Chapter 33 [I'll chase you]

20.9K 313 75
                                    

Dedicated to: prettyinpink21. Hindi ako sure kung nakapagdedicate na ko sa'yo :-/ Pero anyway, salamat ng marami sa pagsuporta rito mula pa dati! :)

May mali ako sa Chapter 31 :O Hindi director yung pangarap ni Enzo kundi maging isang singer hanggang sa ibang bansa, oryt? :)

Salamat Aengel para sa covers! :)

Chapter 33

[I'll chase you] 

< Sophia's POV >

"Of course not!" Tinulak ko si Justin ng malakas kaya napakalas na talaga siya sakin. 

"Is there a problem here?" Taas na kilay na tanong nung dance instructor samin. 

"Yes, sorry. I have to leave first. Next time na lang ulit." Kinuha ko yung bag ko sa gilid at dire-dretsong lumabas nung dance studio.

Bakit nga ba ako nagmamadaling umalis ngayon? Epekto ba 'to ng mga sinasabi ni James kagabi sakin?

"Pia!" Lumingon ako at nakita kong hinahabol ako ni Justin.

Sheesh! The one time na hiniling kong wag niya kong hahabulin!

"Go back, Justin. Naalala ko lang na may kailangan akong puntahan." Binilisan ko pa yung lakad pero sandali lang ay naabutan na rin ako ni Justin. Hinablot niya yung kamay ko at hinarap niya ko sa kanya.

"No. Kailangan nating mag-usap, Pia." Binawi ko yung kamay ko sa kanya.

"Next time na lang, Justin. May pupuntahan talaga ako." Tumalikod ako at naglakad ulit palayo pero nahabol ako ulit ni Justin at hinarap sa kanya.

Bakit ba ang kulit ng lalaking 'to!

"Pia.. stop turning your back on me."  Hinawi ko yung kamay niyang nasa balikat ko kaya napabitaw siya sakin.

"Stop chasing me." 

Ngumiti ng mapait si Justin. "I can't Pia. Kaya kong gawin lahat ng hilingin mo sakin pwera lang 'yon." 

"Why, Justin?" Tinignan ko siya diretso sa mata. "Tell me why." 

"I can't because I want to do everything to win you back. I'll chase you, I'll seduce you, I'll court you. Because I love you." Diretso niya ring sabi sakin. He didn't blink for once, he didn't stutter. 

Napasinghap ako.

"I can't play this game, after all. Hindi ako katulad mo. Hindi ko kayang magpanggap sa mga nararamdaman ko katulad mo. Hindi ako ganun kagaling."

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon