Territorial Men 1: Colton Alt...

By missgrainne

15.3M 432K 120K

Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli... More

Synopsis
Prologue
1 ~ The Boss
2 ~Warning
3 ~Admiration
4 ~ Deal
5 ~ Ego
6 ~ Kiss
7 ~ Rival
8 ~ Yes...
9 ~ Bikini
10 ~ Underwater (SPG)
11 ~ I Want You
12 ~ Mistake (SPG)
13 ~ Turn On
14 ~ Secret Affair
15 ~ Promise?
17 ~ Live In
18 ~ First Day
19 ~ Ring (SPG)
20 ~ Villain
21 ~ Visitor's News
22 ~ Jealousy (SPG)
23 ~ Waiting
24 ~ Love
25 ~ Threat
26 ~ Pleasure (SPG)
27 ~ Hopes
28 ~ Darkness
29 ~ Baby...
30 ~ Hero
31 ~ Sorry
32 ~ Mrs. Altaraza (SPG)
Epilogue

16 ~ Elope

382K 12.5K 3K
By missgrainne

Chapter Sixteen

PANAY ang punas ni Karen sa walang humpay na pag-agos ng luha sa pisngi niya. Napapatakan ng luha ang mga damit na sinasalansan niya sa maleta. Bago pa siya maabutan ni Colton sa silid niya ay kailangan niya nang umalis.

Sa isang maleta nagkasya ang mga damit at personal na gamit niya. Dahan-dahan na binuksan niya ang pinto at sumilip sa magkabilang bahagi ng pasilyo bago tuluyang lumabas.

Sa likod ng mansion napili niyang dumaan dahil do'n ay hindi tanaw ang kusina kung saan ay palagay niya naroon na ang mga bisita.

"Miss Karen!" Napahinto siya sa paglalakad at nilingon si Wenna. Galing ito sa swimming pool area.

"Sshh!" Inilagay niya ang hintuturo sa ilong.

"Saan ka pupunta?" Mahina ang boses ni Wenna habang palinga-linga sa paligid.

"Aalis ako. May emergency k-kasi sa bahay." Pagsisinungaling niya na mukhang hindi bumenta sa babae.

"Iyon ba talaga ang dahilan?"

"Oo."

"Eh, bakit ka umiiyak?"

Napakurap-kurap siya at wala sa sariling pinahid niya ang luha sa pisngi saka malungkot itong nginitian.

"Basta, huwag ka na lang maingay."

"Tatakas ka."

"Kailangan kong umuwi sa amin, Wenna. Naghihintay sa akin ang mga kapatid ko."

"Bakit hindi ka magpaalam muna kay boss Colton?"

Mapait siyang ngumiti dito. "Tatawagan ko na lang si C-Colton mamaya kapag hindi na siya busy." As if na gagawin niya ang bagay na iyon.

"Hmm sige. Mag-iingat ka. Bumalik ka kaagad ha."

Isang tango lang ang isinukli niya kay Wenna bago mabibigat ang mga paa na nagpatuloy na sa paglalakad, palabas ng Villa.

This is the right thing to do, to stay away from Colton. To set him free and let him marry the woman she loves. Sa huli, matatanggap niya din naman ang kapalaran niya, hindi ba? Matatanggap niya na minsan sa buhay niya, may isang Colton Altaraza na nagpangiti sa kanya at nagpatibok ng puso niya.

Isang malungkot at mapait na ngiti ang rumehistro sa labi niya, kasabay niyon ay ang isa pang patak ng luha na bumagsak sa pisngi niya.

Bago tuluyang makalabas sa malaking gate ng Villa Altaraza, sinulyapan niya ang mansion sa huling pagkakataon. Masagana ang ilaw na nakapaligid ro'n. Hindi man tanaw ang loob, pero batid niyang may mga taong nagdidiwang sa saya sa mga sandaling iyon.

"Goodbye... Colton." She whispered painfully before she continue walking away... Away from the man she truly loves.

HANDA na sana niyang salubungin ng ngiti ang babaeng pumasok sa silid niya ngunit kaagad napawi iyon nang hindi si Karen, kundi si Gail ang sumundo sa kanya.

"What are you doing here?" He asked coldly. Inaayos niya ang pagkakatupi sa siko ng navy blue longsleeve na suot.

"Sinusundo ka?" Gail answered sweetly. She walks towards him and about to give him a kiss but he titled his head back to avoid her red lips. Nakita niya ang galit na rumehistro sa mukha nito. "Avoiding my kiss now? Why Colton? May iba na bang humahalik sa iyo?"

"Hmm," He smirked.

"How dare you!" Lalapit sana ito sa kanya ngunit napigil mismo nito ang sarili. "Sino?! Huh?! Ang malanding nurse mo ba!?"

Mariin na napapikit si Colton upang kalmahin ang sarili. Pagdilat niya ay matalim niya itong tinignan.

"Say that word again to K and you'll see."

"Alam ko na ang lahat Colton! Alam ko na ang pagtataksil na ginawa niyo sa akin ng nurse mo! Mga walang hiya kayo!"

"Stop it, Gail. Walang patutunguhan ang usapan na 'to."

Nanggagalaiti sa galit ang babae pero ni hindi niya makuhang masindak. Tuluyan na nga talagang nawala ang pagmamahal niya para kay Gail o minahal niya nga ba talaga ito sa loob ng ilang taon nilang magkasintahan? Nakapagtataka na ngayon ay nagdadalawang isip siya sa naramdaman para dito.

"Did I hurt your ego so much for leaving you at your most worst state? Kaya ba gumaganti ka ngayon?!" Gail walked closer and hug him tight. "I'm sorry, okey? Patawarin mo ako. Nabigla lang ako nang mga oras na 'yon." Ngayon ay nagsusumamo ito. "Nandito na ako. Hindi na kita iiwan, Colton. Papakasal na ako sa iyo..."

Parang may nakakahalong sakit ito nang hawakan niya sa magkabilang balikat at ilayo sa kanya. Gail's hug is nothing to him now, unlike before. No more spark of lust anymore.

"Forget about it, Gail." Colton look at her with no emotions written on his face. "We're over."

"What?!" Nag-eeskandalo ang tinig nito at ang galaw ng katawan. "You can't do this to me! Naghihintay na sa atin ang mommy at daddy!"

"Leave."

"Colton!" Gail is still shocked at his action. "You're joking, right? Please, babe... Please tell me your joking..."

He face the roof of his room and close his eyes tightly only to see Karen's beautiful face. He curse silently. He's really crazy over her! Darn!

"Wait for me at the kitchen, Gail. We'll talk about it."

"But Colton..."

"I will wait for K, sabay kaming bababa."

"Huwag mo na siyang hintayin!" Kunot-noo niya lang itong tinignan. Gail smile creepily. "Pinalayas ko na ang nurse mo! Tutal naman—ouch!"

He gripped her arm dangerously, making her wince. "What did you say?!"

"Nasasaktan ako Colton..."

"Tell me, what did you do to K?!"

"Bitiwan mo ako!" Pero mas lalong humigpit ang kapit niya sa maliit nitong braso. "Umalis na siya! Iniwan ka na niya!"

Clenching his teeth, he left the room fastly, ignoring her calling his name. What matter right now is for him to see Karen and make sure that she's still in Villa!

Pagkabukas ng elevator sa unang palapag ay kaagad niyang tinakbo ang silid ng dalaga. Ipinagpasalamat niya na hindi iyon naka-lock.

"K!"

Sa kama ay hindi niya nadatnan si Karen at kahit sa shower room ay wala din! Nang marahas niyang buksan Ang mga cabinet ay mas lalong nag-alab ang tinitimping galit nang makitang wala ng laman iyon!

"Fuck! Fuck!" Colton curse so loudly that it echoed around the room. His anger for not seeing his lovely nurse and the knowledge that she left him without saying goodbye starting to ruin him!

When he left the room, he saw Gail's outside, waiting for him. He shoot him a dagger look, making her step backward.

"Look what you did..." Itinuro niya ang tahimik na silid ni Karen. "Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na palayasin siya?!"

Kung hindi lang ito babae ay siguradong nasaktan niya na ito dahil sa galit na bumabalot sa kanya!

"She deserve that! She's a bitch and—ouch! Colton!" He dangerously gripped her arms, letting her feel his anger towards her.

"Huwag mo siyang igaya sa iyo." Parang kutsilyo na sumugat dito ang mga salitang iyon nang mamutla ito sa sakit at pagkabigla. "Stop fooling around me, Gail. I'm not stupid."

"Colton! What's happening? Bitawan mo si Gail!"

"Tita Carreine!" Mabilis na tumakbo si Gail papunta sa mommy niya saka yumakap.

"What happened hija?" His mother is very fond on Gail.

"Tita..." She sobbed and started crying. Damn it!

Nanliliit ang mata ng ina nang tignan siya. Nanghuhusga. Nagtatanong at nagtataka. But, he doesn't have much time to explain what's really happening.

"I need to cool down." He said firmly.

"No. Kailangan mong humarap sa mga magulang ni Gail."

"I'm sorry, mom. I can't." He walk towards them, then stop in front of them to see Gail clearly. She's hugging his mother. "We're not done yet." He muttered warningly at her and walk away from them without looking back even his mother called his name.

Nang makasakay siya sa sasakyan ay pinasibad niya kaagad iyon palabas sa gate. He get his phone on his pocket and to dialed K's number but she's fucking out of reach!

"Damn it!" He punch the steering wheel frustratedly.

Ang paunti-unting pagpatak ng ulan ay nababanaag niya na sa madilim na daan. Binabagtas niya ang kahabaan palabas ng Villa. Walang dumadaan na pampublikong sasakyan do'n, kung meron man ay madalang kaya malakas ang pakiramdam niya na hindi pa nakakalayo si K. Sana ay makita niya ito kaagad dahil ikababaliw niya kung hindi!

GAMIT ang kanyang sling bag ay tinakpan ni Karen ang ulo upang kahit papano ay panangga sa malalaking tipak ng ulan na nag-uumpisa nang lumakas.

Natatanaw niya na ang high way, kung saan dumadaan ang mga pampublikong sasakyan. Ngunit alam niya din na malayo-layo pa ang babagtasin niya para makarating do'n.

May iilan na dumadaang sasakyan galing sa Villa pero hindi niya tinangkang pumara. Ngayon na mukhang hindi na papaawat ang ulan at wala siyang makitang masilungan, siguro ay susubukan niyang pumara ng sasakyang dadaan palabas sa Villa.

Parang dininggin ng langit ang dasal niya nang may ilaw ng sasakyan ang paparating. Hindi na siya nag atubili at pinara iyon.

Pinilit niyang ngumiti nang huminto ang sasakyan sa tapat niya at bumukas ang bintana ng tsuper. Ngunit napawi ang ngiti niya nang ngumisi sa kanya ang lalaki.

"Yes, Miss? Wanna ride?" He's bald and old. She found his smile creepy.

"Ah, wala ho. Nagkamali lang ako ng pinara."

"Walang masyadong dumadaan na sasakyan dito. Pwede kitang ihatid palabas." Muli ay ngumisi ito. It's scaring her!

Umatras siya sa gilid. "Salamat na lang ho, Manong."

"Sige na. Halika. Pumasok ka na. Mababasa ka ng ulan."

"Okey lang po talaga. Hihintayin ko na lang po ang kaibigan ko." Pagsisinungaling niya dahil mukhang hindi siya nito tatantanan.

Dalawang ilaw muli ang natanaw niya sa likod ng sasakyan nito. Iyon ang ginawa niyang dahilan para tuluyang mapaalis ang matanda.

"Ah, nariyan na ho ang kaibigan ko." Itinuro niya pa ang paparating na sasakyan sa likod.

Nakahinga siya nang maluwag nang biglang umalis ang sasakyan sa harap niya kaya nagkaro'n siya nang pagkakataong parahin ang paparating na itim na van.

Kasabay nang paghinto sa tapat niya ng itim na Starex na iyon ay ang walang awat na pagbagsak naman ng malakas na ulan.

Napatili si Karen sa lamig bago kinuha ang maleta at nagmamadaling pumasok sa black Starex. Lalo lang siyang nilamig at nagtaasan ang kanyang mga balahibo dahil sa lakas ng aircon sa loob.

She's very cold and she's shaking but still able to notice that the van didn't move a bit. Wala sa sariling napatingin siya sa driver side. Para siyang pinaliguan ng nagyeyelong tubig nang salubungin niya ang talim ng titig sa kanya ni Colton.

Yes! Of all people! Why Colton?!

"Ahm..." Hindi siya makahagilap ng sasabihin! Natataranta siya sa hindi inaasahang presensya nito!

"Where are you going?" His voice is cold as the weather. His dark dangerous eyes darkened even more as he stare intently at her. Pakiramdam niya tuloy ay ang laki ng kasalanan niya dito.

"U-uuwi ako—"

"Tatakasan mo ako—"

"Hindi!" Gagap niya ngunit mukhang mas lalo lang dumilim ang awra nito.

Ang headlights lang ang nagsisilbing liwanag nila ngunit malinaw sa paningin niya ang kawalan ng emosyon sa mukha ng binata.

"Really? Then why are you going home?"

"Because—"

"Without telling me?" Nanunumbat ang tinig na pinasadahan nito ng tingin ang katawan niya. Colton sighed heavily before roaring the engine lazily. "Sasama ako sa iyo." Sa pinalidad ng boses nito kahit siya ay hindi na makatanggi pa. "Please, change your clothes. You might get cough and cold."

Lutang pa siya sa nangyayari. Wala sa sariling binuksan niya ang maleta at kumuha ng damit do'n. Hinubad niya ang suot na dress kahit pa sa rearview mirror ay pasulyap-sulyap sa kanya ang binata.

"Eyes on the road." She whispered shyly as she unhook her brassier.

But Colton being Colton didn't listen to her. Muli ay sinulyapan siya nito sa salamin at napaungol nang saktong nahubad niya na ang bra niya ay nakita nito. Tinakpan niya kaagad ang dibdib gamit ang damit na nakuha. Sa lamig ng panahon ay nakuha pa ng pisngi niyang mag-init!

Mahabang katahimikan ang namayani bago ito muling nagsalita sa mas kalmado na boses.

"Come here..." Colton patted the front passenger seat.

Parang batang sunod-sunuran na umalis siya sa pwesto para makalipat sa harap. Gamit ang kanan kamay ay naalalayan pa siya nito upang hindi siya matumba.

"Sa airport mo na lang ako ihatid."

"Sasama ako sa iyo."

Mariin siyang napapikit. Heto na naman sila! Magkasama na naman! Ano pa ang silbi nang pag-iwas niya kung ito na mismo ang lumalapit sa kanya?

"Ayoko na nang gulo, Colton. Please, hayaan na natin ang isa't-isa."

Ang pagtiim ng bagang nito, ang mahigpit na hawak sa manibela at kambyo ay tanda na nagpipigil ito ng galit. Galit kung para saan o para kanino ay hindi niya masabi.

"You promised..."

Like a stone that throw at her head, her promised for not leaving him suddenly flashed her mind.

Nangako siya at hindi niya tinupad! Walang saysay ang promise niya kung gano'n. Wala siyang isang salita!

Pero ang pag-alis niya ang tanging paraan para matapos na ang lahat! Kaya nga kahit mahirap at masakit ay mas pinili niyang umalis na lang!

"Ano ang gusto mong gawin ko? Ipahiya ka sa harap ng pamilya mo? Hindi ko kaya, Colton. I don't want to ruin your reputation just because we cheated on Gail! Kasalanan ko ang lahat ng ito!"

"Wala kang kasalanan... Wala tayong kasalanan!"

Litung-lito na binalingan niya ito ngunit sa malabo at madilim na daan lang ito nakatingin na para bang may kinakalaban ito do'n na ito lang ang nakakakita.

"Hindi ko talaga maintindihan..." Naiiyak na sabi niya. "Pinapaasa mo ako!"

Hinuli nito ang kamay niya at marahan na pinisil. "Please, take a rest. We will talk about all of this tomorrow."

"Colton!"

"Please baby..." Nakikiusap ang boses nito bago siya inabot at hinagkan sa noo. "Too much for this day. I want you to rest."

Inaantok, napapagod at nanghihina na tumango na lang siya. Naubusan na ng lakas para makipagtalo pa.

Sa dami nang nangyari sa araw na iyon, hindi na siya nagtaka na nakatulog siya at naalimpungatan lang nang may magagaan na halik na tumatama sa gilid ng labi niya. K open her eyes only to see Colton is kissing her. What a nice way to wake her.

"Hummm..." She moaned sleepily.

"Aren't you hungry?"

Inunat niya ang mga braso at tumama iyon sa headrest ng kama. Nagtataka na inilibot niya ang tingin sa paligid. They're inside a hotel room!

"Where are we?"

"Secret." Colton playfully kiss her cheek.

K groaned. "I want to go home."

"Yes, we will. Don't worry."

"Kailan?"

"I will wait for my friend to book us a flight to your hometown. They're fully book last night and this morning."

Inaantok na bumaluktot siya at itinakip sa kanyang ang comforter. Sa labas ay may kalakasan ang ulan. Nakakatamad nga talagang bumyahe kapag ganito ang panahon. Mas masarap matulog!

"Can I continue my sleep? Hindi pa naman ako nagugutom."

"You're skipping."

"Kakain ako mamaya pagkagising ko. Okey?"

Colton pursed her lips sexily then nodded his head.

"Okey then. Let's sleep together and cuddle."

Hinayaan niya ang binata na tabihan siya at yakapin siya. Sa mga sandaling iyon, hindi niya iniisip na nagnanakaw sila ng sandali. All she think at the moment is, making herself happy being with him.

"How was the dinner last night?" She absentmindedly asked him.

"Ruined." Simpleng sagot nito tapos ay isiniksik ang mukha sa leeg niya.

Ang isang kamay ay nasa loob ng blouse niya, sa ibabaw ng dibdib niya na para bang do'n talaga iyon dapat nakalagay.

"Bakit?"

"Because I like to marry someone else?" He whispered, making her heart beat crazily and hurtfully.

"M-may bago k-kang gusto?"

Colton chuckled amusingly. "Yea,"

Naiinis na inilayo niya ito sa kanya ngunit hindi ito nagpatinag! Pinaglalaruan ba siya ng lalaking ito?!

"Umalis ka na! May iba ka pa lang gusto—"

Humalakhak ito. Kaysarap sa tenga ng tunog no'n.

"Jealous at yourself baby?" Natatawa pa din ito pero siya ay kinakalampag na ang dibdib sa tindi ng tibok ng puso niya.

Bahagya itong bumangon upang mas maayos siya nitong nakikita. Sa inis ay namumula ang mukha niya. But his face lightened like something is funny and it annoyed her.

"Huwag mo akong tignan!" She's frowning at him.

Bakit ba napakadali lang sa lalaking ito na patibukin ang puso niya?

Hinaplos ni Colton ang mukha niya gamit ang likod ng palad habang masuyo siyang tinitignan na para bang hindi siya nito pagsasawaan. Kinakabahan talaga siya sa tuwing tumititig ito sa kanya.

"Magtanan tayo..." Malambing na bulong nito.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 112K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...
179K 2.1K 43
Best friend? 'Yan ang pinakamsakit na tawag sa'yo...ng taong mahal mo.
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
826K 22.1K 51
POLY SERIES #1 Yung pinagpanggap ka ng kambal mo bilang sya at kapalit ay titira kasama ng asawa nya pero nabigla ka ng hindi lang isa kundi apat at...