Chapter 39.2 [Andrea Wilson]

13.4K 242 13
                                    

Baka lang naguluhan kayo, yung chapter 39.1 nangyari before chapter 38. Bale, parang flashback siya ni Justin :)

Chapter 39.2

[Andrea Wilson] 

  

< Sophia’s POV >

“PJ! Dahan-dahan sa pagkuha ng junk foods!” Dinampot ko yung yung mga nilagay ni PJ sa shopping cart na kung anu-ano. Bad move talaga na sinama ko siya maggrocery at iniupo pa dun sa may cart. Swear, lahat ng naaabot niya nilalagay niya dun sa cart. Parang si---

Parang si Justin noon. Ang tagal na rin mula nung mga panahong yun. Noon na bagong kilala pa lang kami at simple pa ang lahat.

“But Mimi, I waaaant.” Nagpacute sa’kin si PJ. Eeehh, ba’t ba ang cute cute ng kapatid kong ‘to. Di ko matiis!

“No baby, pili ka lang ng five. Mamumulubi ako sa’yong bata ka kung bibilhin natin lahat yan. Kuripot pa naman si Mommy sa pagpapasweldo sa’kin.” Tumango si PJ at kumunot yung noo niya na parang life-changing decision ang pinag-iisipan niya. Huhu ang cute! Hinalikan ko yung cheeks niya na sobrang chubby.

“Pia? Piaaaa!” Napadiretso ako ng tayo at tumingin sa tumawag sa’kin.

Si Tita Leslie! Mama ng taong walang ibang ginawa sa ngayon kundi guluhin ang buhay ko, si Justin.

“Long time no see, hijaaa! How are youuu?” Lumapit sa’kin si Tita Leslie at bigla akong niyakap. Hindi na ako nakapagreact sa sobrang gulat sa bigla niyang pagsulpot.

“Tita.. Hello po.”

 

“Naku! Tama nga yung anak ko, ang ganda mo na lalo!” Ack. Ano daw?

Pilit akong tumawa. “Ha. Ha. Talaga po? Kayo din po!” THIS IS SO AWKWARD!

“Mimi! Mimi! This oh!” Sabat ni PJ habang tinuturo yung mga napili niya. SAVIOR!

“Oh! Siya na ba yung half-brother na nakwento sa’kin ng Mama mo?” Nilapitan ni Tita Leslie si PJ at kinarga. “Ang cute!”

 

“May communication pa po pala kayo ni Mommy, Tita?”

 

“Of course! Naging close rin naman kami dahil dun sa---oops. Sorry, Pia.” She smiled apologetically. Umiling lang ako.

“Engagement? It’s okay, Tita. Wala na po yun sa’kin. I’m over it.”

 

“Talaga?” Ngumiti ng malaki si Tita. “Salamat naman! Sorry sa mga nagawa ng anak ko noon ha? And you know what, I’m still the number one fan of your loveteam.” Kinindatan ako ni Tita Leslie.

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon