Chapter 25 [Last Goodbye]

23.1K 375 44
                                    

Formerly: Taming The Casanova Gangster

Chapter 25 

[Last Goodbye]



< Sophia's POV >



Dapat akong maging malakas. Kailangan akong maging malakas.



Paulit-ulit ko yung sinabi sa sarili ko habang inaasikaso ko yung burol ni Daddy. Pati na din yung magigin libing niya. Kahit kelan, hindi ko naisip na mangyayari sakin 'to. That I will be arranging my father's burial at seventeen years old. Masyado pang maaga para kunin mula sakin si Daddy, samin ni Mommy.



"Ma, please... talk to me. Kausapin niyo naman po ako oh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pati kayo mawawala sakin." Niyakap ko si Mommy ng mahigpit. I wished so hard na sumagot na siya sakin.



Ang dahilan kung bakit ako ang nag-aasikaso ng burol ni Daddy at hindi ang Mommy ko ay dahil nag-break down si Mommy. Nakatulala lang siya at tahimik na umiiyak. Hindi namin siya makausap at parang wala siyang naririnig sa lahat ng mga sinabi namin sa kanya. Paminsan-minsan lang siya nagsasalita, at yun ay para tawagin si Daddy. And honestly, takot na takot ako. Natatakot ako na baka pati ang Mommy ko mawala sakin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung magkataon.



"Mommy... I love you. Please.. please, mommy. Bumalik ka na sa dati. I need you." Mas lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko kay Mommy. Pero kahit konti, wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya. Parang walang kumausap sa kanya. Parang wala siyang narinig.

"M-mommy..." I cried harder pero nanatiling bingi sa mga tawag ko ang mommy ko. And it was breaking my heart. Lalong lumalaki yung takot sa puso ko. Takot na baka tuluyan nang nawala pati ang mommy ko sakin.

"Ahm.. Ma'am Pia, may mga dumating pong mga bulaklak para sa Daddy niyo." sabi nung isang maid na pumasok sa kwarto ni Mommy. Tumango ako sa kanya at pagkatapos kong yakapin sa huling beses si Mommy, pinunasan ko yung luha ko at lumabas ng kwarto niya.

The pain and grief is killing me. Pero gagawin ko ang lahat para mabigay ko sa daddy ko ang burol at ceremony that he deserves.

For the next few days, I cried and mourned silently for the death of my Father. Hindi ako umalis sa tabi ng kabaong niya except to check on my mother. Dumalaw at nakiramay yung mga kaibigan ko pero may mga sarili rin silang mga buhay at naiintindihan ko na hindi naman sila pwedeng nasa tabi ko lang 24/7.

Sobrang thankful ako kay Enzo. Siya yung pinakamadalas dumalaw at pinakamatagal mag-stay. Dumidiretso siya sa burol ni Daddy pagtapos ng trabaho niya at mag-uumaga na siya kung umalis. I know I'm being selfish pero hindi ko siya magawang patigil sa ginagawa niya kahit alam kong pagod na din siya. I just needed someone so  badly right now. Sa tuwing pupunta siya, he would silently hold my hand. Hindi niya ako kinocomfort, alam kong hindi siya kumportable dun. Pero sobrang nagpapasalamat ako sa presence niya. Right now, he was the only one I had.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na wala na ang Daddy ko. How could he be gone when all my memories with him are very much alive? Bawat masasayang sandali kasama ang Daddy ko, buhay na buhay pa sa isip ko. I remember how he used to carry me to bed everytime I fall asleep on the couch when I was young. Then he would tuck me to bed and kiss my forehead. Hanggang ngayon, ramdam ko pa yung pagduyan sakin ni Daddy. Tandang-tanda ko pa how we used to play water gun on my Mom's garden. How he taught me to ride a bike. Kung paano niya ko hinatid sa school the very first time. Kung pano niya ko pinapatahan everytime I cry. Lahat yun, tandang-tanda ko pa. Malinaw na malinaw pa sakin ang lahat.

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon