Chapter 28 [Still the same]

22.8K 425 58
                                    

Chapter 28

[Still the same]

 

< Justin's POV >

"Oh em gee! Ang cute cute mo naman! Sana maging kasing cute mo yung baby ko!" Sabi ni Angeli habang tuwang tuwang nilalaro si PJ

Ngumiti naman si PJ na may kinakaing lollipop nun. "Thank you po!" 

"Ang cute mo talagaaa. Akin ka na laaang."

"Bawal angkinin yan, Angeli. Lagot ako kay Pia pag nagkataon." pabirong sabi ni James.

Sumama na naman yung pakiramdam ko nun. Kaano-ano ba talaga niya si Pia at sino yung batang yun?

"Hi PJ! Ako si Ate Faith mo. Ilang taon ka na?"

"Two pooo." 

"Kyaaa. Ang cute cute talaga. Parang gusto ko na rin tuloy maging baby boy yung anak namin."  --Angeli.

"Teka nga, James. Kaano-ano mo ba talaga yung batang yan?" Kunnot noong tanong ni Mico habang tumatabi kay James sa sofa. Agad akong napalingon sa kanila. Sobrang kinakabahan ako sa magiging sagot ni James.

Shoot. Pano na lang kung-- k-kung anak nila ni Pia si PJ?

Tumawa ng malakas si James. "Di ba halata? Kaya niyo yan. Hulaan niyo. Malalaki na kayo. Hahahaha." 

Pabirong sinuntok siya ni Mico sa balikat. "Langya! Kaya nagtatanong! Tatanungin ko ba yan kung obvious?" 

Tumawa ulit si James.

"Mukhang ang saya niyo ah." 

T-t-that voice...

Napatigil kaming lahat nung marinig namin yung boses na yun. Agad akong napalingon sa pinto at napatayo.

N-nandun siya, nakasandal sa may frame ng pintuan at nakangiti.

Ibang iba siya sa Rian--Pia--na kilala ko noon. Dahil ngayon, she was wearing a dress and a pair of heels. Napakaganda nung ngiti niya. Hindi ko rin maiwasang mapansin kung pano siya tumanda mula sa pagiging teenager dati. Dati kasi, simple lang siya manamit. Tshirt at pantalon. Pero ngayon, ibang-iba na siya.

Pero kung iisipin ko, nakilala ko nga ba siya noon? Totoo ba yung Rian na nakilala ko o eto talaga ang totoong Pia mula pa dati? Nanlumo ako.

"P-pia.." Gulat na sabi ni Faith.

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon