Chapter 43 [Strangers]

12.9K 213 29
                                    

Chapter 43

[Strangers]

 

< Sophia's POV >

One of the saddest things in this world is being so close to a person one moment and being complete strangers the next one.

"Hello, Ma?" Hirap na hirap akong iipit  yung phone ko sa pagitan ng ulo ko at ng balikat ko habang inaayos ko yung balot nung painting na idedeliver ko ngayon.   

"Pia, nasa studio ka na ba?"

"Yes, Ma." Muntik akong masubsob sa stairs paakyat sa main door ng building dahil may mga babaeng tumakbo at natabig ako. Hindi man lang nagsorry, ano ba yan!

"Thankyou, Pia. Sobrang importante lang kasi nung client kaya ikaw mismo ang kailangang magdeliver ng painting. Pero ayos na rin yan di ba, diyan naman nagtatrabaho si Enzo." Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko pa rin pala nasasabi kay mommy na wala na kami ni Enzo.

"O-oo nga, Ma." 

"Sige, I need to go. Bye." 

"Bye Ma!" I hung up the phone at pinasok ito sa bulsa ng pantalon ko.


Napatigil ako sa pinakamataas na baitang nung stairs nung mapansin kong ang daming babaeng nagkakagulo dun at nakaharang pa sa main door.

"Um, excuse me." Sinubukan kong makisingit pero walang pumansin sa'kin. Nasiko pa ko sa tiyan nung isang katabi ko na sobrang excited at talon ng talon. Wow ah, bakit ba sila tuwang-tuwa? Ano, may artista ba?

"ENZOOOOO! I LOVE YOUUUUU!" Enzo? As in si Lorenzo Lee? Tumingkayad ako at muntik na kong matamaan ng kamay sa mukha ko nung nasa unahan ko pero kahit papano, nakasilip ako sa napakaliit na space sa pagitan ng mga tuwang tuwang fangirls ni Enzo. Nanlaki yung mata ko nung makita ko si Enzo na papasok ng building. Pinapalibutan siya ng mga security guards. Saglit na tumingin si Enzo at ngumiti sa direksyon ko--namin--at kumaway bago pumasok ng building.


Anak ng tokwa, may artista nga! Pero teka, ako ba yung nginitian niya? I mentally laughed at the thought. Eh mata ko nga lang yung nagkasilip sa pagitan nung mga babae at halos hindi ko pa nakkita si Enzo. Walang tsansa na nakita niya ko.

Nasanay lang kasi ako na para sa'kin lagi yung mga ngiti niya kahit pa nakahalo ako sa libo-libong tao.

"Ang gwapo talaga ni Fafa Enzo no!"

"Sinabi mo  pa. Huhu, bet na bet ko talaga yung mga chinitong ganyan! At mala-anghel pa yung boses!"

"Kaso lang taken na! Inlove na inlove kaya 'yan sa girlfriend niya."

"Ano ka ba? Yung isang friend ko nagtatrabaho diyan sa recording studio nila. Break na raw si Fafa Enzo at yung girlfriend niya!"

"Weeeh? Talaga? Omg! Hallelujah!"

"Luka! Kala mo naman may chance tayo kahit pa single na siya."

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon