Was I Ever Really Loved By Yo...

TramyHeart tarafฤฑndan

12.4K 502 316

Karina Palencio is in-love with her brother's bestfriend and Math Teacher in High School, Zereff Evan Guiller... Daha Fazla

๐Ÿ’– Prologo ๐Ÿ’–
REMINDERS!!!
โค๏ธ Please Read โค๏ธ
โค๏ธ Character's Info โค๏ธ
Chapter 1 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Pat
Chapter 2 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Morriz
Chapter 3 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Kilig
Chapter 4 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Game
Chapter 6 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Trouble
Chapter 7 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Sick
Chapter 8 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Pierced
Chapter 9 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Visitors
Chapter 10 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Out
Chapter 11 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Exam
Chapter 12 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Hopeless in Love
Chapter 13 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Loving Can Hurt
Chapter 14 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Burn and Held
Chapter 15 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Reconcile
Chapter 16 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Scarf and Keychain
Chapter 17 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– New Year's Kiss
Chapter 18 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Avert
Chapter 19 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Hotseated
Chapter 20 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Riddles
Chapter 21 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Wanted Mess
Chapter 22 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Gamble
Chapter 23 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Secret Relationship
Chapter 24 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– The Prom
Chapter 25 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Officially
Chapter 26 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Parting
Chapter 27 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Gap
Chapter 28 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Shattered
Chapter 29 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Sing
Chapter 30 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Two Lonely People
Chapter 31 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– He's back
Chapter 32 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Stabbed
Chapter 33 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Dream
Chapter 34 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Wounded
Chapter 35 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Pained
Chapter 36 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– His Jealousy
Chapter 37 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Intimacy
Chapter 38 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Struggling
Chapter 39 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Sting
Chapter 40 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Trouble
Chapter 41 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– Chaos
Chapter 42 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Questioned
Chapter 43 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– The Truth
Chapter 44 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Regret
Chapter 45 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Alternation
Chapter 46 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Happiness
Chapter 47 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– The Reasons
Chapter 48 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Mischances
Chapter 49 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Shocking News
Chapter 50 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Another Trial
Chapter 51 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Devastated
Chapter 52 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Blindness?
Chapter 53 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Changes
Chapter 54 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– Losing Hope
Chapter 55 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Anchor
Chapter 56 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– HER LOVE
Chapter 57 ๐Ÿ’– Karina ๐Ÿ’– SPG
Chapter 58 ๐Ÿ’– Zereff ๐Ÿ’– Frightened

Chapter 5 ๐Ÿ’–Karina๐Ÿ’– First Kiss

216 11 19
TramyHeart tarafฤฑndan

Maingay ang buong School ng Arevello High. Hindi magkamayaw ang mga estudyante sa kasiyahan at panay ang tili at sigaw ng suporta sa mga grupo na kasali sa bawat paligsahan, papormahan din ang lahat sa temang 90's.

Kaming magkakaibigan ay mga naka denim jacket at highwaist jeans, ang iba lang samin ay ang pangitaas at mga sapatos. Hindi ko alam kung kami lang ba ang magkakaibigan ang ganito, na ang gusto ay magkakamukha o hawig ang mga kasuotan.

Sa band contest ay nanalo ang banda nila Morriz at 2nd place naman ang Banda nila Lavertha. Nabigla ako nang malaman kong ang vocalist ay si Morriz at kasama pa nito si Meldy sa grupo bilang second vocalist. Ang ilan sa mga barkada ni Morriz ay drumer at bassist. Kinanta ng mga ito ang kanta ng Mayonaisse na Jopay. Napakaganda ng kinalabasan ng musicality at melody ng grupo lalo nang magsama sa stage. Ngayon ko lamang nalaman na kasali ang kaibigan kong si Meldy sa grupo nito. Naging abala kasi ako kasama ang buong SSG na mailatag ang show ng maayos katuwang ang mga ilang nga guro. Mabuti nga at nakakanta pa si Lave dahil isa din ito sa naging tunay na abala.

Matapos ang makapigil hiningang mga paligsahan ay inanunsyo na ng MC na magsisimula na ang Finding game na pinangalanang Seek to Find. Ito ang huling palaro bago ang disco night. Ang mga sumali sa palaro ay mayroong kalahating oras para makita ang unang apat na tao na tinago. Mayroong iba't ibang kulay ng laso na hawak ang mga itinagong hearthrobs at sweethearts. Kailangan ang makahanap sa kanila ay ganoon din ang kulay bago maideklarang panalo. Hindi alam ng lahat ang mga kulay na hawak ng mga nakatagong tao, pero iba't iba din ang kulay ng mga laso ng mga kalahok na nabunot nila sa isang box bago nagsimula ang buong show. Mayroong blue, orange, green, yellow, red at purple. Napagusapan ang ganoong mechanics upang magkaroon ng process of eliminating at twist ang laro. Nang sa ganoon ay kahit makita ng isang kalahok ang isa sa mga taong nakatago, ay hindi agad ito ang magiging panalo sa laro. Pero bilang consolation prizes sa mga sumali at hindi nakakita sa mga hahanapin, bibigyan sila ng mga isang bag, kung saan meron iyong laman na mga candies, stationary papers, cute ballpens and scrapbook stickers.

Halos nasa isang daan din ang sumali sa palaro, karamihan doon ay pursigido talagang makita ang mga taong nakatago bilang isang all expense date ang premyo ng mananalo. Pero ang ilan ay sumali lang talaga para sa kasiyahan at sa consolation prizes, gaya ko at ng mga kaibigan ko.

Nang simulan ang palaro ay parang mga nakawala sa hawla ang mga estudyante.

Nagtatawanan na lamang kaming magkakaibigan habang naghahabulan at nakikigulo. Pinag-usapan at pinuri namin ang husay ni Meldy at Lave sa pagawit habang naglilibot.

"Huy guys ang galing niyo talaga kanina superrr!" wika ni Serena.

"Wala iyon, maliit na bagay." pagmamayabang na biro ni Meldy.

"Hoy wag ka ngang mayabang diyan porke first place kayo. Pinagbigyan ko lang kayo 'noh. Sabunutan kita riyan eh." Ganting biro ni Lave na kinatawa
. ng grupo.

"Maiba ako, sobrang bagay kayo sa stage ni Morriz, Meldy. Alam mo iyon, parang super match yung mga boses niyo. Baka match din kayo for life kasi alam mo yon, parang may something sa inyo, 'di ba guys." Biro ko dito na sinang ayunan naman ng iba.

"Hay naku mga bruha, tumigil nga kayo diyan. Parang awa niyo na wag kayong magsalita ng masama diyan at baka magkatotoo 'noh. Walang something samin ng unggoy na iyon. Something sa utak mayroon, pero siya lang yun, ako matino." ani nitong namumula ang pisngi at dumukot sa bulsa ng kung ano. Nagbubukas ito ng gum nang magsalita ako.

"Uyyy denial queen! Eh bakit nagba-blush ka diyan aber?"ani kong muli.

"Oo nga pulang pula ka oh." Dagdag inis pa ni Lave.

"Baka naman ikaw ang may something sa kan-"Napigil ang iba pang sasabihin ko nang sakin nito isubo ang gum na binuksan nito.

"Oh ayan mag-gum ka muna. Ang dumi ng lumalabas sa bibig mo eh. Kinikilabutan ako." Wika nito na kinatawa ulit namin. Napailing na lamang ako dito. Sa sunod ko na lamang ito bubuskahin baka mainis ko na kasi ito talaga pag kinulit ko pa.

"Ito talaga. Deny deny pa." Mahinang bulong ko at nginuya na lang ang gum kahit hindi ko yun masyadong gusto. Mas mahilig ako sa nga candies kaysa sa gum.

"Hay 'di pa man tayo nakakalayo pagod na ko." ani ni Serena pagkuwan.

"Ako nga din eh. Kung hindi lang kasali si Reighley dito hindi ako maghahanap eh." Ani naman ni Rosie. Malaki ang pagkakacrush nito sa kabatch namin na iyon.

"Well, date material naman talaga si Reighley. Guwapo na, gentleman pa at mabait talaga." komento naman ni Lave.

"Hoy huwag ka ngang salawahan diyan. May Hendrix ka na 'noh." biro ni Serena dito. Nawala ang ngiti nito at hindi nakakibo. Hmmm mukhang may mali sa reaksyon ni Lave ngayon. Dati kapag inaasar namin ito tungkol sa crush nito ay sumasang-ayon agad ito dahil 'di naman nito itinatago ang pagkagusto sa kaklase namin. May naaamoy akong tinatagol nito.

"Well kahit ako eh, ikaw kaya ang magkaroon ng ka date na kasing guwapo ni Chris Evans aber?" Tikhim na ani ni Francine na kinatawa namin. Saming lahat ito ang pinakatahimik kaya natatawa kami talaga kapag nagkokomento ito ng ganoon.

"Kaso naman si Reighley mailap pa sa mailap eh. Hindi mo malaman kung tunay na lalaki ba talaga o ano. Palaging nakadikit kay Xelena?" Komento naman ni Meldy. Kaibigan din namin si Xelena pero mas malapit ito kela Meldy at nasa ibang section ito kaya hindi na namin halos nakakasama.

"Yup, kasi magkakabata sila." Ani ni Rosie.

"Pero babae din naman si Xel. Baka sakanya talaga may gusto si Reighley kaya laging nakadikit kay Xel." Konklusyon ni Serena.

Napaisip tuloy ako.
"Well, baka nga.. Kahit totomboy-tomboy si Xelena babae pa din siya. Bagay nga sila kasi si Reighley mahinhin 'di ba. Opposite attracts." ani kong tumingin kay Rosie na nakanguso na. "Pero on second thought,.. malabong may something sa dalawa na yun, daig pa nila ang aso't pusa kung magbangayan 'di ba..." natatawang bawi ko.

"Sus, biglang bawi si Bunny..." Ganti ni Rosie sakin. Nakatikim tuloy ng batok ito mula sakin sa pag gamit ng kinaiinisan kong palayaw. Nagkatawan na lang muli kami.

"Mga babaita, diyan muna kayo. Daanan ko lang yung cp ko sa SSG room. Naiwan ko kanina sa bag ko." Paalam ko sa mga ito ng madadaanan na namin ang conference room ng SSG.

"Sige, nasa sayo pa yung susi 'di ba? Hintayin ka na lang namin sa bungad. Libot muna kami." Ani ni Lave. Tumango ako at humiwalay na sa mga ito.

Nagha-hum akong pumasok sa silid. Tanging ang SSG room lamang at Principal office ang resticted na puntahan at hanapan ng mga estudyante sa palaro.

Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa Janitorial closet. Hinanap ang cp ko at nang makita iyon ay tinignan ko ang oras. Nang makita kong maaga pa, umupo muna ko sa isa sa mga upuan doon at naglaro sa cellphone ko. Nang magsawa ay tumalungko ako sa mesa at hinitay ang tunog ng bell na hudyat na tapos na ang oras ng paghahanap. Hindi ko namalayang saglit akong nakaidlip sa ilang araw na pagod. Nakakatawa nga kasi nakaidlip pala akong may gum sa bibig.
Iniluwa ko ang gum at tinapon sa basurahan na nandoon pagkatpos ay nagpasyang bumaba na. Ilang hakbang nalang ako mula sa pintuan nang biglang bumukas ang dahon niyon at bumulaga sakin ang taong nagbukas.

Si Zereff.

Napamaang kami pareho nito sa isa't isa. Ang alam ko ni-lock ko ang pinto, ito lang namang susing hawak ko ang nag-iisang susi na ginagamit doon at hindi ko pa naisosoli iyon dito. Pero baka dahil ito ang pinakahead namin ay may spare key ito. Ngunit kaming mga miyembro ng SSG lamang ang maaaring magtago sa mga taong hahanapin.

"What are you doing here-?"
"A-Anong ginagawa mo dito?-" Magkapanabay na tanong namin sa isa't-isa.

Lumapit sakin si Z at agad na ipininid ang pinto sabay kabig sakin at takip sa bibig ko.
"Shhhh!" ani nito at humilig sa dahon ng pinto kasama ako. Nadinig namin ang mga yabag sa pinto at mga boses sa labas niyon.

"Dali! Baka andito siya!" Tili ng isang boses. Nahigit ko ang hininga ko ng madinig ko ang pilit na pinipihit sa seradura ng pintuan.

"Naka-lock eh. Ang alam ko hindi puwedeng hanapan itong room na 'to tsaka yung principal office." Tinig ng isa pang babae mula sa labas.

"Ang gara naman, paano kung diyan naman talaga siya tinago paano natin mahahanap si Mr. Guillermo 'di ba." Komento ng isa pang tinig.

"Wala naman tayong choice. Hindi naman siguro mandadaya ang mga bata ng SSG. Mababait ang mga iyon..." Mahinang ani ng isang tinig na mukhang papalayo na.

Sabay kaming nagpakawala ng maluwag na paghinga nang hindi na madinig ang mga boses at yabag. Dahan dahang inalis ni Z ang kamay na nakatakip sa bibig ko, doon ko lamang napagtanto ang posiyon naming dalawa. Ang isa pala nitong bisig ay nakapulupot sa bewang ko. Sobrang lapit ng aming mga katawan at nakakatakot na baka madinig nito ang tibok ng puso ko.

Itinulak ko ang dibdib nito para makalayo dito pero mukhang malaking pagkakamali iyon dahil awtomatikong nagtagpo ang mga tingin namin.

May kung anong emosyon akong nakita sa mga mata nito na hindi ko mapangalan ng husto, kuro ko, tila pagod at... pagka-bahala at... pag-alinlangan? Ngunit saan? Saan ito nababahala at naga-alangan?

Napatitig ako sa kabuuan ng mukha nito, butil butil ang pawis nito na mula yata sa pagtakbo para makapagtago, pero ni hindi iyon nakabawas man lang sa kaguwapuhan nito.

Bumaba ang aking paningin sa mga labi nito, bakit tila nakakaakit ang mga iyon?. Napakapula niyon para sa isang lalaki at tila may taglay iyong puwersa na nakakapagpahipnostismo sakin. Nalukob ang loob ko nang kakaibang puwersang estranghero para sakin, basta na lamang dahang-dahan akong tumingkayad at inilapit ang mukha ko para bistayan ng husto ang magandang labi nito.

Napamaang ito.

Lalong nawala ang sarili ko sa katinuan dahil sa pag-awang ng mapang-akit na labi nito, hindi ako makahinga ng husto at tila may sariling isip ang mga daliri ko na marahang tumaas at naglandas sa mukha at labi nito. Ang kakaibang damdaming bumangon sa dibdib ko ay napangalanan ko na, iyon ay pagnanais, pagnanais na mailapit ang mga labi ko sa mga labing iyon.

Nabitin ang paghinga ko ng marahang lumapat ang palad nito sa gilid ng mukha ko, para yata patigilin ako sa kabaliwan ko, ngunit huli na. Nang madama ko sa balat ko ang kamay nitong nakakapaso ang init, naringgan ang tunog ng paglunok nito at nakita ang pagtaas baba ng lalagukan sa leeg nito, nawala na ko ng tuluyan sa sarili ko. Huminto sa pag-inog ang mundo kasabay ng paghinto ng matinong parte ng utak ko.

Ang tanging nalalaman ko lamang ay ang nadarama kong matindi pagnanais na magkalapit pa kami at ang aming mga labi, kaya sinunod ko iyon, sinunod ko ang mapusok na kagustuhan ng puso ko. Unti-unti kong tinawid ang distansya namin habang marahang napapapikit. Wala nang paki sa kung ano bang tama o mali.

At sa wakas, naglapat na nga ang aming mga labi, o mas tama yatang sabihing inilapat ko ang labi ko sa labi nito.

And I thought, I saw fireworks. So breathtakingly beautiful. The kiss seems so magical. Phenomenal.

Pero nang nadama ko ang pagtaas ng dibdib nito na para bang nabitin sa ere ang paghinga nito ay takot kong inilayo kaagad ang sarili ko. Iyon ang una kong halik at wala akong kahit anong kaalaman sa paggawa niyon kaya baka napugto ko nang hindi sadya ang hininga nito.

"Z-Zereff..." ani ko.

At para bang eksena sa mga pelikula at teleserye sa telebisyon, na huli na nang magbalik sa tamang huwisyo ang utak ng bida at mapagtanto ang mga pinaggagawa.

Malaki ang hakbang na lumayo ito at tumalikod. Napahawak ako sa mukha ko sa dagsa ng hiyang nadama ko habang nakatulos pa din sa kinatatayuan ko. Nahiling kong maglaho na lamang sana ako ng parang bula. Hindi ko mapaniwalaan at matanggap na ginawa ko iyon pero ni hindi ko din magawang magsisi. Hindi kahit kailan.

Petchay ka Karina!!!
Anong kalandian itong ginawa mo?!
Alam kong mahal mo si Zereff pero sana nag-isip ka man lang! Nasa school kayo at Teacher mo siya dito!
Galit na kastigo ko sa sarili ko. Sinabunutan ko ang sarili ko ng magbalik man lang ang katinuan ko.

Narinig ko ang mahinang mura mula kay Z.

"Fvckkkk... W-What the fvck is that?! Why did you do that!-" Galit na sigaw nito ngunit naputol ng may kumatok sa pinto.

"Tao? Tao??? May tao ba dito? Nadinig ko kasing may nagsalita." Ani ng isang tinig. Iba iyon kaysa sa naunang mga boses kanina.

"Imagination mo lang yun loka. Forbidden place iyan kita mo nakalock kagaya sa principal's office." sagot ng isang boses lalaki ngunit matinis. Sa tingin ko ay si Sir Tonis iyon ang guro namin sa English.

"Meron talaga eh. Di ako maaaring magkamali, para pa ngang kay Mr. Guillermo yung nadinig ko eh. Tingin ko extra twist ito sa laro. Alam mo naman yung mga batang iyon masyadong matatalino ang daming pakulo sa laro. Tara hingin natin yung susi sa kanila para makasigurado" Ani muli nito. Medyo nakilala ko na ang tinig, si Mam Agnesia iyon ang bagong P.E teacher ng mga freshmen.

"Hay naku, bahala ka nga. Baka magpagod lang tayo nito ilang minuto nalang ang natitira oh!" Ani ng tinig ni Sir Tonis na papalayo na.

Nagkatinginan kami ni Zereff at di malaman kung anong sasabihin o gagawin.

"L-Look Z-I-I mean Sir. I-I'm sorry I-" Nginig kong ani nguni hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng iangat nito ang kamay bilang pagtigil sakin.

"Don't you dare say anything Karina. JUST. GET. OUT. NOW." mariin at puno ng kung among emosyon na ani nito.

"P-Pero wala--hindi k-ko naman-"

"OUT?!" dumagundong sa buong silid na iyon ang tinig nito. Ngayon lamang ako nasigawan ng ganito ni Zerreff, at ngayon ko lang ito nakita na ganito kagalit. Sa labing anim na taon ko sa mundong ito, ngayong lamang ako nakaramdam ng takot na ganito, mas matinding takot pa kaysa sa galit ng nga magulang ko.

Nagsimulang maglabasan ang mga luha ko sa bintana ng mga mata ko. Nanginginig ang mga labi at katawan na tumalima ako. Pagkabukas ko ng pintuan ay mayroong isang guro na papunta na sa gawi ng silid na iyon. Dali dali akong yumuko at umalis para hindi makita nito ang mukha ko. Tinakbo ko ang banyo sa dulo ng pasilyo na iyon at doon inilabas ang palahaw. Napakasakit ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sakit sakit niyon na para bang may pumipilipit don. Hindi ko alam ang iisipin at gagawin. Basta kailangang kong mai-iyak iyon dahil sobrang sakit talaga.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo na iyon, narinig ko na lamang na tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang paghahanap sa dalawang guro, at pag-vibrate ng cellphone ko sa isang tawag.

Sinagot ko iyon nang makitang si Lave iyon.

"Karina nasaan ka?! Hindi ba nasa SSG Room ka kanina? Ikaw ba ang naglipat ng pagtataguan ni Sir Zereff? Bawal dun 'di ba? Sa Music room siya nilagay ni Hendrix alam ko eh. Pero doon siya nakita ni Mam Agnesia. At magkakulay sila ng ribbon! Siya ang magiging ka-date ni Sir." Bulalas nito sa kabilang linya, nasa tono ang disgusto.

Hindi ko na napigilan ang hikbing lumabas sa lalamunan ko.

"H-Hey... Karina? Ayos ka lang ba? Nasaan ka bang babae ka? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa baba nung unang bell pa lang. Ano bang nangyari? Bakit hindi ka kagad nakababa? M-May nangyari ba Karina?" Sunod-sunod na tanong nito sakin na hindi ko magawang masagot. Hindi ko kayang ibulalas ang kabaliwang ginawa ko. Hindi ko kaya.

Napahawak ako sa gilid ng cubicle na kinalalagyan ko habang sapo ang dibdib ko. Hindi ko na namalayan ang paglaglag ng cellphone ko sa lapag, basta ang alam ko lamang ay ang nadarama kong kakaibang sakit sa dibdib ko at ang takot ko sa galit ni Zereff.

😖😖😖😖😖

A/N
Karina naman kasi ehhhh. Ayan tuloy. 'Di bale naka-score ka naman eh haha 😂

TramyHeart ❤️❤️❤️

Okumaya devam et

Bunlarฤฑ da BeฤŸeneceksin

40.6M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...