Is This Love?

By Fluffyderella

36.6K 776 38

Sa laro ng pag-ibig, sino ba ang mas matimbang? Ang taong una mong minahal o ang taong natutunan mo ng mahali... More

Copyrights
Innocent Love
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-Isang Kabanata
Ikalabing-Dalawang Kabanata
Ikalabing-Tatlong Kabanata
Ikalabing Apat na Kabanata
Ikalabing Limang Kabanata :
Ikalabing Anim na Kabanata
Ikalabing-Pitong Kabanata
Ikalabing-Walong Kabanata
Ikalabing-Siyam na Kabanata
Ikadalawampung Kabanata
EPILOGUE (Unang Bahagi)
EPILOGUE (Pangalawang Bahagi)

Ikatlong Kabanata

1.4K 36 4
By Fluffyderella

Lunch

"Ano 'to?" Nakakunot ang noo ni Zeus, ang official boyfriend ko habang tinitignan ang pagkaing pinaghirapan ko. Well, hindi ko alam kung pagkain ba talagang matatawag iyon. Nilagay ko sa baunan ang hilaw at sunog na kanin matching sunog fried chicken at wasak na egg. Naisipan ko siyang ipagluto dahil naisip ko ang kasabihang 'The way to a man's heart is through his stomach'. Lecheng kasabihang 'yan!

"Tss! Ewan ko sayo! Kung ayaw mong kainin, h'wag ka ng magcomment. Dugot pawis ang ipinuhunan ko rito noh!" Akmang itatago ko na ang baunan nang hilahin niya 'yon.

Kasalukuyan kaming nasa pinakatuktok ng building ng business management nang sa ganoon walang makakita sa amin. Lunch time na kaya wala pang klase.

"Wala akong sinabing hindi ko kakainin. Nagtanong lang ako kung ano'ng pagkain 'yan." Napaawang ang labi ko nang nagsimula na siyang kumain.

"Hindi ba obvious? Eh di pagkain! Psh!" Hindi niya pinansin ang hirit ko at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa.

Hays! Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko ang leader ng sikat na Devils. Parang ang bilis kasi. Kahapon lang kami nagkakilala at hindi pa maganda ang una naming pagkikita. Well, hindi rin naman ako makapaniwala nang alukin niya akong maging girlfriend niya. Sa una, ayokong pumayag. It's dangerous, he's dangerous pero naisip ko walang magagawa ng takot ko kung di ko susubukan. Maaaring oras na talaga na sumagal ako para sa pangarap ko. But I told him na secret ang relasyon namin. Ayokong paulanan ng hatemails ng mga fans niya.

"Okay lang ba?" Kinakabahan kong tanong.

He looked at me. Walang ekspresyon ang mukha niya. Inoffer niya sa akin ang kutsara na gamit nito. Susubuan niya ako pero napalayo naman ako.

"Wala akong virus. Wag kang mag-alala" Aniya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kumuha ng kutsara ko. Napailing na lamang siya.

Nag-alamukhasim ang mukha ko nang matikman ang pagkaing niluto ko."Letsugas! Ang pangit ng lasa! Ba't mo kinakain?! Kainis ka!" Sigaw ko na animo'y masusuka na sa lasa. Akmang aagawin ko na ang pagkain pero nilayo niya iyon sa akin.

"Hoy, Yuchengco! Ibigay mo yan! Baka magkasakit ka at patayin ako ng mga fans mo!" Sigaw ko ulit sa kanya.

"Kakainin ko 'to!" Sagot niya. "Pinaghirapan mo 'to kaya kakainin ko!" Dagdag niya na nagpatigil sa akin.









"Zeus, mga kaibigan ko. Sina Mimah, Pearl, Shana at Timmy. Girls, si Zeus..." Huminga muna ako ng malalim. "Boyfriend ko". Laglag ang panga ng apat na bestfriends ko. Pinapunta ko sila rito kung saan kami kumain ni Zeus.

"Hi, girls! Masaya akong makilala ang mga taong importante sa buhay ng girlfriend ko." Bati ni Zeus sa apat na babae. Hindi ako makapaniwala sa komportableng boses niya sa pagsasabing girlfriend niya ako. Heller lang?! Isang araw pa lang kaming mag-on.

"Secret ang relasyon namin, girls so sana walang makaalam nito. Ayokong maheadline sa newspapers. Makakaasa ba ako sa inyo?"  Tulala lamang sila sa amin ni Zeus at tila hindi ako narinig. Nagclap ako sa harapan ng mga mukha nila nang sa ganoon magbalik ang diwa nila.

"Hey, girls!"

Pumalit sa katahimikan ang tili ni Timmy at bago niya pa maisigaw na kami ni Zeus, tinakpan ko na ang bibig niya.

"Oh em Gee! Totoo?! As in?! Oh em! Ang bestfriend ko at----" Tinakpan ko ulit ang bibig ni Timmy.

"Oo, Timmy. Please, h'wag niyong ipagsabi sa iba." Pagmamakaawa ko.

"But why?! We thought----" Sabat naman ni Mimah.

Umilng iling lamang si Zeus.

"Girls, I need this. Alam kong nabibilisan kayo sa mga nangyayari sa akin. Maging ako ganoon din. Hindi pa rin ako makapaniwala na may boyfriend na ako pero...kailangan kong sumugal. So, makakaasa ba ako sa inyo?" Hinawakan nila ang kamay ko.

"Aja, Caleila!" Sabay nilang wika na nagpangiti sa akin.

Matapos kong magconfess sa mga kaibigan ko, napailing na lamang ako nang sinimulan nilang tanungin ng mga nakakabaliw na tanong si Zeus.

"Ilang araw mo niligawan si Caleila? Paano? Saan? Kailan?" Tuloy-tuloy na tanong ni Timmy.

"Nagdate na ba kayo? Kailan ka magp-propose sa kanya? Juice ko! Nagyakapan na ba kayo? Baka naman niloloko mo lang siya?" Sabat naman ni Mimah.

"Ang gwapo mo at mukha kang playboy. Seryoso ka ba talaga sa kaibigan namin? Anyway, may kapatid ka pa ba? Baka naman pwede mo akong ipakilala? Hihi. Joke lang!" Hirit naman ni Shana.

"Uy. H'wag mong lokohin si Caleila, ah! You know, ikaw ang first boyfriend niya. Umm. Hihi. Pakilala mo naman ako kina Night at Zero." Naparolled eyes naman ako sa bulalas ni Pearl.

Hindi na alam ni Zeus kung kaninong tanong ang unang sasagutin. Nagpabalik balik ang tingin niya sa apat.

"Girls!" Sigaw ko. Natigilan naman ang apat sa pambubuwisit kay Zeus. "Mukha lang Greek God 'yang si Zeus pero wala siyang kakayahang sagutin ng sabay-sabay ang mga tanong niyo." Hinila ko palapit sa akin si Zeus.

"Tss! Damot mo, Caleila!" Nakangusong saad ni Pearl.

"Ayiii! Possessive much si Caleila!" Namula ako sa hirit ni Shana.

"Tigilan mo ako, Shana. Hindi ah!" Tss! Hihiwalayan na agad ako ni Zeus kapag naging possessive ako. I must guard my actions and reactions!

Tumawa si Zeus bago ako akbayan.

"It's fine, sweetheart." Anya habang nakatitig sa akin. Letsugas!











"Sabihin mo nga samen, Caleila. Kilala ka namin. Bakit si Zeus? For godsake, siya ang leader ng Devils. At kilala siyang papalit-palit ng girlfriend." Seryoso ang mukha ni Mimah.

Dahil block section kaming lima. Pareho lahat ng schedules namin at sabay-sabay rin kaming umuuwi.

"Ano ka ba, Mimah? H'wag mo ngang i-stress si Caleila." Inakbayan ako ni Timmy.

"Tama si Mimah, Caleila. Di kaya nabibigla ka lang. We know you. Hindi ka pumapasok sa isang bagay na walang katiyakan. " Maging si Shana ay sumeryoso rin.

I sighed at tinignan din sila ng seryoso.

"Girls, kailangan ko 'to. Kailangan ko siya. Ito ang kailangan ko para matupad ang pangarap kong maging ganap na romance writer. And h-he likes me. He told me he likes me. Hindi ba parang sa isang fairytale ako na? Ako na isang ordinaryong mamamayan lamang ay nagustuhan ng isang prinsipe." Nanlaki ang mga mata nila.

"Caleila, this is reality! Wala ka sa fairytale."  Galit na saad ni Mimah.

"But sometimes fairytales do come true to choosen individuals at isa roon si Caleila, Mimah." Sabat ni Pearl bago lumingon sa akin. "And do you like him, too Caleila?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko  mahanap ang tamang sagot.

"God, Caleila! You are using him! Hindi kaya nagiging unfair ka sa kanya? Alam niya ba 'to?"

Tumango ako.

"Godness! Si Zeus na sikat na leader ng Devils pa ang ginamit mo. Kyaaah! You're one hell lucky girl, Caleila!" Nangingisay na niyugyog ako Timmy.

"That's not the point, Timmy. Ang concern ko ay paano kapag nainlove siya ng tuluyan kay Zeus. Paano kung niloloko lang siya ni Zeus na gusto siya nito? For Godsake, first boyfriend siya ni Caleila. Paano pag----" Hindi na natapos sa pagsesermon ni Mimah nang magring ang cellphone ko.

Mickey calling....

Tumingin ako sa mga kaibigan ko.

"Si Zeus ba 'yan?" Si Pearl ang nagtanong. Tumango lang ako.

"O bat di mo pa sinasagot? Gorabels na!" Tumalon talon pa si Timmy na halatang excited.

Mickey calling...

Nag end yung call kanina pero nagcall ulit siya. Kwidaw lang! Hindi ako nagsave ng number niya kundi siya mismo. Mickey and Minnie daw tawagan naman. Errr!

Umubo muna ako para iready ang vocal ko bago sinagot ang tawag.

"H-hello?" Okay! Medyo awkward! It's his first call anyway.

"Ba't di ka sumasagot?" Bungad niya agad.

"Sinagot ko na nga diba. Saka katatapos lang ng klase ko." Tumingin ako sa mga kaibigan ko.

"Di ba hanggang 3PM lang ang klase mo? 3:30 na ah?" Hindi ako assumera pero nag aassume na talaga akong possessive siya.

"H'wag ka ngang OA! Magkasama kami ng mga kaibigan ko kaya nagkwentuhan muna kami. Tss! Bakit ka ba tumawag?!" Siniko ako ni Pearl.

Narinig ko ang pag ubo niya sa kabilang linya.

"Hintayin mo na ako. Matatapos na ang huling klase ko. Ihahatid kita." UGH! Kainis lang! Bakit pati boses niya sa cellphone, ang sarap pakinggan.

"H'wag na. Magbibike na lang ako pauwi saka baka may makakita sa  atin"

"Ganon ba..." Nanlamig ang boses niya. "Okay then. Take care of yourself." Bingi na ba ako kasi nahihimigan ko ang lungkot sa boses nito.

Nagpaalam na ako bago pinatay ang tawag niya.

"Kyaah! Haba ng hair mo, girl!" Tili ni Timmy.










Lumipas ang mga araw. For me, everything is perfect having  Zeus Asher Yuchengco as my boyfriend. Sobrang sweet at maalalahanin niya. Lahat ata ng concern questions natanong niya na sa akin. Pero ganoon pa man, ni-reremind ko palagi ang sarili na h'wag maging clingy, selosa, nagger at possessive. Hindi ako nagtetext sa kanya kapag di naman siya nauunang magtext. Hindi rin ako nagpapaapekto sa mga rumors na nalilink siya sa mga babae sa showbiz lalo na sa mga fans niya na dikit nang dikit sa kanya. Basta iniiwasan kong matanong at clingy sa kanya since ayaw niya ng mga ganoon.

Sekreto pa rin ang relasyon namin. Dobleng pag iingat na nga ang ginagawa namin. Kahit na madalang kami magkasama dahil sa mahigpit niyang schedules at para iwas atensyon ng tao, hindi pa rin lumalagpas ang araw na hindi niya ako tinatawagan o natetext.

"Sabay tayong maglunch mamaya." Aniya habang naghihintay kami ng Euthenics professor namin.

Tinignan ko muna ang paligid bago sumagot. May mga nakatingin kasing mga classmates namin sa kanya.

"Di pwede. Hinaan mo nga boses mo baka may makarinig sayo." Nagkunwari akong may sinusulat habang nagsasalita. Di kami puwedeng maglunch mamaya dahil nasa mood akong magsulat. Hays! Inspired ata ako araw-araw magsulat dahil kay Zeus.

"Tss! Parati na lang di puwede. Dalawang linggo tayong hindi nagkita tapos hindi mo ako pagbibigyan."

Sinungaling ako kung sasabihin kong di ko siya namiss. Buti nga tumatawag siya araw-araw para kumustahin ako.

Napatingin ako sa direksyon ni Zeus. Deretso siyang nakatingin sa harapan at halatang nagtatampo.

"Seryoso ka ba dyan sa inaasal mo, Yuchengco?!" Hindi siya sumagot. Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy sa pagsusulat kuno. "Okay. Maglulunch tayo mamaya. Hindi ako nakapagdala ng baon kaya bibili muna ako ng food at sa rooftop na lang tayo magkita." Tinutukoy ko ang lugar kung saan kami parating naglulunch.

"Ayoko!" Napatingin siya sa akin. Gusto kong matawa sa itsura niya, para siyang batang nagtatantrums. "Sa labas tayo maglulunch." Dagdag niya. Nanlaki ang mata ko. Tumingin muna ulit ako sa mga ususero kong mga classmates bago sumagot.

"Zeus, alam mo namang di pwede diba?" Umayos ako ng upo nang makitang papasok na ang mga kaibigan ko.

"Maghihintay ako mamaya sa parking lot." Aniya sa nagtatampong boses pa rin.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
70.2K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023