It Started At 7:45

By LightStar_Blue

229K 10.2K 1.6K

Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan la... More

It Started At 7:45
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Epilogo
Epilogo 2
Liham
New Historical Fiction Story
Facts About It Started At 7:45
El Hombre en Mi Sueño

Kabanata 12

4.9K 251 36
By LightStar_Blue


Kabanata 12:


Marahan kong tinupi ang sulat na galing kay Gabriel. Paano naman ako nito makakalabas kung mag-a-alas otso na? Ayaw pa naman ni ina na lumabas pa ako ng ganitong oras. Bakit naman kasi makikipag-meetup sa akin si Gabriel ng ganitong oras? Napatingin ako sa salamin. Nakapantulog na rin ako.


Ayoko rin namang maghintay doon si Gabriel. Napahawak ako sa sentido ko. "Naku naman Gabriel, wrong timing ka rin 'no?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ang isang pañuelo. Agad kong 'yun sinuot. Nilagay ko rin ang isang kulay pulang belo na nakapatong sa higaan ko. Hindi na ako magpapalit ng baro't saya. Aksaya sa oras. Bahala na si batman.


Dahan-dahan kong binukas ang pintuan. Wala nang nakabukas na lampara sa hallway at tanging sinag ng buwan na lang ang nagsisilbing liwanag. Marahan lang akong naglakad para hindi ako makagawa ng ingay. Nang makababa na ako ay sa likod ng bahay ako dumaan para easy na sa akin ang pagpunta sa tree house.


I smiled. Buti naman at maliwanag ang daan dahil kay precious moon. I thought I will use candle papunta doon. Tinakbo ko na ang papunta sa tree house. Nang nasa baba na ako ng tree house ay may munting liwanag doon. Agad akong umakyat at nakita ko si Gabriel doon. Nakaupo at nakadungaw sa bintana.


"Gabriel."


Napalingon siya sa akin at ngumiti. Naks naman puso, nag-party ka na naman. "Magandang gabi, Señorita Keira."


"Magandang gabi rin sa iyo." Lumapit ako kay Gabriel. "Bakit mo pala ako pinapapunta dito?"


"May sasabihin ako sa'yo Señorita."


Ngumiti ako. "Baka naman makalimutan mo na naman ang sasabihin mo." Bahagya akong tumawa sa joke ko. Pero walang responds kay Gabriel. Supah dupah serious siya ngayon. "Uy sineryoso mo naman, biro lang 'yun."


Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan ni Gabriel ang likod ng palad ko. "Sa susunod na araw ay uuwi na aming magulang."


"Mabuti iyon! Sa wakas magkikita na ulit kayo." Umiwas ako ng tingin kay Gabriel. Nakadama kasi ako ng inggit sa kanya na buti pa siya makikita na niya ang parents niya while me, never ko na atang hindi makikita ang parents ko. Bigla akong niyakap ni Gabriel na ikinagulat ko. "G-Gabriel?"


"Pagbigyan mo ako, kahit ngayon lang Señorita Keira na ika'y aking mayakap." Humigpit pa ang yakap niya sa akin. "Pakiramdam ko ay matagal pa bago kita mayakap o baka hindi na. Pakiramdam ko rin na baka hindi na tayong magkita muli."


Napakunotnoo ako. "Bakit mo naman nasabi na baka hindi na? Inuunahan mo naman ang desisyon ko sa'yo Señorito Gabriel?" Masyado naman kasing assuming itong si Gabriel. May plano naman akong sagutin siya ah. Kaso sa tamang panahon. Ayoko na agad-agad kami na. Kahit Millenial ako, nasa katauhan ko pa rin kahit papaano ang dalagang Pilipina.


"May nararamdaman lang talaga akong may hindi magandang mangyayari."


Gumanti ako ng yakap sa kanya. "Hindi 'yan totoo, Gabriel. Minsan hindi totoo ang mga ganyang bagay dahil ginugulo lang tayo ng ating isipan." Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at ngumiti. Hinaplos ko ang mukha niya. "Kaya huwag kang mag-alala."


Ngumiti na ulit siya at hinuli niya ang kamay kong humahaplos sa mukha niya. Hinalikan niya ang kamay ko. "Siguradong pupunta kayo ni tiya Lucita sa amin kaya magkikita tayong muli at makakapunta ka na ulit sa amin. Tiyak akong matutuwa si Anastasia niyan."


"Eh ikaw, matutuwa ka ba na pupunta ako sa inyo?"


Tumango siya. "Oo at sasabihin ko sa aking magulang na ang pinakamagandang babae sa mundo ay aking sinisinta at pakakasalan, ikaw iyon Señorita Keira."


Bigla akong namula. Geez! Nambola pa ang lalaking ito, grabe. Kinikilig naman si ako at nagpa-party naman puso ko. Naku! Iba na talaga ito Keira. "Bolero ka pala Señorito Gabriel."


"Hindi kita binubola. Pawang katotohanan lamang ang aking sinasabi." Tumayo na siya at nilahad ang kanyang kanang kamay. "Isa kang tunay na napakaganda at natatanging mukha. Ang isang tulad mo ay dapat lang na ihatid ng isang binatang nababagay sa'yo."


"Sus, makasabi ka ng natatanging mukha eh kamukha ko nga ang iyong pinsan na si Luciana."


Napakunotnoo siya. "Hindi ko nakikita sa iyo ang aking pinsan. Nag-iisa lang ang iyong ganda, na parang diyamante napamahalaga't napakaganda."


Lalong namula ang mukha ko. Grabe itong lalaking 'to! Lakas maka-pickup lines. Humawak ako sa kamay niya at sabay kaming naglakad papunta sa pintuan ng tree house. Nauna na bumaba si Gabriel at sumunod na ako. Nang nasa ika-tatlong baitang na ako ng hagdanan ay biglang nadulas ang paa ko kaya pumikit na lang ako inaabang ang pagbagsak ko pero iba ang dumaing nang bumagsak ako. Pagdilat ko ay nasa likuran ko si Gabriel at nakapikit siya. Agad akong umalis sa ibabaw niya.


"G-Gabriel? Gabriel?" Hindi siya dumidilat. Kinabahan ako. "Gabriel! Dumilat ka. G-Gabriel." Nabagok ba si Gabriel. I can't see clearly if may sugat siya or baka nagka-internal bleeding siya. "Gabriel, hoy Gabriel! Gumising ka, magagalit ako sa iyo kapag hindi ka gumising." Wala pa ring responds sa kanya. "Gabriel." Tumulo ang luha ko. Paano kung hindi na nga gumising si Gabriel? "Gabriel, ang duga mo! Ang sabi mo pakakasalan mo ako, bakit ayaw mo gumising?" Napahagulgol na ako. "Hindi ko kaya kapag nawala ka, mahal na kitang lalaki ka. Paano na ako nito?"


Biglang hinawakan ni Gabriel ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Isang Gabriel na dilat ang kanang mata. "Señorita Keira, huwag ka na umiyak." Pinunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi. "Hindi ko aakalaing magtatapat ka ng pag-ibig sa akin habang nakapikit ako't inaakala mong hindi na ako gigising." Ngumiti siya sa akin.


Nanlaki ang mata ko. So act lang pala na magpatay-patayan sa harap ko? Pinagpapalo ko siya sa dibdib niya. "Nakakainis ka! Akala ko wala ka na! Pinag-alala mo ako, dapat hindi mo na lang ako sinalo para hindi ako mag-alala ng ganito!"


Hinuli niya ang kamay ko at niyakap niya ako. "Paumanhin Señorita Keira sa aking nagawa. Paumanhin at nagawa kitang mag-alala pero hindi ko hahayaang mahulog ka roon kaya kita sinalo. Ayoko na masaktan ang babaeng labis kong minamahal."


Nanahimik ako at nawala na lang na parang bula ang inis ko kay Gabriel. I feel that he kissed me on my forehead. Sumikdo ang puso ko. Damang-dama ko rin ang bilis ng tibok ng puso ni Gabriel.


"Gustong-gusto ko na tinawag mo ako sa aking pangalan lamang, Señorita Keira. Na walang kasamang Señorito. Ang sarap pakinggan." He brush my hair.


Lumayo na ako sa kanya. "Señorito Gabriel, kailangan ko na umuwi. Baka tingnan ako ni ina Lucita sa aking kwarto." Tatayo na dapat ako nang pinigilan ako ni Gabriel.


"Ayokong umalis tayo dito na hindi ako nalilinawan. Totoo bang minamahal mo na ako, Señorita Keira?"


Umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko bigla 'yung feeling ng mga nagtatapat ng pag-ibig sa isang tao.


Marahan niya akong iniharap sa kanya. "Sagutin mo ako, Señorita Keira."


Sobrang lapit namin sa isa't isa. "Aaaah."


"Sige na Señorita. Sabihin mo na."


Napapikit ako. Sige magtatapat na ako kahit hindi pa nagtatagal ang pangliligaw ni Gabriel sa akin. Tumango ako. "Oo, mahal kita Señorito Gabriel."


Nanlaki ang mata niya at niyakap niya ulit ako. Aba nakakadami na ng yakap ang lalaking ito pero okay lang. Feels ko naman ang yakap niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "Hindi ka magsisisi sa desisyon mo, Señorita. Pangako iyon."


Naluluha tuloy ako. Tears of joy. Sarap magpasabog ng tears of joy emoticon with matching heart sign. "Pangako mo iyon, Señorito Gabriel."


"Gabriel na lang aking mahal." Pinagdikit niya ang aming noo.


"Gabriel." Sabay kaming napangiti at dahan-dahang naglapat ang aming labi. A gently and sweet kiss. That was my first kiss and I am happy that he was my first kiss.


"Mahal na mahal kita, Keira."


Ngumiti ako ng sobrang tamis. "Mahal na mahal rin kita, Gabriel."


Tumayo si Gabriel at inalalayan niya akong tumayo. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa bahay ni ina. Alam kong magagalit si ina sa mabilis kong desisyon pero ipapakita namin ni Gabriel na tama ang desisyon ko.


Nang malapit na kami sa likod ng bahay ay huminto na kaming maglakad. Hanggang dito lang kami dahil baka makita kami ng mga katulong ni ina Lucita. Humarap sa akin si Gabriel at hinalikan niya ako sa noo. "Paalam aking mahal, magandang gabi sa iyo."


"Magandang gabi rin sa iyo. Sana'y makatulog ka ng mahimbing."


"Siguradong ako'y makakatulog ng mahimbing." Ngumiti siya.


Napalingon ako sa bahay ni ina. "O sige uuwi na ako." I kiss him on his cheeks bago tumakbo papunta sa bahay na sobrang saya.


-----


"Keira, anak matagal ka pa d'yan?"


"Sandali lang po." Itinupi ko ang sulat na ibibigay ko kay Gabriel. Three days na ang nakalipas nang huli naming kita ni Gabriel at sulat lang ang naging communication namin. Masasabi kong mas the best talaga ang letter sending kaysa chat at text message. Agad ko iyong itinago sa aking suot na damit. Gusto kong personal na ibigay ito kay Gabriel.


Nagmadali akong bumaba at sinalubong ng isang ngiti si ina Lucita.


"Mukhang sabik kang pumunta kina kuya dahil ba iyan kay Gabriel?"


Umiwas ako ng tingin. "Hindi po. Gusto ko lamang makilala ang magulang ni Anastasia at Señorito Gabriel."


"Hmn kilala kita, Keira."


Lumapit ako kay ina at yumakap sa kanya. "Ina halika na po, baka matagalan tayo sa daan."


Ngumiti sa akin si ina at naglakad na kami palabas ng bahay. "Naku hija, hala sige mauna ka na sumakay sa karwahe at may nakalimutan lang akong kunin."


Tumango ako at sumakay na sa karwahe. Sobra akong excited na makita si Gabriel. Napatingin ako sa bintana para tingnan si ina. Kumunot ang noo ko. "Bakit nandito si Matias?" Nakikita kong nagtatawanan sila pero hindi ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Sabay silang napatingin sa gawi ko. Ngumiti si Matias at kumaway pa kaya gumanti ako ng ngiti. Lumayo na ako sa bintana at umayos ng upo. Hihintayin ko na lang si ina.


Nagdaan pa ang ilang minuto bago pumasok sa loob si ina Lucita na nakangiti. Nag-umpisa na ring gumalaw ang karwahe. Ilang minutong katahimikan bago nagsalita si ina. "Napakabait talaga ng batang iyon."


"Sino po?"


"Si Señorito Matias. Isang napakamabait, maginoo at matipunong binata." Napatingin siya sa akin.


Tumango naman ako bilang agree.


"Ang isang tulad niya ang nababagay sa iyo anak."


"Hindi po ina." Ngumiti ako. "Ang katulad po ni Señorito Gabriel ang tipo ko ng lalaki. Maginoo, maalaga, mabait, napakamakisig, matulungin at nasabi ko na po ba na maginoo?"


Napailing si ina. "Umiibig ka na talaga sa pamangkin ko. Kung si Señorito Matias ay ligawan kung saka-sakali, mas pipiliin kong siya ang iyong sagutin ng matamis na oo kaysa sa pamangkin ko." Tumingin sa bintana si ina Lucita. "Hindi nababagay sa iyo si Gabriel."


Nakadama ako ng kirot sa sinabi ni ina. Paano na lang kapag nalaman niyang magkasintahan na kami ni Gabriel? For sure magagalit siya sa amin. Yumuko na lang ako para hindi mapansin ni ina na sobrang lungkot ko.


----


Ngumiti ako sa umalalay sa aking bumaba ng karwahe. Nang pagtingin ko sa bahay ay isang nakangiting Gabriel ang bumungad sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ako. Deep inside gusto ko siyang yakapin kaso kapag ginawa ko iyon baka i-bash ako ni ina Lucita at sabihing wala ako sa England para gawin ang bagay na iyon. Geez, ang hirap talaga magpakadalagang Pilipina.


Nagmano si Gabriel kay ina. "Masaya po akong makita kayo, tiya."


Ngumiti si ina Lucita sa kanya. "Ako rin, Gabriel." Pinisil pa ni ina ang ilong ni Gabriel.


"Tiya! Nakakahiya po kay Señorita Keira."


"Bakit? Ginagawa ko naman ito palagi sa iyo noong bata ka pa."


"Hindi na po ako bata, tiya." Namumulang sabi ni Gabriel kaya natawa ako. Ang cute kasi ng mukha niya. Napa-peace sign tuloy ako. Baka magtampo eh.


"Naku binata na talaga ang aking pamangkin." Pumasok na sa loob si ina at nagpaiwan naman ako.


Inabot ni Gabriel ang kamay ko at hinalikan niya iyon. "Masaya akong makitang muli ang aking sinisinta."


Namula ang pisngi ko. Grabe ang lalaking ito. Hindi man lang ako binigyan ng signal na kikiligin ako sa sinasabi niya. "A-Ako rin." Ngumiti ako.


"Maglibot muna tayo habang hindi pa handa ang pagkain. May hinihintay pa kasing bisita ang aking ama."


Tumango ako. Mas gusto ko ang idea na iyon. Holding hands kaming naglakad papalayo sa mansion nila. Kahit feeling awkward ako kasi alam kong may nakakakita sa amin ang maybe makita rin kami ni ina Lucita, okay lang sa akin. Enjoy ako na ka-holding hands ang lalaking ito.


"Natanggap mo ba ang sulat na pinadala ko?"


"Oo." Napangiti ako. Naalala ko ang sulat ni Gabriel na wagas magpakilig. Kinuha ko sa suot kong damit ang sulat ko at binigay iyon kay Gabriel. "Basahin mo kapag ikaw lang mag-isa."


Napangiti si Gabriel. "Bakit hindi maari ngayon?"


Umiwas ako ng tingin. "Nahihiya akong basahin mo kaya kapag solo flight este ikaw na lang mag-isa mo basahin iyan."


Binitawan niya ang kamay ko. May pagkapilyo ang ngiti niya at nanlaki ang mata ko dahil bubuksan na niya ang sobre.


"Wag!" I try my best para makuha ang sobre at nilalayo niya sa akin iyon dahil sadyang matangkad si Gabriel ay hindi ko maabot. Ang ginawa ko ay tinamaan ko ang kaliwang tuhod niya kaya napaluhod siya. That was my chance para makuha ko ang sulat. Nang maabot ko na ay hinila ako ni Gabriel at sobrang lapit na ng mukha namin. "G-Gabriel."


Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Babasahin ko ito sa kwarto, huwag kang mag-alala." Tumayo na si Gabriel at inalalayan akong tumayo.


Marahan ko siyang hinampas sa balikat. "Lakas ng trip mo sa buhay."


"Tirip?"


"Aah ang lakas mo magbiro talaga, hehe." Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba 'yan. Sa susunod tuturuan ko na mag-english si Gabriel para alam niya kung ano ang pinagsasabi ko.


Tumawa siya kaya ngumiti ako. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Naglakad kami papunta sa garden ng nanay ni Gabriel. Lumawak ang ngiti ko nang lalong gumanda ang garden. "Ang ganda na dito." Gumala ang tingin ko sa garden.


"Tama ka lalong gumanda nang nandito ka na."


Napalingon ako kay Gabriel at nakatingin lang siya sa akin. "Aaah." Umiwas ako ng tingin. Geez! Feels na feels ko na red na ang cheeks ko. Naglakad ako papalayo kay Gabriel at umupo sa damuhan.


"Tumayo ka muna aking mahal."


Lalong namula ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Tumayo kaagad ako. Mahal talaga Gabriel? Grabe ka magpakilig.


May kinuha siya sa bulsa niya. Isang panyo at nilatag niya iyon sa damuhan. "Hayan, maaari ka na umupo."


Umupo na ako at tumabi sa akin si Gabriel. Napatingin ako sa langit. Magdidilim na at may mga bituin na akong nakikita. "Ang ganda ng langit."


"Siyang tunay. Paborito kong pagmasdan ang langit."


Ngumiti ako. "Nakakita ka na ba ng bulalakaw?"


Tumango siya sa akin. "Bakit mo natanong?"


"Ang sabi nila kapag nakakita ka raw ng bulalakaw sa langit ay humiling ka. Hiling na gustong-gusto mong matupad." Napaturo ako sa langit na tuluyan nang dumilim. "Dahil maaring tuparin ng bulalakaw na iyon ang hiling mo."


Humarap si Gabriel sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko na kailangan pang humiling dahil natupad na ang aking kahilingan at ikaw iyon."


Napangiti ako ng sobrang tamis. Ano ba naman ang lalaking ito? Kulang na lang dumugin kami ng mga langgam sa sobrang flowery words ng lumalabas sa bibig niya. Hinaplos ko ang mukha niya. "Ako rin." Hindi ko naman kasi alam na makikita ko pala dito ang first love ko. Hindi ako na-inform na sa panahong 1889 pala siya makikita.


Pinagdikit ni Gabriel ang noo namin. "Mahal na mahal kita, Keira." Buong suyo niyang sabi.


"Mahal na ma—"


"Nandito ka lang pala, Gabriel."


Sabay kaming napalingon ni Gabriel sa nagsalita. Isang may edad na lalaking kamukha ni Gabriel. Siya siguro ang tatay ni Gabriel. May kasama siyang isang babae.


"Ama!" Tumayo si Gabriel at inalalayan niya akong tumayo. "Bakit po kayo nandito?"


"Dahil kanina ka pa namin hinahanap." Napatingin ang ama ni Gabriel sa akin. "Ikaw siguro ang pamangkin ng aking kapatid. Tama nga sila, kamukha mo si Luciana." Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako.


"Ama mauna ka nang bumalik sa mansyon. Susunod na kami ni Señorita Keira—"


"Hindi maaari. Hinanap ka ng iyong mapapangasawa kaya dapat lang na sabay kayong bumalik roon." Marahang lumapit sa amin ang babaeng kasama ng ama ni Gabriel at ngumiti sa amin.


Huminto bigla ang paligid ko sa narinig ko. Mapapangasawa ni Gabriel?


Naramdaman ko na hinawakan ako ni Gabriel sa kaliwang kamay ko. "Ama nagbibiro ka lang hindi ba. May ka—"


"Hindi ako nagbibiro hijo. Si Señorita Corazon ang iyong pakakasalan." Puno ng otoridad ang boses nito.


Para akong nabingi sa sinabi ng ama ni Gabriel sabay nun ay parang piniga ang puso ko. Ikakasal si Gabriel sa ibang babae. Isang arranged marriage na mahirap kontrahin sa panahong ito. Hinila ko ang kamay ko at tumakbo papalayo sa kanila.


"Keira!"


Galing iyon kay Gabriel at alam kong sinusundan niya ako. Tumulo ang luha ko. Sobrang sakit sa akin na malalaman kong ikakasal sa ibang babae. Ito ba ang ibig sabihin ni ina Lucita na hindi nararapat sa akin si Gabriel?


Tinatawag at sinusundan pa rin ako ni Gabriel. Nagbingi-bingihan ako. Gusto kong makalayo muna dito. Masakit kasi. Bakit ang duga ng tadhana? Kung kelan masaya na akong kay Gabriel bigla na lang niyang babawiin.


Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa mapunta na ako gubat. Damang-dama ko ang lakas ng hangin sa paligid ko at nagliliparan na rin ang mga tuyong dahon doon.


"Keira, huminto ka!"


Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Gabriel at patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Lalong lumakas ang hangin kaya napapikit ako. Makalipas ng ilang minutong pagtatakbo ko ay huminto na ang malakas na hangin at hindi ko na rin naririnig ang boses ni Gabriel. Tumakbo pa rin ako na umaagos ang luha sa pisngi at nanlalabo na rin ang mata ko.


Hanggang sa bigla akong nadulang at dumausdos pababa. Hindi ko napansin kanina na may maliit na bangin dahil sa takbo lang ako ng takbo. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa paggulong pababa pero mas masakit ang puso ko.


Nahinto lang ang paggulong ko at nasa isang sementadong daanan na ako. Unti-unti akong pumikit dahil sa panghihina ng katawan kong puno ng sugat at gasgas. "G-Gabriel."


-------


"Doc kailan po magigising ang anak ko?"


Boses iyon ni Mommy. "Mommy?" Mahina kong sabi bago dahan-dahang dumilat. Isang puting kisame. Nilibot ko ang paningin ko. Puting dingding, isang glass window, puting side table na may flower vase. Napatingin ako sa kanan ko. Si Mommy at isang doctor. Nasa present time na ako? Unti-unting tumulo ang luha ko. Bumalik na ako sa present time. "Mommy." Tawag ko kay Mommy at sabay sila ng doctor na napalingon sa akin.


"Keira!" Lumapit si Mommy sa akin at tumulo na rin ang luha niya sa pisngi.


"Mommy."


"Sssh, don't cry na anak. I'm here. You are safe now." Hinalikan ako ni Mommy sa noo na lalong nagpaiyak sa akin. It's real. Si Mommy nga ang nasa harap ko ngayon.


Umupo ako at niyakap ko si Mommy. "Mommy."


"Nandito na ako anak."

Continue Reading

You'll Also Like

416K 15.3K 64
Former A KPOPER IN 1894 [ Mariano Brothers Series #1 ] COMPLETED ✔️ Naniniwala ka ba sa Reincarnation? Pano kung malaman mong nabuhay ka na pala noon...
27.5K 1.7K 34
[Completed] Isang misyon ang nagdala saakin sa loob ng nobela, ang akda na may wakas na trahedya. Isang mundo sa loob ng kwento kung saan ako ang tat...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
57.8K 5.2K 65
Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristello na mukhang pera ang dormmate slash bes...