Listen To My Lullaby

By wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... More

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 41 - Black Savage Invasion
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 42 - Who's the Traitor?

3.8K 172 48
By wistfulpromise

Chapter 42

Who's the Traitor?

=

Serene

Pagdating namin sa infirmary ng Ellipses. Dead on arrival na si Deck.

Halos lahat kami na naroon ay tulala at tahimik dahil sa nangyari ngayong araw na ito. Doon ko lang napagtanto na kahit ilang ulit pa kaming nakapagprepara sa maaari nilang pagsugod ay hindi namin mapaghahandaan ang magiging resulta nito.

Lumabas mula sa kwarto ang isang pribadong doktor ng buong gang namin. Ang kwartong iyon ang ginawa nilang operating room kung saan idinala si Cello.

"Ligtas na po ang biktima sa panganib. Wala na po kayong dapat ipag-alala." pagbibigay alam niya sa amin na labis kong ikinatuwa. Umalis na ang doktor dahil marami pa itong kailangang tulungan na sugatan sa mga kasama namin.

Nakita ko ang pagdating nina Owen kasama si Andrei. Hinahanap nila si Deck. Ngunit noong sinabi ni Aiden sa kanila ang malungkot na balita, hindi na nila napigilan ang sarili at umiyak.

Umiiyak ang puso ko kasama nila.

Kahit na nasa loob na kami ng ligtas na kampo ay patuloy pa rin ang pagbobomba na naririnig namin sa paligid. Siguradong hinahanap nila ang Ellipses headquarters pero hindi nila makita. Napakaraming duguan, sugatan, at iyakan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nangyayari sa buong paligid namin. Nakita ko sina Sophia at ang iba sa Ellipses na nagbibigay ng inumin at pagkain sa mga kasama namin kaya tumulong na rin ako. Wala sina Celestine, Aries at Jaden na siyang pinagtataka ko.

Naalala ko bigla kung paano dinukot ng Notorious sina Kuya Paul at Aziel. Sinubukan namin silang habulin ngunit wala kaming nagawa. Kaya minabuti muna naming bumalik ng Ellipses headquarters upang planuhin ang susunod na hakbang at para makakuha ng iba pang armas.

Kanina ko pa hinahanap si Jace ngunit hindi ko siya makita. Alam ko tulad ko ay marami rin siyang sugat na natamo. Pasikat na rin ang araw mula sa madugong gabi na pakikipaglaban. Humuhupa na ang pagbobomba kahit papaano. Gayunman, ang pinsala mula roon ay hindi basta-basta mabubura.

Habang naglalakad sa kahabaan ng isang hardin ay may narinig akong nagtatalo. Habang papalapit nang papalapit ay doon ko lang mas naintindihan ang sinasabi nila.

"Hindi ko lubos maisip kung paano napasok ng NL7 ang BSG. Sa lakas ng depensa natin napasok tayo ng ganun lang? What kind of excuse do you have? Bullshit!"

"Isa lang ang nakikita kong butas. May traydor sa loob. Pinaglalaruan nila tayo."

"Sinabi ko na sa inyo noon pa lang, pero ayaw nyong maniwala sa akin!"

"Come on, alam ko 'yang tingin na 'yan Jace. Si Julian ang pinaghihinalaan mo."

"Sino pa ba ang traydor dito? We put him inside the enemy's headquarters to be a spy. He only have one job, Niel. One fucking job and he messed up."

"Nagbigay siya ng warning. But those NL7 were unpredictable as fuck. Sa tingin ko nalaman na rin nila na may traydor sa panig nila kaya bigla silang nag-iba ng plano. Wag naman nating isisi ang lahat ng nangyari sa isang tao lang. I know Julian had done everything he could to help. Otherwise, wala tayo ngayon dito sa Ellipses."

"Paano 'yung Cello?"

"Nathan pati ba naman ikaw?"

"I don't trust him."

"You Alvarez brothers don't trust anyone."

"Masisisi mo ba kami? Tayu-tayo lang ang nakakaalam ng mga plano natin. Tayong apat nina Paul. Pero magmula noong dumating sina Serene at Cello..."

Napahinto ako roon noong lalapit na sana ako sa kanila.

"Huwag mong sabihin na pinagdududahan mo rin pati ang kapatid ko?" Nag-iba bigla ang boses ni Kuya Niel.

"Hindi sa ganun Niel. Kilala ko si Serene--natin, pero ang Serene na kilala natin ay yung Serene noon. Hindi yung ngayon. Hindi ba't naging parte rin siya ng Notorious noon bago pa natin siya mahanap? Paano kaya kung--"

"Hindi traydor si Serene." Matigas na depensa ni Jace sa kapatid.

"It was just an idea. Geez.... But what if?"

"Leave her out of this Nathan."

"Kilala mo nga ba si Serene, Jace?"

"Anong gusto mong palabasin?"

May narinig akong tulakan at hamunan.

"Tama na, tama na. Pati ba naman kayong magkapatid mag-aaway? We need team work here. Walang mangyayari kung parehas kayong mainit ang ulo."

Katahimikan ang nanaig sa paligid. Gayunman, dinig na dinig ko rito ang mabigat nilang paghinga na puno ng pagtitimpi. Muling nagsalita si Kuya Niel.

"So what is the plan? Itutuloy pa rin ba natin ang pagbuo ng E&Z?"

"That was the plan."

"Was? So nagbago na?"

"Ano bang point nu'n, kung sakaling mabuo ulit ang E&Z? Hindi ko kasi maintindihan eh. Kung yun pala ang unang plano eh di sana binuo na natin agad-agad tutal nandito naman na tayong mga bagong henerasyon."

"Nathan hindi ganun kasimple yun."

"Niel, tayo lang ang nagpapakumplikado ng lahat."

"Tulad nga ng sinabi mo di ba? Wala kayong tiwala kay Cello. If we form it and he was there, we will give him unlimited access and power without us knowing. Mapupunta rin ang lahat sa wala."

"E&Z was not actually the main solution. It was just a patch in a bigger problem we need to face."

"Ano nga ba ang pinakaproblema Jace?"

"Sa oras na mabuo natin ang E&Z, it will just served as a backbone. A front act in the Society to show that we are all put-up together. Nalalapit na ang eleksyon ng bagong mamumuno sa Ouroboros at Apollo. We know that the High Council does not care about the internal affairs of each Society. Pero sa oras na may makita silang butas na pabagsak na ang pinuno ng Mafia, Ouroboros, and Apollo will take advantage of that just to gain additional number of votes from our people. We don't want that to happen. NL7 is enough of a problem for now."

"Pinasabog na natin ang BSG Headquarters, hindi pa ba yun sapat na butas para makita nila na nagkakagulo na talaga rito?"

"Pero alam rin nila na nagkaisa na ang Ellipses at BSG so they saw both of our gangs as one. The downfall of BSG does not mean defeat because Ellipses is still here, standing."

"At sa oras na pati Ellipses mawala?"

"Then prepare for another enemy. Dahil kapag nangyari iyon ay hindi na lang NL7 ang kalaban natin, pati na ang Ouroboros at Apollo na pag-aagawan ang lupa na dapat sa atin."

Natahimik silang tatlo roon. Muling nagsalita si Jace.

"'You know in this kind of world we can't afford to be weak. Kailangan nating mabuo ang E&Z bago ang eleksyon na mangyayari sa susunod na buwan."

"Pero paano ang High Council? Pati na ang Tribunal? Hindi sila makikisali? There was a peace treaty between the three Societies. Hindi nila basta-basta na pwedeng gawin na lang yun!"

"There was a rule na kapag bumagsak ang pinuno ng isang Society bago matapos ang nakatakdang pagtatapos ng termino niya ay maaaring mamuno pansamantala ang isa sa natitirang dalawang Society. The High Council will choose the best suit then it will be pass to The Tribunal and it will be in W.S. hands if they will approve it or not. They can't let a Society leaderless because they know how dangerous it will be for their people. And we all know, W.S. does not want its secrets to be revealed."

"Bakit noong mga panahon na si Lady Jenna pa ang pinuno wala namang ganung nangyari?"

"Hindi naman eleksyon noong nangyari ang mga iyon. Bukod pa roon madaling naayos. Mafia is like a monarchy among all of the republics. The reign of a King and Queen are for almost 30 years before the next Battle of the Gangs. Ouroboros and Apollo only has a 10 year term before their election."

"To think na next month na ang botohan, siguradong binabantayan nila ang Mafia."

"Hindi na ako magtataka kung sila pa mismo ang nagpopondo sa NL7. Because that's what businessmen do, everything for profit."

"We can't let them win. Buhay na ang nakataya rito pati ang hinaharap ng susunod ng henerasyon ng Mafia."

"Kung ganun, kailangan na nating mabuo ang E&Z sa lalong madaling panahon."

"Pero ang kailangan nating asikasuhin sa ngayon ay kung paano mabawi sina Paul at Aziel. Tumawag na ang mga gangmates natin na sumunod sa kanila. Alam na nila kung nasaan sila dinala."

Bigla akong naging alisto roon.

"Saan?" narinig kong seryosong tanong ni Jace.

"Dinala sila sa boundary ng LaReina at Mandeo. Ayon kay Julian, may magaganap daw na pista malapit doon."

"Kung dudukot na rin lang sila, bakit ilalagay ba sa boundary ng kampo na alam nilang alanganin? Bakit hindi diretso sa loob ng teritoryo ng Mandeo para wala nang problema?"

"Dahil gusto nilang pumasok tayo roon. Gusto nila na bawiin natin sila mula sa kanila." Sabay-sabay silang napalingon sa akin, hindi inasahan ang pagdating ko. "Hindi pwedeng matapos ang araw na ito ng hindi natin sila nababawi. Kailangan nating pumunta sa pista na iyon kahit anong mangyari."

"Pero hindi ba pagkagat sa bitag iyon? We will do exactly as they like." di pagsang-ayon ni Nathan sa akin.

"Kung kaya nila tayong lusubin ng hindi natin inaasahan, kaya rin nating gawin iyon."

"Paano?"

"Magpaparty sila sa pag-aakala na napabagsak na nila ang Society sa pamamagitan ng pagsakop nila sa Black Savage headquarters. Isasabay nila iyon sa mangyayaring pistahan para hindi halata." sagot ni Jace na puno ng reyalisasyon. "Kung naroon sila sa boundary ng LaReina at Mandeo ibig sabihin, naroon sila sa lugar ng tagong black market na hindi hawak ng kahit ano sa Society."

Naalala ko bigla ang lugar kung saan ako dinala ni Joel noong naroon pa ako sa Notorious Warehouse.

"Sana mali ang iniisip ko," sabi ni Kuya Niel matapos ang sandaling katahimikan. "Kung nasa black market sila ng NL7, maaaring ipa-auction din sila sa mataas na halaga. O kung hindi man, papatayin sila kung hindi nila makukuha ang gusto mula sa kanila."

Bigla akong nanlamig.

"Tumatakbo ang oras. Alam ng mga kasama natin ang lugar kung nasaan iyon ngunit hindi ang eksaktong lokasyon."

Ayaw man nilang ipakita ngunit ramdam ko ang aligaga at kaba sa kanilang mga mata para sa kaligtasan ng mga kasama namin.

Umabante ako papalapit sa bilog na nilikha nila.

"Nanggaling na ako roon. At alam ko kung paano makakapasok black market na hawak ng NL7."

Bakas ang pag-asa sa kanilang mukha. Gayunman, nanatili ang tingin sa akin ni Jace. Hindi ko mabasa ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"Anong oras magsisimula ang parada para sa pistahan na sinabi ni Julian?" tanong ni Kuya Niel kay Nathan.

"Alas-kwatro ng hapon. May malaki silang pagdiriwang sa isang plaza pagkatapos. Sa tingin ko isasabay doon ng NL7 ang party nila. Maraming tao, maingay, kaya walang makakapansin."

"Hindi ba sabay iyon sa meeting nyo sa Ashez mamaya kasama ang board of directors?" 

"Iyon lang ang problema." sagot ni Nathan sabay tingin kay Jace na kanina pa tahimik. "Siguro naman magagawaan natin iyon ng paraan, di ba?" patuloy ni Nathan upang punan ang katahimikan. Tumango si Kuya Niel.

"Kung ganun, kailangan muna nating matulog kahit ilang oras lang. Lalo na kayo Jace at Serene, hindi ba't kagagaling nyo lang din sa party mula sa Ouroboros kagabi? Magpahinga muna kayo."

Nagpaalam na sina Kuya Niel at Nathan pagkatapos dahil may kailangan pa raw silang puntahan. Naiwan kaming dalawa ni Jace na parehas na tahimik.

"Doon sa blackmarket na hawak ng NL7, may pistahan man na magaganap pero alam ko na doon nila maaaring dinala sina Kuya Paul at Aziel."

Tumingin siya sa akin na tila ba binabasa ang aking mga mata katulad ng ginagawa niya kanina. Mayroon sa seryoso niyang tingin na kung ibang tao lang ako ay kanina pa ako napayuko.

"No."

"Wala pa akong sinasabi."

"Alam ko. Kilala kita. Alam ko kung ano ang nasa isip mo."

"Ano?"

"You want to be part of it. And my answer is no."

"Narinig ko na dinala raw sila sa underground blackmarket na pinamamahalaan ng Notorious sa pagitan ng LaReina at Mandeo.

"All the more reason why you can't go there."

"May party na magaganap. Iyon ang pinakamagandang pagkakataon para lusubin sila. Jace pagkakataon na natin ito."

"Serene this is out of the question. You will stay here in the headquarters. Kami na ang bahala roon."

"Pero inaasikaso mo rin ang Ashez hindi ba? Sabay na dadausin ang party ng Notorious at ang important meeting nyo sa Castillo Group at Vila Corp."

Sandali siyang naging tahimik. Ngunit bago makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"Ipaubaya mo sa akin ang misyon na sagipin sina Kuya Paul at Aziel sa mga kamay ng Notorious. Gusto kong gawin ito."

"Delikado. Hindi kita hahayaan na pumunta roon mag-isa."

"Kasama ko sina Cello at Kuya Niel."

"At anong plano niyo?"

"Wala pa sa ngayon pero makakaisip din kami."

"Heading there without a concrete plan is a suicide Serene." Pagalit niyang litanya sa akin. "Are you out of your mind?"

"Gusto kong tumulong. Responsibilidad ko rin sila."

"Ginagawa na namin ang lahat ng paraan para mailigtas sila."

"Kailan pa? Kapag huli na ang lahat?"

Seryoso ang tingin na ipinukaw niya sa akin ngunit hindi ko siya inurungan.

"Jace I want to do this. Let me fight with you. please"

He clenched and unclenched his teeth. Sandali niyang inilayo ang tingin sa akin bago itong muling ibinalik. His eyes looked conflicted but he immediately regained himself.

"In one condition."

"Tell me."

"Sasama si Aiden."

"Paano ka sa Ashez?"

"Nathan and I will work on it."

"Wala ka pa ring tiwala kay Cello?"

"Wala akong tiwala kahit kanino maliban sa iilang tao na pinagkakatiwalaan ko."

May inabot siya sa aking isang itim na digital watch. Tinanggal niya ito mula sa pulsuhan niya.

"Para saan ito?"

"That watch is connected on my phone." May inabot din siyang isang maliit na wireless earpiece na kinuha mula sa likod ng kanyang kwelyo. Pinagmasdan ko ito sa mga daliri ko. "That is connected to the watch. Kapag may nangyaring masama pwede mo akong tawagan gamit ang relo at earpiece na yan."

Hindi pa siya natapos sa mga bilin niya dahil sa kanyang bewang ay may inilabas siyang isang itim na baril. Kinalas niya ang magazine nito sa isang pindot bago inabot sa akin mula sa hawakan ng baril. Mula sa kulay hanggang sa tatak, alam kong isa ito sa mga paborito niya.

"Bakit? Madami namang ibang baril dyan."

"Alam kong mahilig kang magtago ng baril sa may hita mo. Ito ang pinakatamang sukat ng baril para itago roon."

Kinuha ko ito. Pinagmasdan lamang niya ako.

"Meron pa?" Mukhang may sasabihin pa siya base sa binibigay niyang tingin.

Akala ko ba isang kundisyon lang?

Sabi ko na nga ba, sometimes dealing with Death felt like a trap waiting to unravel. I know he was just taking it easy on me because I'm important to him. Otherwise, if I'm just an ordinary person, dealing with Death will be his name himself.

Inilabas niya ang kanyang cellphone. Nakita kong may pinindot siya roon dahil biglang nagliwanag ang hawak kong digital watch. May lumabas na numero rito. Isang timewatch.

"You only have an exact 12 hours to finish that mission."

"Teka lang," umaandar na agad ang mga numero sa hawak kong digital watch. Iniangat ko ang nanlalaking mga mata sa kanya. "Alas dose pa lang ng tanghali. Tapos mamayang gabi pa lang magsisimula ang party, ipapatapos mo agad?"

"The party will start at 7 pm tonight while the city parade will start at 4 pm."

"Iyon nga. Tapos pababalikin mo kami at 12 am? Paano yung byahe? Mahigit dalawang oras din iyon."

"That's the challenge." Binigyan niya ako ng mapanuring tingin, halatang nanghahamon. "Are you up for it, G-Clef?"

I could see the amused look on his eyes. Alam kong sinasadya niyang pahirapan ako dahil kung siya ang tatanungin, hindi niya ako papupuntahin doon.

Napangisi ako sa kanya. "Challenge? Alam mong hindi ko aatrasan yan."

"Good. Twelve midnight. Sa oras na hindi kayo nakabalik dito sa Ellipses headquarters sa tamang oras, I will declare war." Nanlamig ako sa tono ng boses niya, alam kong hindi na siya nagbibiro.

Ipinasok ni Jace ang kamay sa loob ng bulsa. Narinig ko ang pagkalansing na mga susi nya rito.

"Saan ka pupunta?"

"Sa Ashez, marami pa akong kailangang asikasuhin doon."

"Nakapili na ba kayo sa pagitan ng Castillo Group at Vila Corp?"

"Hindi pa. Iyon ang gagawin namin ngayon."

"Doon sa nawalang pera, ano nang balita?"

"Under investigation. Pero malakas ang kutob ko na may tumulong sa kanila mula sa loob."

"Sino?"

"Hindi ko alam. Pero sa oras na malaman ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko." Mahigpit siyang napakuyom. Ang susi ng kotse sa kanyang kamay ay napalibutan na ng mahahaba niyang mga daliri.

"Traydor. Meron nga ba sa loob ng kampo natin?"

Tumingin ako sa kanyang mga mata na biglang nagdilim "Kung meron man wag silang pahuli. Dahil hindi ko na sila bubuhayin."

Ilang beses kong pinigilan si Jace na huwag munang umalis upang makapagpahinga ngunit ayaw niyang paawat. Umidlip ako noong mga bandang mag-aalas sais imedya at nagising ng alas onse ng tanghali. Naligo ako at nagpalit. May pagkain na sa loob ng kwarto ko pagkalabas ko ng banyo kaya kinuha ko na itong pagkakataon upang lagyan ng laman ang kumakalam kong sikmura.

"Kumusta na?" tanong ko kay Cello noong dinalaw ko siya sa kanyang kwarto. Masaya akong makita na ayos na siya.

"Heto, buhay pa naman." iginalaw niya ang braso na may benda. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa kirot. Sa likod pala ang tama niya.

"Pang ilang tama mo na ba yan ng baril at pang ilang beses ka nang naisugod sa ospital sa nakalipas na buwan?"

Nakita ko kung paano umikot ang mga mata niya sa pang-aasar ko. Hindi ko mapigilang matawa.

"Ikaw ba, ilang beses kang nadapa kagabi?" sarkastiko niyang tanong.

"Ha ha ha. Alam mo Cello nakakatawa ka. Yung tipong ang sarap sakalin."

"Tingnan mo. Pikon ka rin eh."

Ako naman ang napaikot ng mga mata ngayon. "Kung hindi nyo ako pinigilang lumaban, hindi mangyayari iyon."

"Oo na, oo na. Ikaw na ang magaling."

Bumangon siya mula sa higaan. Tutulungan ko sana siyang tumayo ngunit sabi niya kaya niya. Ayaw niya lang yatang lalong maasar kapag nagkataon.

"Pumunta pala si Celestine rito kanina."

"Anong sabi?" 

"Ibinalita niya sa akin na wala na ang isa sa mga kasamahan nila sa Seven Hunters." Si Deck. Bigla akong nalungkot noong maalala iyon.

"Kinukulit din pala niya ako. Alam nyang wrong timing pero gusto ka raw talagang makita ng kaibigan niyo, Mitch yata? Oo 'yun. 'Yun 'yung pangalan niya."

Matagal nang nasabi sa akin iyon ngunit dahil sa dami ng nangyari hindi ko na rin naalala. "Pakisabi na basta matapos natin agad ang misyon para mabawi sina Kuya Paul at Aziel, siya ang susunod na pupuntahan ko."

"Kung ganun tuloy ang pagpunta niyo sa pistahan na iyon?"

"Sinabi nila sayo?"

"Sinabi sa akin ni Niel kanina. Sayo ko sana itatanong pero natutulog ka raw." His eyes softened when he saw my scars and bruises. "Ayos ka lang ba?"

"Kaya pa naman."

"Sasama ako sa misyon niyo."

"Alam ko namang hindi ka papapigil kahit itali pa kita rito."

Binigyan niya ako ng pamilyar niyang ngiti na tila ba nagsasabing tama ako sa hinala sa kanya. "May plano ka na ba?"

Napangiti ako sa kanya. "Nakatulong yata ang ilang oras na tulog ko dahil may bigla akong naisip."

"Base pa lang diyan sa ngiti mo. Nasasabik na ako."

"Dapat lang, dahil siguradong ikatutuwa mo ito." 


///


HAPPY NEW YEAR!! Sa nalalabing oras ng 2017, gusto kong magpasalamat sa lahat ng Listeners ko na walang sawa na sumusuporta sa akin noon hanggang ngayon. Mabuhay kayong lahat! 

Yes yes i know, matagal na naman akong nagdisappear. Pinipilit kong makapagsulat ng makabuluhang update pero inaatake talaga ako ng writer's block. Gayunpaman, pinaghahandaan ko ang maaksyon na mga ganap sa susunod na update kaya abangan nyo iyon! 

Anyway, may bago akong pasilip na story. Habang wala akong maisip na isulat dito sa LTML, TSR, at LAR lumilipad ang utak ko sa kabilang mundo na ito na walang kinalaman ang mga Mafias and whatnot dahil ang genre nito ay fantasy. Sa mga nagfill-up ng form para sa LTMS at LTMH self publication pinaboto ko kayo between: 

1. Adrasteia Ambrosia (Vampire, Action, Romance) 

2. Isandaang Halik (Werewolf, Action, Romance)

Pero dahil dikit ang labanan, magkasunod ko na lang silang ipopost since marami na akong nasulat na chapters sa bawat isa. Hindi ko alam kung kailan ang update, pero ang resolution ko ngayong 2018 ay magkaroon na ng schedule ang bawat on-going stories ko para alam nyo araw kung kailan nyo aabangan ang next update. I have been collecting chapters from each stories sa halos dalawang buwan kong MIA kaya kasado na sila. I'm so excited for all of you to read these! Ibang mundo pero abangan kung paano magkakatagpo-tagpo ang lahat ng mga characters ko sa bawat story! 

On-going pa rin po pala ang pre-order para sa LTMS at LTMH Self publication, for more info please don't hesitate to message me here on wattpad or through fb. And PS. extended yung payment for both books kaya mahaba-haba ang oras nyo para makapagipon. Order na dahil first come, first serve ito!

Pre-order link form: (Or you could visit my wattpad profile to click the link) 

https://docs.google.com/forms/d/1I-7JPpEpEUs5YhowoxMS-xgTWwLo2BRNKnfn6i38q4o/


Don't forget to vote, share, and comment! Have a wonderful New Year Listeners! Its 2018!!!! OLE!


- wistfulpromise

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 328K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
20.3M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...