Territorial Men 1: Colton Alt...

By missgrainne

15.3M 432K 120K

Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli... More

Synopsis
Prologue
1 ~ The Boss
2 ~Warning
3 ~Admiration
4 ~ Deal
5 ~ Ego
6 ~ Kiss
8 ~ Yes...
9 ~ Bikini
10 ~ Underwater (SPG)
11 ~ I Want You
12 ~ Mistake (SPG)
13 ~ Turn On
14 ~ Secret Affair
15 ~ Promise?
16 ~ Elope
17 ~ Live In
18 ~ First Day
19 ~ Ring (SPG)
20 ~ Villain
21 ~ Visitor's News
22 ~ Jealousy (SPG)
23 ~ Waiting
24 ~ Love
25 ~ Threat
26 ~ Pleasure (SPG)
27 ~ Hopes
28 ~ Darkness
29 ~ Baby...
30 ~ Hero
31 ~ Sorry
32 ~ Mrs. Altaraza (SPG)
Epilogue

7 ~ Rival

391K 13.1K 5.2K
By missgrainne

A/N: Sorry, Chapter 8 ang na-post kagabi. Tanga ko! Grr! In-unpublish ko na 'yung Chapter 8. Happy reading.

Chapter Seven

KAREN turned off the lights inside her room and lazily lay down on bed. Ang tanging liwanag lang na pumapasok sa bintana ng silid niya ay ang mga ilaw sa labas ng mansion.

Seeing Colton kissing that woman made her feel like a withered flowers. Hindi pa nga siya masyado nakakarecover sa ginawa ng tiyahin sa mga kapatid niya, tapos ganito ang sasalubong sa kanya? Another heartache?

Why does she have to be affected by the way? It's his life after all, so he can do whatever he likes!

Napabalikwas siya ng mag-ring ang telepono sa gilid ng lamesa ng kama. Malakas ang radar niya na ang binata iyon.

Natapos ang isang mahabang ring na hindi niya sinagot, kung bakit? Hindi niya din alam. Nagtatampo? Nagagalit? O masama ang loob dahil sa nasaksihan?

Nang mag-ring ulit 'yon ay napilitan na siyang sagutin dahil baka may kailangan ito.

"Hello?"

"So, you're home." Colton's sarcastic voice welcomed her. "You didn't even tell me."

"I was about to tell you kaya lang..." She bit hair forefinger nail. "M-may kausap kang babae kanina." Hindi sumagot si Colton. "Do you need something? Kung wala, matutulog na kasi ako."

"Okey, take a rest."

Sa gano'n natapos ang pag-uusap nila ng binata. Pinilit niya na lang din matulog at iniwasan ng isipin pa ang nasaksihan kanina. Dapat ay hindi siya magpa-apekto at makialam sa personal na buhay ni Colton lalo at may involve na babae na sa wari niya ay kasintahan nito.

PASADO alas otso na ng umaga ng akyatin niya si Colton sa silid nito. Dala niya na din ang almusal nila. Hindi niya na nagawa pang kumatok dahil sanay na naman siya na pumapasok na lang bigla. Kaya lang ay nasorpresa siya sa nadatnan.

The woman from last night were sitting on the single sofa while Colton is on his bed, laying there like a lazy man.

"G-good morning." Bati niya sa dalawa.

Ang atensyon ng binata ay kaagad na lumipad sa kanya at sa almusal na dala niya. Pero ang babae ay tinaasan siya ng kilay, obviously hindi siya kilala. Maiihantulad niya ito sa mga magagandang mukha ng artista sa bansa. Ang mala-porcelana nitong kutis at ang ma-alindog na tindig ng katawan ay nakakababa ng self-esteem niya. Bagay na bagay ito kay Colton.

"Who are you?" The woman asked, lifting her one eyebrow.

"Ako po ang nurse ni b-boss Colton."

"I know! From your looks..." Pinasadahan ng babae ng tingin ang kabuuan niya at pakiramdam niya ay inu-uyam siya. "You're really his nurse. But what's your name?"

"Karen." Ngumiti siya dito, nanatiling casual ang pakikitungo.

"Good. Pakainin mo na 'yang si Colton. Ayaw kasing kumain." Utos nito na medyo ikinairita niya.

Iyon naman talaga ang ipinunta niya do'n pero nairita siya bigla ng utusan siya nito na para bang ito ang nagpapasweldo sa kanya!

Inilapag niya ang tray sa gilid ng lamesa at naupo siya sa gilid ng kama.

"Kailangan mo ng kumain." Mababa lang ang boses niya, ramdam niya ang mga titig ng babae sa kanya. "Wala kang gana?"

"Yes, I think." He said, without looking at her but on the window.

"Ano ba ang gusto mong kainin?"

"Nothing."

"Ahm, ano pala ang sabi ng doctor mo?" Pag-iiba niya ng usapan tapos ay bumaba ang mata sa binti nitong wala ng semento. "Pwede ka ng mag-practice maglakad?" Manghang tanong niya at napangiti pa.

Colton nod his head. "Anytime by now."

"Let's try then!"

Do'n na bumaling sa kanya ang binata. "You will help me?"

"Of course! Bakit hindi?"

Pansamantala na lumipad ang mata nito sa babae sa likod lang niya, napawi bigla ang ngiti niya. Bumangon ito upang maupo sa bed, maagap niya itong naalalayan.

"Let's go to swimming pool area."

Umiling siya. "Later, you have to eat first." That made him groan. Kinuha niya ang kutsara at nilagyan iyon ng pagkain bago inumang sa bibig ng binata. "Ah,"

Colton leered but eventually open his mouth a little. She hid her smile at what he did.

Ang seryoso nitong mukha ay lalo lamang nagpapagwapo dito.

Makailang beses niya ng nasubuan ang binata nang makialam na ang babae.

"Ako na ang magpapakain sa kanya. Lumabas ka na."

Napatingin siya sa babae na nakatayo sa gilid niya tapos ay kay Colton para humingi ng kompirmasyon, ito ang boss niya, ito lang ang susundin niya. Ngunit tikom ang bibig ng binata, parang naghihintay pa nga na subuan niya, so that's what she did. Inumang niya ulit ang kutsarang may pagkain na kaagad naman nitong kinain.

"I said, get out!" Napaigtad siya sa pagtaas ng boses ng babae.

"Gail," May banta sa boses ni Colton ng banggitin ang pangalan.

Inagaw sa kanya ni Gail ang kutsara. Tumayo na siya upang hindi na sila magbanggaan pa nang maupo ito sa kaninang inuupuan niya.

Kinuha niya ang gamot ni Colton at inilapag iyon sa lamesa.

"Pagkatapos niyang kumain, kailangan ay mainom niya ang mga gamot na ito." Bilin niya sa babae habang inaayos ang mga tableta.

"Huwag mo akong utusan."

"Hindi kita inuutusan, binibilin ko lang."

"Hindi ako ang nurse niya at bakit ako ang magpapainom?" Gail lifted her eyebrow and look at her with pompous smile. "Ikaw ang nurse, do your job."

"Okey, I'll stay then."

Tinalikuran niya si Gail at siya naman ang naupo sa sofa. Hindi niya ang mga ito tinitignan. Naiirita lang siya sa nakikita.

"Enough..." Marahan na inilayo ni Colton ang kamay ni Gail na may hawak na kutsara.

Lumapit na siya sa dalawa bago pa magtalo ang mga ito. Nakita niya naman na sapat na ang kinain ng binata para makainom na ng gamot.

"Here," Kinuha ni Colton ang inabot niyang tableta, paglagay nito sa bibig ay maagap niyang inumang dito ang nguso ng baso para makainom.

Wala na siyang pakialam kahit gaano pa katalim ang mga titig sa kanya ni Gail. Basta gagawin niya ang trabaho niya.

Inalalayan niya si Colton ng akmang tatayo na ito.

"Ako na." Inagaw sa kanya ni Gail ang braso ng binata at sa balikat nito isinampay 'yon.

"Careful." She said as he step forward. Nakaalalay pa din siya, ngunit sa kabilang bahagi naman.

Colton is tall. Alam niyang hindi kakayanin ni Gail ang bigat nito dahil kahit siya ay nabibigatan sa pagsampay ng isang braso nito sa balikat niya.

"Why don't you use your wheelchair?" Suhestiyon ng babae, halatang hindi komportable na alalayan ang binata. Idagdag pa ang mataas na takong ng stiletto nito.

"Nabibigatan ka na ba?" Colton asked Gail.

"Y-yes, pero bakit kapag nasa ibabaw kita hindi ka naman mabigat."

That supposed to be a normal conversation between a couple but it was not when she's around. And she's not that stupid to know what's Gail was talking about!

"Because that's different thing, babe."

Hindi niya napansin na humigpit ang kapit niya sa damit ng binata sa likod. Great. Sa harapan pa talaga niya nag-uusap ng kapusukan ang mga ito!

Nag-ngingitngit ang kalooban na humiwalay siya kay Colton upang buksan ang pinto.

"Uh, you're so heavy, babe!" Reklamo ni Gail nang halos buong bigat ng binata ay sinalo nito.

"Come back here, K." Umirap siya sa hangin bago humakbang palapit ulit sa dalawa.

Iniyakap niya ang braso sa bewang ni Colton ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Marahan na pinadulas nito ang kamay sa bewang niya at do'n nagtagal.

Nag-angat siya ng tingin dito ngunit sa entrada ng silid naman ito nakatingin. Hindi siya komportable na mahawakan siya ng binata sa parte na iyon, parang kinikilabutan siya na hindi niya mawari at parang kinikiliti ang maliliit na ugat niya sa katawan.

NAKALABAS na sila sa elavator nang dumistansya si Gail sa binata. Nagtataka na tinignan niya ito, hindi maganda ang timpla at iritado.

"Hindi ko na kaya!" Gail almost shouted in annoyance and walk away from them.

Narinig niya ang mahinang pagbuntong hininga ni Colton. Hindi nagustuhan ang ginawa ng kasintahan.

"Come on." Tinapik niya ito bandang itaas ng pang-upo upang maglakad na ito. "Weak naman pala 'yang girlfriend mo." Nakairap na ani niya at ipinatong ang braso ng binata sa balikat niya na kanina ay nasa bewang niya.

"She doesn't like that I'm weak."

Mabagal at tantiyado na lang ang bawat hakbang nila. Maingat din ang pagyapos ng mga braso nila sa isa't-isa. They are almost hugging each other. She can feel the side of his body bumping at the side of her breast, giving her an electrifying feeling.

"D-dapat ay alam niya na hindi lahat ng oras ay malakas ka."

"Sinabi ko na 'yan sa kanya."

"Palibhasa anak mayaman kaya hindi sanay sa bigat." She murmured.

Nang marating nila ang swimming pool area, may isang lalaki na do'n na sa wari niya ay therapist. Hinihintay ang pagdating nila.

"Good morning, sir Colton. I am Jonas." Bati ng lalaki sabay tingin sa kanya at tipid siyang nginitian.

She gave Jonas a friendly smile. That's when she felt Colton's arm wrap around her shoulder, marahan ngunit mapag-angkin.

"Are you from BMC?" Colton was referring at Banchero's Medical Center.

"Yes Sir. Kasabay ko po si Doctor Howell papunta dito."

Pakiramdam niya ay umaliwalas lalo ang mukha niya sa narinig. Totoo bang kasama nito ang doktor na hinahangaan niya?

"Okey, let's start then."

Tinulungan siya ni Jonas sa pag-alalay kay Colton. Nilatagan ng brown carpet and tiled floor, upang maiwasan ang pagkadulas.

Marahan na binitiwan niya si Colton at hinayaan na si Jonas ang umalalay. Nasa gilid lang siya, pinagmamasdan ang pagbabalanse ng binata sa katawan. Sa dalawang gilid nito ay may barrier na makapal na lubid upang hawakan nito at kuhanan din ng balanse.

Colton walk slowly and surely. Siya ang kinakabahan sa binata dahil baka bigla itong bumagsak at hindi maagapan ni Jonas kaya lumapit na din siya sa barrier.

"Okey lang naman na nandito ako di ba?" She asked Jonas who nods as answer. Halos magkatabi na sila at parehong alerto sa mabagal na paglalakad ng binata.

"K, wait for me at the end of barriers." Utos sa kanya ni Colton ng bahagya silang lingunin. Tila ba ayaw nito na nakadikit siya kay Jonas.

Kaagad siyang sumunod. Tatlong dipa na lang ang layo nila. Pinapanood niya si Colton na naglalakad palapit sa kanya, nakangiti siya. Pakiramdam niya ay isa siyang ina na pinagmamasdan ang baby niya sa unang araw ng paglalakad nito. Talaga yatang nasanay na siya na baby-hin si Colton. Nag-init bigla Ang pisngi niya sa makatotohanan na ideya na iyon.

"Closer..." Ilahad niya ang dalawang kamay sa harap niya, inaanyayahan ang binata na lumapit pa sa kanya. "Careful..."

Habang papalapit ito sa kanya, saka naman naghumerantado ang pintig ng puso niya. Ang lahat ng atensyon nito ay nasa kanya lang, na para bang siya ang tropeyo na ninanais nitong maabot sa mga sandaling iyon.

Mas nag-igting ang kagustuhan niyang abutin ang kamay ni Colton nang inilahad din nito ang isang kamay sa kanya, reaching her.

"Konti na lang..." She playfully mouthed as they both smiling at each others, seeing him smiling at her was new to her.

Humakbang siya ng isa upang tuluyan ng maabot ang kamay nito.

"I made it..." Halos pabulong na wika ni Colton nang magtagpo ang mga kamay nila.

Pakiramdam niya ay maluluha siya. Hindi niya inaasahan na mabilis ang progress ng paglalakad muli ng lalaki. Akala niya kasi ay matatagalan. Ang negatibong bagay na 'yon ay kaagad niyang in-ignora. Gusto niya nang makita ito na namumuhay na ulit ng normal at walang hadlang sa anoman ang nais nitong gawin.

"Congrats..."

Marahan na hinila siya ni Colton at sa pang-gigilalas niya ay niyakap siya nito. Ipinahinga ang ilalim ng baba sa balikat niya. Ang isang kamay ay nakayapos sa likod niya habang ang isa ay kahugpo ng kamay niya. Tila ba nagsilbi siyang sandalan nito sa mga sandaling 'yon.

"I made it, K. I made it."

Maliit ang ngiti niya ng haplusin ang likod nito. Ramdam niya ang saya sa binata. His voice shows how happy he is right now.

"Ikaw pa. Ang lakas mo kaya. Sisiw lang sa iyo ang paglalakad ulit." Colton chuckled on her neck at what she said.

Pakiramdam niya ay tumaas ang mga balahibo niya sa katawan ng tumama ang mainit na hininga nito sa isa sa pinaka sensitibong parte ng katawan niya, her neck.

"Babe!"

Kusang umikot ang mata niya sa boses na iyon. Sabay nilang nilingon si Gail, naglalakad na ito papunta sa kanila. Bago pa man nito mahablot si Colton ay marahan na silang naghiwalay. Pero nakaalalay pa rin siya sa binata.

"What?"

"Nakakapaglakad ka na?" Gail's beautiful face softened as she looks at him.

"A bit."

"I want to see, Colton. Ulitin mo." Tumikhim siya kaya nakuha niya ang atensyon nito. "What?" Mataray talaga ang babaeng ito.

"Baka mapwersa ang mga paa niya."

"At ano ba ang pakialam mo?"

"Iniisip ko lang kung ano ang alam kong makakabuti sa kanya. Hindi natin pwedeng ipilit ang isang bagay na gusto natin dahil lang gusto natin iyon."

"Ano ang gusto mong palabasin? Na masyado akong pumapapel sa buhay ng sarili kong fiance?"

Kasing talim ng tingin nito ang balisong na tumusok sa dibdib niya sa kaalaman na fiance ito ni Colton. Mas malala pa pala sa inaasahan niya ang mararamdaman niya.

Ang babaeng kaharap niya lang naman ang mapapang-asawa ng lalaking alam niyang unti-unti nang nakakapasok sa puso niya. Dapat ay habang maaga pa ay supilin niya na ang namumuong damdamin para sa binata.

Ngayon, kaya niya pa 'yung  kirot, paano kapag naglaon na? Sa huli, siya din ang kawawa at ang masasaktan sa isang bagay na wala naman siyang karapatan.

Napayuko siya. Iniiwasan na makita ng mga tao do'n ang pagbalatay ng pagkapahiya at pait sa kanyang mukha.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin Gail—"

"Ma'am Gail!"

"Ma'am Gail..." Ulit niya. This woman in  front of her is her boss' fiance, not just some random girls who's trying to flirt with Colton. She should respect her too, right? "What I mean is, huwag natin pilitin si boss Colton na maglakad ulit dahil hindi pa naman talaga sanay ang mga paa niya."

"Why you didn't tell me about this? Na ngayon na pala siya maglalakad!"

"You walked away from him a minutes ago, di ba?" Sana lang ay hindi nahimigan ang sarkasmo sa boses niya.

"So, it's my fault?"

"Wala akong sinabi."

"You know, you're getting into my nerves." Hindi niya na pinansin pa ang babae bagkos ay inalalayan na lang si Colton. "Stay away from my fiance!" Gail said angrily as she slap her forearm.

"Gail!" It was Colton's astounded voice.

"What? Kakampihan mo ang babaeng 'to?" Gail pointed a finger on her.

"No, but you don't need to lay a finger on her and hurt her that way. Don't do that again."

"So, kinakampihan mo nga?!"

Kinalas nito ang braso ni Colton na nakaakbay dito bago pa man din niya maalalayan ang binata ay nahawakan na ng babae ang braso niya. Hindi niya ininda ang pag-diin ng mahahaba nitong kuko sa balat niya dahil ang atensyon niya ay na kay Colton na halos mabuwal sa kinakatayuan, mabuti na lang ay maagap na nakalapit si Jonas at naalalayan ito. Do'n lang siya nakahinga ng maluwag.

"Bitiwan mo ako." Mahina ang boses niya, may diin. Kalmado niyang tinignan ang babae.

"I know what kind of trick you were using to get Colton's attention. May I remind you that he's mine. Mine alone."

"Take off your hand on me, Ma'am Gail." She said, ignoring her accusation.

"At ano ang akala mo? Papatulan ka ng finace ko?"

Hindi lang ang boses nito ang nang-uuyam pati na din kung paano siya nito tinignan mula ulo hanggang paa na para siyang alikabok na nakaharang sa daan nito.

Iwinaksi niya ang braso upang makawala sa pagkakahawak ng babae ngunit mas lalo lang bumaon ang kuko nito sa balat niya.

"Nakikiusap ako sa isang napaka propesyunal na paraan, Ma'am Gail. Bitiwan mo ako." Ang pasensya niya ay nauupos na na parang kandila.

"Gail, take off your hand on her." Si Colton iyon sa mababa at kalmadong tinig.

"No! Your nurse should know her place and her place is not here." Pagkatapos bumaling sa kasintahan nito ay muling ibinalik ang mapangmata na tingin sa kanya. "You are not belong here woman."

Umangat ang isang kamay ni K upang alisin ang kamay ni Gail nakahawak sa kanya at pilit na inilayo ang kamay nito sa braso niya. Napangiwi siya ng gumuhit ang dulo ng kuko nito sa balat niya at huli na ng napigil niya ang sarili dahil naitulak niya ito dahilan ng pagbangga ng likod nito sa dibdib ni Colton.

"How dare you!" Sa galit at pagkabigla ay namumula na ang mukha ng babae.

Matalim ang mata niya nang tignan ito ng makita ang gasgas ng kalmot sa braso niya. Namumula din ang mga 'yon, halatang-halata dahil maputi at makinis ang kutis niya.

"Papalagpasin ko ang ginawa mo ngayon, Miss Gail, pero sisiguraduhin kong sa susunod na ilapat mo pa ang mga daliri mo sa balat ko..." Kinuyom niya ang mga kamao sa galit at sakit sa dibdib niya. "...hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa iyo."

With that words, she turned around and walk away from them, pretending that she's strong enough to fight for herself...but not strong enough to fight for what she really feels.

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 214K 43
Known for being a notable and respected politician, Luke Fuentes is always focused on his work as the mayor of Buenavista and doesn't have time for l...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
67.6K 955 21
WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #RozovskyHeirsSeries8
826K 22.2K 51
POLY SERIES #1 Yung pinagpanggap ka ng kambal mo bilang sya at kapalit ay titira kasama ng asawa nya pero nabigla ka ng hindi lang isa kundi apat at...