Territorial Men 1: Colton Alt...

By missgrainne

15.3M 432K 120K

Kilala si Colton Altaraza sa Philippine Navy Seal na mabangis pagdating sa underwater swimming. Pero sa huli... More

Synopsis
Prologue
1 ~ The Boss
2 ~Warning
3 ~Admiration
4 ~ Deal
6 ~ Kiss
7 ~ Rival
8 ~ Yes...
9 ~ Bikini
10 ~ Underwater (SPG)
11 ~ I Want You
12 ~ Mistake (SPG)
13 ~ Turn On
14 ~ Secret Affair
15 ~ Promise?
16 ~ Elope
17 ~ Live In
18 ~ First Day
19 ~ Ring (SPG)
20 ~ Villain
21 ~ Visitor's News
22 ~ Jealousy (SPG)
23 ~ Waiting
24 ~ Love
25 ~ Threat
26 ~ Pleasure (SPG)
27 ~ Hopes
28 ~ Darkness
29 ~ Baby...
30 ~ Hero
31 ~ Sorry
32 ~ Mrs. Altaraza (SPG)
Epilogue

5 ~ Ego

385K 12.9K 2.9K
By missgrainne

Chapter Five

DAHAN-DAHAN na binuksan ni Karen ang pinto ng silid ni Colton, magpapaalam siyang aalis na. Nakahanda na ang lahat ng gamit niya na iniwan niya muna sa sariling silid. Isang paalam na lang ang kulang para makaalis na siya ng tuluyan.

Naabutan niya ito sa balcony na mukhang malalim ang iniisip. Tanaw ang buong Villa Altaraza kasama ang resort. Pababa na ang araw.

"Ahm, aalis na ako." Aniya.

Napansin niya kanina sa swimming pool area na kausap nito ang kapatid, sa wari niya ay Carter ang pangalan niyon at nakita niya na din ang lalaki nang gabing una niyang nakita si Colton.

Mukhang masinsinan ang pag-uusap ng magkapatid kaya hindi na muna siya nanghimasok para magpaalam.

"Call me once you arrive in Samar." Bilin nito nang hindi siya tinitignan.

Karen nodded her head. "Sige."

Mabigat ang loob niya hanggang sa makasakay siya ng taxi papunta sa airport. Kung bakit? Siguro ay dahil naramdaman niya ang biglaang paglamig ng pakikitungo sa kanya ni Colton. But the deal is a deal, right?

May babalikan pa siyang trabaho sa Villa Altaraza. Iyon ang isniksik ni Karen sa isip niya habang nasa byahe siya para naman kahit papano ay mapanatag ang loob niya.

MALAKAS at galit na boses ng Auntie Anizza niya ang narinig niya habang papalapit sa bahay nito. Hindi iyon magandang salubong para sa kanya lalo at ilang buwan na siyang hindi nakakauwi, tapos ganito?

"Ang tagal ko ng nagtitiis sa inyong magkakapatid! Kung palayasin ko na lang kaya kayo?!"

"Auntie, huwag naman po." Nagmamakaawa ang boses na iyon ni Raquel. "Magpapadala na naman si ate sa katapusan, makakabayad na po kami ng upa sa inyo. Kailangan lang po namin ngayon ng pera para sa gamot ni Raissa. Bukas pa kasi magpapadala si ate. Hindi siya makalabas sa Villa."

"Wala akong ipapautang sa inyo!"

Nasa bungad na siya ng pinto. Tanaw niya na ang itsura ni Raquel na halos maiyak na pero ang tiyahin nila ay nanatiling bato. Para itong dragon na binubugahan ng apoy ang kapatid niyang unti-unti ng natutupok.

"Sige na Auntie..." Akmang hahawakan ni Raquel ang kamay ng matanda ngunit iwinaksi lang nito 'yon pero nagpumilit ang kapatid. "Kahit magkano po—"

"Sinabi ng wala!" Tapos ay itinulak ang kapatid niya na muntik ng masubsob.

Pigil ang luha niya nang pumasok ng bahay at marahan na itinayo si Raquel na halatang nagulat sa pagdating niya.

"A-ate? Ate!" Tapos ay niyakap siya ng mahigpit.

Kahit gusto niya ng umiyak ay hindi niya ginawa. Wala sa isipan niya ang pagpapakita ng kahinaan lalo at kaharap ang kapatid niya.

"Oh! Nandito ka pala. Mabuti naman." Nameywang sa kanila ang Auntie Anizza.

"Hindi niyo naman ho kailangan saktan ang kapatid ko, Auntie." Kalmado lang ang boses niya pero sa totoo lang ay masama ang loob niya sa naabutang eksena.

At siguradong mas sasama lalo ang loob niya kung malaman niya na pinagmamalupitan ng tiyahin ang mga kapatid niya tapos ay wala siyang kaalam-alam.

"Makulit 'yang si Raquel! Sinabi ko ng wala akong ipapautang pero sadyang mapilit!"

"Kahit na ho. Hindi niyo pa din sana itinulak. Paano kung sumama ang bagsak niya sa sahig? Panibagong problema na naman."

Tumaas lang lalo ang pagkakaarko ng kilay ng tiyahin. Hindi siya nakakaramdam ng takot, kundi masama talaga ang loob niya sa nasaksihan.

"Ate, huwag ka ng makipagtalo. Please..." Halos pabulong sa kanya ni Raquel, mahihimigan ang takot sa boses nito.

"Magpupunta ho muna kami sa Hospital." Tinalikuran sila ng tiyahin nang magpaalam siya.

Ang mahalaga sa ngayon ay mapuntahan niya ang bunsong kapatid na tiyak na matutuwa kapag nalaman na naroon siya.

Inilagay niya muna ang traveling bag niya sa silid ng mga kapatid. Isang silid lang iyon na may tatlong kama at isang banyo. Inuupahan pa nila sa tiyahin buwan-buwan iyon, pero wala naman kaso sa kanya iyon basta maayos ang lagay ng tatlo.

Maayos nga ba talaga?

Ipiniling niya ang ulo sa negatibong tanong na 'yon ng isang bahagi ng utak niya.

MADILIM na nang maalala ni Karen si Colton. Ilang oras na ang nakakalipas ng makauwi siya at nakalimutan niya na ang bilin ng binata sa kanya. Shit!

Mabilis na kinuha niya ang cellphone sa sling bag at muntik ng mabitawan iyon ng biglang tumunog.

The call is from unregistered number.

Wala siyang numero ni Colton, paano niya nga pala iyon tatawagan o ititext?

Natapos ang pag-ring ng hindi niya nasagot. Tinignan niya ang message box niya. Tatlong message ang nando'n from unregistered number. She read the message.

It's me Colton. Where are you?

Lihim niyang kinagat ang labi. Paano nalaman ng binata ang numero niya? At bakit ba kinikilig siya?

Where the fuck are you?!

Napangiwi siya sa pangalawang mensahe.

Answer your fucking phone!

Bago pa man din siya makapagreply ay tumunog na ulit ang cellphone niya. Kinakabahan na sinagot niya iyon.

"Hello—"

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga text messages ko!? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?!" That angry voice from other line making her bit her tongue. "K!" Halos mapaigtad siya sa boses ni Colton.

"S-sorry..." Iyon lang tangi ang nasabi niya.

Isang malalim na buntong hininga sa kabilang linya ang narinig niya. Ilan segundong katahimikan ang namayani bago iyon binasag ng binata.

"Did you arrive safe?"

Lahat ng pangamba sa dibdib niya ay biglang nawala dahil sa paos na boses nito. Alam niya na kalmado na ito. That easy?

"Y-yes... Medyo naging busy lang kanina. Pasensya na talaga, Colton. Hindi kita natawagan para sa oras ng pagkain at pag-inom mo ng gamot."

"Dot forget to call me tomorrow."

Tumango-tango siya na para bang kaharap lang ang kausap.

"P-pangako. Hindi ko na kakalimutan."

"How's Raissa?" Pag-iiba nito ng usapan na nagpangiti sa kanya.

Nakakatuwa lang isipin na bukod sa natandaan nito ang pangalan ng kapatid niya, nararamdaman niya din na may pakialam ito sa kung anoman ang pinagdadaanan nila.

She doesn't want to assume but she could feel him care about her. Or maybe, he pity her?

Iwinaglit niya sa isipan niya ang bagay na 'yon at sinipat niya ang bunsong kapatid na natutulog sa hospital bed.

"Bumaba na ang lagnat niya. Hindi na ako masyadong nag-aalala. Thanks God." Napapagod na napasandal siya sa inuupuan. "Sino pala ang kasama mo bukas sa doctor?"

"My brother."

"'Yung kausap mo kanina?"

"Nakita mo kami?" He seems so alarmed.

"Oo, magpapaalam sana kasi ako sa iyo pero mukhang importante ang pinag-uusapan niyo kaya hinintay ko na lang na makabalik ka sa kwarto mo."

"Okey."

She check the time at her wrist watch.

"9:30pm iinom ka ng gamot ha." Paalala niya. "Kumain ka muna."

"I will."

Katahimikan.

Wala na siyang iba pang masabi kay Colton at mukhang gano'n din ito sa kanya. Nagpapakiramdaman lang sila kung sino ang tatapos ng usapan nila.

"Ahm, Colton..."

"Hmm?" Seems like he was waiting for her to talk first.

"Thank you ha." She bit her nail when he didn't speak. "Hayaan mo pagbalik ko riyan, aayusin ko pa lalo ang trabaho ko para makabawi ako sa iyo."

"Don't think about your job here for a moment. Enjoy your stay there with your siblings, K. How's Rachel and Raquel?"

And now that he mentioned the name of her two siblings, her smile widened in happiness. Natandaan talaga nito ang pangalan ng mga kapatid niya? Ang talas naman ng memorya ng gwapong ito.

"N-nasa bahay na sila. May pasok kasi bukas."

"Ate..." Napabaling siya kay Raissa nang tawagin siya.

Nagpaalam siya sa kausap. "Colton, mamaya na lang ulit ha." Hindi niya na hinintay na makasagot ang binata.

Dala ang cellphone nang naupo siya sa gilid ng hospital bed at nakangiting tinignan ang kapatid.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Masaya."

"Talaga? Wala ng masakit sa iyo?"

"Kasi nandito ka. Kaya wala ng masakit sa akin, ate."

"Asus! Nangbobola ka pa diyan." Marahan niya itong kiniliti sa bewang na mahinang ikinabungisngis ng bunso nila.

"Ate, magkakasama na ba tayo? Dito ka na ba magtatrabaho?" Napawi ang ngiti niya bigla.

Gustuhin niya man ang ideya na iyon ay alam niyang malabo pang mangyari 'yon sa ngayon.

"H-hindi, Raissa. Binigyan lang ako ng short leave ng boss ko kaya nakapunta ako dito." Nakita niya ang lungkot na bumalatay sa maliit na mukha ng bunsong kapatid. She sighed. "Hayaan mo, kapag tapos na ang trabaho ko, dito na ako titira kasama niyo."

"Kailan 'yon ate Karen?"

Pinaglaruan niya ang maliliit na daliri ng kapatid, malungkot siyang napangiti. Kung pwede lang manatili na lang siya kasama ang mga ito ay gagawin niya.

Makakahanap siya ng trabaho dito pero hindi kasing laki ng kinikita niya sa Manila lalo pa ngayon na private nurse siya ng isang anak mayaman. Halos triple ang sweldo niya kay Colton na talagang ikinabigla niya. She can't just give up her job with him!

"K-kapag gumaling na ang boss ko."

"Ate, ilipat mo na lang kami ng bahay."

Kumunot ang noo niya sa biglaang request ng kapatid.

"Bakit?" Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Raissa..." Mahinahon ang boses niya. "Give me one good reason kung bakit gusto mong lumipat ng bahay?"

"P-pinapalo ako palagi ni Auntie Anizza kahit kaunting pagkakamali lang. Ayoko na sa bahay niya Ate..."

Pakiramdam niya nanikip bigla ang dibdib niya sa pinaghalong galit, sama ng loob at sakit. So it's true?! Pinagmamalupitan ang mga kapatid niya ng kanilang tiyahin?!

Pinilit niyang pinalakas pa ang loob para ipakita sa kapatid na hindi siya nasasaktan sa nalaman.

"B-bad si Auntie sa iyo?" Her voice is shaking. Raissa nod her head. "K-kay ate Raquel at Rachel, b-bad din ba siya?" Muli ay tumango lang ang bunso nila.

Hindi alintana ang pagtitimpi sa boses niya na huwag umiyak.

Naaawa siya sa mga kapatid niya. Hindi niya akalain na gano'n ang trato sa mga ito ng tiyahin nila! Natutunaw ang puso niya, masakit. She felt so guilty at herself for leaving her siblings with a monster!

"Ate, huwag mong sasabihin kay Auntie na ako ang nagsumbong sa iyo ha?" Napaka inosente na pakiusap nito sa kanya. Kumurap-kurap siya, nangangamba na mahulog ang mga luha sa mga mata bago marahan na tumango. "K-kasi ayokong paluin niya ako. Masakit siya mamalo ate." Kita niya ang takot sa mata ni Raissa.

Naikuyom niya ang kamao sa galit. Hindi niya papalagpasin ang bagay na 'to! Walang pwedeng manakit sa mga kapatid niya!

"H-hindi sasabihin ni ate." Pilit niyang nginitian si Raissa upang mapanatag ito. "Magpahinga ka na at magpagaling para makapaglipat na tayo ng bahay."

"Talaga?" Umaliwalas ang mukha ng bunsong kapatid. "Salamat, ate! Mahal kita."

Niyakap niya ito at hinayaan na mahulog ang butil ng luha na kanina pa gustong kumawala.

"M-mahal ko din kayo. Mahal k-kayo ni ate." She whispered, trying not to sob.

Kumikirot ang puso niya sa imahe na sinasaktan ang mga kapatid niya. Hindi siya makapapayag na maulit ang mga pananakit ng tiyahin niya. Kailangan niya gumawa ng hakbang para matigil na ang pananakit na 'yon ng tiyahin.

MATAMAN niyang tinitignan si Raquel at Rachel na hindi makatingin sa kanya ng deretso. Nasa labas sila ng silid ni Raissa, para kung sakaling tawagin sila ng bunso ay maririnig agad nila.

"Uulitin ko, sinasaktan ba kayo ni Auntie Anizza?" Hindi pa din sumagot ang dalawa. Nagsisikuhan pa. Malalim siyang bumuntong hininga. Kumukuha ng mahaba pang pasensya. "Rachel,"

"Ate..."

"Umamin na kayo. Sinabi na sa akin ni Raissa na pinapalo siya ni Auntie. Anong ginagawa niyong aksyon para protektahan ang kapatid niyo?"

"U-umiiyak na lang..." Mahinang sagot ni Raquel. Nasapo niya ang noo.

"S-sinasaktan din ba kayo ni Auntie?" Sabay na tumango ang dalawa bilang kompirmasyon. "Bakit hindi niyo sinasabi sa akin?!" Tumaas ang boses niyang bigong-bigo, ikinaigtad iyon ng mga ito.

"Ate... S-sorry." Rachel voice almost crack. Kung takot sa na umamin sa kanya o takot sa tiyahin nila ay hindi niya na alam. "Ayaw ka namin mag-alala kaya hindi namin sinasabi sa iyo. Saka kaya naman namin 'yung sakit—"

"Tama na!" Nasasaktan na awat niya at tumalikod sa dalawa para hindi makita ang mabilis na pagbagsak ng luha sa pisngi niya.

Kagabi, halos hindi siya makatulog dahil sa sobrang sama ng loob niya. At babaunin niya ang sama ng loob niya kapag hindi niya hinarap ang tiyahin nila.

"H-huwag mo ng ipaalam kay Auntie Anizza na sinabi namin sa iyo. Magagalit iyon sa amin ate. Sigurado ako na papaluin niya na naman kami." Mariin siyang napapikit sa pakiusap ng kapatid.  "Ate Karen, please..."

Marahas na pinunasan niya ang mga luha bago hinarap ang dalawa. Makailang beses siyang humugot ng hangin sa dibdib upang pakalmahin ang sarili.

"Pumasok na kayo sa loob." Turo niya sa kwarto ni Raissa.

"Pero ate—"

"Pasok!" Galit na sabi niya dahilan kung bakit nagkukumahog ang dalawa na pumasok.

Inayos niya ang sarili bago lumabas ng Hospital. Hindi niya kayang palagpasin ang ilang pang oras na hindi nakakausap ang tiyahin. Saktan na siya, huwag lang ang mga kapatid niya!

MATALIM na tingin ang ipinukol ni Colton  sa kapatid nang walang pakundangan na pumasok sa silid niya. Prenteng naupo sa couch si Carter, tapos ay binigyan siya ng isang mapaglarong tingin nang makita si Karen na mahimbing na natutulog sa kama niya.

After they talked about her siblings and done with their deal, he let her sleep on his bed. Is it big deal? Well, no other woman sleep on his bed here in their mansion even Gail. He didn't usually stay there though, not until the incident happened to him. So it's really nothing. Right? He convince himself.

"Dito na ang bagong silid ng nurse mo?" Carter voice was sarcastic.

"Shut up," A low chuckled escape his brother's mouth, making him shoot him a dagger looks. "Why are you here?"

"I miss the Villa."

"Since you are here, ikaw na lang ang sumama sa akin bukas."

"Where?"

"Sa orthopedic. My doctor will check my leg." Muli ay lumipad ang tingin nito sa dalaga. He doesn't like it. "Quit staring at her!"

"Oh-oh," Nagtaas ito ng dawalang kamay, senyales na hindi papalag sa kanya. "Bakit ako? May nurse ka naman."

"She will leave tonight and don't ask why." Pinagulong niya ang wheelchair malapit sa pinto. "Let's talk outside."

Walang nagawa ang kapatid kundi sumunod sa kanya. Ito ang nagtulak ng wheelchair niya hanggang sa makarating sila sa swimming pool area.

"I remember that girl." Carter said as he look around the mansion. He was referring to Karen. "What did you do, Colton?"

"It's none of your business, Kuya."

Nagpalakad-lakad ito sa gilid ng swimming pool. Tantiyado ang bawat hakbang, tila tinitignan ang repleksyon sa tubig. Nag-aagaw na ang liwanag ng umaga at tanghali.

"One of Howell's nurses?" Colton remain silent, but yes is the answer. "Akala ko sa dilim lang siya maganda..." Tumalim ang mata niya na kulang na lang ay tumaob sa tubig ang kapatid, but Carter doesn't seem to bother. "Mas maganda pala ang nurse mo kapag maliwanag."

"Mind your own business and stop talking about K."

"Uh? You have an endearment for your nurse?" Then he whistled playfully.

He show him his middle finger making his brother laugh at him. This annoying fucker starting to piss him off!

"Nakausap mo na ba?" Pag-iiba niya ng usapan sa mas kalmadong boses.

"Ayaw makipag-usap. Huwag mo ng pilitin ang ayaw." Carter take a quick glance at him to see his reactions but he remain stoic. "Get a replacement instead."

"Easy to say..." He murmured sarcastically.

"I was stalking her in Manila. If I were you, I will set myself free. Women are just around, why stick to someone who only love you at your best but leave you at your worst?"

"Stop!" His jaw clenched. But what his brother said hit something on him.

"You know what, Gail wanted is for you to walk again. So if you really want her in your life. You better fix your mess and learn to walk again."

Hindi na siya nag-abala pang sumagot sa kapatid. Alam niya naman na iyon ang gusto ng dating kasintahan para balikan siya at tanggapin ang marriage proposal na inalok niya. Bigo siya na makamit ang matamis na oo ng babae dahil sa kalagayan niyang inayawan nito!

The result of his marriage proposal at Gail frustrates him and it hurts his ego! Damn it!

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 112K 50
[PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC.] Have you ever made the most stupid mistake in your life? I don't know which one is mine, is it introducing t...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
826K 22.1K 51
POLY SERIES #1 Yung pinagpanggap ka ng kambal mo bilang sya at kapalit ay titira kasama ng asawa nya pero nabigla ka ng hindi lang isa kundi apat at...
122K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...