Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 44 - The Dilemma

3.1K 130 69
By wistfulpromise

Chapter 44

The Dilemma

-

Jace

Alas-tres imedya ng hapon. Abala kong binabasa ang mga files na dinala ni Nathan kanina para sa pag-uusapan namin sa board meeting mamaya kasama ng mga investors. Maayos na ang lahat. Wala nang problema. One last final review then this problem about the investors will be done.

May kumatok sa pintuan ng opisina ko. Si Nathan.

“In 30 minutes darating na raw ang representative ng Castillo Group at Vila Corp. kasama ng mga presidente nila.”

“Good.” Tumayo ako upang ayusin ang pagkakatupi ng puting long sleeves na suot sa aking kamay. Kinuha ko na rin ang blazer ko sa tabi upang suotin. “Nakahanda na ba ang abogado na kinuha nyo para sa pirmahan ng kontrata?”

“Yeah. Attorney Nirvana Salviejo is already in the office. Magaling pumili si Aiden. Madali siyang kausap at madaling katrabaho.”

“Where did you even met her?”

“A close friend of Dra. Jimenez.”

“Doktor ni Serene?”

“Yes.”

“Mapagkakatiwalaan ba ‘yan?”

“Oo naman. Kukuha ba kami kung hindi?”

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa gabundok na mga papeles sa mesa. “Do you still have the number of Dra. Jimenez? I need to make another schedule for Serene’s appointment with her. Hindi na siya nakakapunta roon sa clinic.”

“Bakit? Ikaw rin naman ‘di ba? Hindi ka na pumupunta sa mga appointment mo kay Dr. Salazar. ‘Yung puso mo…. akala mo hindi ko napapansin? Wala ka pang tulog magmula noong sumugod ang NL7 sa Black Savage headquarters.” dismayado siyang umiling sa akin. “Magpahinga ka naman. Jace tao ka. Hindi robot.”

“Umidlip na ako kanina.”

“Like what? 20 minutes? You’re kidding, right?”

“Tatapusin ko lang ito, then I could sleep later. Just give me the number.” iritado kong kinuha sa kanya ang calling card na inabot niya.

“Alam mo pasalamat ka kapatid kita kundi, matagal na kitang binaril sa katigasan ng ulo mo.”

“Nasa ilalim ka na ng lupa bago mo pa ako mabaril.” sagot ko sa kanya habang sine-save ang number ni Dra. Jimenez sa contacts ko. Narinig kong tumawa  si Nathan.

“Pinopormahan yata ni Aiden si Attorney Salviejo. Madalas kong nakikita na maagang pumapasok si Aiden sa opisina nitong nagdaang mga araw. Pinupuntahan niya si attorney sa binigay nating opisina.”

Napangisi ako roon. “Oras na rin niya. Ikaw ba?”

“Bakit na naman ba napunta sa akin ang usapan?” reklamo niya. Napatayo pa siya ng maayos noong tumingin ako sa kanya. “Kung aasarin mo na naman ako. Aalis na ako.”

“Hindi pa rin kayo nag-uusap?”

“Nino?” pagmamaang-maangan pa niya.

“Stop feigning stupidity. Hindi mo bagay.”

“Matagal na kaming tapos.”

“Siguraduhin mo lang.” Sinimulan ko nang ayusin ang mga folders na binasa ko upang iabot sa kanya. “You are really smart but you suck at choosing the right woman for you.”

“Ouch?”

Kinuha ko na ang lahat ng gamit ko sa mesa.

“Saan ka pupunta?” agad niyang tanong sa akin noong makita ang ginagawa ko.

“Dyan lang.”

“Kinakabahan ako sa dyan lang eh. Malay ko ba kung ‘dyan lang’ yan sa coffee shop sa baba o sa ‘dyan lang’ na aabot hanggang Batanes ang destinasyon.”

“Masyado kang praning.”

“Kilala kita. You and your unpredictable tendencies.”

Napailing na lamang ako sa sinasabi niya.

“Siya nga pala, gusto kang kausapin ni Mr. Castillo bago magsimula ang meeting.”

Napakunot-noo ako. “Isang oras na lang magsisimula na ang meeting. Hindi ba pwedeng pag-usapan na lang sa mismong meeting?”

“Mapilit siya eh. Importante raw. Actually, last week pa niya nirerequest. Palagi naman tayong busy kaya ngayon ko lang nasabi sayo.”

“Nandito na ba siya?”

“Nagtext sa akin yung sekretarya niya. She said he will be here in 10 minutes.”

“Akala ko ba 30 minutes pa?”

“30 minutes kung di ka papayag. 10 minutes kung oo.”

“I really don’t have time for this.”

“Pagbigyan mo na. Kahit limang minuto lang ng oras mo. Feeling ko hindi tayo titigilan eh.”

“Sa tingin ba niya wala rin akong gagawin sa oras ko?” Iritable kong sagot. “Magsisimula na ang meeting in an hour."

"Urgent daw."

Binigyan ko siya ng tingin. “Fine. 5 minutes. Yun lang ang ibibigay ko. Aalis ako saglit pagkatapos dahil may kailangan akong kausapin. Don’t worry I will be at the board meeting 5 minutes before it starts.”

“Cool. I’ll text them right away.”

“Tell them I’ll meet him in the lobby in 10 minutes. Ayoko ng late.”

Naghintay ako sa baba habang umiinom ng kape. Mayamaya pa ay may umupo na isang babae sa harap ko. Nakasuot siya ng kulay pulang bestida. Iniangat ko ang tingin.

“I think you are on the wrong table, miss.”

“You think so?” kaswal siyang nagtawag ng waiter at nag-order ng maiinom.

“I’m waiting for someone. So can you please, leave?”

“You’re waiting for a Castillo, yes?”

Paano niya nalaman? Parang nabasa naman niya iyon dahil bigla siyang ngumisi sa akin.

“I’m a Castillo. In fact, it was my dad who owns the Castillo Group. I’m Kristal Franchesca Castillo.”

Sa ngiti at galaw niya, nagkaroon na ako ng reyalisasyon.

“Ikaw ang nagpapunta sa akin dito.”

“Exactly.”

Napaayos ako ng upo. Umabante ako ng konti sa mesa upang sabihin sa kanya na pinakaayoko sa lahat ay yung sinasayang ang oras ko.

“Do you think this is a game? Using your dad’s power to do whatever you like?”

“Why not? Bakit ba ang init ng ulo mo?”

“Sinasayang mo ang oras ko.” Kinuha ko ang mga gamit ko.

“Sandali! Hindi mo ba muna papakinggan ang sasabihin ko? You gave me 5 minutes, remember?”

Binigyan ko siya ng seryosong tingin. “I gave it to your dad, not to you.”

“Hindi mo na ba ako naaalala?”

“Dapat ba kitang alalahanin?”

Malungkot siyang tumayo sa kinauupuan. Hinawakan niya ang braso ko ngunit inilayo ko ito.

“Ang bilis mo namang makalimot. Tatlong buwan lang tayong di nagkita.”

“Excuse me?”

“Pinuntahan pa kita sa office mo noon pero pinaalis mo ako. I tried calling your phone many times but you rejected it. There was even this woman who answered.” Nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Puno ng selos sa kanyang tingin. “Sino siya?”

“Wala akong dapat ipaliwanag sayo.”

“Talaga bang hindi mo na ako naaalala?”

Pinagmasdan ko siyang muli. Kung totoo nga ang sinasabi niya na pumunta siya sa office noon… Naaalala ko na dahil siya lang naman ang naglakas loob na gawin iyon.

Magsasalita pa lang sana ako upang paalisin siya noong bigla siyang nagsalita.

“Buntis ako. At ikaw ang ama.”

Ang tagal bago rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Napakaraming tao sa paligid ngunit lahat sila ay naglaho sa aking paningin. Nasa loob ako ng isang bula kung saan ako lang ang laman.

“Almost three months. Magiging ama ka na… Jace.” Hinawakan pa niya ang tyan na ngayon ko lang napansin na may konting umbok.

“And you think I will believe you?”

“Are you saying I’m lying?”

Hinila ko ang braso niya palabas bago pa siya makagawa ng iskandalo.

“Please, leave.” tiim-baga kong pakiusap. Wala akong oras sa mga kasinungalingan niya.

“Kailangan mo kaming panindigan.” Matigas na ulong giit niya sa akin.

“Wala akong papanindigan dahil hindi akin yan.”

“You are the only one I slept with!”

May kung anong galit ang nagsimulang sumibol sa aking dibdib ngunit pinanatili kong kalmado ang sarili.

“Alam mo ba kung pang-ilang babae na ang lumapit sa akin para sabihin na ako ang ama ng dinadala nila? But all of them turned out negative. So don’t expect me to fall bait in one of your scams.”

“Scam? How dare you say I am a scam? I don’t need money. Do you think I look poor to you?”

“No. But you look desperate to me.”

“Bakit ba ang sakit mong magsalita? I am just saying the truth!” sabi niya na tila ba naluluha sa narinig mula sa akin. “Jace--”

“Don’t even call me by my name. You have no right to say that.” Matalim ko siyang binigyan ng tingin. “Please leave, habang mahaba pa ang pasensya ko.”

“Pakinggan mo muna ako, please.”

“Wala na tayong dapat pag-usapan.”

“Hindi alam ng dad ko na buntis ako. Kapag nalaman niya ito siguradong papalayasin niya ako. Wala akong pupuntahan.”

“Hindi ko na problema iyon.”

“Kaya mo ba kaming tiisin ng magiging anak--”

Leave.”

“B-but--”

“Thank you Ms. Castillo for making the choice easy for me. Castillo Group will no longer be permitted to enter Ashez again. Vila Corp will be our new investor starting from today.”

///

Last week my glitch sa wattpad dahil sa software update nila kaya di ko napost yung update. I know i said every Monday ang update but please do understand na magkaiba ang timeline natin since nasa Canada ako. Monday sa inyo. Sunday pa lang sa amin.

Alam kong Tuesday na sa inyo pero Monday pa lang sa amin. Kaya kung ma-late man ako ng isang araw pasensya na. Anyway, have a good day Listeners! :)

Continue Reading

You'll Also Like

525K 23.4K 91
Khali Vernon took the risk and came back to Tenebrés City, will she come back as the infamous Shadow of the Gangster Society, too? The society ruled...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...