Seducing My Crush [Alluring S...

By maentblack

1.9M 79.3K 49.1K

Alluring Series #1 Eris Julian Monterico Started: March 30, 2020 Finished: June 30, 2020 All rights reserved... More

Seducing My Crush
01
02
04.
05
06.
07.
08.
09.
10
11.
12.
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

03

49.1K 1.9K 872
By maentblack




Demrene's Point Of View

"Hoy babae!" Pinitik ni Maddy ang ilong ko.

Agad ko namang hinampas ang kamay nya. "Ano ba kasi?" Inis kong tanong.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Inis nya ding tanong. Napapikit ako at napangalumbaba habang pinapaikot ikot ang straw sa juice na iniinom ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Bored kong tanong.

"Ang sabi ko kailangan natin mag-aral this week, semi-finals na natin wala pa tayong natututunan, baka bumalik na naman tayo sa Practical Reasearch 1, ang hirap kaya non." Mahabang sermon nya pero wala pa rin akong iniimik tungkol don.

Sa pgkakataong 'to, hinampas na naman ng malditang 'to ang braso ko, muntik na tuloy sumubsob yung baba ko sa lamesa. "Ano ba kasing problema mong babaita ka? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo? Uminom ka ba ng gamot?" Asik ni Maddy nang mapansin nyang hindi ako magaslaw ngayong araw.

Tumikhim ako at umayos ng upo. Inis kong hinampas ng marahan ang table, nasa café teria kasi kami ng school ngayon kaya baka may makarinig kapag nilakasan ko. "Eh kasi naman! Si Eris!"

"Ah, si Eris naman pala. Sino pa nga ba? Ang tanga ko talaga." Napapatango tangong sabi ni Maddy.

"Hoy Maddy, tapatin mo nga ako! Ano bang wala sakin na meron kay Xyzhie? Yung totoo ha!" Galit kong tanong kay Maddy. Naiinis lang kasi ako kung bakit lahat na ata ng lalaki dito sa campus, crush si Xyzhie, malaki lang naman ang ano nya kaya ganon.

"Ah...eh? Dem, seryoso ba 'to?" Nag-aalinlangan nyang tanong.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Mukha ba kong nagbibiro sa lagay na 'to Maddy? Mukha ba?"

"Hehe, hindi, pero Dem, masasaktan ka lang." Hinagod hagod nya ang likod ko pero inalis ko 'yon.

"Ano ba Maddy! Sabihin mo na kasi! Maganda din naman ako ah, mahaba din naman buhok ko, mapula din naman ang labi ko kahit wala akong lip tint o lipstick, hindi naman ako gaanong mataba, tsaka—tsaka, ayos naman yung height ko, teka, oo aminado akong mas malaki yung kanya pero Maddy, ano pa bang kulang sakin?!" Mahabang tanong ko sa kanya.

"Friend, alam mo kung anong kulang sayo?"

"Tanga ka din Maddy, magtatanong ba ko kung alam ko? Sagot na dali! Lintek, pinatatagal mo pa." Asik ko sa kanya.

"Ganito kasi, hindi naman sa ano Dem ha," Napakamot sya sa batok nya. "Wala naman kasi talagang kulang sayo eh... hindi ka lang talaga type ni Eris kaya wala syang pake sa nararamdaman mo." Nang marinig ko sa kanya 'yon, di ko napigilan ang sarili ko na hampas hampasin sya at kurut-kuritin. Ano ba namang bestfriend 'to? Walang kasupo-suporta sakin!

"Walangya ka talaga Maddy! Kaibigan ba kita o ano?" Iritang sabi ko sa kanya habang hawak hawak ang palda nya para di makalayo sakin.

"Dem kasi, bakit ba ayaw mong humanap na lang ng ibang popa dyan? Ang lawak lawak ng campus tapos nakikipagsiksikan ka pa dun kay Eris! Kulang na nga lang ipamuka nya na diring diri na sya sayo. Move on na friend. Hanap na lang kita ibang mas yummy'ng popa." Suggest nya habang hinihigit pabalik yung palda nya.

Umiling ako, "Eh? Ayoko sa ibang lalaki, gusto ko si Eris lang. Lalaban talaga ako Maddy. Balang araw, sakin din ang bagsak ni Eris. Hintayin mong mangyari 'yon Maddy." Desperado kong sabi sa kanya.

Alam ko namang mali yung gagawin ko pero pag puso na talaga ang pinairal, wala kang iisipin kundi ang kung anong gusto ng puso. Marami akong mababangga? Who cares? Maraming magagalit? I no longer care about that. Siguro ganon talaga ako. Natakot na ko saposibleng mangyari dahil hindi ko paglaban kung ano ang dapat para sakin and that's fucking traumatic.

Lumayo ng kaunti si Maddy at umaktong takot, "Ang creepy mo na Dem..." Sabay lagok nya sa juice na binili nya.

--

Nang matapos na ang last subject namin, inaya ko agad si Maddy na pumunta sa room nina Eris.

"Pag hindi ka sumama, break na talaga tayo Maddy." Pananakot ko sa kanya.

Hindi alam nya alam ang gagawin, nagdadalawang isip ba sya kung sasama sya sakin o mas uunahin nya yung kapatid nya na naghihintay sa labas ng gate para kaunin sya. Napapakamot na naman sya sa ulo dahil sa inis, "Dem naman e. Nandyan na si Kuya, baka inipin 'yon, lagot na naman ako don. Wag na lang kasi. Ipagpabukas mo na yan."

"Hindi pwedeng ipagpabukas Maddy. Ngayon ko na 'to gagawin. Sasama ka ba o hindi?" Tanong ko sa kanya.

Napataas syang tumingin at malalim na bumuntong hininga. "Oo na, sasama na ko. Bwisit ka talaga."

Ngumiti ako at pabiro syang kinurot sa bewang, "Ano na? Tara na."

Habang naglalakad kami sa corridor kung saan patungo ng room nina Eris, binasag ni Maddy ang katahimikan. "Ano na naman ba ang binabalak mong gawin ha?"

"Maghintay ka na lang sa gagawin ko." Ngumiti ako sa kanya.

"Naku naku naku, parang nagsisisi ata akong sumama pa ko sayo Dem! Ako ang kinakabahan sayo! Bumalik na nga tayo." Aniya at medyo pinapawisan na.

Napatawa naman ako ng kaunti, "'Wag ka ngang oa. Tsaka anong balik balik, konting lakad na lang nasa room na nila tayo."

Ilang sandali pa nga, nandito na kami sa tapat ng pinto nina Eris. Sinilip ko sila mula sa bintanang nakabukas. Wala ng tao doon kundi ang mga tropa ni Eris na sina Ivann, Zachary at si Jace. Sakto. Buti na lang wala na ang Xyzhie'ng 'yon.

"Uy, san ka pupunta?" Hinawakan ni Maddy ang braso ko nang lumakad ako.

"Sa loob. Dyan ka lang, bantay ka ha." Sabi ko sa kanya pagkatapos ay iniwan ko na sya doon.

Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang guluhin ang nagkakasiyahang kwentuhan nila doon.

"Hi Eris!" Sigaw ko nang nasa pinto pa lamang ako. Nakuha ko naman agad ang atensyon nilang lahat.

Tumingin sila sa gawi ko, sina Ivann at Jace ay mukhang natuwa sa pagdatin ko samantalang si Zachary at Eris, ay ayaw na makikita ako. Ewan ko ba dito kay Zachary kung bakit ang sama lagi ng tingin sakin, konti na lang talaga at iisipin kong type ako ng mokong na 'to.

"What are you doing here?" Nakakunot noong tanong ni Eris.

"Nandito ako para sayo." Abot tenga ang ngiti ko nang tanungin nya ko. Oh my gosh!

"Did I ask you to come here?" May halong irita sa boses nya pero shit, ang husky pa rin ng voice nya!

"Hindi. Kaya nga ako nandito, ako na lang yung nag-assume na pinapapunta mo ko." Hindi ko naman alam kung bakit nagtawanan at nagpalakpakan si Ivann at Jace pero hindi ko na lang sila pinansin.

Napailing si Eris at napasapo sa mukha. "Can you please... get out of here? Ayokong manakit ng babae Ms. San Mateo kaya habang nakakapag-isip pa ko ng husay, umalis ka na." Mahinahon nya 'yong sinabi.

"No. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nagagawa yung gusto kong gawin." Seryoso kong sabi sa kanya. Lumapit ako ng kaunti. "Kating kati na ang buong katawan ko Eris." Habang sinasabi ko 'yon, papalapit ako ng papalapit sa kanya.

"What are you doing?" Tanong nya ng lumapat ang kamay ko sa mataas nyang balikat.

"Doing what is good." Mabilis kong hinigit ang necktie nya at inilapit sa mukha ko. Hindi ko pa pinagdidikit ang mga labi namin, only my nose and his nose are close.

Shit, gusto ko talaga syang halikan. "Close your eyes Eris." May halong landi na bulong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit nya sinunod ang sinabi ko. Pilit syang pumikit ng mata. Patago akong ngumiti dahil doon. Mas gumagwapo sya kapag nakapikit, yung tipong parang ang amo ng mukha nya. Ang bango mo Eris!

"Are you ready?" Ganon pa rin ang tono ng boses ko. Habang sinasabi ko 'yon, tumataas ang mga kamay ko papunta sa leeg nya.

Ilang minuto lang, dahan dahan kong inilayo ang ilong ko sa ilong nya, "See? Sabi ko na nga ba, gusto mo din ako Eris e."

Agad naman syang lumayo sakin. Isang ruler ang pagitan na namin ngayon, "Wait—what?" Tanong nya.

"Sabi ko, gusto mo din ako." Nakangiting sabi ko.

"Tss! Get out Ms. San Mateo! Stop dreaming." Pagdedeny nya.

"Hindi dreaming ang tawag don Eris, it's the truth. Oh ano ngayon, edi nabitin ka sa paghalik ko. Saka na kita hahalikan kapag tayo na. Wait for it Eris my loves." Pagkasabi ko noon, lumabas na ko sa room nila.

Nakangiti akong hinila si Maddy at naglakad paalis sa room nina Eris. "Success!" 

Continue Reading

You'll Also Like

4.1K 818 79
❝ crush ko pero ang hirap umamin. ❞ ━ in which a girl secretly admires a guy and also secretly admires her. 「 im jaebum • jung eunji...
4.5M 165K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
938K 39.8K 53
{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine...
1.7K 84 34
"I hate regrets, Elizabeth. And I'm willing to take the risk. Dahil hangga't kasama kita, hanggang sa nakakasama pa kita, ayoko ng matapos pa." Dahil...