Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 43 - Nefario's Blackmarket

3.5K 151 24
By wistfulpromise

Chapter 43

Nefario's Blackmarket

=

Serene

Katulad ng kundisyon ni Jace, kasama namin nina Kuya Niel at Cello si Aiden na tulad ng dati ay mukhang hindi masaya sa arrangement namin.

"Kailan ba ako gagraduate sa pagiging babysitter?" kanina pa niya reklamo sa loob ng van na sinasakyan namin. Si Kuya Niel ang nagmamaneho samantalang si Cello ang katabi niya sa harap. Sa kasawiang palad ako ang naiwan sa tabi ni Aiden dito sa likod.

"Huwag kang mag-alala. Wala kang ibang aalagaan dito kundi sarili mo." paniniguro ko sa kanya.

"Sana nga." pasimple niyang bulong sa sarili. Hindi nakaiwas sa akin ang binigay ni Cello na timgin sa kanya mula sa rearview mirror.

"Madaming problema sa Ashez, Aiden?" tanong ni Kuya Niel sa harap.

"Kailan ba nawalan ng problema ang Ashez? Malaki na nga ang problema natin sa Mafia tapos pati pa sa Ashez, hindi ko alam kung paano nababalanse ni Jace ang lahat."

"Parang hindi ka pa sanay. Kilala mo 'yun, lahat kakayanin niya maligtas lang ang mga bagay na importante sa kanya."

"Kung sino man sa Castillo Group o Vila Corp. ang mapili nila ni Nathan, sana matulungan ang Ashez."

"Bakit?" taka kong tanong.

"Remember that anonymous withdrawal from the past? Hindi namin maintindihan kung bakit patuloy pa ring nangyayari iyon. Minsan malaki o maliit ang inilalabas na pera. Kung dati diretso sa location ng Nefario Warehouse ngayon kung saan-saan na. Hindi namin ma-trace kung saan ito napupunta." Naging madilim ang itsura niya. "Everyone was becoming frustrated. Especially Jace."

Napahawak ako sa sentido dahil sa problema. "You should go back then. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Jace kung bakit hindi ka makakasama sa amin ngayon. Mas kailangan ka nila roon ni Nathan."

"Nababaliw ka na ba? Kung bumalik ako roon ng wala ka, papatayin ako ni Jace."

"Natatakot ka sa kanya?" tanong ni Cello.

"Hindi mo pa siya nakikitang magalit."

Sumagot pabalik si Cello puno ng pang-aasar, isang bagay kung saan siya magaling. Knowing Aiden, hindi siya magpapatalo kayo nagkaroon ng hindi kaaya-ayang sagutan sa loob.

"Tama na!" sita ni Kuya Niel na puno ng pagtitimpi. "Malapit na tayo sa pupuntahan natin kaya kailangan nyong umayos. We need team work here. Kahit ngayon lang. Please lang makisama kayong dalawa."

Tahimik na sila sa buong byahe pagkatapos no'n.

Nakadungaw ako sa bintana at napakasakit na makita na marami sa imprastraktura ang nawasak mula sa pagpapasabog at panggugulo na ginawa ng NL7 kagabi. Pagdating namin malapit sa lokasyon ay hininto na ni Kuya Niel ang kotse.

"Hanggang dito na lang tayo. Sarado na ang daan mula rito hanggang sa lokasyon ng pagdadausang party ng NL7. Kailangan nating maglakad. Ihanda nyo na ang mga armas niyo at isuot ang mga sumbrero niyo, maliwanag?"

Habang pinagmamasdan ko ang seryosong mukha ni Kuya Niel hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Mula sa aking alaala, parang kailan lang na nahihiya pa siyang tumayo sa harap para kausapin ang mga gangmates namin. Ngayon, isa na siyang ganap na pinuno. Matapang, responable, at handang makipaglaban ano mang oras.

Tinago ko sa aking hita ang binigay na baril na binigay ni Jace at nanguha pa ng isang extra kasama na ng ilan sa mga magazine. Sinabi ko na kanina sa kanila ang plano na nasa isip ko. Lahat naman ay pumayag kaya handa na kaming magpunta roon upang iligtas ang mga kasama namin.

Sa paligid ay nagkalat din ang ilan sa mga gangmates namin na nagboluntaryo na sumama bilang lookout. Ang Seven Hunters na ngayon ay anim na lang ang naiwan sa Ellipses upang bantayan ang buong headquarters.

"Anong oras na?" tanong sa akin ni Cello.

"Pasado alas singko." sagot ko pagkatingin ko sa digital watch na binigay ni Jace. Hindi namin akalain na isang oras kaming madedelay dahil na rin sa traffic kanina.

Inabot ko kay Cello ang isang baril dahil siya lang ang walang armas sa amin. "Kunin mo na ito."

"Hindi ko kailangan niyan."

"For emergency purposes."

He stubbornly shook his head. "Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng baril."

"Kahit isa lang. Sige na."

Binigyan niya ako ng tingin dahil sa kakulitan ko. Pero kinuha pa rin niya.

Nagsimula na ang parada. Napakaraming tao, isang bagay na ipinagpasalamat namin dahil madali kaming nakakapagtago.

Ako ang nauna sa paglalakad dahil ako ang may alam sa lugar ng blackmarket ng NL7. Nahirapan ako ng konti na tandaan ang daan na tinahak namin noon dahil sa ingay at mataong paligid. Pinilit kong kalkalin ang aking isipan hanggang sa may natandaan akong isang pamilyar na lugar. Nagtungo ako roon. Sumunod sila.

Tulad ng inaasahan ko, maraming lalaki ang nagbabantay roon. Akala mo mga sibilyan lang pero alam ko na sa likod ng butas at madumi nilang kasuotan, nagtatago ang mga baril nila sa bewang.

Nagtago kami sa katabing pader.

"Heto na ba yun Serene?" tanong ni Cello.

"Positive. Sigurado ako na dito kami pumasok ni Joel noon."

Tumingin si Aiden kay Niel. "Tumawag o nagtext na ba si Julian?"

"Oo. Kumpirmado. Nakita raw niya na pinasok sina Kuya Paul at Aziel sa loob ng blackmarket. Marami raw pasikot-sikot sa loob kaya kailangan nating mag-ingat."

"Paano tayo makakapasok sa loob?"

May dumaan na isang truck sa harapan namin, puno ito ng mga taong nakasuot ng costume. May bumaba na isang lalaki mula sa harap. Sa kamay ay may hawak itong papel. Lumapit ito sa isang lalaki at pasimpelng bumulong. Seryoso silang nag-usap.

"Cello naaalala mo pa ang sinabi ko sayo kanina na siguradong ikatutuwa mo?" bulong ko sa kanya.

"Oo. Ano ba yun?"

Sa tabi namin ay may isang grupo ng mga kabataan ang kumakain ng mga meryenda nila. Nakasuot sila ng baro't saya para sa presentasyon nila na alam kong katatapos lang dahil nakita ko sila kanina. Sa likod ng lalaki ay may dalawang mahabang kahoy ng kawayan.

Sinenyasan ko si Cello upang tumingin doon. Dahan-dahang sumilay ang ngiti niya noong mapagtanto ang sinasabi ko. Sinabi namin kanila Kuya Niel at Aiden ang plano.

**

"Teka lang po, teka lang sandali!" pahabol kong sigaw roon sa truck na papasok na sana sa isang pasilyo patungo sa isang tagong pasukan ng blackmarket na iyon.

Tulad ng inasahan ko, may humarang sa amin.

"Sino kayo?" Tiningnan kami ng isang lalaki mula ulo hanggang paa. Ang baro't saya namin ay nangingintab sa mainit na sinag ng araw.

"Kasama po kami roon sa truck na 'yun. Pasensya na po nahuli kami." Ngumiti ako ng napakalaki kahit na ba alam kong hindi naman iyon makikita sa likod ng malaking pamaypay na ginamit kong pantakip sa aking mga labi.

Tinawag ng lalaki ang kausap nitong bumaba sa truck kanina.

"Kasama nyo raw itong mga ito?"

Katulad ng lalaki kanina ay tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. "Anong presentasyon nyo?"

Ipinakita ni Kuya Niel ang mga hawak na kawayan. "Tinikling po."

"Wala yan sa listahan ko."

"Naku, tingnan nyo po ulit baka nagkakamali lang kayo."

Pakamot na tiningnan ng lalaki ang hawak na listahan. "Pusanggala naman o, wag nyong sabihin na kayo yung dinagdan ni Lani para roon sa last minute na pagpapalit ng isa pang dance prod?"

"Oo kami nga po iyon!" sagot ko kahit hindi ko naman sigurado kung sino ang tinutukoy niya.

"Sino ang tinalagang lider sa inyo?"

"Ako po."

Binigyan niya ako ng mapanuring tingin. "Kung ikaw nga ang binigay na replacement para sa isang dance prod, alam kong ibibigay ni Lani sayo ang password ng gusaling ito."

Bigla akong nanlamig lalo na noong makita na naghihinaty sila ng sagot. Ramdam ko rin ang paninigas ng mga kasama ko sa kinatatayuan nila.

"Password po?" pinilit kong itago ang pangangatal ng boses ko. Mabuti na lang napanindigan ko.

"Oo. Password sa pagpasok sa loob ng gusaling ito."

Iisa lang ang password sa blackmarekt at Nefario Warehouse Celestine. Naalala kong sabi sa akin ni Joel noon nung tinuturuan niya pa ako sa pasikot-sikot ng blackmarket. Ang problema, hindi ko na maalala kung ano iyon sa tagal na rin.

"Hindi mo alam ano? Nagsisinungaling kayo." lumabas ang naninilaw na ngiti ni kuya na tila ba hinuhuli kami sa ngiting iyon.

Sa tabi ko ay napansin ko na napahawak na sina Kuya Niel at Aiden sa mga bewang nila kung saan nagtatago ang mga baril.

"H-hindi po kuya ah! Siyempre alam ko." kabado akong natawa, pilit na kinakalkal sa isip ko ang walang hiyang password na iyon.

"Yung pabaliktad na mga numero iyon, hindi ba?" bulong sa akin ni Cello sa likod.

Bigla akong napapitik.

"Sampu, siyam, walo, pito, anim, lima, apat, dalawa, isa," huminto ako saglit. Naalala ko na tama na wala ang tatlo roon. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... sampu, siyam, walo, at pito..."

"Mali."

Napahigit ako ng hininga roon at napakapit sa baril sa tapat ng hita ko. Handa na ring makipaglaban kapag nagkataon.

Lahat kami ay tensyonadong nag-aabang ng sagot nila hanggamg sa...

"Joke lang." Parehas silang nagtawanan. "O hala sige na, pasok na kayo roon. Magsisimula na ang presentasyon nyo mamaya. Huwag nyo kaming ipapahiya ha. Malaki ang binayad nila sa atin."

Nagmadali na kaming pumasok sa loob ng truck ng walang pasabi.

Noong makababa kami ay ang dami pa naming inikutan at ang dami ring mga batas na kailangang sundin.

Gusto pa rin nilang itago ang kahayupan na nangyayari rito.

Sa loob ng blackmarket na ito ay mas maluwang na ito ng konti kaysa sa huling naaalala ko. Bukod pa roon ay mas umayos ito at luminis. Wala na ang mga nagbebenta sa paligid ng malaking silid na ito. Siguradong tinago nila para sa pagtitipon na ito.

Masyado silang mahigpit sa pagdala ng mga gadgets para sa amin na tagalabas. Kinumpiska ng ilan sa mga tao roon ay mga cellphone ng mga kasama namin. Kaya noong kukunin na ang sa amin ay mabilis na namin itong itinago. Pwera kay Kuya Niel para hindi sila magtaka.

"Cellphone?"

"Wala po." sagot ko. Binigyan ako ng tingin ng lalaki, halatang hindi naniniwala. Kinapkapan nila kami ngunit wala silang nakita.

Hindi ko mapigilang mapaisip lalo na noong tumingin ako sa relo na binigay ni Jace. Alam nya ba na ganito ang patakaran rito kaya ito ang pinadala niya sa akin? O nagkataon lang?

Dumating kami sa likod ng stage na ginawa nila roon. Noong nagkaroon kami ng mga kasama ko na makasilip kung gaano karami ang taong dumalo, binigyan na namin ng estimasyon ang lahat ng importanteng tao na naroon.

Hindi bababa sa limampu.

Masaya ang mga ito na sumisimsim ng alak sa kanilang mga mesa. Nagtatawanan at nagkukwentuhan na parang isang normal na mamamayan dito sa Pilipinas. Ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay ang katotohanan na lahat ng taong narito ay halang ang mga bituka.

Lahat ng magpeperform sa araw na ito ay inilagay lamang sa iisang kwarto. Sabi nila maghintay lang daw kami rito. Gayunman, lahat ng nangyayari sa entablado ay naririnig namin.

"Magandang hapon sa lahat ng taong narito. Para sa pista ng lugar natin at para sa tagumpay ng Nefario, mabuhay tayong lahat. Cheers!"

Nagtinginan kami ng mga kasama ko sa isa't isa. Tama nga ang hinala namin na dahil lang sa pagpapasabog ng Black Savage headquarters ay nagdidiwang na sila. Halos lahat sa mga kasama namin sa loob ay wala man lang kaalam-alam sa nangyayari. Abala silang nag-aayos ng mga palamuti at costume. Panay pa ang biruan at tawanan. Kung alam lang nila kung ano ang tunay na nangyayari sa lugar na ito, makakangiti pa kaya sila ng ganun?

Isa-isang nagsimula ang presentasyon. Sa bawat matatapos ay inaabot na agad sa kanila ang bayad sabay alis. Sa laki ng inaabot sa kanila, sino pa ba ang maglalakas loob pa na kwestyunin ang lugar na ito? Mukha namang disenteng ang mga taong mukhang taga alta-sosyalidad na nasa baba. Sino pa ba ang magrereklamo sa ganitong kaprestihiyosong pagtitipon?

Pero hindi kami magpapalinlang.

"Hoy, kayo na magpi-present ng tinikling. Kayo na ang susunod."

Wala nang tao sa paligid ng silid namin. Kami na lang ang natitira. Ang entablado ang nag-iisang daanan para makapasok kami sa pinakaloob ng black market na ito. Gagawin namin ang lahat para mabawi sina Kuya Paul at Aziel. Kahit pa tapusin ang lahat ng tao naghahadlang mula sa kalayaan nila.

"We have a final presentation before our main event, ladies and gentlemen, let's give a round of applause to the performers of Tinikling!"

Nagsipalakpakan ang mga tao sa baba, sabik sa gagawin namin. Umalis na ang kanina'y nagsasalita sa entablado at iniwan na lamang kami roon. Mula sa saradong malaking kurtina ay may napansin kami sa gilid-- mga armadong lalaki, dala-dala nila ang mga bugbog saradong imahe nina Kuya Paul at Aziel.

Napakuyom ako sa hawak na pamaypay.

"Dumating na pala ang i-au-auction para sa araw na ito. Malaki raw ang malilikom nating pera mula sa kanila." May narinig kaming nagbubulungan sa tabi ng stage.

"Paanong hindi? Parte raw sila ng Ellipses base sa tattoo nila."

"Pag-aagawan sila na parang mga karne sigurado."

Mas lalo akong nanggigil sa galit noong marinig ko ang tawanan nila.

Bumukas ang kurtina sa harap namin. Muli ay nagsenyasan kami ng tingin. Alam na nila ang gagawin nila.

Nagsimulang tumugtog ang musika, si Kuya Niel at Aiden ang may hawak ng kahoy samantalang kami ni Cello ang sasayaw.

"Alam kong gigil ka nang iligtas sila pero wag kang masyadong tense. Relax lang." bulong niya sa akin.

"Kailangan nating gawin ang lahat para mabawi sila Cello."

"Sisiguraduhin kong mangyayari iyon. Pangako yan."

Hinawakan ni Cello ang kamay ko noong tatalon na kami. Ito ang madalas na sinasayaw namin sa isla kaya wala itong problema sa amin. Sina Kuya Niel at Aiden naman ay walang problema sa ritmo ng pagbaba at pagtaas ng kawayan.

Sa bawat pagtalon at sa bawat pag-indak, para kaming mga impostor sa katawan namin. Napakalaki ng ngiti sa aming mga labi ngunit sa likod nito ay ang pagkasabik namin sa pagdanak ng dugo.

Noong matapos ang awitin na naghuhudyat upang tapusin na namin ang presentasyon ay nagsalita ako sa harap.

"Kung inyo po sanang mamarapatin, may isa pa kaming hinandang presentasyon para sa inyong lahat."

Pasimpleng hinanap ng aking mga mata kung saan dinala ng mga lalaki ang mga kasama namin.

Napangisi ako sa sarili. Found it.

Luminya kaming apat ng pagtayo sa harap. Sabay-sabay kaming yumuko. Pagkatayo namin ay ang baril sa aming mga kamay. Nanlaki ang mga mata ng lahat ng nasa baba.

Pinaulanan namin silang lahat ng mga bala katulad ng ginawa nila sa gang namin sa mga nakalipas na araw.

Sisiguraduhin ko na pagsisisihan ng NL7 ang ginawa nila sa amin. 

 Wistfulpromise © All Rights reserved 2018. 

///

On-going stories Update Schedules are every:
1.) Listen To My Lullaby - Monday
2.) The Seventh Rose (revised version) - Wednesday
3.) Love and Rhythm (revised version)- Friday
4.) Isandaang Halik (New story!)- Saturday  

**LTMS and LTMH Book pre-order are still open. For more info, please visit my Wattpad profile, Facebook, and Twitter. Or you could message me for more info. 

Have a nice day!

- wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1.2M 36.3K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
1.6M 62.9K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...