Listen To My Lullaby

Per wistfulpromise

484K 17.5K 7.3K

(The Final Installment of G-Clef Song Trilogy) Sabi nila ang buhay ay umiikot sa isang bilog. Minsan nasa taa... Més

Paunang salita
Prologue
Chapter 1
Liham 1
Chapter 1 - The Real One
Chapter 2 - On the Search
Liham 2
Chapter 3 - Her
Chapter 4 - The Secret
Liham 3
Chapter 5 - The Forgotten City
Chapter 6 - Difference
Liham 4
Chapter 7 - Paglalakbay
Chapter 8 - Dagat
Chapter 9 - Fight for the kill
Chapter 10 - Clues
Liham 5
Chapter 11 - Found Her
Chapter 12 - Lullaby
Chapter 13 - Mistake
Chapter 14 - Nefario Warehouse
Chapter 15 - Fate
Chapter 16 - Lost
Chapter 17 - Red String of Fate
Chapter 18 - Protect You
Chapter 19 - Like attracts like
Chapter 20 - Deception
Chapter 21 - Dark Side
Chapter 22 - Street Fight
Chapter 23 - The Lost Clan
Chapter 24 - Secrets
Chapter 25 ~ Questions
Chapter 26 - Memories
Chapter 27 - My Sunshine
Chapter 28 - Finished Mission
Chapter 29 - King and Queen
Chapter 30 - Tears
Chapter 31 - Confusion
Chapter 32 - His Twin
Chapter 33 - Footprints from the past
Chapter 34 - Surrounded
Chapter 35 - I Believe In You
Chapter 36 - Uncovering Secrets
Chapter 37 - Ice on Fire
Chapter 38 - Tri-Cities
Chapter 39 - Investigation
Chapter 40 - The Hierarchy of Power
Chapter 42 - Who's the Traitor?
Chapter 43 - Nefario's Blackmarket
Chapter 43 - Nefarios's Blackmarket (Part II)
Chapter 44 - The Dilemma
Chapter 44 - The Dilemma: Mind Games (Part II)
Chapter 45 - The Calm before the Storm
Chapter 46 - Pawns in the Game
Chapter 47 - A Game of Chess
Chapter 48 - Comrade or Enemy?: A Piece of the Past
Chapter 49 - The Uprising: A Piece of the Past
Chapter 50 - Ouroborus
Chapter 51 - The Battle Cry
Chapter 52 - Magsimula Tayo sa Simula

Chapter 41 - Black Savage Invasion

4.8K 204 82
Per wistfulpromise

Chapter 41

Black Savage Invasion

=


Serene

May panibagong pagsabog. Hindi na ako nagdalawang isip na magtungo sa mga gangmates namin na nangangailangan ng tulong.

"G-Clef! Kailangan n'yong pumasok sa loob. Delikado rito!"

"Hindi ako aalis. Responsibilidad ko kayo."

"Pero si Death—"

"Alam niya na kahit ano pang gawin niya hindi niya rin ako mapipigilan." Hindi na siya nakasagot doon. "Ano nang nangyayari?"

Sunod-sunod ang pagputok ng baril. May ibang natamaan mabuti na lang at nakapagtago kami agad sa isang makapal na pader.

"Napasok na po tayo ng NL7. Hindi namin alam kung paano pero hindi namin sila mapigilan sa pag-abante. Masyado silang marami!"

Kinuha ko ang isang baril at magazine mula sa isa sa mga katawan na nagkalat sa paligid. Madami nang namatay sa panig namin at sa tingin ko patuloy pa itong madadagdagan kung wala kaming gagawin.

"Nasaan na ang iba sa Black Savage? Ang Seven Hunters pati na rin ang Ellipses, nasaan na sila?"

"Binabantayan na po nila ang mga kanya-kanyang kampo. Kalahati ng Black Savage Headquarters ay napasok na. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa iba dahil biglang kaming nawalan ng signal sa isa't isa."

Inilibot ko ang paligid. Puno ng bakbakan at barilan, panay ang pagdanak ng dugo. Hindi ko na mabilang kung ilan na sa amin ang wala na.

"Hindi namin alam kung paano nangyari, pero nahanap ng NL7 ang pinagtataguan ng mga armas ng Black Savage."

"Paano nangyari iyon?"

"Hindi rin po namin alam. Natatakot kami na baka nga may traydor sa loob katulad ng nangyari sa Ellipses noon ilang taon na ang nakalilipas."

Biglang may bumaril sa direksyon namin. Mabilis kong kinasa ang baril at nakipagbarilan pabalik. Tumakbo kami sa kabilang sulok. Ang mabilis ng pagtibok ng aking dibdib at hininga ay nakikipagsabayan sa mga barilan sa direksyon namin.

Kailangan kong makapag-isip ng mabilis kung hindi, mauubos kami rito.

"Hindi pwedeng makapasok sa main office ni Death ang mga NL7. Nandoon ang lahat ng importanteng mga papeles. Can you back me up? Kailangan ko silang maunahan papunta roon."

"Opo, G-Clef."

Pinasahan niya ako ng panibagong magazine na mabilis kong inilagay sa hawak kong baril. Sa isang huling tanguan ay tumakbo na ako sa pakay kong direksyon.

Sa pagtakbo sa pamilyar na mahabang pasilyo ay may humarang sa akin na mga kalaban. Alam kong parte sila ng Notorious dahil sa mga berde nilang laso na nakatali sa braso.

Dalawa lalaki ang nasa aking harapan at may nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanilang mga labi. Ilang beses nila akong pinaputukan ngunit inunahan ko sila. Inagaw ko ang baril ng isa at pinaputok sa direksyon ng kasama niya. Tinadyakan ko siya sa tyan bago binaril sa dibdib. Tumalsik ang dugo sa aking mukha ngunit hindi ako kumurap.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo, puno ng dugo at pawis ang aking mukha mula sa mga kalaban na pinatumba. May ilan sa mga gangmates ang nadaanan ko. Itinuro ko sa kanila ang direksyon kung saan sila pinakakailangan. Mabilis naman silang rumispunde.

Sa pagliko ko sa isang pasilyo ay may humawak sa aking baywang at tinakpan ang aking mga labi. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya, hindi ako makagalaw. Nasa madilim kami na parte ng isang silid na wasak na ang pintuan mula sa pagsabog.

Sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib. Sisigaw na sana ako upang makakawala ngunit naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga.

"Serene it's me. Papunta sa direksyon na ito sina Lethal 6 at 5. You need to be quiet." Bulong ni Jace sa akin. Ang maramdaman ang presensya niya ay lubos na nakapagpagaan sa aking dibdib.

May mabigat na yapak ng mga paa ang narinig namin. Maririnig mo ang malutong na pagbali ng mga sirang kahoy at basag na salamin sa kanilang paanan na tila ba delubyo ang pagdating nila.

Halos higitin namin ni Jace ang hininga noong huminto sila sa halos tapat ng pader na tinataguan namin.

"Halughugin mo ang buong lugar. Kung mahanap mo ang babaeng sinasabing palaging kasama ni Death, hanapin mo. Patayin mo ang dapat patayin. Mapa-Ellipses man o Black Savage, wala kayong ititirang buhay. Ako na ang haharap kay Death."

"Inuutusan mo na ako ngayon Lethal 5?"

"Sinasabi ko lang. Ako na ang maghahanap sa main office room ni Death. Siguradong marami tayong makakalap na impormasyon roon."

"Sigurado ka ba?"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Sinasabi ko lang, kahit napasok na natin ang Black Savage hindi pa rin natin alam ang lahat ng pasikot-sikot ng buong lugar na ito. Mag-ingat ka."

"Ako pa!"

Matapos ang pag-uusap na iyon at naghiwalay na silang lahat. Nauna si Jace na lumabas upang masiguro na wala nang tao. Binigyan na niya ako ng signal pagkatapos, na kailangan na naming umalis doon bago pa sila bumalik.

"Saan tayo pupunta? Di ba dito ang direksyon ng main office mo?" maingat ko siyang tinawag sa tabi ko noong pumunta siya sa kabilang direksyon.

"Short-cut. Kailangan natin silang maunahan. Dito ang daan."

Tumakbo ako papalapit sa kanya noong may binubuksan siyang panibagong silid.

"Bakit natin kailangang magtago? Tinapos na sana natin sila roon. Malaking kawalan kung mawawala ang dalawa sa pitong pinakapinuno ng Notorious."

"Kung lumabas tayo roon, malalaman nilang naroon ka. Hindi mo ba narinig? Hinahanap ka nila."

"Pero kapag tinapos natin sila, walang ebidensya."

"Alam lang nila na may babae akong kasama pero hindi nila alam na ikaw 'yun."

"May advantage rin pala ang pagkakaroon mo ng babae noon ano? Automatic cover-up." Kunwaring biro ko sa kanya.

"Serene..."

"I know. A bad joke in a very bad situation."

Pinauna na niya akong pumasok sa loob bago siniguro sa paligid na walang nakasunod. Mahigpit niyang isinara ang pinto sa likod namin. May pinindot si Jace sa isang sulok, bumukas ang pader at bumungad sa amin ang isang tagong hagdan na hindi ko akalaing naroon.

Ako na ang naunang bumaba sa hagdan na iyon, siya ang nakabantay sa likod ko. Wala pang ilang sandali ay nakaabot kami sa dulo. Pagkabukas ni Jace ng isang panibagong pinto ay nakita ko na nasa loob na kami ng main office niya.

"Kunin mo ang ilan sa mga papeles doon. Ako rito." Hinagis niya ang isang bag sa akin. Mabilis ko itong nasalo.

Parehas naming nagmamadaling kinuha ang lahat ng dapat kunin. Noong masiguro kong nakuha ko na ang mga importanteng pinapakuha niya ay inilibot ko ang tingin.

Muli kong pinagmasdan ang mapa kung saan niya tinuro sa akin noon ang lahat ng lupain na nasasakupan ng Society. Naalala ko ang iba't ibang pin na tinuro niya sa akin noon. At ngayong pinagmamasdan ko ito ng maigi, ngayon ko lang napagtanto na kumpara sa Black Savage, mas maraming naging pag-atake sa Ellipses nitong mga nagdaang linggo. May malapit, may malayo.

Napatayo ako ng tuwid, ang isipan ko ay mas naging alerto sa mga nababasa at nakikita kong impormasyon.

May narinig kaming panibagong pagsabog.

"Serene ano pang ginagawa mo? We need to go!"

"What if they are following a pattern?" Itinuro ko sa kanya ang mga pag-atake na naka-pin sa mapa. "Sabi mo umaatake na sila noon pa man. I can see in the map that their first attack was far south of the territory and the second was on the far northeast."

Bumalik si Jace sa tabi ko upang makita ang tinuturo ko.

"Maraming sibilyan na namatay dyan. We sent a lot of our gangmates to check the place and it was an utter ruin. Let's go."

Hinila niya ako pero hinila ko siya pabalik.

"Serene, what are you doing? Papunta na rito sina Lethal 6 at 5."

"Alam ko pero teka lang. Kung ang NL7 ay nasa east part ng border, ang Ellipses ay nasa north at and Black Savage ay nasa southeast, bakit kailangan nilang umatake sa ganun kalalayong lugar?"

"I have a theory they are making a secret base. Dahil sa mga undercover operation ng iba sa Black Savage, we confiscated a lot of illegal guns and drugs bago naman isinasara."

"Pero hindi ba masyadong malayo yun?"

"Southwest is where the biggest port was located. Kaya kailangan naming isecure agad bago sila makagawa ng mas malaking belwarte roon."

"What about in the northeast?"

"Hindi pa namin napapasok. We tried pero doon ang pinakamalakas na bantay nila."

"And what about these small little dots around the area?" Itinuro ko ito at binasa ng mabuti ang mga nakasulat na lugar para makita ko kung saan iyon. "Anong nakita nyo rito?"

"Nothing. It was just a small attack to scare us or give us a warning that they are not afaid to fight us."

"Are you sure?"

"Why?"

"Kung nakakagawa na sila ng secret base sa iba nilang lugar na sinugod, what makes you think they will not do that on the other attacks?"

Nakuha ko ang atensyon niya. Nakita ko na malalim ang iniisip niya. "I already secured each area so its imposible for them to form a secret base. Pero may mga pulbura sa paligid..."

"Anong klaseng pulbura?"

"The one they used to make bombs..." Nanlaki ang mga mata niya. Kinuha niya agad ang isang asul na pentalpen at gumuhit ng malalaking bilog sa mga lugar kung saan niya ito huling nakita.

At ganun na lamang ang pagkahindik namin noong natapos niya itong gawin. Dahil sa paligid ng malaking asterisk kung nasaan ang Black Savage headquarters ay ang hindi bababa sa sampung kulay asul na bilog ang nakapalibot dito.

We are surrounded.

He angrily pounded his fist on the table. Dumagundong ang mga nakapatong na pins doon.

"Fuck! I knew something was wrong the moment I saw this. Masyado akong nakafocus sa secret base na tinatayo nila na na-overlooked ko ito."

"Sshh, Jace. Baka marinig nilang nandito tayo." Hinawakan ko ang kanyang kamay at tahimik na pinakiramdaman ang buong paligid. Mabuti na lang at nasa underground ang lugar na ito. "Everything starts with a small details. Minsan sa sobrang liit akala natin walang halaga. 'Yun pala malaki ang magiging papel nito."

"Mas marami silang pagsugod sa Ellipses kumpara sa Black Savage. Gusto nilang maligaw ang atensyon natin. They want us to think that their main focus was on Ellipses but the truth is, they are targeting Black Savage all along!"

Pinagmasdan ko kung paano ilang beses na nagbalik-balik ng lakad si Jace sa harap ko habang nakahapo ang isang kamay sa may ulo.

"This is not good. Not good at all."

"Kailangan na nating makapag-isip ng counter strategy sa lalong madaling panahon."

Tumunog ng napakalakas ang alarm sa loob ng headquarter. Napahigit ako ng hininga sa sumunod na sinabi ni Jace.

"Napasok na tayo sa building na ito."

Mabilis na binura ni Jace ang mga ginuhit niyang linya sa mesa. Hinila na rin niya ang mapa sa baba bago ito mabilis na tiniklop.

"You need to get a gun Serene. This is serious." Sabi niya sa akin bago niya kinuha ang isang bag sa may gilid. Ipinasok niya rito ang mapa pati ang mga importanteng papeles mula sa mesa niya.

Tumakbo ako sa may katabing drawer at sinunod ang sinabi niya. Dito ko kasi madalas nakikita kung saan niya inilalagay ang mga baril at hindi nga ako nagkamali.

Nagbulsa ako ng maraming bala. Kinuha ko rin ang ilan sa mga baril na mabilis kong kinasa.

"Jace!" Tawag ko upang makuha ang atensyon niya. Hinagis ko sa kanya ang isang baril na mabilis niyang nasalo.

Sa ikalawang banda ay may tinawagan siya sa kanyang cellphone. Alam kong tinatawagan na niya ang si Aiden at ang iba pa upang bigyan ng babala at para sabihin na rin ang natuklasan namin.

May narinig kaming malakas na pagsabog na halos magpayanig sa buong gusali. Napakapit ako sa drawer na muntik pang natumba sa akin. Mabuti na lang at naroon si Jace. Mabilis niya itong nahawakan bago pa matumba.

"We need to go."

Mabilis akong tumango. Hinawakan niya ng napakahigpit ang aking kamay.

Sabay kaming tumakbo sa hallway ng Black Savage. Nagkakagulo na sa paligid ngunit alam kong alam ng mga gangmates niya ang ginagawa nila.

"Death! Napasok na tayo ng NL7 sa gusaling ito!"

"We need to get out of the building in 20 minutes. Dalian nyo!"

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Dumiretso kami sa pinakalikod. May isang itim na sports car ang naroon.

Ibinigay niya sa akin ang dala niyang bag. Hinanap niya ang susi bago ako pinauna na pumasok.

"Jace anong mangyayari kapag hindi tayo umalis dito agad?" Kabado kong tanong dahil iba ang kaseryosohan ng mukha niya.

"The headquarters will self destruct."

May hinila siya sa tabi, bumukas ang pinaka-gate sa likod namin. Habang awtomatiko itong bumubukas pataas ay pumasok na si Jace sa loob ng kotse bago ito pinaandar.

Nasa ligtas na kaming lugar noong may narinig kaming isang panibagong pagsabog. Noong sinilip ko sa rearview mirror, ang Black Savage Headquarter na ilang taong tinago ni Jace ay naglaho sa maitim na usok at malalaking lagablab ng apoy.

May ilan sa mga sasakyan ng Notorious ang sumunod sa amin.

"This gang is pissing me off." Pinaikot ni Jace ang manibela sa kabilang direksyon upang hindi kami mahabol. Ngunit ayaw magpatalo ng grupo na ito. Hawak ang kanilang mga baril, kahit pa sa malayong distansiya ay ilang ulit nila kaming pinaulanan ng mga bala.

Kahit mabilis ang sasakyan ay pinilit kong abutin ang malaking shotgun sa likod ng upuan ko. Umiilag ako sa bawat paputok nila ng baril. May ilang beses akong muntik natamaan pero ilang beses akong pinalad. Noong makabalik sa upuan ay mahigpit kong kinasa ang baril na hawak.

"Kung naiinis ka sa kanila, mas nauubusan na ang ako ng pasensya sa kanila." Sabi ko kay Jace. "Just drive the car and I'll take care of them."

"Careful."

Tumango ako sa kanya.

I cracked my knuckles before putting myself on the spot. Kahit sa bilis ng pagpapatakbo ay matyaga ko silang inasinta sa may bintana.

Mabilis na niliko ni Jace ang kotse noong nagpaputok muli ang mga kalaban. Mawawalan na sana ako ng balanse noong naramdaman ko ang isang kamay niya na mabilis na hinila ang suot kong belt kaya nakabalik ako sa pwesto ko. Halos higitin ko ang hininga dahil akala ko mahuhulog na ako palabas.

"Salamat."

"Sinasadya nilang magmaneho ng pagewang-gewang para hindi mo sila maasinta."

"Smart ass."

"Mukhang alam nga nila ang ginagawa nila."

"We only have one chance para mapatigil sila sa pagsunod sa atin."

"What is it?"

Tinitigan ko ang bazooka na nakatago sa likod ng mga armas ni Jace sa loob ng kinuha niyang bag kanina sa main office.

Nagmadali ko itong kinuha at pinagmasdan sa aking kamay.

"Hindi ko alam kung paano gamitin ito pero alam kong ikaw alam mo." Ngumiti ako sa kanya. "Ako na ang magmamaneho. Now it's your turn to target them."

"I like the plan."

Ayaw niyang ipakita pero alam kong sabik na siya sa gagawin. Hininto niya ang kotse at mabilis kaming nagpalit ng kinauupuan. Kasabay ng paghawak ko sa manibela ay ang paghanda niya sa hawak na armas.

"I need your help." Sabi niya sa akin.

"What should I do?"

May inabot siya sa akin na isang bag na puno ng tatlong malalaking ammunition.

"I'll hold the launcher. Put the ammunition at the back then we'll fire it."

"Noted, captain."

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan upang makaabot kami sa sapat na distansya. Huminto ako at pinaikot ang kotse sa direksyon kung saan makakakuha ng magandang lugar.

Nauna siyang lumabas ng kotse. Sumunod ako.

He told me the instructions. I followed his lead.

Mabilis ang pagharurot ng Notorious sa direksyon namin. Ngunit nakahanda na kami sa mangyayari. I put the ammo as Jace instructed. Pero hindi niya pinaputok agad dahil kinakalkula pa niya ang tamang distansya para diretso sa kalaban.

Rumaragasa na ang pagtakbo ng kotse nila. Nakatutok na rin ang kanilang mga baril sa amin

Jace took this as a perfect timing as he knelt, aimed, then fired to our unsuspecting victims. Malakas na sumabog ang kotse nila. Nagkalasublasob hindi lang ang sinasakyan nila kundi pati ang mga katawan nila.

Marami pa ang dumating na kotse. I put the ammo, Jace fired. Over and over again hanggang sa wala nang matira na bala para sa amin. But all of those ammunitions were not wasted. With Jace's perfect timing and calculating gaze, he nailed it at the exact target.

May humintong panibagong kotse sa tabi namin. Nakahanda na kami sa close-combat ngunit noong napagtanto na sina Kuya Niel ito at Aziel ay nakahinga kami ng konti.

"Marami pa ang parating. Nililigaw namin sila pero parang hindi sila maubos-ubos. Ilang ba ang tao ng Notorious?"

"Marami." Halos sabay naming sagot ni Jace. Alam namin ang sagot dahil nanggaling kami sa loob.

Ako na ang unang nagsalita. "Walang ginawa ang NL7 kundi manguha nang manguha ng mga bagong myembro. Karamihan sa kanila ay halos wala namang alam sa pakikipaglaban. Nabigyan lang ng baril kaya tumapang."

"Pero mag-ingat pa rin kayo sa iba dahil meron akong nakita noon sa Notorious na magagaling. Hinahalo nila sa walang alam sa pakikipaglaban para hindi halata. Para i-underestimate natin sila. At sa oras na binaba natin ang depensa natin, doon sila susugod." Paliwanag pa ni Jace.

Isang itim na kotse na halos wasak na ang windshield ang huminto sa harap namin. Lulan nito si Kuya Paul at Cello na parehas na may mga sugat at pasa sa kanilang katawan tulad namin.

"Papunta na ang lahat sa Ellipses Headquarters. Kasalukyan namin silang nililigaw. Kailangan na ulit nating maghihiwa-hiwalay." Sabi ni Kuya Paul sa amin.

May narinig akong isang pamilyar na paghuni. Laking pasasalamat ko noong makita si Tala na lumilipad papalapit sa akin.

"Kanina pa siya nag-iingay. Akala namin gutom lang 'yun pala binibigyan na kami ng babala na may panganib na mangyayari." Pagbibigay alam ni Cello sa amin na siyang may hawak kay Tala kanina. Dala-dala nila sa loob ng kotse.

Binuksan na ni Jace ang kotse na sinasakyan namin ngunit ayaw na nitong umandar dahil na rin sa dami ng tadtad nito ng tama ng bala. Kaya ang ginawa niya, pinasok na lamang niya ang lahat ng papeles at mahahalagang bagay sa kotse na lulan nina Niel at Aziel. Ibinilin niya ito sa kanila.

Mayroong mga bagong kalaban ang dumating. Nagkatanguan kaming lahat. Gayunman, noong paandarin na ni Kuya Paul ang lulan nilang kotse ay ayaw na rin nitong umandar. Galit na hinampas ni Kuya Paul ang manibela.

"Paul at Cello, sumakay na kayo sa kotse nina Niel. Ililigaw namin ni Serene ang mga kalaban."

"Sasama ako." Habol sa amin Cello noong patakbo na kami ni Jace malapit sa isang gubat.

"Mag-ingat kayo." Paalam ni Kuya Niel sa amin dahil alam niyang wala na rin naman siyang magagawa upang mapigilan pa si Cello. Tatlo sila nina Aziel at Kuya Paul na lulan ng kotse.

"Kayo rin."

"Magkita tayo sa Ellipses!" Sigaw pa ni Aziel.

Tumango kami sa kanila.

Padating na ang mga kalaban na sakay ng kanilang mga kotse. Noong makita kami ang iba ay sumunod sa amin samantalang ang iba ay sumunod sa kanila.

Sandaling napahinto si Jace. Habang pinagmamasdan ang mga kalaban na humahabol sa amin ay nanlaki ng konti ang kanyang mga mata.

"Serene, mauna ka nang tumakbo." Nagmamadali niyang utos sa akin.

"Bakit?"

"Nakasunod sa atin mismo sina Lethal 5 at 6."

"Harapin na natin sila para matapos na ito."

"Ako nang bahala. Basta mauna ka na!"

Parang rumaragasang pag-alon, umatake ang isang lalaki sa kanya na hindi ko alam kung saan nanggaling. Itinulak ako ni Jace palayo kaya malakas akong bumagsak sa malamig na lupa sa baba. Nahagip ng aking mga mata ang number 5 sa suot na sinturon ng isang lalaking nakaitim. Nakakahindik ang pagtawa niya habang sinusugod si Jace. Hindi iyon halakhak ng isang normal na tao. Isa iyong halakhak ng isang baliw.

"Mamatay ka na!" Itinaas nito ang isang mahabang machete ng may nanlalaking mga mata ngunit malakas siyang naitulak ni Jace bago sinuntok sa mukha.

Gusto kong tumakbo pero hindi ko siya maiwan. Paabante na sa na ako ngunit may humila sa akin pabalik. Si Cello.

"Ako na. Umalis ka na rito."

"Pero--"

"Dumating ang iba sa mga kasama natin kaya sila ang nakikipaglaban sa mga kasamahan ni Lethal 5. Kung hindi ka pa aalis maabutan nila tayo rito." seryoso niyang wika. "Kailangan mong mauna sa Ellipses dahil nagkakagulo na rin doon. Kailangan nila ng tulong."

Nag-aalangan man ay wala na akong nagawa dahil sunod-sunod na ang mga sumusugod sa amin.

Nakita ko pa kung paano nakipaglaban si Cello bago tinulungan si Jace. Kahit ako ay nagulat sa lakas ni Lethal 5, nakaya niyang makipagbunuan kay Jace ng armas. Gayunman, kinuha ito ni Cello na pagkakataon upang hawakan ito ng napakahigpit sa likod. May ilang beses itong pilit na kumawala ngunit sa determinadong mga mata nina Cello at Jace, ngayon ko lang yata silang nakitang nagkasundo sa isang bagay.

Malayo man ay nakita ko ang marahan nilang tanguan sa isa't isa.

"Huwag---!"

Tinaga ni Jace ang leeg ni Lethal 5 gamit ang sariling machete nitong dala. Tumalsik at dumanak ang dugo sa pagitan nila ngunit parang wala lang sa kanila iyon. Itinulak ni Cello ang wala nang buhay na katawan ni Lethal 5 sa lupa.

Nakalayo na ako ng konti noong di sinasadya nadapa ako sa isang nakaumbok na ugat ng puno sa baba na nagdahilan ng pagkatalisod ko.

Wala pang ilang sandali ay lumabas ang mga kalaban sa pinagtataguan nilang mga halaman. Sunod ko na lamang na nakita ay nakikipaglaban na sina Jace at Cello sa mga kalaban kamao sa kamao. Nakasunod lamang pala sila sa akin.

May humila ng paa ko. Humarap ako roon at nakita ang isang lalaki na may nakakalokong ngiti. Natigilan ako ng konti noong may nakita akong hugis number 6 na tattoo sa kanyang kamay.

Si Lethal 6.

Tinadyakan ko siya sa mukha at binawi ang hita. Gumapang ako sa lupa, ang lamig ng basang mga dahon sa aking kamay ang tila ba nagpabawas sa hapdi ng natama kong sugat at gasgas sa kanina.

Hindi ako tinantanan ni Lethal 6. Dahil sa hapdi ng isa kong paa mula sa pagkakatumba ay hindi ako agad nakatayo. Muli nitong hinila ang aking paa, nagpadausdos ang katawan ko sa lupa dahil sa lakas ng paghila niya.

Napahiyaw ako sa sakit dahil nahawakan niya ang sugat ko. May nakapa ang aking kamay na buhangin. Dumakot ako ng isang kamay, humarap at sinaboy ito diretso sa kanyang mga mata. Humiyaw siya sa hapdi. Umabante ako at sinuntok siya ng napakalakas sa kanyang tenga. Natumba siya agad ng walang pasabi. Pero ayaw niyang sumuko.

Nakita ko ang paghila niya ng isang baril sa kanyang bewang. Nakipag-agawan ako sa kanya ngunit tulad ni Lethal 5 ay nagulat ako sa lakas niya.

Tinadyakan niya ako sa may tyan at hindi ko iyon inasahan. Muli akong bumagsak sa lupa na may kasamang paghiyaw. Babarilin na sana niya ako ngunit may biglang bumaril sa baril na hawak niya. Tumalsik ito mula sa kanyang kamay. Pupulutin sana niyang muli ang baril ngunit sunod-sunod pang pagputok ang narinig namin. Natamaan ang kanyang braso kaya mabilis siyang tumakas palayo. Sa likod ng makakapal na halaman ay bigla siyang naglaho.

Noong tumingin ako sa likod upang makita kung sino ang nagligtas sa akin ay nakita ko si Jace. Hinabol niya si Lethal 6.

May sumugod na dalawang lalaki sa akin. May nakapa ako sa baba na isang matigas na kahoy. Bumangon ako mula sa pagkakatumba at ito ang ginamit na armas laban sa mga hawak nilang patalim.

Naaalala ko ang arnis na binigay sa akin ni Tatang. Naaalala ko ang isla. Naaalala ko ang mga training na ginawa namin. Naaalala ko ang lakas na meron ako.

Inikot ng mga eksperto kong kamay ang mahaba ngunit matigas na kahoy. Sa pagsugod nila ay ang paghampas. Ni hindi sila makalapit ng hindi nasasaktan.

"Kunin nyo siya!" Sigaw ng isa sa kanila. Sabay silang tatlo na umabante.

Huminga ako ng malalim, itinapat ang kahoy sa kanila at saka sinimulan ang laban.

Merong natatagong ganda ang arnis na hindi ko maipaliwanag. Parang isang sayaw, isang obra na humahawi sa hangin sa bawat paggalaw.

Sa bawat paghampas ay ang pagpasok ng nakareserba kong mga kamay sa kanilang mga depensa-- at sa oras na mangyari iyon... wala na silang kawala. Isang malakas na suntok sabay hampas sa leeg, para silang lantang gulay na bumabagsak sa aking paanan.

Iniangat ko ang tingin at nakita si Cello. Nagtama ang aming paningin.

"Cello!" Turo ko sa isang lalaki na pasugod sa kanya. Agad siyang naging alisto, nakipag-agawan ng baril at saka ito pinaputukan ng ilang beses.

Dumating sina Aiden kasama ang dalawang lalaki sa Seven Hunters na kung hindi ako nagkakamali ay sina Deck at Owen.

"Ayos lang kayo rito?" Tanong nila sa amin.

Sinuntok ni Cello ang huling kalaban na nahuli niya. Sa sobrang lakas ay tumalsik pa ang ngipin nito na may kasamang dugo.

"Tapos na. Marami pa ba ang darating?" Hingal niyang tanong. Tulad naming lahat ay tumatagaktak na rin ang pawis sa kanyang noo dahil sa init at pagod.

"Marami pa kaya kailangan nating maghiwa-hiwalay."

May panibagong pagsabog mula sa kaliwang direksyon.

"Pupunta na kami roon. Kailangan nating maghiwa-hiwalay."

Seryoso kaming tumango. Nagsalita si Aiden.

"Magkita tayong lahat sa Ellipses." sabi niya na tila ba ang lugar na iyon ay isang paraiso na kailangan naming mapuntahan sa lalong madaling panahon.

"Sige."

Sa pagtakbo namin ay hindi namin akalaing nakaabang ang iba sa mga kalaban sa pinakadulo. Nagpaputok sila ng mga baril kaya mabilis kaming nagtago sa likod ng mga puno. Nakita ko si Aiden na may kinakasang baril sa tabi ko na napulot niya kanina.

Tumingin ako sa paligid, hinahanap si Cello lalong-lalo na si Jace. Nanlaki ang mga mata ko noong makita si Cello sa kabilang puno malayo sa akin, hawak ang kanyang braso na tila ba ayaw huminto ang dugo sa pagdanak.

Natamaan siya!

Tatayo na sana ako upang tulungan siya ngunit sakto namang nagpaputok muli ang mga kalaban na hinahanap kami. Hinila ako ni Aiden pabalik. Siya ang nakipagputukan ngunit alam naming pareho na wala kaming sapat na bala.

"Serene nahihibang ka na ba? Anong ginagawa mo?" inis na tanong ni Aiden sa akin dahil sa hindi ko napag-isipang desisyon kanina.

"May tama si Cello. Aiden kailangan natin siyang tulungan!" nag-aalala kong sinabi sa kanya.

May dumating na ilan sa mga Ellipses at Black Savage bilang back-up namin. Umulan ng mga bala sa paligid. Nakipagsabayan na rin kami ni Aiden noong inabutan nila kami ng baril. Gayunman, noong ibinalik ko ang tingin kay Cello ay may humahabol na sa kanyang myembro ng Notorious. Tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi niya ako narinig.

"Tangina, bakit ba ayaw maubos-ubos ng mga letseng kalaban na ito? Nasaan na ba kasi si Jace?" tanong ni Aiden sa akin.

"Sinundan niya si Lethal 6."

"Saan banda?"

"Hindi ko na nakita. Pero may tiwala ako kay Jace. Kayang-kaya niya si Lethal 6."

Hinila ako ni Aiden sa kabilang direksyon ngunit hinila ko siya pabalik.

Wala na ang mga humahabol sa amin.

"Aiden kailangan nating hanapin si Cello."

"We need to go. Hinahanap na siya ng iba sa mga gangmates natin. Gusto mo bang patayin ako ni Jace kapag may nangyari sayong masama?"

"Pero--"

"Serene please. Delikado na manatili ka pa rito."

Narinig kong muli ang pamilyar na huni ni Tala. Noong tumingala ako sa langit ay naroon siya sa taas. Paikot-ikot ng lipad na tila ba kinukuha ang aking atensyon. Noong lumipad siya palayo, alam ko na may nais siyang ihatid na mensahe.

Kailangan ko siyang sundan.

Bumitiw ako kay Aiden.

Tinatawag man niya ako ng paulit-ulit ay tumakbo na ako palayo. Narinig ko siyang napamura dahil sa katigasan ng ulo ko.

May tama si Cello ng baril. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Huli ko siyang nakita na pumasok sa loob ng kagubatan kaya doon ako nagtungo. Ginawa kong alerto ang sarili, tinalasan ko ang pakiramdam. Makulimlim na ang langit para sa nagbabadyang pag-ulan.

"Cello!" Sigaw ko sa pangalan niya. Napakaraming punong kahoy at halaman. Nasaan siya nagpunta?

"Cello nasaan ka?"

Walang sumagot kundi pawang alingawngaw ng aking tinig.

May nakita akong bakas ng dugo sa isang tuyong damo sa aking tabi. Pinahid ko ang daliri rito at naramdaman na bago lang ito.

Dito siya dumaan. Sigurado ako roon.

Inilibot ko ang tingin at may nakita na panibagong tuyong dahan na may patak ng dugo. Sinundan ko ito. Mula sa sanga ng natumbang puno, mga dahon sa baba at gilid hanggang sa mga bato na madaanan ko ay may kulay pulang mantsa. Palaki na ito ng palaki.

"Cello--"

Hinawi ko ang matataas na damo sa aking harapan at nakita ko si Deck roon sa tabi ng punong kahoy. Hirap na siyang huminga habang hawak-hawak ng isang kamay ang tagiliran. Namumutla na siya ng sobra-sobra.

"Shay..." Nanghihina niyang bulong ngunit nakuha pa niyang ngumiti sa akin.

Masakit na hindi ko maaalala kung bakit ganu'n ang tawag niya sa akin, kung sino siya, kung paano siya naging parte ng buhay ko noon.

"Kaya mo pa ba? Idadala ka namin sa ospital." Tinulungan ko siyang tumayo ngunit umiling siya sa akin.

"Hindi na ako aabot."

"Wag mong sabihin yan. Halika na."

Dumating si Aiden sa tabi ko na tulad ko ay puno ng paghingal. Siguradong hinabol niya ako papunta rito.

Dali-dali akong tumayo sa tabi niya upang humingi ng tulong. "Aiden tulungan natin si Deck. Kailangan na natin siyang idala sa ospital."

Bubuhatin na sana ni Aiden si Deck ngunit ito ang umayaw.

"Nararamdaman ko na. Ayos lang. Handa na ako."

"Deck please—"

"Pakisabi na lang kanila Owen, Andrei at sa iba pa na mamimiss ko sila. Sa nanay ko pakisabi na patawad at mahal na mahal ko siya." Halos madurog ang puso ko noong makita ko siyang lumuha.

"Huwag mo akong dadramahan. Makakaligtas ka, gago." Pagalit na sabi ni Aiden sa kanya bago siya nito binuhat. Narinig kong napahiyaw si Deck sa sakit. Umalalay na lamang ako sa likod habang tumatakbo si Aiden.

May nakaabang na sa aming kotse paglabas namin sa gubat na iyon. Halatang nagmamadali ang mga kasama namin na umalis. Sa loob ng isa sa mga kotseng naroon ay ang walang malay at duguan na si Cello.

"Saan niyo siya nakita?" nag-aalala kong tanong.

"Di kalayuan po mula rito. Wala na siyang malay noong naabutan ng mga gangmates natin. Mukhang maraming nawalang dugo mula sa kanya. Kailangan na nating umalis dito."

"Pati si Deck. Natamaan din. Nasaan si Owen?"

"Nakaalis na po kasama ng iba kanina. Hinahanap din niya si Deck pero pinauna na po namin."

"Si Jace, nakabalik na ba?"

"Wala pa po."

"Hindi tayo pwedeng umalis dito ng wala siya."

"Ibinilin na po niya kami sa inyo. Kailangan na po nating umalis."

Desidido na akong hindi ako aalis doon kung hindi siya kasama. Gayunman di kalayuan, nakita ko ang paglabas niya mula sa matataas na damo sa tabi ng isang dahon. May dala siyang isang rifle. Duguan at madumi rin ang suot niyang damit mula sa pakikipaglaban mula pa kanina.

Halos talunin ko siya ng yakap noong makalapit siya sa amin. Nakahinga ako ng maluwag na makitang ligtas siya.

"May narinig akong panibagong mga sasakyan na paparating dito. Kailangan na nating umalis." Matapos akong yakapin ay dinerekta na niya agad ang mga kasama sa mga susunod na kailangang gawin.

Binuksan niya ang likod na minamaneho ni Aiden. Ang lugar kung saan lulan si Cello.

"Kailangan nating maghiwalay para hindi kayo agad masundan."

Hinila ko ang damit niya noong aalis na sana siya. "Paano ka?"

"I'll be fine. Just go." Sinara na niya ang pinto bago sumakay sa kabilang kotse.

Mabilis na minaneho ni Aiden ang sasakyan namin. Noong una ay nakasunod pa sa amin ang kotse na lulan ni Jace ngunit noong napunta kami sa daan kung saan may dalawang pagdadaanan, sa kabilang direksyon ang tinahak ni Jace. Simunod man ang karamihan sa Notorious sa kanya, marami pa rin ang bumuntot sa amin.

Nagkaroon ng karerahan sa daan. Sunod-sunod ang pagbangga nila sa amin kaya niyakap ko si Cello papalapit sa akin.

May ilang beses pa kaming binangga ang pinaputukan ng mga baril. Di kalayuan ay may panibagong asul na sasakyan sa amin. Binangga nito ng napakalakas ang itim na kotse ng Notorious kaya bumaliktad ito bago sumabog. Noong makita namin kunv sino ang tumulong sa amin, nakita namin sina Kuya Paul at Aziel na lulan nito.

Nakipagsabayan sila sa akin sa tulin ng pagpapatakbo ni Aiden.

"Anong ginagawa nyo rito? Hindi ba nakabalik na kayo sa Ellipses?" sigaw-tanong ko sa kanila dahil hindi kami magkaintindihan sa lakas ng hangin.

Sumigaw pabalik si Kuya Paul na may kasamang pagkaway. "Pinabalik kami ni Niel. Alam noya kasi na mas kailangan nyo ng tulong hindi pa sa mga tao roon."

Hindi ko maitago ang ngiti sa mukha ko. Pabiro akong kinindatan ni Kuya Paul.

Gayunman, agad ding napawi iyon noong napapreno ng napakalakas si Aiden. Sa sobrang lakas ay muntik na akong maitilapon kundi pa ako naka-seatbelt. Ganun din si Cello na niyakap ko.

Ang bilis ng kabog sa aking dibdib. Noong iniangat ko ang tingin. Napapalibutan na ng Notorious ang mga sasakyan namin.

May kinuha si Aiden na malaking panyo sa bulsa at agad na itinakip sa mukha ko.

"Wag mong tatanggalin yan kahit anong mangyari!" mahigpit na bilin niya sa akin.

"Lumabas kayo riyan." utos ng isang lalaki na tila ba pinuno nila. Kapansin-pansin ang number 4 sa suot nitong sumbrero.

Noong hindi kami gumalaw ang mas lalo nitong nilakasan ang boses. Nauubusan na ito ng pasensya.

"Labas!"

Binuksan ni Aiden ang pintuan ng kotse. Ganun din sina Aziel at Kuya Paul. Napakakapal ng tensyon sa paligid. Nakatutok ang lahat ng baril sa amin.

"Yung mga tao sa likod. Palabasin nyo."

"Sugatan ang mga kasama namin. Hindi na nila kayang tumayo." depensa ni Kuya Paul kunwari para hindi ako mapapalabas.

"Wala akong pakialam. Palalabasin nyo yan o pasasabugin ko ang mga bungo niyo?" Itinutok nito ang baril satapat ng ulo ni Kuya Paul. Sa isang malalim na paghinga... mabilis na tinampal ni Kuya Paul palayo ang kamay ng lalaki na nagdulot ng pagbagsak ng baril sa semento. Nagkaroon ng napakalaking gulo pagkatapos.

Suntukan... barilan... lahat halu-halo. Bumibilis na ang paghinga ni Cello. Namumutla na rin siya ng sobra. Marami nang dugo ang nawala sa kanya.

Pinapalabas na ako ni Aiden upang tumakas ngunit hindi ko maiwan si Cello. Ilang beses na niya akong hinila at sinigawan. Lumaban ako pabalik. Ayoko siyang iwan.

"Umalis ka na." mahina at nanghihina man ay narinig ko ang tinig na iyon mula kay Cello. Parang hinahabolmna niya ang paghinga. "Tumakas ka na. Alis."

"Hindi. Babalik pa tayo ng isla di ba? Makikita mo pa ulit sina tatang, inay, at itay."

That made him smile but in a painful way.

Naramdaman ko ang buong lakas niya na itinulak ako palayp sa kanya habang si Cello ay halos buhatin ako makaalis lang doon. Sumigaw ako at pilit na kumawala lalo na noong makita konang pagbagsak ni Cello sa upuan ng kotse.

Napakabilis ng mga pangyayari. Napakaraming gulo. Napakaraming ingay.

Gusto kong lumaban ngunit hindi ako hinayaan ni Aiden. Kailangan na raw naming makaalis sa lalong madaling panahon. Parami pa ng parami ang mga kalaban. Parang hindi sila nauubos.

Dumating ang sasakyan ni Jace kasama ng iba sa mga kasama namin. Tinulungan nila sina Kuya Paul at Aziel. Kung magulo na kanina, hindi ko na maipaliwanag ang mga nangyayari ngayon.

Basta ang sumunod ko na lamang na nakita ay pinalibutan sina Aziel at Kuya Paul ng mga Notorious. Lumalaban sila pero madaya ang Notorious. May mga hawak silang tazer. Sinubukan nilang i-taze si Jace ngunit alisto siya at agad itong iniwasan. Sa ikalawang banda ay hindi ito inasahan nina Aziel at Kuya Paul na abala sa pakikipaglaban. Hinawakan sila sa kamay at pinagkaisahan. Sa pagdikit ng maliit na bagay na iyon sa balat nila ay dagli silang nangisay bago nawalan ng malay.

Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw. Dumating pa ang marami sa mga kasama namin ngunit masyadong mabilis ang Notorious. Ipinasok nila sina Aziel at Kuya Paul sa kotse bago pinaharurot ang mga kotse palayo.

Hinabol ko sila ngunit hindi ko nagawa. Nadapa ako sa malamig na semento habang sinisigaw ang mga pangalan nila.


///////


Author's Note: 

Hi Listeners! LTMS 2nd Batch and LTMH 1st Batch of Book Pre-order are officially available at google forms in this site. Books are first come, first serve. Limited signed copies only kaya order na! (I'll put the link on the comment section.) Kung hindi nyo makita dahil sa mga comments. Scroll down nyo na lang :)

Anyway, i would to hear your comments down on the comment section about this update. And also, please don't forget to like and share! Thankies! 


Ole!!

-wistfulpromise




Continua llegint

You'll Also Like

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
20.3M 702K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
1.2M 36.4K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...