Destiny For Us

By skyevanille

49.1K 1.1K 56

Mafia Series Sequel Present: Destiny For Us. Paano kung magkagusto ka sa isang lalaki na hindi naman niyang k... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Special Chapter
Epilogue

Chapter 20

1.5K 41 0
By skyevanille

Lumabas na sa kitchen si Skye kaya ako at si tito Greg na lang ang naiwan rito.

"Bakit hindi mo sundan si Skye? She needs someone to comfort."

"Kayo po ang pamilya niya. Dapat kayo po ang mag-comfort sa kanya."

"She needs you. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, Lucas mahal ka pa rin ni Skye hanggang ngayon."

Nagulat ako sa sinabi ni tito Greg. Until now, Skye is still in love with me. I hurt her twice but she still love me. I'm such an idiot.

Biglang pumasok sa kusina si ninang Yza.

"Anong meron rito?" Takang tanong ni ninang Yza.

"Nothing." Sagot ni tito Greg. Tumalikod na rin siya dahil siguro hindi pa rin tapos ang niluluto niya.

Huminga ako ng malalim.

May balak na akong pakasalan si Skye hindi dahil may anak na kami.. Dahil mahal ko rin talaga siya. At tutulungan ko rin siya sa mga pangarap niya.

"Tito, ninang.." Tawag ko sa kanila kaya tumingin sila sa akin. Kinabahan tuloy ako.

"Yes?" Ani ninang Yza.

Lalakasan ko na talaga ang loob ko at kakapalan ko na rin ang mukha ko.

"Gusto ko po sana humingi ng pormal na permiso sa inyong dalawa."

"Para saan?" Tanong ni ninang Yza. Busy si tito Greg sa pagluluto at siguro akong nakikinig lang siya.

"Gusto ko pong yayain si Skye magpakasal." Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot nila.

Walang umimik sa kanilang dalawa. Tumingin lang si ninang Yza kay tito Greg. Si tito Greg naman pinatay na niya ulit ang kalan bago humarap sa akin. Wala siyang sinasabit na kahit ano.

"Yayain magpakasal ang bunso namin." Nag-cross ng arms si tito Greg. Seryoso na ang mukha niya. "Hindi biro ang magpakasal, Lucas."

"A-Alam ko po."

"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ni tito Greg.

Siguradong sigurado na ako sa desisyon ko. Nasa tamang edad na rin naman si Skye para magpakasal. At hindi na rin ako bumabata pa.

"Yes po."

"You hurt her twice, Lucas."

I know that. Nagsisi ako. Naaksidente pa ako dahil doon.

"Sorry po sa mga ginawa ko noon. Pinagsisihan ko na po ang lahat na yun. Kaya po gusto ko bumawi kay Skye lalo na mayroon na kaming anak." Sabi ko. Nagpapaawa na talaga ako. "Mahal ko po si Skye. Hindi po kayang mawala ulit siya sa akin. Kung sinaktan ko po ulit si Skye bugbugin niyo po ako."

"Sabi mo iyan ah."

"Greg.." Tumingin si tito Greg kay ninang Yza.

"What? Sa kanya nanggaling yun, hon."

"Ayos lang po, ninang. Tatanggapin ko po ang lahat na galit sa akin ni tito kahit rin ni Gavin."

"Gagawin ko talaga iyang sinabi mo ngayon, Lucas. Pero ang gusto ko lang makitang masaya si Skye."

"Hindi po ako mangangakong mabibigyan ko ng perpektong buhay si Skye pero gagawin ko ang lahat na maging masaya siya sa piling ko."

"Pumayag na akong pakasalan mo ang bunso namin." Napangiti ako sa pagpayag ni tito Greg.

"Basta alagaan mo ng maigi si Skye." Sabi ni ninang Yza. Tumango ako.

"Aalagaan ko po maigi si Skye."

Nagpaalam na ako sa kanila. Lumabas na ako sa kusina pero may isang bagaya ko hindi inaasahan.

"Magpakasal ah?" Napabilog ang mga mata ko. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Gavin nakasandal sa pader.

"Tutol ka ba, Gavin?"

"Pumayag na ang mga magulang namin kaya wala akong karapatang tumutol. Basta alagaan mo lang ang kapatid ko. And I also heard dad is a mafia." Tumayo na siya ng tuwid. "Akalain mo yun pamilya natin ay isang malakas na mafia."

"Alam mo?"

"Who doesn't know about the Golden Dragon?"

"Wala akong alam tungkol doon."

"Seryoso?" Hindi siya makapaniwala. Tumango ako. "Ang Golden Dragon ang pinakamalakas na mafia sa bansa natin at si tito Zach ang boss nila."

Nagulat ako. Si papa ang boss ng Golden Dragon? Ang sabi niya alam ni mama ang tungkol sa pagiging mafia niya. Siguro alam rin ni mama na isang boss ng mafia si papa.

"I also got this a while ago." May pinakita siyang video. Yung video natanggap ko kanina. "Hindi ako sigurado kung meron rin natanggan si Ethan o Nathan na ganito."

Sasagot na pa sana ako noong naramdam ko ang vibration ng phone ko. Tiningnan ko kung sino tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Felix sa ID caller.

Sinagot ko agad.

"L-Luke.." I heard his voice stuttered. I know he is crying too. Pero bakit?

"What's wrong, Felix?"

"Si papa... May bumaril sa kanya."

"What?!"

Sino naman ang bumaril kay papa? Kalaban nila? No doubt.

"Sinugod namin siya agad sa ospital."

"Okay, I'm on my way." Binaba ko na ang tawag.

"Ano nangyari?" Tanong ni Gavin.

"May bumaril kay papa. Kailangan ko ng pumunta sa ospital."

Paalis na sana ako nang may pumigil sa akin. Nilingon ko at nakita ko si tito Greg.

Umiling lang siya ng ulo.

Ano yun?

Biglang may dinial siya sa kanyang phone. Argh. Wala na akong oras.

"Sorry sa isturbo, Dex."

Tinatawagan niya si tito Dex. But why?

"Can you check the CCTV? Okay, thanks. Let's meet at the hospital. Pupunta rin ako doon." Binaba na niya agad ang phone niya. Tumingin sa akin si tito Greg. "Wait me here. Magpapalit lang ako."

Tumango ako ng ulo.

Pagkatapos magpalit ni tito Greg ng damit ay sumakay na kami sa kotse ko. Nagmamaneho na ako papunta sa ospital.

Si tito Greg ay busy makipagusap kay tito Dex.

Pagkarating namin sa ospital ay agad kong tinawagan si Felix.

"Felix, we're here.. Nasaan kayo?"

"Operation Room, Luke."

Pagkababa mo ng tawag ay tumingin ako kay tito Greg.

"Tito, nasa operation room pa rin po si papa hanggang ngayon."

"Let's go."

Nauna nang pumasok si tito Greg at sumunod na ako sa kanya. Alam kong nagaalala rin si tito Greg kay papa.

Kapatid na ang turingan nila.

Nakita na namin sila Felix nasa waiting area sa tapat ng operation room. Si mama umiiyak habang si Beryl ay pinapatahan si mama.

Umupo si tito Greg sa tabi ni mama.

"Malalaman na rin mamaya ang may gawa nito kay Zach." Tumingin si mama sa kanya.

"Sabihin mo sa akin, Greg.." Isang sulyap ang binigay ni tito Greg sa kanya. "May kinalaman ba dito ang kalaban niyo sa mafia?!"

"Mafia?!" Parehong nagulat sina Beryl at Felix.

"Maybe." Tumingin sa ibaba si tito Greg. "Inutusan ko na rin si Dex na maghanap ng lead kung sino may gawa nito kay Zach."

"My husband is not getting younger, Greg! Paano kung may mangyaring masama sa kanya?! Hindi ko kakayanin."

"You are married with my best friend for how many years pero wala ka pa rin tiwala sa kanya. Isang masamang damo si Zach kaya hindi siya agad-agad mamatay."

Ilang oras na rin kami naghihintay pero wala pa ring doctor ang lumabas. Dumating na rin si tito Dex.

"Greg, heto na yung inutos mo sa akin." May inabot si tito Dex kay tito Greg na isang folder.

"Dex, let's talk but not here."

Nakakuyom ang mga kamao ko. Hindi ako pwedeng walang ginagawa dito habang nagaagaw buhay si papa sa loob ng operation room. Hindi rin ako papayag na may mangyaring masama kay papa kahit minsan nagtatalo kaming dalawa.

"Sasama po sa inyo." Sabi ko. Tumingin silang lahat sa akin. Seryoso ako. Seryosong seryoso.

"Lucas!" Sigaw ni mama.

"Hindi naman ako papayag na hindi mamatay ang gumawa nito kay papa."

Nakita kong ngumisi si tito Greg at tumingin siya kay tito Dex bago tumango.

Naglakad na sila kaya sumunod na ako sa kanila.

~~~~~

Hala! 😱

Leave a comment and press ☆ to vote

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 37.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
34.5K 1K 16
[COMPLETED] Astrid Morales, a Civil Engineer, finds her self kissing the Head of Engineering Department, Asher Hernaez. It was just a one kiss, but i...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
104K 595 7
Caelan Parto also known as Cap had always been a low-profile person due to his job. Hindi rin naman niya gusto ang atensyon dahil para sa kanya ay hi...