Is This Love?

By Fluffyderella

36.7K 776 38

Sa laro ng pag-ibig, sino ba ang mas matimbang? Ang taong una mong minahal o ang taong natutunan mo ng mahali... More

Copyrights
Innocent Love
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-Isang Kabanata
Ikalabing-Dalawang Kabanata
Ikalabing-Tatlong Kabanata
Ikalabing Apat na Kabanata
Ikalabing Limang Kabanata :
Ikalabing Anim na Kabanata
Ikalabing-Pitong Kabanata
Ikalabing-Walong Kabanata
Ikalabing-Siyam na Kabanata
Ikadalawampung Kabanata
EPILOGUE (Unang Bahagi)
EPILOGUE (Pangalawang Bahagi)

Ikaapat na Kabanata

1.4K 34 0
By Fluffyderella

Pagkain

"Bakit mo tinatapon 'yan? Hindi ka kumakain ng vegetables?" Nakakunot ang noong tanong ni Zeus.

Kasalukuyan kaming nasa mamahaling restaurant at hindi ko alam kung paanong kabalbalan ang ginawa namin para lang makapunta rito para maglunch.

"Hindi ako kumakain ng damo." Simpleng sagot ko at patuloy na pinipili sa pagkaing inorder ni Zeus sa akin ang mga vegetables para alisin. Siya na kasi ang umorder ng food namin since I'm not familiar sa menu. Eh, hindi ko naman inaasahan na madamo pala ang inorder niya.

Nagulat ako nang sumawsaw ang kutsara nito sa plato ko at siya na ang naghanap ng mga vegetables at nilagay sa plato nito.

"Ano'ng ginagawa mo?" Hindi ko mapigilang magtanong.

"Kung may mga pagkain kang ayaw, ilagay mo lang sa plato ko. Ako na ang kakain." Anya habang patuloy sa paghahanap ng mga vegetables sa food ko.

Sa gesture niya, pakiramdam ko sasaluhin niya lahat ng mga problema ko. Tulad ng mga vegetables na ayaw ko.

"Ganito ka ba sa mga ex-girlfriends mo?" Natigil siya sa ginagawa. "I'm sorry." Binawi ko ang sinabi at nagsimula nalang kumain.

"Gusto kang makilala ng parents ko. Kailan ka free?" Bigla akong nabulunan sa sinabi niya.

"Damn!" He cussed then inabot saken ang tubig.

"W-what? Bakit ako gustong makilala ng parents mo? Lahat ba ng mga naging girlfriends mo, ipinapakilala mo sa kanila?!" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Umiling na lang ako habang nakatingin sa kanya.

I smiled while staring at him. Inaalis naman niya ang nakahalong cheeze sa kinakain. Katulad ng ginawa niya, kinuha ko ang cheeze na nasa gilid ng kanyang plato.

"Mahilig ako sa cheeze. Akin nalang 'to. Sayang nama." Nag init ang mga pisngi ko. Letsugas!

He chuckled.

Marami siyang natanong sa akin  at ganoon naman ako. Parang getting to know each other lang.

"So, kailan ka pwede?" Pagtatanong niya ulit.

"Bakit nga?" Balik tanong ko naman.

"Syempre, girlfriend kita kaya natural lang na gusto ka nilang makilala." Hindi agad ako nakasagot sa buwelta niya. Errr... Hindi ko mapigilan ang kiligin sa sinabi nito. Naiihi na nga ako sa kilig!

"E-ewan. Ikaw bahala..." Tinago ko na lamang ang pamumula ng mukha ko sa pamamagitan ng pagkain.

"Excuse me, CR lang ako." He nodded.

Tumayo ako at lumabas sa silid na yun. Baleh may private room ang resto na iyon kung saan may privacy sa pagkain ang mga costumers.

Matapos kong magCR, sumalubong sa akin ang taong di ko inaasahang makita.

"OH-MY-GOD! Caleila Naveen Dela Santos?! Couz?! What are you doing here?!" My eyes widened. Si Kiss! What is she doing here?!

"Ah... Eh.." Nagsisimula na akong mataranta. Hindi puwedeng makita ni Kiss na magkasama kami ni Zeus. She'll definitely going to tell Papa. And I will be dead!

"J-Just going to meet an old friend, Kiss. Sige, have to go." Tatalikuran ko na sana siya nang hilahin niya ako.

"Teka lang, Couz-" Naputol ang sasabihin niya nang may tumawag sa akin. Namutla ako.

"Oh my God! Oh my God! Zeus Yuchengco? I'm your freakin' no.0 fan!" Parang nawala ako sa paningin ni Kiss nang dambahin niya si Zeus. Hindi ko nagustuhan ang biglang paghalik niya sa pisngi ng lalaki at pagyakap. Ngunit, pinili kong wag umimik.

"Damnshit, Miss! Let me go!" Tinulak ni Zeus ang babae at nag-aalalang tinignan ako.

Ngunit hindi yata pansin ni Kiss ang pagkairita rito ni Zeus."God! Can't believe na makikita kita rito, Zeus. Can I have your autograph?" Anyong kukuha na ng papel si Kiss.

"I'm sorry Miss pero wala ako sa trabaho para pagbigyan ang request mo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Akma na sanang igigiya papasok ulit sa pinagkainan namin nang magsalita ulit si Kiss.

"Teka lang, Zeus..." Angal ko.

"Caleila.." Tumigil si Zeus nang tawagin ako nang natulala kong pinsan.

Napafacepalm ako. I am so dead!  " Zeus, si Kiss... Umm... Pinsan ko and Kiss... This is Zeus.. Err... My... Umm.."

"Her boyfriend." Pagdudugtong ni Zeus. "Sorry for being rude. Hindi ko alam na pinsan ka ni Caleila." I bit my lower lip.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Kiss?" Pag-iiba ko ng topic.

"Alam ba 'to nina Tito at Tita, Caleila?" Namutla na naman ako sa tanong niya. Mahigpit na pinagbabawal sa akin ang pagbo-boyfriend lalo na ni Papa kaya kakatayin ako malamang kapag nalaman ito.

"Ahmp... Kiss, kung pwede lang h'wag mo muna sabihin 'to kina Papa at Mama. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila." Iyon na lamang ang nasagot ko sa kanya.

Ngunit, sadya talagang kontrabida sa buhay ko ang pinsan ko dahil mas nauna pa sa akin sa bahay ang balita na may boyfriend na ako.

"Goodness, Caleila! Kung hindi pa kami sinabihan ni Kiss, hindi pa namin malalaman na may tinatago ka na palang boyfriend?! Dalhin mo ang lalaking 'yan dito!" Galit na galit na bulalas ni Papa habang nakangising nakatingin sa akin si Kiss. Marami pang masasakit na salita na sinabi si Papa sa akin at pinili ko na lamang hwag magsalita. Hindi ako umiyak sa harapan nila but the moment I went inside my room. Doon na bumuhos ang luha ko. I fixed myself especially my voice first bago tawagan si Zeus.

"Minnie...I'm glad you called me first." Hindi ko mapigilang mapangiti sa tinawag niya sa akin kahit na basa na ng luha ang pisngi ko.

"Z-Zeus..." Letsugas! Gusto kong sakalin ang sarili sa pagpiyok ng boses ko.

"Hey! Are you crying? What happened?" Tumulo na naman ang luha ko at dagli ko iyon pinunasan agad na para bang makikita iyon ni Zeus.

"N-No. I'm not. W-What are you doing?" Letsugas talaga! Sana tinext ko nalang si Zeus.

"Where are you?" Balik tanong niya sa akin.

"Bahay." Simpleng sagot ko.

"Magkita tayo." Napatingin ako sa orasan, 8PM na.

"H-hindi puwede---" Aangal sana ako.

"Hihintayin kita sa lugar kung saan una tayong nagkita. Sa loob lang ako ng kotse maghihintay." He said then pinatay na ang tawag.










"Anong problema?" Hindi ako makatingin sa kanya dahil namumula pa ang mga mata ko sa kakaiyak.

Umiling ako. Ngunit hinawakan niya ang chin ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa loob na ng kotse niya.

Naglapat na naman ang mga mata namin.

Those beautiful eyes... Iyon ang una kong napansin sa kanya. He's too good to be true. Nakikita ko ngayon ang pag aalala sa mga magagandang mata niya.

Naramdaman ko ang pagkalas ng mga luha ko.

"Ssssh, Minnie. Everything's okay." He said then hindi ko expected ang sunod niyang aksyon. He kissed my tears. He kissed my eyes dahilan para mapikit ako. He kissed my cheek na basa ng luha.








"Papa Mama, si Zeus po. Zeus, mga magulang ko." Nanlalaki ang mga mata ni Mama samantalang seryoso ang mukha ni Papa nang maipakilala ko sa kanila sa wakas si Zeus.

"Ako po si Zeus Asher Yuchengco, Ma'am, Sir." Inextend niya ang braso kay Mama at kaagad iyon sinunggaban ni Mama na parang teenager na kilig na kilig.

"Ang guwapo mo pala sa personal, Iho! Akala ko sa TV lang kita puwede makita." Nangingisay sa kilig na saad ni Mama.

"Ma..." Saway ko.

Nakakahiya talaga kay Zeus. Pakiramdam ko, pinikot ko siya.

Napatingin ako kay Kiss. Plano ng bruhang pinsan ko na mag overnight rito sa amin. Tss! Nakacrossed arm siya at inirapan pa ako.

"Hindi naman po." Napakamot si Zeus at tumingin naman sa seryosong si Papa. Siniko ni Mama si Papa pero nanatili siyang seryosong nakatingin kay Zeus na para bang pinag-aaralan ang lalaki.

"Good evening po, Sir." Nag extend din siya ng kamay kay Papa ngunit hindi iyon tinanggap ni Papa. Lagot na! Napatingin ulit ako kay Kiss. Mukhang nasisiyahan ang bruha!

"Pa..." Mahinang tawag ko rito.

"Kumain na tayo." Bulalas ni Papa at nauna na sa dining area.

"Pagpasensyahan mo na ang Papa ni Caleila, Zeus. Naku! Over protective kasi iyon sa anak namin. Lalo na at nag iisang anak lang." Pinalo pa ni Mama ang braso ni Zeus.

"Okay lang po, Ma'am." Sagot naman ni Zeus.

"Tita nalang, Iho. Diyos ko! Hindi ko aakalain na magkakaroon ako ng son-in-law na kasing gwapo mo!" Namula ako sa sinabi ni Mama. Kahiya talaga!

"Ma!" Angal ko. Tumawa lang si Mama at inanyayahan na kaming sumunod sa dining area. Sumunod rin si Kiss at nakuha pa akong asarin.

"Lagot ka!" She said at sumunod na.

"Kainis! Mabulunan ka sana mamaya!" Inirapan ko pa ang pinsan ko kahit wala na siya roon. Nakarinig naman ako ng mahinang pagtawa.

"Ano'ng tinatawa tawa mo dyan?!" Kumunot ang noo ko.

"Ang childish mo!" He answered then held my hand papuntang dining area.

Ngunit napabitaw ako nang makitang masama ang tingin ni Papa sa magkahawak kamay namin ni Zeus nang makarating kami ng dining area.

"Hindi naman mabigat ang kamay ng anak ko, Mr. Yuchengco para hawakan mo pa." Cold ang boses ni Papa.

"Naku! Tigilan mo nga 'yang asal na yan, Papa! Dalaga na ang anak natin. Nararapat lang magboyfriend na. Mabuti pa kumain na tayo. Lumalamig na ang pagkain. Gutom na siguro ang son-in-law natin. Sige, feel at home lang, Iho. Kumain kana." Naease yung takot ko sa sinabi ni Mama. Ngumiti lang si Zeus.

Nagsimula na kaming kumain. At ako naman na gustong masubukan kung paano magserve ang isang girlfriend sa kanyang boyfriend, todo serve ako kay Zeus.

"Gusto mo ba ng adobo? Kanin?" Umiling siya. Napatingin ako kay Papa. Masama na naman ang tingin niya. Well, masama naman talaga ang tingin niya kanina pa.

"Tito, Tita..." Napatingin kaming lahat kay Kiss. She's wearing a fake smile. Tss! "Good news po. Nanalo po ako ng third place sa swimming competition sa school." Duhhh?! Bat di niya kaya sabihin yun sa parents niya at hindi sa parents ko! Kainis!

Patuloy lang ako sa pagsubo. Mas napaparami kasi ang kain ko pag galit, nasasaktan at naiinis ako.

"Talaga, Iha? Congratulation!" Nagbago ang ekspresyon ni Pap bago ako tignan. "Buti ka pa may matinong nagagawa." Hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi ni Papa. Nagpatuloy ako sa paglamon. Uminom ako ng maraming tubig. Pakiramdam ko anumang sandali papatak na ang luha ko.

"Congratulation, Kiss!" At ang hinayupak kong boyfriend, nakuha pang batiin ang bruha kong pansin. Mukhang nagustuhan naman iyon ng babae.

"Thank you, Zeus. Si Caleila, may sports na bang nasalihan sa school? Tss! Ewan ko nga sa babaeng yan at ayaw sumama sa mga sports." Ngumisi saken si Kiss. Buwisit ka!

Tumingin sa akin si Zeus.

"Plano ni Caleila sumama this coming intramurals. As a matter of fact, nakapili na siya ng sport." Diyos ko! Ano bang pinagsasabi ng kumag na 'to?!

Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero hindi niya ata makuha ang mensahe ko at nagpatuloy pa sa pagtatalak. Nakuha na niya ang buong atensyon ni Papa at Mama.

He smiled at me.

"You told me that you love swimming, right, Minnie? Ako pa nga ang inspiration mo." Ngumisi ako ng pilit at tumingin kay Papa. Mukhang nagulat rin ito. Pangarap kasi ni Papa na sumali ako sa mga sports sa school. Gusto niya ng athletic na anak. Palibhasa, gusto ng lalaking anak.

May bahid ng katotohanan ang sinabi ni Zeus dahil mula ng mapanood ko siyang nags-swimming kasama ang classmates niya sa PE. Naisip ko kung papipiliin man ako ng sports, gusto ko ng swimming.

"Talaga, Iha? Sabi ko nga ba, good influence 'tong si Zeus kay Caleila. Kaya pala mas tumaas ang grade ng anak natin, Papa." Mukhang nagiging okay na ang mukha ni Papa.

"UMM... Mukhang gumagaya ka na ata sa akin, Caleila. Nagsisimula ka naring mahilig sa mga sports." Sumingit na naman ang bruha. Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Mas magaling ka pa rin, Kiss. Magsisimula pa lang si Caleila. Kung sana sinimulan na niya ang pagkahilig sa sports dati pa, eh di sana marami na siyang nasalihan." Nandoon na naman si Papa. O di sila na ang mag-ama! Kainis!

Dinaan ko na lang ang inis thru eating.

"My minnie is the best!" Napatigil ako sa pagsubo at tumingin kay Zeus."I'm not comparing her to Kiss dahil para sa akin si Caleila lang ang magaling. Siya lang at wala ng iba." He smiled at me. Awkward akong ngumiti sa kanya.

"Diyos ko! Look at them, Papa parang tayo lang noon!" Natawa ako ng payak sa sinabi ni Mama. Umubo lang si Papa samantalang napahalukipkip na naman si Kiss. Huh! Ano ka ngayon!

"Mr. Yuchengco, maaari ba tayong mag usap nang 'Tayong Dalawa Lang' pagkatapos nating kumain?" Seryoso na naman si Papa ngunit wala na ang galit nitong ekspresyon.










"Ma, okay lang kaya si Zeus? Hindi naman siguro siya aanuhin ni Papa, diba ?" Kanina pa ako natataranta rito sa salas habang nag-uusap ang dalawang lalaki sa buhay ko sa garden ng bahay namin.

Tumawa si Mama habang nakacrossed arm at nakaupo sa kabilang sofa si Kiss.

"Relax, anak. Kilala ko ang Papa mo. Wala siyang gagawin sa future son-in-law niya."

"I doubt it, Tita. Mukhang galit na galit si Tito kanina nang makita si Zeus." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Kiss kaya di na ako nakapaghintay pa, sumugod na ako papunta sa garden para lang maabutan ang hindi inaasahang senaryo.

"O anak! Balak mo bang puntahan si Zeus?" Nakangiti na si Papa at nakaakbay pa kay Zeus. Napatingin ako kay Zeus, natatawa lang siya.

"Ano'ng pinag-usapan niyo po, Pa?" Tanong ko nang makalapit ako rito.

"Usapang lalaki lang, anak. Hindi namin puwedeng sabihin sayo." Sagot ni Papa at humiwalay na kay Zeus. "Ihatid mo na ang future son-in-law ko sa gate, Caleila. Gabi na't kailangan niya ng umuwi." Mas lalo akong hindi makapaniwala sa sinabi ni Papa na future son-in-law. Si Papa ba talaga ang nagsalita?

Bago pa ako makasagot. Pumasok na si Papa sa loob ng bahay.

"Ano'ng sinabi mong gayuma kay Papa at naging ganoon siya?" Nanliit ang mga mata ko.

He chuckled. "Ano'ng gayuma? Hindi totoo ang gayuma, Caleila! Nasa karisma lang yan."

Pinalo ko siya sa braso. "Hwag mo akong pinagloloko, Yuchengco! Ano'ng sinabi mo kay Papa?!"

"Una na po ako Tita, Tito!" Hanudaw?! Tito?! Tinawag niya ng Tito ang Papa ko.

"Mag ingat ka, Iho. Dumalaw ka ulit ha!" Sumilip si Mama sa veranda.

"Opo." Sagot ni Zeus bago naglakad papuntang gate.

"Hoy! Yuchengco! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Sinundan ko siya.

"Tss! Hindi mo ba narinig ang sabi ng Papa mo, usapang lalaki. Lalaki ka na ba ngayon?" Nasa gilid na kami ng kotse niya. "Pasok kana." Utos nito.

"Kapaal nito! Malalaman ko rin kung ano'ng kabalbalan ang ginawa mo sa Papa ko, Yuchengco!" Inirapan ko siya.

He smiled."Goodnight..." At nagulat na lamang ako nang hawakan nito ang balikat ko and kissed... Kissed my forehead. Napalayo ako at bahagya ko pa siyang naitulak.

"Ang manyak mo talaga! Kainis!" I said at pamartsang pumasok ng gate.

"Sweetdreams, Minnie. And dream of your Mickey." Pahabol pa ng bwisit.

"Cheh!" Pasigaw na sagot ko sa kanya bago nagtatakbo patungo sa kwarto ko.

Kainis na lalaki!

Napasandal ako sa pintuan ng kwarto ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa noo kong hinalikan niya. Ganito ba ang pakiramdam ng mga bidang babae na sinusulat ko?

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
280K 17.4K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
110K 3.3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...