan niya ang pinto ng kotse para sa akin. Nakasuot na ako ng kulay royal blue na below-the-knee dress with black clutch and stiletto. Siya naman sa ikalawang banda ay nakaitim na long sleeves, shoes, at pants. Simple lang pero parang sa kanya kahit anong isuot ay nagiging pormal. Siguro iba rin talaga kung gwapo ang nagdadala.  

Mahaba ang daan na binaybay namin. Alas-dos na ng hapon pero nandito pa rin kami sa daan.  Sa sobrang traffic halos hindi na gumalaw ang kotse namin. Nagbuga ako ng mainit na hininga sa tabi ng bintana dahil sa kabagutan. May nabuong hamog  kaya wala sa sarili akong gumuhit ng g-clef doon. Napangiti ako noong matapos.

Mula sa iginuhit ko ay nakita ko ang isang ale na may dalang umiiyak na sanggol sa kanyang mga bisig. Mayroon din siyang kasamang dalawa pang bata na nakakapit sa suot niyang damit. Bukod pa roon, napakalaki pa ng tyan niya. Isang senyales ng panibagong responsibilidad na dadagdag pa sa kinakaharap niyang paghihirap ngayon.  

Malungkot akong napailing.  

"Bakit?"  

Itinuro ko kay Jace ang pinagmamasdan ko sa labas. "Tingnan mo yun, mahirap na nga ang buhay anak pa sila ng anak. Naaawa ako roon sa mga bata. Ang dudungis at mukhang napapabayaan na. Tapos buntis na naman yung nanay. Ano ba naman, di ba?"  

"Wala silang family planning."  

"Wala talaga. Nag-ooffer ang gobyerno ng contraceptive, ayaw naman nilang tanggapin. Tapos kapag naghirap sila iaasa at isisi nila sa gobyerno. Na kesyo mahirap sila dahil bulok ang sistema ng gobyerno, na pinapabayaan sila, na wala namang naitutulong ang gobyerno sa mga Pilipino? Yung mga taong ganun naghahanap lang ng masisisi sa kung ano ang nangyayari sa buhay nila. Para sa akin kung gusto mong umunlad dapat nagsisimula yan sa sarili mo. Tapos sa pamilya at sa mga taong malalapit sayo. Ang mga taong bulok ang sistema sa loob, bulok din ang nakikitang sistema sa mundo."  

"Scapegoat and negativity."  

"Exactly. It was just frustrating. Lalo na yung mga taong naninisi ng mga anak nila dahil sa sarili nilang pagkakamali sa nakaraan? Ano yun, di ba? Wala naman yung anak mo noong nakipagdesisyon kang makipag-sex sa iba. Ikaw ang nandoon. Ikaw ang nagdesisyon. Ibig sabihin, pagkakamali mo yun at hindi yung baby. Bunga lang siya. Ugh! Basta naiinis ako sa mga ganung tao."  

"Sa nakabuntis?"  

"In general, sa mga taong walang sense of responsibility. Yung mambubuntis o magpapabuntis pero hindi naman paninindigan yung bata. I hate those kinds of people."

Umaandar na ng konti ang kotse sa harap namin kaya nakagalaw na rin kami. Tumingin ako sa kanya at napansin ko na mukhang malalim ang iniisip niya.  

"Bakit?" Siniko ko siya. "Ang tahimik mo ah. May problema ba?"  

"Nothing."  

Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n.  

Sa back entrance kami pumasok ni Jace pagdating namin sa venue. Maaga kami ng isang oras pero ang mga tao sa labas ay napakarami na. Lalo na sa mga fans na hindi matigil sa kakatili dahil sa pagkasabik, hindi ko mapigilang mapangiti sa dedikasyon nila makita lang ang mga iniidolo nilang artista kahit saglit.

Kumain at nagkuwentuhan na lang kami ni Jace sa loob habang hinihintay ang iba sa mga kasama namin. Hanggang sa isa-isa na rin silang nagsidatingan, sina Kuya Niel, Nathan, Rico, Clarisse at si Cello na talaga namang ikinagulat ko. Pero mukha namang pinilit lang siya ng kapatid dahil nakita ko kung paano umikot ang mga mata niya habang kausap siya ni Clarisse na panay ang pagtawa.  

Alas-tres imedya. Nakikipagkuwentuhan ako kay Clarisse na siyang katabi ko sa may kanan noong mapansin ko na may umupo na isang babae sa tabi ni Jace. Lilingunin ko sana pero hinila ni Clarisse ang kamay ko dahil may ipapakita raw siya sa akin sa labas ng sinehan. Gusto raw niyang makita ko bago magsimula ang premiere kaya pumayag na ako.  

Akala ko naman kung anong super urgent. Yun pala magpapapicture lang siya sa akin sa labas para raw may maipost siya sa IG. Wala raw kasing kwenta na kumuha ng litrato si Cello. Mali ang angle. Walang timing. Hindi magaling sa color combination at marami pang kaartehan na ngayon ko lang narinig sa isang tao. Hindi ko maiwasang matawa sabay sabunot sa buhok ng bwisit na babaeng ito na masyadong extra. Sa bawat malakas na tawanan namin ay ang mga dahan-dahang alaala sa aking isipan. Siya at ako, kaming dalawa at ang mga kalokohan namin. Nakakatuwang isipin na sadyang may mga alaala at mga tao talaga na walang pinagbago kahit sa haba ng panahon.  

Pagbalik namin sa upuan ay wala na si Jace. Bakante rin ang upuan sa tabi niya.

"Serene mabuti nakapunta kayo!" Masayang bati sa amin ni Shane na naglalakad sa hilera ng mga upuan na nilaan niyang VIP para sa amin. Inambangan niya ako ng yakap at ganun din sina Clarisse, Nathan, Rico at Kuya Niel. Kahit si Cello na hindi niya lubos na kilala ay binati at pinasalamatan niya sa pagpunta sa premiere na ito.

"Nasaan si Jace?" Tanong niya sa amin.

"Baka nagbanyo lang." Sagot ni Nathan.

"Ganun ba? O siya nga pala, ang isa sa mga co-lead actor ko sa movie na ito, si Ivan James Clavel nga pala."

Pinakilala niya sa amin ang isang lalaki na hindi lalayo sa tangkad ni Shane na halos sa 6 footer. Maputi ito at makapal ang mga kilay na bumagay sa guwapo nitong mukha. Ang ngiti niya ay napakaganda, parang nagliliwanag kahit dim ang liwanag sa loob ng sinehan.

"Wow, it was nice to meet you all. Kinukwento kayo palagi sa akin ni Shane. Princeton band? You know, I'm always been a fan!" Kinamayan niya kami isa-isa. Hindi mabura ang pagkasabik niya. "Sana magustuhan nyo ang movie namin. Enjoy!"

Ilang minuto bago magsimula ang palabas pero wala pa rin si Jace. Nakailang lingon na ako sa likod at magkabilaang gilid pero hindi ko maaninag ang mukha niya sa kumpulang mga tao.

Binasa ko ang mga pangalan sa upuan mula sa kanan ko hanggang kaliwa; Rico Del Rosario, Nathan Rodriguez, Niel Valdez, Cello Gonzalez, Clarisse Villanueva, Serene Lopez, Jace Alvarez, Kristal Castillo, Shane Martin, at Ivan Clavel.

Kristal Castillo? Bakit parang pamilyar?

Biglang nagdilim sa loob pagkatapos ay ang liwanag. Sa screen ay nagsisimula na ang sine, ang title ay "The Bridal Game" na sinulat ni G. J. Dion at dinerek ni Ronnie Pagadian.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Clarisse. "Si Direk Ronnie pala ang director? Tapos ang sumulat ay galing sa libro ni G. J. Dion! Oh to the Em to the OH EM GEE."

"Bakit?"

"Idol ko kaya siya!! I read all of her novels and she was amazing."

"Si Direk Ronnie kilala mo rin?"

"Not personally, pero ikaw kilala mo siya at kilala ka niya for sure."

"Paano?" Taka kong tanong dahil hindi ko maalala.

"Noong high school tayo siya yung nagdirek ng commercial nina Jace kasama yung Ayesha na sinampal mo sa harap ng maraming tao dahil masyadong epal kay Jace."

Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat. "Hala, ginawa ko yun?"

Taimtim siyang tumango sa akin. "Yes, you go girl. Pinagtulungan pa nga natin yung Ayesha na yun eh at binigyan ng leksyon na hindi nya makakalimutan habang buhay."

"Bakit? Ano bang ginawa no'n at parang galit na galit ako sa kanya?"

Bumubulong na lang sa akin si Clarisse ngayon dahil tumatahimik na sa buong paligid.

"Kasi nagseselos ka. Sabi mo walang gagalaw sa Jace mo kundi ikaw lang. It was the first time I saw you so possessive with your man. And I like that, exactly like me with my R." Tumawa siya pero tinakpan niya agad ang mga labi. Gayunman, hindi pa rin mabura ang mapaglarong ngiti sa mukha niya.

Naghintay pa ako ng ilang saglit bago tinawagan si Jace pero hindi niya sinasagot.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Clarisse noong tumayo ako.

"Magbabanyo lang."

Sinundan ko ang daan palabas ng sinehan upang hanapin ang banyo. Paliko na ako sa isang daan noong may marinig akong pamilyar na boses.

"DNA? Hindi ko na kailangang patunayan dahil totoo ang sinasabi ko. Pero sige kung 'yan ang gusto mo gagawin ko."

"Magbabayad ako kahit magkano. Umalis ka lang sa buhay ko."

"Hindi ko kailangan ng pera mo Jace."

"Wala akong pakialam kung ano ang kailangan at hindi mo kailangan. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin."

Hinabol at hinawakan sa braso  ng isang babae si Jace noong maglalakad na sana ito palayo.

"Pero alam mong ikaw ang gusto ko. Jace..." Puno ng pakiusap sa mata nito.

"Bitawan mo ako habang may natitira pa akong respeto sa babaeng katulad mo."

Bumitaw naman ito agad. Kaswal na inayos ni Jace ang suot na long sleeves na akala mo walang nangyari. Sa malalamig niyang tingin ay alam kong nauubusan na siya ng pasensya.

Nagpatuloy siyang maglakad pabalik sa loob ng sinehan noong makita niya ako. Natigilan siya sa gulat, haatang hindi akalain na naroon ako.

"Nagsisimula na ang sine." sabi ko.

"Yes, of course. Let's go?" He offered me his arm, grateful for the sudden disturbance.

"Who is she?" Mataray na tanong ng babae sa akin na biglang sumulpot sa tabi ni Jace.

Humalukipkip ito. I could see in her posture that she is the kind of person who never asks, she demanded.

"Why are you so sweet with her pero kapag ako you are always harsh?

"The question is, who are you?" Balik tanong ko sa kanya.

"Sino sya?' Hindi niya ako pinansin. "She is not even beautiful. Nakita mo ba yung peklat sa mukha nya? She is so ugly."

The calmness he tried to project a while ago was all gone. Jace suddenly snapped.

"She's my fiancée. And don't you dare talk to her like that."

"Oh really? Ikaw? Your fiancée? Lies. You are a liar."

"Mauna ka na sa loob. Aayusin ko lang ito." Bulong sa akin ni Jace sabay marahang tulak paabante.

"Sabay na tayo."

"Please. Mauna ka na."

"Are you sure you're alright?"

"I can handle this."

Nakita kong lumabas si Clarisse mula sa loob ng sinehan na pinanggalingan ko.

"Freak! Halika na manood na tayo. Anong ginagawa mo dyan? Kanina pa kita hinahanap. Pati sina Niel at Nathan hinahanap ka sa loob." Tinawag at hinila ako ni Clarisse sa loob. Naiwan si Jace roon na mainit ang usapan kasama ang babae. Bumitaw ako kay Clarisse noong nasa pinto na kami ng theater.

"Sandali. May kailanga lang akong gawin. Mauna ka na muna." Paalam ko sa kanya.

Muli akong bumalik doon at nakahalukipkip na nagtago sa gilid. Pinakinggan ko ang sumunod nitong sinabi.

"Let me guess, she doesn't know about this isn't? She didn't know that you screw around girls while she was gone." Ang katahimikan ni Jace ang nagbigay sa kanya ng pahintulot na tumawa. "Hmm... what if malaman nya? I'm sure she will leave you behind. Because what kind of a future wife wants to have a fuckboy cheater soon to be husband like you?"

"Get out." Ngayon ko na lang ulit nakita si Jace na ganito kaseryoso. Ang kanyang tingin ay napakalamig. Isang bulkan na nagtitimpi.

"This is our premiere night. Sa tingin mo mapapaalis mo ang kanilang main actress?"

May nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Ang mukhang iyon sa poster kanina. Kristal.

"No woman loves a man like that. No one will care. You are damaged now. Soon, she will leave you Jace. And you will be alone again, broken. And in those lonely nights, you will ring my phone again and make love to me because you want to forget the pain. Because you are a worthless wrecked. You will be nothing." tumawa sya habang hinahaplos si Jace sa dibdib. "I admit, I miss this kind of Jace. Heartless, empty and broken. When I saw you awhile ago, how happy and complete you are, I just want to destroy that smile on your face. Just like right now."

He clenched his fists. Parang isang demonyo na hinaplos ni Kristal pati ang mga labi ni Jace.

"Wala kang karapatang maging masaya, if I'm here still empty. She will leave you Jace. She won't love you after this night because no woman loves a sinner like you --"

"I do."

Nanlaki ang mga mata ni Jace noong magsalita ako. "Serene di ba sabi ko mauna ka na--"

Itinapat ko ang hintuturo sa aking mga labi. "Let me handle this."

Mula sa pagkakasandal sa pader di kalayuan, dahan-dahan akong naglakad at huminto sa tabi ni Jace. My hard serious eyes are directed to the woman in front of me. Hinampas ko ang kamay ni Kristal palayo sa kanya.

"Stop brainwashing my man with your worthless lies."

Tumawa si Kristal. "Oh really? Ni hindi mo pa nga alam kung anong magawa nya noon. Once you learned about it I know, magbabago ang tingin mo kay Jace."

Tumayo ako sa harap ni Jace na tila ba pinoprotektahan ko siya mula sa babaeng yun.

"Anong ginagawa niya noon? Sleeping with other girls? Doing one night stand? Alam ko nang lahat ng iyon."

"Talaga lang ha."

"Lubayan mo si Jace bago pa magdilim ang paningin ko at mabaril ka."

"Don't you know I could sue you for that threat? Kumpara nga yata sayo mas may karapatan pa ako kay Jace."

I laughed humorlessly. "Bakit? Kasi buntis ka?"

Natigilan si Jace lalo na si Kristal. Kinuha ko na itong pagkakataon upang tuluyang itulak si Kristal palayo kay Jace.

Galit ko siyang dinuro.

"Wala akong pakialam kahit ano ka pa ni Jace noon. Maayos na ang buhay niya ngayon at wala na kaming lugar para sa mga basurang katulad mo. Kung nangangati ka maghanap ka ng ibang kakamot sayo."

"Jace," she looked pleadingly at Jace like they were really close to ask some help. Inirapan siya nito.

Hinila ko na si Jace palabas ng building. Sa loob ay narinig pa namin ang sigaw ng babae bago padabog na naglakad palayo.

Parehas kaming tahimik.

"I just want to go home." Sabi ko kay Jace dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nauna na ako sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.

Sa buong byahe ay walang nagsalita sa amin hanggang sa huminto kami sa harap ng Alvarez Mansion. Walang gumalaw. Walang nagsalita. Binasag ni Jace ang katahimikan.

"Paano nga kung nakabuntis ako?"  

Ipinikit ko ang mga mata at saka sinandal sa headrest ang ulo. "Hindi mo naman gagawin sa akin yun di ba?"

DNA Test. One night stand. Ang determinasyon sa mga mata ni Kristal. Ang reaksyon ni Jace. Ang pangamba at takot sa mga mata niya.

Hindi ako tanga para hindi mapagtagpi-tagpi iyon.

Hindi siya nagsalita. Hinanap ko ang mga mata niya.

"May problema ba?"  

"May iniisip lang ako."  

"Ano?"

"You know when I'm drunk I don't know what I'm doing, right?"  

"Kaya nga todo bantay ko sayo kapag nalagyan na ng alak ang sistema mo." Tumawa ako para pagaanin ang sitwasyon ngunit hindi siya tumawa. Nanatiling seryoso ang kanyang mukha.

Sabihin mo...

"The thing is this girl, the very last one... hindi ko maalala kung gumamit ba ako o hindi."

"What do you mean?"

"She's claiming that she's pregnant."

Natahimik ako roon. Alam kong pinipilit niyang huwag magpakita ng emosyon ngunit halata ang kaba sa kanyang boses.

"She's claiming it was mine."

Halos sandaling tumigil ang tibok ng puso ko. Sa impormasyon. Sa diretsyahan niyang pag-amin na puno ng kaba. Sa takot sa mga mata niya. Sa lahat ng sinabi at nakita ko sa kanya.

Hindi... bakit? Tahimik na nadurog ang puso ko sa pag-amin niya. Sabi ko na nga ba. Itong kutob ko na matagal ko nang nararamdaman ay may katotohan.

"May pinagsabihan ka na bang iba?"

Umiling siya sa akin. "Sayo ko lang sinabi."

"Kailan mo pa nalaman?"

"Kahapon lang."  

"And you think it was yours?"  

"I'm assuming the worse."

Sometimes I admire Jace's ability of always being upfront. He was too honest, sometimes it was scary. Pero alam ko namang hindi niya sasabihin sa akin ito kung hindi niya ako pinagkakatiwalaan. It was either he trusts you to the core or he doesn't care about you at all. Walang gitna pagdating kay Jace.  

Seeing the fear and worry in his eyes, my eyes softens.  
"I appreciate you telling me the truth. Kapag nalaman ko sa iba mas masasaktan ako."  

"This is our problem. Ayokong may nakakaalam na iba. The more people knew about it, the more na maraming nakikisawsaw. And I don't want that."  

"Exactly what I'm thinking. Kung anong problema natin. Atin lang yun. Tayo ang may gawa. Tayo lang din ang makakagawa ng solusyon. Hindi ang ibang tao."  

"I'm sorry. I should have been more careful."  

"Hindi mo pa naman napapatunayan na sayo di ba?"  

"Ang tagal kong inisip kagabi ang tungkol doon. I want to be positive  that it was not mine pero iba ang pakiramdam ko rito."

Natahimik ako saglit. Pinag-iisipang mabuti ang mga sinabi niya. Alam kong mapagbiro akong tao ngunit sa mga ganitong sitwasyon, mas seryoso pa ako sa seryoso.

"Jace paano... kung nabuntis mo nga?" Naisip ko na rin ang posibilidad pero ngayon lang nagsi-sink in sa akin kung gaano iyon seryoso kung sakali. "Jace hindi imposibleng mangyari yun. Lalo na at ang daming babae ang naghahabol sayo. Kung nakabuntis ka nga, anong gagawin mo?"

"Honest answer?" Tumango ako. "I don't know."  

Ngayon ko lang nakita na may isang bagay na hindi niya planado. Once you removed the control to a person who had been used to that kind of power all through their lives, they looked lost.

Tumingin siya sa akin. "What should I do?"  

"Bakit ako ang tinatanong mo?"  

"Your opinion matters to me."  

"Alamin muna natin kung sayo nga ba talaga o hindi. Pagkatapos doon tayo magdedesisyon kung ano ang susunod na gagawin natin."  

Tumahimik siya saglit. "You're not mad?"  

"Yung totoo?"  

Dahan-dahan siyang tumango, hinihintay ang magiging sagot ko.  

"Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Siguro dahil hindi pa talaga nagsi-sink-in sa akin? Siguro dahil hindi pa naman tayo nakakasiguro na sa'yo 'yun? I want to think positive. I want to think that it was not yours but I am not setting aside the possibility."  

"I can't believe you are taking all of this information so calmly."

"Calmly? You're underestimating my emotion for you."

"I was actually expecting you to be hysteric. Like the other girls do."  

"First of all, I am not a girl but a woman. Second, what can I say? I am not like any other." kunwaring yabang ko sabay taas ng dalawang kamay sa tabi ko. "Pero syempre kilala mo ako. Mukhang okay lang sa labas pero sa loob, masakit. I am not going to pretend Jace, kung napatunayan nga natin na tama ang haka-haka mo. Na ikaw nga ang ama. It will hurt. It will hurt me so badly."

"I'm sorry. You know that was never been my intention."  

"I know. Kilala kita. For everything you have done for me and to this relationship, how could I judge you when the only mistake you have ever done was you've been weak when you lost me?"  

Hindi siya nakapagsalita dahil alam kung napunto ko ang nais niyang sabihin.

"The thing Jace is, we are not young anymore. We need to think and fix every problem as maturely as possible. I can cry right now. I could be angry right now. But I chose not to. I chose to understand. I chose you against any problem that may separate us apart. I chose you."  

Ayaw man niyang ipakita pero nasaksihan ko kung paano niya pasimpleng pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. The way he looked at me was so pure. I saw his soul, baring it to me at the moment.  

"Noong pumunta siya sa office. Noong sinabi niya sa akin na nabuntis ko siya. It was the first time I felt so scared. There was a part of me who knows she might be telling the truth. Pero kung totoo nga anong mangyayari sa akin? First thought was, what will Serene think of me? Will she hate me? Will she leave me? I was thinking all of these scenarios in my mind last night and I couldn't sleep. I couldn't even close my eyes because all I can see is you. Your smile turning sour. Your hand slipping away. I just couldn't bare it. I just can't."  

"Lahat naman tayo nagkakamali 'di ba? Nagkamali rin ako noong akala ko noong una na 'yung lalaking nasa isip ko ay si Cello at hindi ikaw. Pero tinanggap mo pa rin ako."  

"I just love you."

"And I am just the same to you."    

"Will you fight with me?"  

"As long as you still want me by your side, I will fight alongside with you."

Hinawakan niya ang kamay ko. Dahan-dahang naglaho ang takot sa mga mata niya at napalitan ng panibagong respeto at tiwala. "Then stay by my side. I need you more than anyone else in this world."

***

***

////

Author's Note:

For almost a month, I was staring at a blank Word Document. I know you all are frustrated with the past few weeks of me being inactive, but I am also having a hard time to come up of something to write. Para sa mga matagal ko nang readers or kahit sa mga nakapansin ng mga sinusulat kong story, I want to break some cliché. I want something new. Something different na hindi pa gaanong nababasa o napapanood na scenes.

Sa tuwing nakakapanood o nakakabasa ako ng mga senaryo na 'nakabuntis si guy--inamin niya kay girl yung totoo--or nalaman ni girl sa ibang tao yung about sa naging affair ni guy' kind of scenarios palagi kong nakikita na hysteric si girl o galit na galit na siya o breakup na agad kahit hindi pa naririnig yung explanation ni guy or both sides. Madalas di ba dito na nagkakalabuan ang relationship? Miscommunication.

So I want to write something different in this chapter. Knowing they have been together for years. Knowing their strength and weaknesses. Knowing each other so much, I think they have enough set of judgment para intindihin ang isa't isa.

They are not young anymore. They are 25-ish at this point. (I know that's still young for some of you but...) the point is, they are mature enough to handle this. I want some mature decision. I want you to see how a mature and healthy relationship looks like. Lalo na sa mga bata kong readers or para sa mga may love life dyan. Relationship involves a LOT of compromising, respect, honesty, understanding, communication and of course, forgiveness. Alam ko minsan na masakit masaktan lalo na sa mga malalaking issue like what's happening with Jace and Serene. Pero tulad nga ng kasabihan, "walang problemang hindi napag-uusapan".

Siguro iniisip nyo, sa ginawang desisyon ni Serene tungkol sa pag-amin ni Jace ng totoo maiisip nyo na,

"Ang bait naman ni Serene. Kapag ako yan, break-up na!" Or

"What the hell? She's so nice naman. Di makatotohanan. No such person exists as nice as her. So fake." Or

"What a fiction. Dapat yung mga ganyang lalaki/babae hindi na pinapatawad!"

In my defense, if you really love someone and you really really know that person that much, alam ko na higit sa sino man ikaw ang makakakilala sa kanya at hindi ang sinasabi ng ibang tao sa kanya.

In this case, I just want to say iba-iba ang maturity at level of understanding ng ibang tao. Jace and Serene knew each other really REALLY well. Although nagkahiwalay sila for 5 years, wala namang nabago. Sila pa rin sila. Mahal pa rin nila ang isa't isa. And yes, such person like Serene exist. Yung be mature right now while talking about the problem and just cry later when you're alone (HAHAHA!). Kasi para sa akin, partnership/relationship is a teamwork. Kung nanghihina yung isa dahil sa pagsubok, dapat yung isa malakas para may mapagsandalan yung isa. At kapag mahina naman yung dating malakas, dapat yung mahina noon siya naman ang maging sandalan. And also, a lot of ladies (Not girls. Girls are not a woman. Like boys are not a man) and some gents would agree with me that a lot of woman (believe it or not) are not that shallow. Hindi mababaw. Some women are mature and tough enough to handle this kind of situation. What you see in books and movies are so (some are) unrealistic that they want us to perceive that a lot of woman are so dramatic and a crybaby. And that thing frustrates me. Nasaan ang hustisya para sa babaeng hindi naman ganun?

So much stories here in Wattpad already and sadly, most patrionize the wrong idea and immature kind of love. Na konting problema hiwalay na. Na konting chismis tungkol kay ganito away na. Na walang communication between two people at puro kalandian lang. I just want to fight that kind of stigma. Relationship, just like life, is not all about rainbows and sunshine. That's why find someone whom you could be serious with and vice versa. Find someone who is always worth the pain.

Although this is fiction, I just want to show you all about a different perspective of WHAT IF.

What if mas mature mag-isip yung mga bida?

What if mas understanding and open sa pagbabago yung bida?

What if kayang mag-work together ng mga bida instead of facing the problem alone?

That is one of the reason why it took me a lot of time to update. Because I don't update just because I want you to read something na magpapakilig sa inyo o magpapa-excite sa inyo. Kung 'yun ang hanap nyo, napakarami nang story ang magca-cater sa inyo para dyan. Huwag nyo na akong idagdag pa sa listahan. I want you to read something with quality. Na may matutunan kayo. Na kahit fiction man ito may baon kayong aral na pwede nyong gamitin sa everyday life. That's why I'm still here in Wattpad---7 years---that is my only aim as a writer.

Writing is my passion. I want to use my voice through writing. I want to share my views and opinions. I want to share what I know through reading, experiences, and through my own life realization and self-reflection. Whether you are opposed with my belief or not, it's up to you. We all have a free will. The only thing I want to say is that, do not close your mind with different views and perspective. Kahit against pa sa paniniwala nyo. Just... listen. (listen to my song, heart, lullaby... listen. Gets? ;) That's one of the reason why I call my readers as Listeners. I don't want you to just be a reader but also, I want you to listen to what my story wants to tell you.

Always aim for learning. Read and learn something new everyday. Take consideration of both sides, and you'll know life.

It took me a lot of time and energy to think of each following scenario. I really took this seriously (and of course some touch of humor hahaha!). Because I know what kind of power a writer has with their readers. Aminin nyo man o hindi, sa bawat nobela na nababasa nyo malaki ang impact sa inyo. Whether its good or bad, depende na yun sa author o sa interpretasyon nyo sa nabasa nyo. So I just want you to be careful who you follow and idolize. Because followers will be a reflection of who they look up to.

Final word of advice, strive to be a woman and not a girl. And a man not a boy.

Keep inspiring Listeners and hope you learned something new . Ole! :)

-wistfulpromise

P.S. I will try my best to update all of my stories in schedule as soon as I can. Pinost ko lang ito agad dahil alam kong miss nyo na sila. Pinahaba ko para pambawi. Have a good day!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 63K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
3.6M 160K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
6.5M 328K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...