Chapter 31 [Push and Pull]

23.3K 348 82
                                    

Chapter 31

[Push and Pull]

< Sophia's POV >

5 years ago.

"Wow, sweet. That... very sweet." Napatingin ako sa katabi kong Korean na matandang babae sa plane. Natutulog na yung mga ibang pasahero, pati na sina Mommy at Zoe. "Your boyfriend... he wrote that?" Nakinig akong mabuti dahil medyo kakaiba yung pronounciation niya. Pero, nagkamali pa rin ata ako ng rinig kasi sobrang weird nung sinasabi niya.

"Um, I'm sorry?"

Ngumiti yung babae. "That.. saranghae." sabi niya habang tinuturo yung sinulat ni Enzo sa kamay ko kanina.

Nanlaki yung mga mata ko. "Sa.. rang.. hae?"

"Ne. Saranghae. I love you."

 

"I.. love you.." Napatitig ako sa sinulat ni Enzo. Saranghae. I love you. Bakit niya sinulat yun? Posible kayang.. Pero bakit?

* * *

"Sorry po, Miss Pia pero hindi po available si Sir Enzo ngayon." sagot sakin nung assistant ni Enzo. Hindi na naman siya available? Ilang linggo na simula nung makarating kami sa Cali at ilang linggo ko na ring sinusubukang makausap si Enzo.

Pinagtataguan ba ko nung lalaking yun? Grabe ah, magsusulat siya ng kung anu-ano tapos biglang maglalaho. Sapukin ko siya eh!

"Sige, thank you. Pakisabi pala kay Enzo.. baliw siya, abnormal pa! Madapa sana siya! Bye!"

Sana lang talaga, hindi seryoso si Enzo. Sana joke lang niya 'to. Kasi kaibigan ko siya at alam ko sa sarili kong hindi ko pa kakayaning magkagusto ulit sa ibang tao at ayaw kong saktan si Enzo. Hindi ko pa kaya habang masakit pa lahat. Hindi ko pa kaya habang nararamdaman ko pa lahat, yung pakiramdam na maloko at mapaglaruan. Hindi ko pa kaya.. habang bago pa lahat.

"Hi miss, mind if I join you?"

 

"Yes, I do. Sorry--" Tumingala ako at nakita ko yung isang pamilyar na lalaki. Huh? San ko nga ba nakita to dati? "Ikaw?"

"Huh? Ah! Rian!" Kilala nga niya ko. Sino ba 'to?

"Uhm, Pia actually. And you are?"

 

Ngumiti yung lalaki. "Bilis mo namang makalimot. Ouch, ganun ba ko kadaling kalimutan? Haha. James nga pala. James Jimenez." James.. yung kaibigan nina Mico at.. at siya. Ngumisi siya sakin. "Ngayon pwede na ba kong umupo dito?" Tinuro niya yung upuan sa tapat ko. "Puno na kasi talaga yung restaurant pero gutom na gutom na talaga ako. Please?" Tumingin lang ako sa kanya. Silence means yes ata para sa lalaking 'to dahil umupo pa rin siya tapat ko. "Salamat!"

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon