Taming The Bad Boy [Complete]...

By PrincessInJeans

1.3M 19.9K 2K

[Formerly : Taming The Casanova Gangster] He is a jerk. I was naive. Our love was wicked. And this is our st... More

Prologue
Introduction
Chapter 1 [Manong Manyakis]
Chapter 2 [The Deal]
Chapter 4 [How to Tame a Casanova]
Chapter 5 [Secrets]
Chapter 6 [I'm sorry]
Chapter 7 [The Nerd and The Playboy]
Chapter 8.1 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 8.2 [Heartaches of the Casanovas]
Chapter 9 [Si Voldemort at si Kuya Payong]
Chapter 10 [Enzo Who?]
Chapter 11 [WHAAAAT?!]
Chapter 12 [Dwaeji.]
Chapter 13 [Nagseselos nga.]
Chapter 14 [Not so happy birthday]
Chapter 15 [Love and Friendship]
Chapter 16 [Heartbreak]
Chapter 17 [Truth]
Chapter 18 [Win His Heart]
Chapter 19 [End of the Day]
Chapter 20 [Nagpapapansin]
Chapter 21 [Can I kiss you?]
Chapter 22.1 [Bestfriend]
Chapter 22.2 [Bestfriend]
Chapter 23 [Mutual Feelings]
Chapter 24 [Daddy's girl]
Chapter 25 [Last Goodbye]
Side Story [Keeping Faith]
Introduction [Part Two]
Chapter 26 [Home]
Chapter 27 [Damn you]
Chapter 28 [Still the same]
Chapter 29 [Game On]
Chapter 30 [It's Different]
Chapter 31 [Push and Pull]
Chapter 32 [Smile More]
Chapter 33 [I'll chase you]
Chapter 34 [I'm not sorry]
Chapter 35 [Stay]
Chapter 36 [Against everything]
Chapter 37 [Let you go]
Chapter 38 [Get over you]
Chapter 39.1 [Andrea Wilson]
Chapter 39.2 [Andrea Wilson]
Chapter 40 [That Lingering Feeling]
Chapter 41 [Let's end this]
Chapter 42 [Wait for me]
Chapter 43 [Strangers]
Chapter 44 [Meant to be]
Epilogue

Chapter 3 [The Playboy vs. The Amazona]

30.9K 476 22
By PrincessInJeans

Revised: 6/16/15


Chapter 3


[The Playboy vs. The Amazona]


< Rian's POV >


"Oooh! Merong palang ganito?!" excited na sabi ni Justin.


Kanina pa siya ganyan, tuwang tuwa sa mga bagay dito sa grocery katulad ng canned goods na kung anu-ano. Ignorante eh. Haha, joke! Yung cart nga namin punong-puno ng de lata at instant noodles. Palibhasa anak mayaman kaya tuwang tuwa sa mga common na pagkain. Samantalang ako—-nevermind.


I sighed at patago kong binalik yung ilan sa mga noodles at canned goods na kinuha ni Justin. At this rate, magmumukha kaming nasa evacuation center dahil sa puro instant food yung kakainin namin for the next weeks.


"Ano ka ba, first time maggrocery?!" Alam kong masamang sigawan ang amo pero naiirita na talaga ako kay Justin.


"Oo!" He said happily.


"E di ba mag-isa ka lang sa condo mo? Pano ka kumakain?"


"Nagpapadala si mama ng grocery. Pero walang mga ganito." Malamang, eh sobrang puro MSG at kung anu-anong preservatives yung meron yang binibili mo eh. Kumuha siya ng instant spaghetti at nilagay sa cart. "Uy! Wow! Gusto ko nito!"


"Mama's boy..." bulong ko. Heh, buti na lang hindi niya narinig.


Nakakatawa panoorin si Justin habang parang batang nakakadiskubre ng mga bagong bagay. Psh, kanina kunwari pang ayaw niya, nagsuot pa ng beanie hat at sunglasses para daw wag siyang makilala nung mga 'chickababes' niya na gumagawa ng kabadingan tulad ng paggogrocery. Tapos ngayon masayang-masaya siya. Baliw lang.


"OY! TUMIGIL KA NA DYAN! PURO INSTANT NOODLES TSAKA DE LATA PINAGBIBIBILI MO OH!" Sigaw ko nung mapansin kong yung mga patago kong inaalis sa cart ay patago rin pala niyang iniismuggle pabalik. Naisahan ako dun ah!


"BAKIT KA SUMISIGA——Hey! Hi Babes!" Biglang bati niya sa babaeng naka-dress at kulot ang buhok na dumaan, sabay kindat pa. Namula naman yung babae at mukhang kinilig. Nginitian niya si Justin at nagpatuloy sa paglalakad papunta.


Akmang susundan ni Justin yung babaeng mukhang bago niyang prospect kaya naman hinila ko yung collar ng tshirt niya. Ang landi talaga ng lalaking 'to! Nakakastress!


"Hep! San ka pupunta?" Tapos tinaasan ko siya ng kilay.


"Kukunin yung number ng babae. Di mo ba nakita type din ako oh?" Tapos tinaas taas niya yung mga kilay niya. 


Di lang saksakan ng kalandian, punong-puno pa ng kayabangan.


"Ano ka, iiwan mo ko? Ako magbubuhat ng lahat ng de latang pinagkukukuha mo?!" At isa pa, kailangan ko nga siyang turuan magseryoso sa mga babae. Tapos hahayaan kong magdagdag pa siya ng bagong babae sa collection niya?


No way. Kailangan kong magawa ang deal namin ni Tita Leslie.


"Aish, fine." Tapos inirapan ako. How gay. "Selos ka lang eh." Tapos ngumisi siya.


WHAT THE FUDGE DID HE SAY? Ako? Magseselos? Nakakakilabot.


"ASA KA!"


"Hahahaha." Bwisit.


* * *


"Ang bigat naman nito!" Pagrereklamo ni Haring Justin for the millionth time.


"Sino bang kumuha ng lahat ng yan?" 


"Tss. Sino bang amo sa ating dalawa ha? Pakiramdam ko ako ang under dito eh." Binulong niya yung last part pero narinig ko pa din. Muntik na kong matawa pero pinigilan ko dahil baka lalong magsungit yung amo ko.


Napahinto ako nung may bigla akong makita. Ooh!


"Justin..." Tumigil ako sa paglalakad at ganon din si Justin.


"Ano?"


"Kain tayo."


"Ha? Ang dami mo nang kinain kanina ah!"


"Breakfast pa kaya yun. Lunch na oh."


"Psh." Binaba niya lahat ng dala niya. "Saan mo gusto?"


"Doon oh!" Sabay turo ko doon sa isang fastfood restaurant.


* * *


< Justin's POV >


"Doon oh!" Sabi ni babysitter tapos tinuro niya yung...


"What the heck? Jollibee?! Ano ka bata?"


"Hindi lang naman yan para sa bata ah! Tara na, dali!"


Tapos hinatak niya ako pero dahil kailangan ko pang buhatin yung mga grocery bag, nauna na siya doon sa Jollibee na parang excited na excited pa.


Psh. Ignorante naman nito. Ano ba to? Probinsiyana?


Fuck, this is so uncool. Ang daming makakalat at hyper na batang nagtatakbuhan sa loob. Meron pang malalaking pamilya na akala mo may family reunion sa loob ng Jollibee. Pano na lang may chikababes na makakita sa'kin sa loob?! Bawas pogi points yun!


"Rian!" Tawag ko kay babysitter pero hindi siya lumingon.


Pagpasok ko sa Jollibee, pangalawa na sa pila si Rian kaya naman nilapitan ko na siya.


"Good morning, Ma'am, Sir! Ano pong order nila?" tanong nung lalaki sa counter.


"Uhm.. two-piece chicken joy with rice, large fries, peach mango pie, coke float, chocolate sundae, at... spaghetti."


Nanlaki yung mga mata ko doon. Ang dami namang in-order ng babaeng 'to?!


"Tsaka po pala extra rice. Dalawa!"


"O-oy! Ba't ang daming mong inorder? Mauubos ba nating lahat yan?"


"Huh? Anong natin? Akin lang yun noh! Um-order ka ng sarili mo!"


The heck? Sa kanya lahat yun? Gaano ba kalaki ang tiyan nito at ang lakas kumain?! E ang dami na niyang kinain kaninang umaga ah!


"Sir, ano po sa inyo?" Tanong nung counter boy.


"Er, tubig na lang."


Napakamot na lang yung lalaki ng ulo tapos inayos na yung pagkain namin. Si Rian yung nagbitbit nung tray tapos ako ang nagbitbit lahat ng pinamili namin.

Nung nakahanap na kami ng table, nagsimula nang kumain si Rian. Binigay niya sakin yung spaghetti na inorder niya kasi nakakaawa naman daw ako tapos nagpatuloy siya sa pagkain.


Mamumulubi ata ako sa babaeng 'to.


"First time mo bang kumain dito?" Tanong ko.


"Hindi ah! Pang-limang beses na!" sabay subo nung Peach mango pie niya.


Limang beses?! E ako nga halos dito na ko kumain araw-araw nung bata ako.


"Bakit wala bang ganito sa——-saan ka nga bang lupalop nanggaling?" Ngayon ko lang napansin, wala akong alam sa babaeng 'to. Tulad ng kung saan siya nakatira bago ihire ni Mama. If I know, tama nga ako at serial killer yung babaeng 'to. Yun siguro ang magpapaliwanag ng pagkabrutal niya.


"Meron. Kaso madalang kami makakain ng bestfriend ko ng ganito sa New—-" Bigla siyang napatigil sa pagsasalita.


Nanliit yung mga mata ko doon. "New? New York? New Jersey? Anong New?"


Napansin kong medyo namutla siya. May tinatago sigurong sikreto yung babaeng to at muntik na siyang madulas kanina. Hmm.


"Sa ano.. Sa.. New.. New-we-ba E-si-ha! Tama! Doon, doon!"


"You mean, Nueva Ecija?"


"Yun ba bigkas doon? Ehehehe. " Nagkunwari siyang tumatawa.


Weird.


Hm, babysitter, what are you hiding?


* * *


"YO!" Bati ko sa mga kasamahan ko sa gang pagpasok ko sa tambayan namin. 14 kami sa gang pero pito lang ang naabutan ko ngayon dito sa tambayan. 


"Woah! Anong nangyari sa'yo?" natatawang sabi ni Mico, sabay turo sa pasa ko mula sa pagsuntok sakin ni Rian kagabi.


"HAHAHAHA. Ang panget mo, dude." sabi naman ni James. Siraulo talaga 'to.


"Uy! San kang gulo sumuot?! Ba't di mo ko sinama?!" sigaw ni Luke mula sa kabilang dako ng kwarto. Tss, sobrang basagulero nito eh.


Si Kurt, natutulog sa may sofa.


"HAHAHAHAHA. Mukha kang dalmatian, Justin! WAHAHAHA." sabi ni Rj. Binato ko nga nung una kong mahablot, isang libro.


Tss. Sayang nakaiwas.


"Oy! Chemistry book ko!" Sabi ni Eric, nag-iisang nerd na kagang namin. Pero

wag kayong magkakamali, yan ang nambubully sa school namin. 


"Yaks, Eric. Paki namin sa libro mo?" —Carlo


Oo nga pala, yung tambayan ng gang namin, nasa loob lang din ng school namin. Wala namang problema kasi pamilya naman ni Kurt ang may-ari nito at siya naman ang leader namin. Eto yung lumang library ng school. Pero siyempre, inalis na yung mga libro at shelves. Mukha na siyang isang kwarto sa isang five star hotel. Idea ko 'to. Matalino ako eh. Oh yeah 8-)


 "Heh! Palibasa ikaw walang utak!" —Eric


"At least gwapo! MWAHAHAHA." —Carlo


"Teka..." Tapos umikot si Eric kay Carlo. Nakalimang ikot ata siya.


"Anong ginagawa mo?!" —Carlo


"Hinahanap kung san banda ka gwapo. Kaso wala akong makita eh. Tsk. Tsk." —Eric


"ANO? Rj, libro!" —Carlo. Tapos binato ni Rj yung chemistry book ni Eric papunta kay Carlo.


"A-anong gagawin mo diyan?" —Eric


"Ihohostage ko para umamin kang gwapo ako. MWAHAHAHA." —Carlo.


"NOOOOO! Chemistry book koooo!" —Eric


Tapos naghabulan si Carlo at Eric palabas ng tambayan.


"TEKA! BA'T KAYO LANG NAGHAHABULAN. SALI AKOOO!" —Rj. Tapos sumunod siya doon sa dalawa.


Mga baliw -___-


"Naano yan?" —tanong ni Mico sabay sundot doon sa pasa ko.


Sinapak ko nga yun kamay. Ang sakit na nga, sinundot pa eh.


"AWCH! Taray neto ah -___-" —Mico


"May monthly visitor? O__O?" —James


"Gagi!" sabi ko sabay batok.


"Saang gulo ka nga ba kasi nasuot? May sumugod na namang sa'yong kuya ng isa sa mga babaeng pinapaiyak mo ano?" tanong ni Luke tapos ng 'tsk tsk' naman yung dalawang baliw sa tabi niya.


"Wala ah. Gawa yan nung bagong hire ni mama na maid ko. And guess what? Siya lang naman yung babaeng hindi tinablan ng charms ko at tinawag pa akong Manong Manyakis."


"EHHHH? o_o" gulat na sabi nilang tatlo.


Biglang tumawa ng malakas si James.


"Talo ka pala sa babae eh! HAHAHA." —Mico


"WEAK! HAHAHAHA." —Luke


"Laos ka na! HOHOHO." —James


"Wala na pala yang 'charms' mo eh. HAHAHA." —Mico


"WEAK! HAHAHAHA." —Luke, inulit lang yung sinabi niya kanina. Tuwang-tuwa eh. -___-


Mga lokong 'to. Nilait pa ko. -___-"


"Heh! Tantanan niyo ko ah!"


"Pero may tanong ako..." —Luke


"Ako din..." —James


"Hala! Ano yan? Bakit ako walang tanong?!" —baliw na si Mico.


Hinatak naman siya ni James at Luke tapos nagbulungan sila.


Psh. Laking tulong ng mga taong 'to eh.  Makaalis na n—-


"Bakit di ka pa gumagawa ng paraan para matanggal yung maid mo?" —Luke


"Tulad ng dati mong ginagawa?" —James


"Don't tell me, you actually care for that maid for yours?" —Mico sabay smirk.


"Of course not." tapos nagsmirk din ako. "I just find that maid interesting. I think, I'll play with her for a while." tapos lumabas na ko sa tambayan namin.


Me? Care for someone?


No way.


I'm never making that mistake again.


Because I know how painful it is to get burned after you made yourself care for someone.


You play, you have fun and then you leave. You hurt so that you're not the one who would be left crying. That's the motto of a casanova.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 134K 33
More Trilogy Book 1: Touch Me More (2016) Maria Clara Alba Flores. Almost 16 years of existence and Czarina can't learn to appreciate her name. Then...
115K 6.5K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3M 52.8K 26
---- This story is already complete but I unpublished it because I am currently revising it. Thank you for supporting my story. God bless.
3.5M 55K 59
[Unedited Version] A love story that started with a kiss, challenged by obstacles and sealed with love. Who will you choose: The Bad Boy who makes yo...