Side Story [Keeping Faith]

22.3K 320 8
                                    

Side Story

[Keeping Faith]

< Faith's POV >

Three years ago. 

"Ow!" Inayos ko yung salamin ko at lumuhod para pulutin yung mga nahulog kong gamit pero nauna na sakin yung lalaking nakabangga ko. "Uhm, ako na lang."

"Hind---Ang ganda ng mga mata mo." Nagulat ako. Si Mico Fernandez? Sikat sa school, palaging maraming taong nakapaligid sa kanya dahil marami siyang mga kaibigan. Pero teka, anong sabi niya sakin?

"Ha?"

"Sabi ko, ang ganda ng mga mata mo." Ngumiti siya sakin. 

"FERNANDEZ! ILANG ULIT BA KITA KAILANGANG TAWAGIN. COURT, NOW!" Sigaw nung isa sa mga coaches, kung saang sport, hindi ko alam dahil wala naman akong interes sa mga ganyan.

"Yes, coach!" Tumingin sakin si Mico at ngumiti ulit. "Sige, bye Faith!" Kumaway siya bago tumakbo palayo.

Alam niya yung pangalan ko?

* * *

"Hi!" Nagpaalam siya sa mga kaibigan niya at patakbong pumunta sakin.

"Err.. hello?" 

Sumimangot siya. "Hindi mo ba ko natatandaan? Ako si Mico, yung nakabangga mo kahapon!" Alam ko. Sino bang hindi nakakakilala sa'yo?

"Ah.." 

"Faith, may laro kami mamaya. Nood ka ah?" Napansin ko yung bokang hawak niya. Soccer ball, ibig sabihin, isa siyang soccer player.

"Uhm, sorry. Hindi ako mahilig sa mga ganyan." Tapos nagsimula na kong lumakad palayo sa kanya.

"Teka. Sige na. Isa lang, please? Ngayon lang tapos hindi na kita kukulitin, promise!" Eh? Teka, nagpapacute ba siya sakin? Huh?

"Ano bang ginagawa mo? Hindi tayo nag-uusap dati kaya hindi ko alam kung bakit mo ko kinukulit ngayon." 

Ngumuso siya. "Hindi ba obvious? Nagpapapansin ako sa isang magandang babae. Pumunta ka mamaya ah? Susunduin kita sa classroom niyo!" Kumindat siya sakin bago patakbong bumalik sa mga kaibigan niya.

* * *

"Ano kayang problema kay Mico? Parang ang tamlay niya ngayon. Hindi pa siya nakaka-score oh. Siya pa naman yung star player." Napatingin ako dun sa mga katabi kong babae. Ibig sabihin, hindi ganito yung normal na laro ni Mico? 

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon