A Love Like This (FFTB #2)

By elisestrella

2.9M 90.1K 22.9K

C O M P L E T E D --- Falling for the Billionairess Book 2. --- Siya si Meredith Balajadia, ang executive vic... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
Fifty-One
Fifty-Two
Fifty-Three
Fifty-Four
Fifty-Five
Fifty-Six
Fifty-Seven
Fifty-Eight
Fifty-Nine
Sixty
Sixty-One
Sixty-Two
Sixty-Three
Sixty-Four
Sixty-Six
Sixty-Seven
Sixty-Eight
Sixty-Nine
Seventy
Seventy-One
Seventy-Two
Seventy-Three
Seventy-Four
Seventy-Five
Seventy-Six
Seventy-Seven
Seventy-Eight
Seventy-Nine
Eighty
Eighty-One
Eighty-Two
Eighty-Three
Epilogue
Special Chapter: Ang Unang Pasko

Sixty-Five

26.2K 1K 193
By elisestrella

A/N: Parang pag sinusulat ko 'to, it's now only just a series of short stories. May point naman ako sa kwento, parang matagal lang namin maabot nina Ash ehehe wala lang. Nag-e-enjoy pa kasi kami ni Ash kaya ayoko pa siyang matapos. Basta wala namang pilitan. You don't have to read anymore kung naiinip na kayo, promise! And thank you to everyone who stuck with us! And who will stick with us to the end! Thank you for still reading! 

P.S. Medyo maiksi lang itong chapter na 'to ah. Thanks ulit!

--- 

KUNG paano ako nagising kinabukasan n'ung unang gabi namin ni Mere, gan'un din ako nagising ngayon. Masakit ang katawan pero tahimik ang puso, masaya ang kaluluwa at jolly ang hotdog.

Nakasiksik si Mere sa tabi ko, nakayakap sa baywang ko, nakapatong sa mga hita ko ang isa niyang hita at nakasubsob sa kilikili ko. Ilang beses kong kinailangang utusan 'yung braso ko para yumakap sa kanya kasi ayaw kumilos ng mga muscles ko, pero n'ung yumakap naman ako, 'saktong sa puwet niya bumagsak 'yung kamay ko. Nag-ipon ako ng energy para mamisil.

Hindi siya nagising.

Masaya lang akong bumuntong-hininga at nanatiling nakapikit. Gutom na ako pero mamaya na 'ko babangon. Kung hindi automatic ang paghinga baka hindi ko pa kayang gawin 'yun sa pagka-relaxed ng buo kong katawan.

Napangiti lang ako nang maramdaman kong gumalaw 'yung kamay ni Mere. Umakyat-baba 'yun sa dibdib ko, 'tapos sa tiyan, 'tapos eh napalundag ako n'ung bigla niyang takpan ng palad si Jolly Hotdog na biglang nagising at nag-angat ng ulo.

Hinawakan ko 'yung braso ni Mere pero hindi na siya gumalaw ulit.

"Mere?" bulong ko. "Baby girl?" Hindi siya sumagot o kumilos. Nand'un lang siya, sarap ng tulog habang nakakakpit sa hotdog. Napalunok ako.

Ano'ng gagawin ko ngayon?

Sinubukan kong igalaw 'yung braso niya pero humigpit 'yung hawak niya eh. Napa-ungol lang ako kasi masarap. Pero kailangan ko siyang gisingin dahil pag magising 'to at makita kung ano'ng ayos namin, baka isipin eh kung anu-anong pinapagawa ko sa kanya habang tulog siya.

Hinawakan ko 'yung pupulsuhan niya saka siya mahinang niyugyog. "Baby girl?" tawag ko. "Gising ka ba? Baby girl?"

Umungol lang siya at mabagal na nakipag-shake hands sa 'kin kahit hindi ko hand ang hawak niya.

Tumirik na naman mga mata ko.

"Fuuuuck, Mere," ungol ko.

Noon naman siya nagising. Umingit ako nang bitawan niya ako n'ung bumangon siya. "Huh? What? What?"

Tinakpan ko ng braso 'yung mga mata ko. "Minomolestya mo 'ko, beb," sabi ko na garalgal ang boses.

"Ano?"

Sinilip ko siya mula sa ilalim ng braso ko. "Minomolestya mo ako habang tulog ako."

Namilog ang mga mata niya sa gulat at namula ang mga pisngi niya. "Hindi kaya!"

Kinuha ko 'yung braso niya, hinila 'yun hanggang sa nakapatong na ulit sa ano ko 'yung kamay niya.

"Ash," tawa niya.

Ibinalik ko sa mga mata ko 'yung braso ko. "Ituloy mo na. Gising naman na tayong tatlo eh. Areku!"

Hinampas niya ako sa sikmura bago siya nahiga ulit sa tabi ko at yumakap sa 'kin. Lumabi ako sa kanya.

"Anong oras na?" tanong niya, naghihikab.

"Mga 9 siguro."

"Ano'ng gusto mong breakfast?"

"Sex. Aray! Aray naman! Lagi na lang!" Kinuskos ko ang nipple ko.

"Lagi ka na lang din eh!" tawa niya.

Bumangon na ako. "'Yoko na nga! Bahala ka d'yan. Kapag mamiss mo 'tong masarap kong katawan, huwag kang lalapit-lapit sa 'kin ah."

Tumawa lang siya ulit.

"Hindi kaya ako nagbibiro!"

"Sige na. Mamaya ko na gagamitin 'yang katawan mo pag nakahanda ka na ng breakfast."

"Hmp," sabi ko lang ulit bago siya pinatawa nang paluin ko siya sa puwet. Saka ko siya kinumutan at iniwan sa kama. Nagdamit muna ako bago ako lumabas ng kuwarto. Namulot ako ng mga damit habang papunta sa kusina. Buti na lang at walang pupunta rito ngayong araw kasi nakasabit sa doorknob ng main door 'yung brip ko. Kakahiya namang 'yun ang unang wawagayway pag bukas ng pinto n'ung katiwala.

Iniwan ko sa sofa 'yung mga damit saka ako dumerecho sa kusina. Uminom muna ako ng isang litrong tubig saka ko hinanda 'yung coffeemaker, 'tapos nagluto na ako ng spam at scrambled eggs.


SA KAMA kami kumain ni Mere.

"Ano'ng balak natin ngayon?" tanong ni Mere matapos uminom ng kape.

Sumubo ako ng spam at kanin. "Kain, sex..." Tumawa siya. "Tulog, sex ulit, lunch, sex, tulog, sex, sex... 'tapos punta tayo kay Tita Mabel kasi d'un tayo mag-di-dinner 'tapos tingnan natin kung makapuslit pa tayo ng sex."

"Diyos ko ka, Montesines. Wala kang sawa."

"Wala talaga, basta ikaw. Kahit lolo na ako, bibili ako ng kahong-kahong Viagra para gan'un pa rin ang schedule natin araw-araw."

"Paano kung hindi na kaya ng katawan ko?" nakalabi niyang tanong. "Paano kung hanggang cuddling na lang ang kaya ko?"

"Eh tanggalin mo na lang 'yung pustiso mo. Ano nang bahala sa iba."

"Walangya ka!"

Natawa ako sa sarili ko at inabot ko siya para mabilis na halikan.

"Joke lang, 'to naman."

Naubos namin 'yung pagkain pero naawa naman ako kay Mere kasi parang di siya makalakad nang maayos n'ung papunta siya ng banyo. Binuhat ko na siya papunta d'un, hinanda 'yung bathtub para sa kanya, saka ako lumabas ulit para maghugas ng pinggan. Pagbalik ko, sinabayan ko na siyang maligo. Ligo lang, walang iba. Masahe, gan'un. Hindi naman ako halimaw. Alam ko naman kung kaya ni Mere o hindi. N'ung prunes na 'yung mga daliri namin, saka ko siya binuhat pabalik sa kama.

Nag-kwentuhan lang kami, nag-usap para i-finalize namin 'yung ibang mga wedding plans. Napansin ni Mere na medyo humahaba na naman 'yung mga kuko ko sa kamay kaya ginupitan niya ako ulit sa kalagitnaan ng kwentuhan. Mas okay na ako ngayon sa nail cutter. Hindi na ako takot sa kanya. Saka gusto ko 'yung mga ganitong simpleng moments, 'yung ginugupitan niya ako ng kuko, 'yung ako 'yung nagsusuklay ng buhok niya. Matagal na kasi kami hindi nakakapag-bonding ng ganito.

Nagpa-deliver na lang kami ng pagkain para sa tanghalian, 'tapos ako 'yung nakatulog habang nagbabasa si Mere sa iPad niya. Nakayakap ako sa baywang niya at nakasubsob sa likod niya n'un.

Na-miss ko lang 'yung ganito. Dati kasi puwede kaming ganito sa opisina. Pagkakain ng lunch, d'un kaming dalawa sa sofa niya. Ngayon hindi na eh. Nahihiya naman kasi kaming mag-extend lagi ng lunch hour namin. Hindi naman porke boss na eh kami na rin ang gagawa ng sarili naming batas sa opisina. Saka kapag napaganito na ako sa kanya, ayoko nang bumangon. Kaya mas okay talaga na sa bahay lang. Kapag sa bahay naman, nitong nakaraan eh derecho tulog na lang ako kasi nga pagod.

Hindi na ako pumorma ng sex n'ung magising ako. Pagpahingahin ko na muna talaga si Meredith. Pahalik-halik, haplos-haplos at himas-himas na lang muna ako saka kami nag-shower ulit saka nagbihis para puntahan ang tita ko at ang pamilya niya.


LATE na kami naka-uwi at halatang pagod na rin si Mere. Para ipakita na hindi naman ako inconsiderate na manyak, niyakap ko lang siya n'ung nasa kama na kami. Saka kailangan din niyang matulog nang maaga para sa surprise ko sa kanya bukas.

Ako ang na-surprise nang magising ako ng madaling araw at nakitang nagbibihis si Mere. Napabangon ako.

"O, saan ka pupunta?"

She smiled at me. "I told you I have a conference call this week that I can't postpone, remember?"

"At..." Inabot ko ang telepono ko para tingnan ang oras. "2:30 in the morning?"

She buttoned her blouse closed then sat down beside me on the bed. "It's at 3, actually. At lagi po akong ganitong oras makipag-meeting nitong huling buwan."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi ko alam 'yun."

"I made sure I don't wake you when I get up."

"Pero hindi ako nagigising?" nagtataka kong tanong. Hindi puwedeng bumangon si Mere ng kama na di ako nagigising eh.

Nabasa yata niya 'yung iniisip ko. She ran her fingers through my hair. "Pagod ka kasi sa trabaho."

Hinaplos ko 'yung likod niya habang naglalagay siya ng hikaw. "Ba't ang aga naman nila mag-schedule ng meeting?"

Nilingon niya ako. "Ako ang nag-sched ng mga meetings ng 3 AM, baby boy. They wanted it at nine in the evening kaya lang nasa bahay ka na n'un. Ayoko namang makipag-meeting pa ako sa iba ng oras na 'yun eh 'yun na nga lang 'yung oras na kasama kita. So at least kapag 3 AM, wala kang malay n'un. Hindi sayang 'yung oras na magkasama tayo."

"Baby girl."

Hindi ko alam 'yung sasabihin. Naisip ko na namang nag-away kami kasi pakiramdam ko hindi niya naiintindihan 'yung mga ginagawa kong sakripisyo para sa kanya, eh ako pala 'yung literal na walang malay habang nagtatrabaho siya nang madaling-araw para hindi makain ng meetings 'yung oras naming dalawa na magkasama.

Lagi talagang dalawang sides ang isang kuwento. Buti na lang at walang mataas ang pride sa 'min ni Mere na hindi marunong makinig at umintindi. At least kaming dalawa, handang mapahiya basta para sa isa't isa.

She only smiled and bent down to kiss me. "I love you. I'll make breakfast when I'm done."

I slid my palm over the nape of her neck, pulled her closer and kissed her again. "I love you," sabi ko sa kanya. "And I'll make breakfast."

"Maaga pa, baby boy. Go back to sleep."

Ngumiti ako. "Hindi na. Gising naman na ako. Saka sayang din 'yung oras na magkasama tayo." Kinindatan ko siya.

She laughed and kissed me again. "Sige na nga. One hour lang. Maybe less. Last meeting na 'to eh."

Natawa ako nang tumayo siya. 'Yung upper half kasi niya eh Miss Balajadia na naka-blouse, makeup, mga hikaw at maayos ang buhok. 'Yung lower half eh baby girl ko na naka-short shorts at flip flops. She smiled, gave me a playful pose then winked at me before leaving the bedroom.

Nakukunsensya ako. Ilang meetings na kaya ang dinaluhan ni Mere na hindi ako nagising nang bumangon siya. Eh dati bumabaling lang siya, nagigising na ako. Napansin kaya niya 'yun? At kung oo, nakadagdag ba 'yun sa tampo niya sa 'kin?

Naisip ko rin kung ilang araw ba siya nakipag-meeting ng madaling-araw pero n'ung gabi bago n'un eh dumating akong pagod na pagod na hindi naman niya ako nakausap nang matino. Hindi ko na maalala kung ilang beses nangyari 'yun pero ang naaalala ko hindi ko naramdaman na napabayaan ako ni Mere.

Di ba? Medyo may palpak sa pagpa-prioritize ko. Kailangan kong mag-adjust ng mga bagay-bagay sa buhay, sa priorities, sa trabaho, sa oras.

Di bale, basta alam ko naman na ngayon na si Mere muna lagi. Si Mere muna dapat.


PAPASIKAT na ang araw nang matapos kaming mag-almusal. Pagkatapos naming magligpit, niyakap ako ni Mere saka pilyang ngumiti sa 'kin.

"Wala nang istorbo," sabi niya na kumikindat-kindat.

I drew her closer to me and slid my palm up her back beneath her blouse before I bent down to kiss her. She started to pull my shirt up pero kahit labag sa loob ko, kinailangan ko siyang pigilan. Tiningala niya ako at tiningnan ako nang mapagtanong. Kinuha ko 'yung kamay niyang humahaplos sa abs ko saka hinalikan 'yung mga daliri niya.

"Actually, may isa pang istorbo. Medyo malaking istorbo 'yun, baby girl, pero dapat nandito na sila."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sila?"

I grinned. "Yup! And we're meeting them at Tita Mabel's." Mabilis ko siyang hinalikan. "Halika na."

"Saan?" Nagtataka, pero excited din naman 'yung tono niya.

"Basta."

Lumabas kami ng bahay at ni-lock ko 'yung pinto. Naglakad lang kami papunta sa resort ni Tita Mabel. Malamig at presko 'yung hangin at kaunti pa lang 'yung mga naglalakad. Mangilan-ngilan pa lang 'yung mga sasakyan. Pero n'ung dumating kami kina Tita, gising na ang buong baranggay.

Si Mere 'yung unang tumili bago niya tinakbo si Mommy Marianne na nakikipagkwentuhan na kay Tita Mabel habang naghihintay sa 'min sa may kotse. Kasama niya si Kuya Midel, si Manang Thelma, at sina Denise at David San Sebastian at 'yung crew nila.

"What are you doing here?" tanong niya sa kanila. "Akala ko fully booked na kayo for the rest of the month?"

Ngumiti si Denise sa 'kin. "Ang persuasive ni Ash eh! Na-kumbinsi niya kaming isingit 'yung shoot n'yo sa sched namin."

Lumapit na ako. "Mahirap kaya ako tanggihan," sabi ko na umaakbay kay Mere. "Lalo na kapag nagmamaka-awa na ako."

Kasi seryoso! Bigatin din 'yung dapat na photoshoot nila ngayon na kailangan nilang i-resched para lang maisingit 'yung naunsyami naming prenup photoshoot ni Mere. Nag-offer ako na doblehin 'yung payment nila pero tumanggi si Denise. Wala raw sa payment 'yun. Pero sa palagay ko d'un siya napapayag n'ung malaman niyang surprise ko 'to kay Mere. Romantic din kasi siya.

Tumawa si Mere at mahigpit akong niyakap. Nang bitawan niya ako, tinakpan niya 'yung mga pisngi niya. "Oh, my God! Baka ang pangit ko ngayon! Wala pa akong matinong tulog!"

"Baby girl, huwag mong sabihin 'yan sa harapan ng mommy mo at ng tita ko! Baka kung ano'ng isipin nila! Nanonood lang po kami ng cartoons pag gabi, Mommy, Tita."

Tumawa si Tita Marianne. "Sabihin mo 'yan kay Daddy Eman mo dahil siya lang ang maniniwala sa 'yo!" Hinarap niya si Mere. "Dinala namin nina Midel 'yung mga damit na gagamitin niyo dapat n'ung weekend para makapili kayo ng isusuot."

"Saka d'un na kayo sa isang guest house magpalit," excited na dagdag ni Tita Mabel ko na kumikinang ang mga mata. Basta may bisita, masaya talaga siya. "Saka may nakahandang breakfast kung gusto n'yo na munang kumain."

"Thank you po," sabi ni Mere na namumula 'yung mukha sa sobrang pagka-touched. Niyakap niya si Tita Mabel at ang mommy niya, saka si Denise. Niyakap din niya si David pero dahil secure ako kay Mere at alam ko namang yakap lang 'yun ng kaibigan, hindi ako nagselos.

Isa pa, ang laki kaya ng katawan ni David 'tapos hindi ko pa nakaka-usap si Kuya Midel para tulungan akong rumesbak. Mamaya na lang pag pauwi na sila.

Nang balikan ako ni Mere, ibinalot niya sa mga balikat ko ang mga braso niya saka ako mahigpit na niyakap.

"I told you I'd fix it if I screw up," bulong ko sa kanya na parang batang nanghihingi ng approval habang mahigpit ang yakap sa kanya.

"I know you would. You always do," sabi niya na hinihigpitan ang yakap sa 'kin. "If the world bursts into flames right now, you'd try to fix it."

"Of course, I'd try to fix it." sabi ko, natatawa sa analogy niya. "You're in it."

"And you'll do it for me too," she said happily and kissed me.

Nang lumayo siya sa 'kin, pinagmasdan ko siya. "Are we okay, Mere? Bumalik na ba tayo sa dati?"

"No," she said and cupped my cheeks as she looked into my eyes. Nang ngumiti siya, nadama kong pinunan ng ngiti niyang iyon ang lahat ng pagkukulang sa buhay ko. "I think we're better."


Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 116 65
[COMPLETED] Hindi sagrado ang buhay na kinakaharap ngayon ni Mikyla. Yes, she comes from a rich and happy family. Ramdam niya ang pagmamahal ng isang...
5.1K 211 11
"Pagdating sa pag-ibig, walang kuwenta ang standards na 'yan. Kung mahal mo, mahal mo." Dear Diary, Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina...
7.3M 198K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...