The Badboy's Rule (ON-HOLD)

By ObraMarca

9.2K 542 116

Clyde Lewis Samson. A fourt year student. Tall, handsome and the dream guy of all. He's popular in their scho... More

The Badboy Rule
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 16

297 17 2
By ObraMarca

Party


"Anong balita? Pumayag ba?" Tanong ni Arra sa amin. Naalala ko ng nangyari kahapon dahil sa tanong nya. Nasa school kami ngayon.


"Oo. Okay na. Nakausap na namin si Tita Sheena" natatawang sabi ni Keith habang tinitignan ako.


Mukhang naalala nya rin ang nakakabasag eardrum na bangayan nila Ace at Sean kahapon. Hindi ako tumawa, bakit ako tatawa eh wala naman nakakatawa. Bwisit. Palibhasa sarap na sarap sya kahapon habang nakikita akong nahihirapan, tuwang tuwa sya sa panunuod sa bangayan nila ace habang nasa pagitan ako at pinag aagawan.


"Ang saya mo ata? May nangyari ba?"


"Eh kase kahapon, pinag-aawayan nila Sean at Ace itong si Bianca----- ayy teka mali ata? I mean pinag aagawan sya kahapon. Sayang lang at wala ka, nag enjoy ka din sana" masayang sabi nya.


"Tumahimik ka nga dyan. Isa ka pa eh" iritadong sabi ko. Kasama din sya sa bangayan kahapo, ewan ko ba, pinaparusahan ata ako. Bat ko pa kasi nakasama ang tatlong isip bata na mga to? Ang sakit sa ulo.


"Nakakatuwa kasi talaga bwahahahaha!!!"

"Weh? Baka tumatawa ka lang para hindi namin mahalata na nagseselos ka?" Napangisi ako sa pang aasar ni Arra. Hindi ko mapigilang makipag high five. Whoo! Buti may kakampi ako.



"Hoy hindi ah! Asa ka pa" tinawanan lang namin sya at hindi na nagsalita.


"So ingayy" pagpaparinig ni Stella.


Oo nga pala. Nakabalik na ang bruha galing hospital, hindi siguro nakayanan ng mga doctor kaya pinalayas na. Pero hula ko babalik ulit sa hospital yan, nag-iinit ang ulo ko eh. Kanina pa sya sabat ng sabat, kapag hindi ko natantsa to ibabalik ko ulit sa hospital.


"Kung ako sayo, Stella. Mananahimik nalang ako. Kung tutuusin, second life mo na yan. Huwag mong hintaying mairita ako sayo. Ire-remind lang kita, mahirap mang isipin pero tao ka. Hindi ka pusa kaya wala kanang third life" sabi ko at pinakitaan sya ng matamis na ngiti. Nagkunot ang noo nya sa inis.


"Excuse me?!" Asar na sigaw nya. Napairap ako sa hangin, ang hirap pumick-up neto.


"Daan kana" walang ganang sagot ko habang winawagayway ang kamay.


"Ugh!! I really hate you"  sabi nya, hindi nya nagawang lunapit sakin. Subukan nya, alam naman nyang hindi ako nagbibiro sa mga banta ko.


Kung hindi ngalang sya pinatulan ni Sky, baka ako ang magiging dahilan kung bakit mapupunta sya sa hospital. Pero hindi ko naman gagayahin ang ginawa ni Sky, masyadong marahas yon. Kahit ingudngod ko lang mukha nyan sa pader, magpapahospital na kaagad. Maarte eh.

"May naalala ako, nasaan ka nga pala kahapon?" Tanong ko kay Arra pagkaharap ko sa kanya.


Umiwas sya ng tingin sakin at humarap nalang sa librong hawak nya.


"Wala naman, may inasikaso lang akong... aso kahapon" napatawa ako sa sinabi nya. Kailan pa sya nagkaroon ng aso?


"Aso??!"


"Oo, niligpit ko lang. Kahol kasi ng kahol" sabay kaming natawa sa sinabi nya.


Clyde's POV

"Atsaka alam nyo ba? Kung makadikit sya kahapon kay bianca, para syang ano... parang... lamok! Oo! Para syang lamok! Buong oras syang nakatabi kay Bianca. Akala mo naman mawawala si Bianxx sa bahay namin. Bobo ba sya? Nandito kaya ako! Pwede ko syang hanapin kung mawawala man sya. Grabe, kung nandon lang kayo kahapon. Nakakabwisit sya! Kung makaasta sya akala mo bestfriend sya ni Bianca. Ako kaya totoong bestfriend ni bianca, sya fake lang!" Pagtatalak ni Sean. Kanina pa nya kinukwento samin ni Sky ang nangyari kahapon. Ang totoo, si Sky lang talaga kausap nya, hindi naman ako nakikinig. Busy kong tinitignan ang gwapo kong mukha na nadungisan ngayon.


Gusto ko mang hawakan ang mala-adonis kong mukha ay hindi ko magawa. Masakit parin ito dahil sa mga pasa. Pansit na masarap! Kasalanan ito ng amazonang yon. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana ako nagtatago ngayon. Pinilit kong ayain sila Sky na magcutting dahil hindi ko gustong ibalandra ang mukha ko sa publiko, baka pagpyestahan pa ako ng mga babae dito. Alam ko namang gwapo parin ako kahit may bugbog sa mukha, ayoko lang talaga na mas lalong mainlove sakin ang mga kababaihan.



Oo nga pala, kung bakasakali mang tinatanong nyo kung nasaan ang gwapong si ako ngayon, nasa likuran kami ng building. Yes, tama kayo mga babes *wink*. Sa lugar ding ito tinadyakan ng amazonang yon ang 'kaibigan ko'.



"At hindi pa talaga sya nahiya. Gusto pa nyang sumama sa party nila Bianca sa Sunday. Ano namang gagawin nya doon? Magpapapansin na naman sya? Sa tingin ba nya hahayaan-------"




"Wait... What Party? What are you talking about?" Putol ni Sky sa sinasabi ni Sean. Nakinig din ako sa sasabihin ni Sean.


"Eh kase. Birthday ni Zafarra next week kaya nagtanong sila kay mama kung pwedeng sa private resort nila gagawin yung party. Iimbitahan nila lahat ng mga friends nila"


"Zafarra? Yung amazonang yon?" Natatawang tanong ko. Nice, ganda ng timing. Kumunot ang noo ni Sean sakin, hindi nagtagal ay napalitan ito ng tawa.


"Invited ba tayo?" Tanong ko sa tumatawang si Sean.


"Andyan ka pala Clyde, anong nangyari sa mukha mo?" Sabay gatong nya ng tawa, humawak pa talaga sya sa tiyan nya sa sobrang tuwa.


"May babae kasing na-cutan sakin kahapon. Pipisilin lang sana nya yung pisngi ko, kaya lang sa sobrang cute ko, diniinan nya kaya ayan, nagkapasa. So ano? Invited ba tayo?" Sarkastikong sabi ko at ngumiti. Knowing Sean, hindi nya iyon nahalata.


"Hindi ko alam kung invited kayo. Ako siguradong invited dahil bestfriend ako ni bianca. Tsaka resort namin yon" napapalakpak pa sya sa sobrang tuwa. Tumigil lang ng tinignan sya ng masama ni Sky.


"Yeah. That's your resort so you have the rights to invite us"


"Eh? Pero hindi naman sakin Party yon eh. Pwede ba yon? "


"Yes" "yup" sagpt namin ni Sky


"Hindi naman nya kayo bestfriend eh"


"We're also her friend"


"Weh?? Sure ka??? True?? Totoo? Paano?? Kailan----"


"Damn it. Will you just stop complaining?!!" Galit na sigaw ni Sky. Pinigilan kong matawa ng yumuko si Sean at nagpout.


"Sinasabi ko lang naman" bulong nya. TANGNA HAHAHA.


Hmm, so invited na kami? *evil grin* ready na ang lugar, problema nalang ngayon ay sa paanong paraan ako makakaganti. Rinig ko ang pagtunog ng bell, hudyat na tapos na ang unang klase. Tumayo na ako at inaya na ang dalawang pumasok. Inayos ko ang buhok ko habang hinihintay silang dalawa na tumayo. Naglakad narin kami at tumungo sa second subject namin.


Bianca's POV


"San tayo?" Tanong ng excited na si Keith habang naglalakad kami sa corridor.


Kakatapos palng ng klase namin at swerte dahil vacant namin ngayon. May isang oras kami para gumala at gawin ang kahit anong gusto namin.

"Sa Tambayan nalang natin"


"Ano namang gagawin natin don?" Bagot na tanong ni Ace


"Kung gusto kong maglaba, maglaba ka. Ikaw ang bahala. Bili ka nalang ng sabon sa canteen" sarkastikong sabi ko bago tumigil sa tapat ng elevator.


Nasa ikaanim na palapag kami ngayon ng building kaya wala kaming choice kung hindi sumakay. Alangan namang maghagdan kame diba? Baka lawlaw na ang dila namin bago pa kami makaabot sa 1st floor.


Napapitlag ako ng hinawakan ni Ace ang balikat ko at iniharap ako sa kanya.


"Magkalinawan nga tayo bianxx" sabi nya at tinignan ako diretso sa mata.


"May sama ng loob ka ba sakin?" Madamdaming tanong nya. Napairap nalang ako at itinagilid ang ulo ko para tignan kung nasaang floor na ang elevator. Nasa ikalimang palapag na yon ng tinignan ko.


"Ano na namang kabaliwan yan?" Bagot na tanong ko sa kanya at inalis ang kamay nya sa balikat ko.


Humarap nalang ako sa elevator. Pero ang loko, mukhang hindi pa tapos. Kinulong nya ang mukha ko sa kamay nya at pilit na iniharap sa kanya. Nanlalaki ang mata ko sa sobrang gulat lalo na ng mapansing sobrang lapit ng mukha nya sakin.


"What... the hell?" Rinig kong mahina ngunit may halong galit na sabi ng kung sino mang nasa loob ng elevator.


Napaharap agad ako doon ng makilala kung kanino ang boses na yon. Napaawang amg bibig ko ng makita sina Clyde at Sean na gulat na nakatingin samin... at si Sky na galit na nakatingin sakin, kaagad kong inalis ang kamay ni Ace na nasa pisngi ko parin.


"S-sky... kayo p-pala" kinakabahang sabi ko at pekeng ngumiti.


Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sakin ng masama. Mas kinabahan tuloy ako. Ano bang problema nya? Teka nga lang---- bakit nga ba ako kinakabahan?


"Anong ibig sabihin non?! Akala ko ba bawal kang ikiss ng lalaki? Bakit kinikiss ka ng tipaklong na yan?!" Asar na sigaw ni Sean. Kaagad nya akong hinila palayo kay Ace, hindi naman nagustuhan ni Ace ang ginawa nya.


"Sinong tinatawag mong tipaklong ah?!" Galit na sabi ni Ace sa kanya, kaagad syang umalis sa harap ko at nagtago sa likod.



"Hala Bianxx, Iki-kiss nya rin ba ako? Bat sya lumalapit?!" Bulong nya sakin pero rinig naman ng lahat.


Mas nagalit si Ace at pilit na inaabot si Sean sa likuran ko.



"Aaah!! Huwag mo akong hahalikan, kadiri ka! Babatukan kita!"  Pag-aalburoto ni Sean at mas lalong nagsumiksik sa likuran ko. Putspa, kapag talaga kasama ko ang mga to lagi nalang ako ang napag-didiskitahan. Ginawa pa akong shield ng loko.



Nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay ni Ace na pilit inaabot si Sean. Kahit na nahihirapan ay hindi ako umalis sa pagitan nilang dalawa. Alam ko kasing magalit si Ace, talagang masasaktan nya si Sean. Kaya lang ay nakawala ako sa gitna ng may humila sa akin. Lumanding ang mukha ko sa dibdib ng kung sino man sa sobrang lakas ng pagkakahila. Napagtanto kong si Sky yon ng maamoy ko ang pabango nya, kaagad nya rin akong binitawan at lumayo sakin.



"Let's go" sabi nya kina Sean at Clyde bago tuluyang umalis habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon nya.


Nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya. Akala ko magiging mabait na sya kahit kaonti. Ayy teka.. bakit nga ba nya ako hinila kanina?


Ipinilig ko ang ulo ko at inaya na sila Keith na umalis, kakatapos pa lang atang makipag-usap ni Arra kay Clyde. Nang kasing tinawag ko sya ay nasa may kalayuan sila ni Clyde. Kaya pala hindi umiimik kanina, yun pala may sarili silang mundo.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...