Chapter 30 [It's Different]

21.5K 312 16
                                    

Hindi ako makapagdedicate sa phone kaya ihahabol ko na lang yung dedications :-/

Chapter 30

[It's Different]

< Justin's POV >

"Papunta ka ngayon sa bahay nina Pia at James?" tanong ni Eli mula sa kabilang linya. Binaba ko yung cellphone ko at niloudspeaker bago sinimulang paandarin yung kotse ko.

"Yep." Napangisi ako nung naalala ko yung usapan namin ni James kagabi. Buti na lang kilalang kilala ko yung loko na yun. Sobrang daldal nun pag nalalasing e. Hahaha. Kaya 'yon, nacorner ko kagabi.

Pero ang mas mahalaga... alam ko na ngayon na hindi siya boyfriend ni Pia at na hindi nila anak si PJ. Takte, halos tumalon na ko sa tuwa kagabi nung malaman ko yun. May pag-asa na ko.. na maitama yung mga mali ko. Na magawa yung mga dapat ginawa ko noon pa.

"So... sasabihin mo na ba sa kanya yung nangyari dati?"

"Anong ibig mong sabihin, Eli?"

"You know what I mean. The reason kung bakit ka umalis noon nung nasa ospital si Pia--"

"Nope. Hindi na. Tapos na yun. A-ayoko nang ibalik pa."

"But Justin--"

Ngumiti ako sa kawalan. "Sasabihin ko kay Pia kung handa na siyang makinig."

"Hay Justin. I'm really worried about the two of you. This is all my fault. Kung di ako tumawag sa'yo nung araw na yun--"

"Babatukan kita, Eli. Ang kulit. Di mo nga sabi kasalanan yun e."

"Fine. Sige, I have to go. Sinesermunan na ko ni Zac dahil kasi late na kami sa appointment ko sa ob-gyn. > 3<"

"Hahaha. Ayan, pakabait ka kasi. Sige, bye!"

"Bye!"

* * *

"Bakit ka nandito?!" Nakapamewang at nakabusangot na salubong sakin ni Pia pagpasok ko sa bahay nina James, na bahay na rin pala nina Pia ngayon.

"May dala akong cake." Ngumisi ako sa kanya habang tinataas yung dala kong chocolate cake na alam kong paborito niya. Napalunok siya at agad na kinuha yung cake sa kamay ko bago niya ko ulit sinungitan. Hahaha. Kung may isang bagay pala na hindi nagbabago sa Rian na nakilala ko ay yung katakawan niya. Haha.

"Bakit ka nga nandito, ha? Anong masamang hanging nagdala sa'yo? Sorry, wala ako sa mood ngayon kaya chuuuuupi!" Gusto kong kurutin yung pisngi ni Pia. Ang cute pag nagagalit e. Haha.

Tinaas ko yung mga kilay ko. "Si James naman yung dinadalaw ko, hindi ikaw. Pero okay lang din kung gusto mo pala kong solohin." Ngumisi ako lalo nung mamula yung buong mukha ni Pia.

"S-sabi ko n-nga! Sinabi ko bang hindi? Excuse me, kakain lang ako. PJ, tara!" Tapos hinatak niya si PJ papunta dun sa pagkakatanda ko ay kusina.

"Bakit ang init ng ulo nun?" taka kong tanong kay James na nakatunganga lang sa gilid.

"Dumating ka kasi. Ganyan talaga." Umiiling iling siya habang nakangiti.

"Langya, harsh mo masyado. Ouch p're ah?"

"No problem."

Binatukan ko si James at umupo sa tabi niya sa sofa. Laking tulong sa buhay e. -_-

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon