Territorial Men 1: Colton Alt...

missgrainne tarafından

15.3M 432K 120K

Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli... Daha Fazla

Synopsis
Prologue
1 ~ The Boss
2 ~Warning
3 ~Admiration
4 ~ Deal
5 ~ Ego
6 ~ Kiss
7 ~ Rival
9 ~ Bikini
10 ~ Underwater (SPG)
11 ~ I Want You
12 ~ Mistake (SPG)
13 ~ Turn On
14 ~ Secret Affair
15 ~ Promise?
16 ~ Elope
17 ~ Live In
18 ~ First Day
19 ~ Ring (SPG)
20 ~ Villain
21 ~ Visitor's News
22 ~ Jealousy (SPG)
23 ~ Waiting
24 ~ Love
25 ~ Threat
26 ~ Pleasure (SPG)
27 ~ Hopes
28 ~ Darkness
29 ~ Baby...
30 ~ Hero
31 ~ Sorry
32 ~ Mrs. Altaraza (SPG)
Epilogue

8 ~ Yes...

396K 13.3K 5K
missgrainne tarafından

Chapter Eight

"SUMABAY ka na sa amin mag-almusal." Colton said as he stare intently at her.

She was checking his medicines kung aabot pa 'yon ng isang linggo. Kung hindi, ay balak niyang isabay mamaya papunta sa bayan dahil magpapadala siya ng pera sa mga kapatid niya.

Halos ilang araw na ang nakakalipas nang huling magkasagutan sila ng kasintahan nito at sa araw-araw na nagkikita sila ni Gail ay talagang hindi maiwasan na mag-ingusan silang dalawa.

"Ayos lang ako, Colton. Sasabay na lang akong mag-almusal kina ate Esmeralda mamaya."

Kinuha niya ang reseta ng gamot at inilagay 'yon sa bulsa ng suot niyang white nurse uniform. Sa totoo lang ay pwede naman na hindi na 'yon ang suotin niya pero mas komportable siyang gumalaw kapag suot niya ang uniform niya. White top, white pants and white shoes.

Tumayo si Colton mula sa pagkakaupo sa sofa. Tipid siyang napangiti, kahit wala ang tulong niya ay nakakatayo na ito ngunit pinananatili nila na dapat ay alalay pa din ang paglalakad nito.

"Magpupunta ka ba sa bayan mamaya?"

"Oo eh. Magpapadala ako ng pera sa mga kapatid ko. Isasabay ko na din bilhin ang mga gamot mo."

"Ipapahatid kita." Tumango lang siya at hindi na nagprotesta pa. "Kumain ka muna bago umalis."

Tinignan niya si Colton. Halos isang dipa lang ang agwat nila, he's really tall. Idagdag pa ang matikas at matigas na hulma ng katawan nito. Sa taas niyang 5'7 ay nanliliit pa din siya kapag kaharap na ang binata.

"Mauna ka na sa baba. Aayusin ko pa itong mga gamot mo." Aniya sabay iwas ng tingin dito at ibinaling sa mga tableta at capsule na nasa side table.

"Iniiwasan mo ba ako, K?" Akusa nito, 'yon ang dating sa kanya ng tono nito.

Sinadya niyang ikunot ang noo upang ipakita dito na walang katotohanan ang sinabi nito ngunit ang totoo ay oo...iniiwasan niya si Colton.

Kung bakit?

Ay dahil natatakot siya na kapag mas napalagay pa ang loob niya sa binata ay tuluyan na nitong bulabugin ang puso niya. Natatakot siya na baka makalimutan niya na amo niya ito at nalalapit na ang kasal nito. Her heart ache automatically as the thought of him getting married soon.

"Kung iniiwasan kita, sana ay wala ako ngayon dito sa harap mo." She almost whispered.

Naalarma siya ng mula sa gilid ng mata niya ay humakbang pa papalapit sa kanya si Colton. She could almost smell his scent.

"Then look at me."

Itinigil niya ang pag-aayos sa medicine kit at hinarap ito. Gusto niyang panghinaan ng mga tuhod nang makita kung gaano katindi ang intensidad ng titig sa kanya ni Colton. His stare makes her heart weak and hopeless.

Kung sana ay hindi niya alam na may kasintahan ito ay baka umasa pa siya, pero ang namuong pag-asa noon ay kaagad niyang sinupil nang malaman na nasa isang relasyon ito na umabot na nang ilang taon.

Tinapatan niya ang titig sa kanya ni Colton kahit pa sumasakit na ang puso niya sa labis na pagtibok niyon.

"What?" K lifted her eyebrow at him, pretending that she's not affected by his presence.

She heard Colton sighed. "Why do you have to be so cold?" He almost groan in frustration. Ang gwapo nitong mukha ay tila nahihirapan.

"Hindi naman..." Mahina niyang sabi.

"Tell me..." Halos manginig ang buong katawan niya sa labis na sensasyon nang hawakan ni Colton ang isa niyang kamay. "...may ginawa na naman bang hindi maganda sa iyo si Gail?" Masuyo nitong tanong.

Umiling siya. Hindi na nasundan pa ang pananakit sa kanya ng babae at hindi niya hahayaan na masundan pa iyon.

Ang malapad at mainit na kamay ng binata ay bahagyang umangat sa braso niya na mas lalo lamang dumadagdag sa init na gumuguhit sa bawat ugat niya sa katawan.

"H-hindi ko hahayaan na saktan ulit ako ng fiance mo." Hindi niya naitago ang pait sa boses niya.

Nang mag-angat siya ng tingin sa binata ay napansin niya na amuse siya nitong tinitignan ngunit nando'n pa din ang bigat.

"Sabihin mo sa akin kapag tinangka ka niyang saktan. Okey?"

Gamit ang hinlalaki nito ay binaybay ang may kahabaang kalmot ni Gail sa braso niya. Halos matuyo na iyon dahil ilang araw na ang nakalipas pero halata pa din lalo at apat na mahahabang kalmot iyon.

"Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Baka nga unahan niya pa akong magsumbong sa iyo." Tinarayan niya ito pero mahina lang itong natawa sa inasta niya.

"That's my girl! Palaban!"

Napanguso siya. Bakit ba nagawa pa siya nitong angkinin samantalang malinaw naman na...walang batayan 'yon.

"I am not your girl," She whispered.

Walang sabi-sabi na marahan siyang hinila ni Colton palabas ng silid, sa siko niya ito nakahawak. Hanggang sa makalabas sila ng elevator ay hindi siya nito binibitiwan.

Naaalarma na siya dahil iilang kasambahay na ang nakakita sa kanila at sa kamay nito na marahan na nakahawak sa braso niya, tila hindi hahayaan na makalayo siya dito.

"Colton, bitiwan mo ako." Mahina ang boses niya, tanaw niya na ang kusina.

Hindi sinunod ng binata ang pakiusap niya hanggang sa makarating sila sa hapag-kainan.

Ang magulang nito ay naroon na pati si Carter. Si Gail naman ay matalim ang tingin sa kanya, napayuko siya sa hiya sa mga sandaling iyon.

Ang lalaking ito, gusto yata na mapahamak pa siya!

"Colton, maupo na kayo." Sabi ni Mr. Altaraza.

Dinala siya ni Colton sa kabilang panig kung saan may dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Carter. Ipinaghila siya nito ng upuan dahilan kung bakit ang mga pares ng mata na naroon ay bumaling sa kanya dahil sa ginawa nito.

Nakakahiya man ay hindi na siya makagalaw pa at alam niyang kabastusan kung aalis siya.

Colton seated beside Gail, where he belong. The sight of him getting close to that woman makes her heart pound in so much jealousy.

Ngayon na nasa hapag kainan siya kasama ang mga Altaraza...ngayon niya labis natanto na sobrang layo ng agwat nila ni Colton...

Na hindi na dapat siyang umasa pa...

Na hindi siya nababagay sa lalaki...

At higit sa lahat ay natanto niya na napakalayo ng agwat ng pamumuhay nilang dalawa kaya hindi talaga pwede ang munting damdamin na namumuo sa puso niya.

Malungkot at masakit isipin pero iyon ang katotohanan na dapat niyang tanggapin. Hindi sila bagay ni Colton. Hindi siya ang babaeng para dito.

Sana isiniksik niya na iyon sa utak niya unang lapag pa lang ng mga paa niya sa Villa Altaraza. Ngunit sadyang makulit ang puso niya, pigilan niya man ay umaalpas pa din ang damdamin para sa lalaki.

"Karen," Tawag pansin sa kanya ni Mr. Altaraza.

"P-po?"

"Ano sa palagay mo ang dahilan ng mabilisang paglalakad ulit ni Colton?"

Nabaling ang atensyon niya sa binata na sa kanya nakatingin. Tumikhim siya ng tila may bumara sa lalamunan niya bago sumagot.

"Given na po na malakas ang katawan ni boss Colton—"

"Cut the boss, K." It was Colton who was frowning at her.

Hindi niya ito pinansin lalo pa at nakikita niya sa gilid ng mata niya ang tingin ng ina nito sa kanya.

"—bukod po na nakakatulong ang mga gamot niya ay alam ko po na determinado talaga siyang makapaglakad ulit. Kaya po ganito kabilis ang resulta ng muli niyang paglalakad."

"And I know it's all because of me, right babe?"

Si Gail iyon na malambing pang humilig sa balikat ng binata na ikinangitngit ng damdamin niya. But Colton didn't say a thing.

"Isa pa po sigurong dahilan ay dahil may mga bagay na gusto niyang gawin. To be inspired to do something you really wanted is only one of the reasons kung bakit po mabilis na nakakarecover ang mga pasyente kahit gaano pa kalala ang sinapit nila."

Tumango-tango si Mr. Altaraza, contented with her answer.

"How about you helping my son? Bakit hindi mo isinama?"

Do'n na sa tanong na iyon bumaling ang tingin niya kay Mrs. Altaraza. Pilit niya itong nginitian kahit pa mas na-i-intimidate siya dito kesa sa asawa nito.

She's wearing a beige formal dress. Sets of diamonds were place on her ears, neck and ring finger. Hindi man sobrang magarbo at naglalakihan sa paningin pero nangingibabaw pa din ang matayog na imahe nito. Her aura scream of demand and respect.

Kahit sa hapag kaininan na iyon ay alam niyang hindi siya nababagay pero pinipilit niya na lang ang sarili.

"Hindi ko po kasi nakikita ang sarili ko bilang isa sa inspirasyon ni Boss Colton para makapaglakad siya ulit." Magalang na wika niya. "Ang mga pag-alalay ko sa kanya sa tuwing kailangan niya ng makakapitan...Ang mga ilang beses na pamimilit ko sa kanya na kumain at uminom ng gamot...at ang mahahabang pasensya na naibibigay ko dahil may pagka-matigas ang ulo niya... Lahat po 'yon ay parte ng trabaho ko."

Binalingan niya si Colton na madilim ang mukha at mahigpit ang kapit sa mga kubyertos, kung bakit ay hindi niya din alam.

"At the end of the day, it's still Colton's determination and his inspirations are the reason for his fast recovery." Karen silently took a deep sigh. "At higit po sa lahat ay nakakatulong po talaga ang suporta ng pamilya lalo na 'yung mga nagmamahal sa kanya." She smile at them, hiding the bitterness inside her.

Isang karangalan na makasama niya sa hapag kainan ang mga taong kilala sa isa sa nakakaangat sa lipunan, pero sana ay huwag ng maulit iyon dahil sa labis na kaba na hatid niyon sa kanya. Hindi siya nababagay sa lugar na iyon.

"That's why we are here," It was Gail again. Itong babaeng ito ang nababagay do'n. Kailangan ay tanggapin niya iyon. "I am here to be his strength. I am here to support him lalo na ngayon na nakakapaglakad na siya." Proud na sabi ng babae, tinaasan siya ng noo ngunit hindi niya pinansin at tinapos na ang pagkain.

Hanggat maaari ay ayaw niyang nakakausap si Gail dahil tiyak na sa pagtatalo lang mauuwi ang lahat at baka magkasakitan pa sila. O mas mainam na sabihin niya na baka ito ang mas higit na masaktan dahil ipinangako niya sa sarili na hindi magpapa-api sa babae o kahit na sino pa.

PASAKAY na sana sa itim na SUV si Karen nang makita niya si Colton na animo humahangos na makalapit sa kanya.

"Wait,"

Mataman niyang pinagmasdan ang binata na palapit na ng palapit sa kanya. Alalay lang ang bawat hakbang nito pero halatang hinahabol siya kanina.

"Bakit?" Takang tanong niya nang tuluyan na itong makalapit.

Malalim siyang napabuntong hininga nang makita ang butil-butil na pawis nito sa noo. Kinuha niya ang panyo sa bag niya at walang agam-agam na pinunasan ang pawis ng binata, na bahagyang nagpatayo dito ng tuwid. Hindi na naman bago sa kanya na punasan ito ng pawis, pero bakit tila ito pa ang naninibago sa ikinikilos niya?

"Gusto kong sumama sa iyo sa bayan." Anito ng mahamig na ang sarili.

Ibinalik niya ang panyo sa bag bago muling nag-angat ng tingin dito.

"May gusto ka bang ipabili? Ako na ang bibili para sa iyo, Colton."

Umiling ito na parang bata bago lumagpas ang tingin sa kanya, sa pintuan ng SUV na nakabukas, ang driver ay naghihintay lang na pumasok silang dalawa.

"I'm bored here. I want to see new things outside the villa."

At bakit ba kinukwestyon niya pa ito? Samantalang nandito lahat ng karapatan na gawin ang gusto nito kahit walang pahintulot niya.

"S-sige. Tara na."

Pinauna na siya ni Colton makasakay tapos ay tumabi sa kanya. Nang maisara na ang pinto ay saka lang umandar ang sasakyan.

Dumaan ang ilang minutong katahimikan sa kanilang dalawa. Paminsan-minsan ay tumatama ang braso at hita nila sa isa't-isa dahil sa pagtakbo ng sasakyan.

"Nakita kita kanina..." Aniya.

"Hmm?"

"Huwag mong pwersahin ang mga binti mo sa paglalakad, Colton, kahit pa gustung-gusto ng fiance mo."

Nakita niya kasi ito at si Gail kanina sa swimming pool area, nagpumilit ang babae na paglakarin ito kahit ilang balik lang pero mukhang nawili at pinaulit-ulit si Colton.

"Pinagbigyan ko lang,"

She tsk.

"Hindi ba masakit ang binti mo ngayon? Hindi ka ba nakaramdam ng sakit after that?"

"A bit, but I feel better now." He assured her but she's not that easy to convince, especially when it comes to his health.

"I will massage your leg when we get home. Ang tigas kasi ng ulo mo, eh."

"Sorry na..."

He sounds like a cute little boy who was asking for forgiveness for being hardheaded.

Wala sa sariling nakagat niya ang pang-ibabang labi saka itinuon ang tingin sa labas ng binatana. Bakit ba simpleng sorry lang nito ay grabe maghumerantado ang puso niya?

"Y-you don't need to apologise, Colton."

"I don't like when you're worried about me." His raspy voice starting to melt her.

Marahan siyang tumango at gustong mapangiti ngunit kaagad niyang sinupil bago pa tuluyang lumitaw sa labi niya.

Tinignan niya si Mang Alfred na wala naman din pakialam sa kanila ni Colton, naka-focus ito sa pagmamaneho.

"Kung ayaw mo pala...dapat ay huwag na munang matigas ang ulo mo."

"Pero gusto ko kapag pinapagalitan mo ako."

Ngayon, hindi niya na alam ang dapat niyang maramdaman. Lamang na lamang ang kilig sa kanya at hindi niya kayang iwaksi na lang 'yon bigla dahil lang sa hindi dapat.

Idinipa ni Colton ang isang braso papunta sa likod niya, sa headrest ng inuupuan nila. Kung titignan ay parang nakaakbay na ito sa kanya.

"Mas gusto mo na nagagalit ako sa iyo?" Ngumuso siya, iba din pala ang trip ng gwapong ito.

Unti-unti ay naramdaman niya na ang braso ni Colton na nasa balikat niya na. Bahagya siyang nag-angat ng tingin dito at napalunok nang magtama ang mga mata nila.

Umangat ang mga sulok ng labi nito tapos ay mas lalong ibinaba ang mukha sa kanya dahilan kung bakit mas lalong tila nahirapan siyang huminga.

"Hindi ako tumatanggap ng mga sermon, but with you..." Sinadya nitong putulin ang mga salita at mas inilapit pa ang distansya ng mga labi nila. Their lips were almost touching. "...I will gladly accept everything that comes from you—"

Umawang ang mga labi niya nang biglang namreno ang driver kasabay ng paglapat ng labi nila ni Colton sa isa't-isa. It was a quick kiss but damn, her heart won't stop beating that it almost ache her chest!

"What happened?!" Colton asked the driver worriedly.

Hindi man lang binigyan pansin ang panandaliang paglapat ng mga labi nila.

Sumulyap sa rearview mirror ang tsuper.

"May biglang tumawid na bata, boss."

Pareho silang napalinga sa labas. There, she saw a cute little boy at the safe side of the road.

"Okey lang po kaya 'yung bata?" Aniya.

"Oho..." Sa side mirror sumulyap ang driver. "Parating na ang siguro ay nanay nung bata."

Nang tignan niya ay palapit na ang isang babae na mukhang ina nga ng bata tapos ay masinsinan na nag-usap ngunit hindi na nila marinig.

"Tara na ho." Sabat ni Colton kaya umandar na ulit ang sasakyan.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bayan. Dumeretso siya sa remittance center habang dalawa niyang kasama ay naiwan naman sa van.

Matapos niyang maipadala ang pera sa mga kapatid ay sa botika naman siya nagpunta upang bumili ng gamot ni Colton.

Wala pang isang oras ay nakabalik na siya kung nasaan nakaparada ang sasakyan. Si Manong Alfred lang ang naabutan niya sa labas.

"Si Colton po?" Tanong niya.

"May bibilhin daw siya, Miss Karen."

Naghintay sila nang ilang minuto bago niya natanaw ang binata. Wearing his black sunglasses and white cap, naglakad ito palapit sa gawi nila. Tila ba isang supladong modelo na nasa pampublikong lugar. Makaagaw atensyon. Napapatingin kay Colton ang mga tao, lalo na ang mga kababaihan. Nagbubulungan pa ang mga nando'n at nagsisikuhan. They're giggling while ogling.

"Nabili mo na ba lahat ng dapat bilhin?"

Hindi man lang ni Karen namalayan na nakalapit na sa kanya si Colton kung hindi pa magsalita at hawiin ang mga takas na buhok sa mukha niya.

"A-ah, oo." She force a smile. Hinahamig ang sarili sa bahagyang pagkatulala. Nahahanay din siya sa mga babaeng nahuhumaling sa karisma nito. Hanggang tingin na lang talaga sila. "Ikaw b-ba? Ano ang binili mo?"

Her eyes drop down on the black paper bag on his hand. Sa pagkakaalam niya ay brand iyon ng iba't-ibang klase ng alahas, madalas ay mga singsing, ayon na din sa desenyo na nakapinta sa paper bag.

Hindi niya na hinintay pang sagutin siya ni Colton, pumasok na siya sa loob ng van, sumunod naman kaagad ang binata. Nang maisara nito ang pinto ay saka lang tuluyang tumabi sa kanya.

Sinundan niya ng tingin ang paper bag nang ilapag nito iyon sa gilid nito na para bang hindi 'yon masyadong mahalaga.

"Ikakasal ka na pala 'no?" Mahina ang boses niya na para bang may sumakal bigla sa leeg niya nang sambitin ang mga katagang iyon.

Colton take a quick glance at her with no emotions written on his face, then his eyes went back on the road.

Slowly, he nods his head, telling her 'Yes...Yes, I will get married...'

That's when she realized that her heart were tearing apart in a very hurtful way.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.1M 50.6K 46
"You're my betrothed." "Naliligaw ka, Miss." Inis na isasara ko na sana yung pinto ng humarang sya doon. "I don't think so. You're Terry Alcatraz ri...
179K 2.1K 43
Best friend? 'Yan ang pinakamsakit na tawag sa'yo...ng taong mahal mo.
826K 22.2K 51
POLY SERIES #1 Yung pinagpanggap ka ng kambal mo bilang sya at kapalit ay titira kasama ng asawa nya pero nabigla ka ng hindi lang isa kundi apat at...
67.7K 955 21
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries8