Destiny For Us

Bởi skyevanille

49.1K 1.1K 56

Mafia Series Sequel Present: Destiny For Us. Paano kung magkagusto ka sa isang lalaki na hindi naman niyang k... Xem Thêm

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Special Chapter
Epilogue

Chapter 14

1.3K 35 4
Bởi skyevanille

Lucas' POV

Hindi naman talaga ako pumupunta sa ganitong lugar. Pero ngayon sobrang sakit na dahil ayaw ako makita ng babaeng mahal ko at galit sa akin ang pamilya niya. Hindi naman alam ganoon ang mangyayari. I want to see Skye badly. Isang buwan ko na siya hindi nakakasama. Paano ko ba sasabihin sa kanila ang totoo?

"Ugh. I wanna die." Pinatong ko ang ulo ko sa mesa habang nakatingin sa bote ng alak.

Nandito nga ako sa bar. Gusto ko lang makalimutan ang sakit pero hindi ako magpapalasing dahil alam kong magmamaneho pa ako.

Ang lakas ng music rito sa bar, maraming sigawan, halikan sa sulok sa may dilim para walang makakita. Pero may napansin akong isang babae kanina pa nakatingin sa akin. Ngunit hindi ko naman siya binibigyan ng atensyon.

Tinungga ko ulit ang alak hanggang naubos ko na yun. Nagiwan ako ng pera sa mesa bago tumayo.

Matutumba na ako sa kalasingan ko pero may umalalay sa akin.

"No, I can walk." Sabi ko doon sa tumulong sa akin. Tuloy pa rin ako sa paglalakad papunta sa parking lot. Nakita ko na ang kotse ko.

Hindi ko alam kung kaya ko magmaneho. Medyo nahihilo na ako at sa tingin ko ang dami kong nainom.

Kailangan ko rin umuwi sa bahay. Isang buwan na rin ako sa resthouse tumutuloy.

------

"Ugh. My head hurt." Napahawak ako sa ulo ko. Pero wait, bakit puro puti ang nakikita ko? Nasaan ako? Wag niyong sabihin patay na ako..

"Oh. You're awake." Tumingin ako sa nagsalita. Isang nurse. Wait, nurse?

"Where am I?"

"You are in the hospital, sir."

Ospital? Bakit ako nandito?

"What happened? I don't remember exact happen."

"You're drunk, sir and the police wants to talk with you when you're awake. Should I call them?"

"No, please. I mean, I want to be alone for a moment."

"Okay, sir. Just call me if you want to talk with them." Binigyan ko na lang siya ng tango. Lumabas na siya ng kwarto. Damn it. Ano ba nangyari? Wala ako maalala.

Maya maya pa ay tinawag ko na yung nurse at pumasok na rin ang mga pulis. Tinatanong ako ng kung anu-ano at may pinakitang picture sa akin. Sira ang harapan ng kotse ko sa nangyari. Nabangga pala ako sa isang malaking puno kanina at mabuti na lang ligtas ako.

But I can't move my left foot. Shit! Wag naman sana. Ayaw ko maging lumpo.

"Fuck." Nakarinig ako ng familiar na boses. Patay ako nito. Si papa yun. "Ano ba nangyari sayo, Lucas?!"

"Not now, pa. I'm not in the mood right now."

"Damn it, Lucas! Ano ba ang problema mo at naisipan mong maglasing kanina?!"

"I said not now!" Napasigaw ako. Nawala sa isip ko nasa ospital pa kami.

Pak!

Sinampal ako ni papa. Nagulat ako dahil ngayon ako pinagbuhatan ng kamay ng sarili kong ama.

"Wag na wag mo ko sisigawan. Tandaan mo ito ama mo pa rin ako."

"Argh. I want to die! Ayaw ko na mabuhay!" Sigaw ko. Naiinis na ako sa nangyari sa buhay ko.

Wala na yung babaeng mahal ko.

Dahil nga hindi ako makalakad sa nangyaring aksidente ay kailangan kong gumamit ng wheel chair. Kinakahiya ko na ang sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ako lumalabas sa kwarto ko. Palagi ako nakahiga sa kama at hindi rin ako kumakain. Alam kong nagalala na sa akin si mama.

"Luke." Tawag sa akin ni Felix pero hindi ko na lang papansinin. "Alam mo bang tatlong buwan nang hindi pumapasok si Skye?"

Kumunot ang noo ko. Tatlong buwan na siya hindi pumapasok? Bakit naman?

"Bakit? May alam kang kung bakit siya hindi pumapasok?"

"Noong bumisita ako sa kanila isang araw ay nasabi sa akin ni Skye na nagdadalang tao siya." Napabilog ang mga mata ko. Buntis si Skye? Napabangon ako sa higaan.

"What?! You said she's pregnant?"

Isang mabilis na tango ang natanggap ko kay Felix.

Buntis si Skye.. Buntis siya. Isa lang ibig sabihin magkakaroon kami ng anak.

Pero isang gago ang ama ng anak namin ni Skye.

"Ikaw ba ang ama, Luke?"

"Yeah." Walang gana kong sagot.

"Panagutan mo yung mag-ina mo. Para naman mapatawad ka na nila."

"Hindi ganoon kadali, Felix. Hindi sila makikinig sa akin lalo na si Skye."

"Yeah, Skye told me what happened. Hindi ako naniniwala na magagawa mo yun, Luke. Alam kong mahal mo ang kaibigan ko."

"Yes, I love her. I really love her."

Isa akong gago.

Nasira ko ang pangako ko sa kanila na hindi ko papaiyakin si Skye.

Umalis na ako ng grupo noong makita kong umiyak si Skye noong nahuli niya ako na may kahalikan ng ibang babae. Hindi ko yun inaasahan. Gusto ko magpaliwanag kay Skye pero hindi siya nakikinig. Ngayon alam nang pamilya niya. Kahit si ninang Yza ay galit na rin sa akin. Nawawalan na ako ng pagasa ngayon. Malapit na ako sumuko.

"Felix, balitaan mo na lang ako sa nangyayari sa kanilang dalawa." Humiga na ulit ako sa kama.

"Ayaw mo ba makipagkita sa kanya? Pwede kong kausapin si Skye na makipagkita sa akin."

"Thanks pero ayaw ko na munang lumabas ng bahay. Ayaw ko na ganito ang kalagayan ko at pagtatawanan ng ibang tao.

"Nandito naman ako para alalayan ka, Luke. Tutulungan kita kung may gustong umapi sayo."

"Salamat, Felix. Gusto ko na muna makapagisa ngayon. Pwede mo ba akong iiwan na muna?"

"Oh, sige. Kung nagbago ang isip mo ay nandito lang ako sa kwarto ko." Tumango ako sankanya. Tumahimik na ang bagong paligid ng kwarto ko ibig sabihin ay wala na siya.

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Felix sa akin na nagdadalang tao si Skye.

I already ruined her dream.

Buntis siya dahil sa akin.

Nasira ang mga pangarap niya dahil sa akin.

------

"Argh!" Natumba ako dahil gusto ko ulit nakalakad.

"Luke?!" Tumingala ako. Nakita ko si mama na parang gusto akong tulungan.

"No, ma." Pinipilit kong bumangon pero walang lakas ang isa kong paa. Asar!

Nakita ko si papa nakatingin sa akin. Isang malamig na tingin ang binigay niya sa akin. Alam kong malaki ang kasalanan ko. Wala akong kwentang tao.

"Zach, tulungan mo ang anak mo!"

"Let him." Sabi ni papa. Tumingin ulit ako sa kanya. Hindi na ako magugulat na sasabihin niya yun dahil galit siya sa akin.

"Anak mo si Luke, Zach! Ngayon ka pa talaga magiging ganyan at sa anak mo pa! Kailangan natin siyang tu--"

"Kasalanan rin naman niya kung bakit nasa ganyang kalagayan siya ngayon." Mapabilog ang mga mata ko sa sinabi ni papa. Hindi ko siya masisi kung bakit ganyan si papa ngayon. Tama naman siya kasalanan ko ko kung bakit ako hindi makalakad ngayon.

"Zach!" Sigaw ni mama.

"Stop, ma! I don't need anyone's help." Pinipilit ko ulit tumayo. Please lang.. Gusto ko ipakita kay papa na kaya kong tumayo sa sariling paa ko na hindi ko kailangan ng tulong niya.

Masyado ako naging masaya sa pera niya pero ngayon ay papatunayan ko na kaya ko mabuhay na walang tulong niya.

"Damn it!" Hinahampas ko ang sahig sa galit ko. Ayaw gumalaw ng paa ko.

~~~~~

Heartbreaking chapter for me. Ang bad ni Zach. 😟

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

250K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
130K 3.2K 19
Babaeng makulit at pinaka-maingay sa apat na magkakapatid, siya si ADRIANNE BUENAVENTURA. Isang probinsyanang pangarap ay maiahon sa kahirapan ang ka...
919K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
147K 2.6K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...