Chapter 21 [Can I kiss you?]

23.9K 413 30
                                    

Uhm... lilinawin ko lang dahil marami akong nakikitang misconceptions sa story na 'to. Hindi 'to gangster story. Wala yung mga mystery, adventure, action chuchu na yun. Pure romance lang yung story na 'to. Isama niyo na din ang genre ng humor at drama xD Kaya lang may gangster sa title ay dahil sort of spin-off/side story 'to nung isang story ko. Yun lang. xD

Anyway, sana tanda niyo pa yung story nina Faith at Mico dahil medyo lilitaw-litaw ulit sila xD

Chapter 21

[Can I kiss you?]

< Faith's POV >

Baliw talaga yung si Rian! Bakit hindi man lang niya sinabi sakin na kasama pala namin si Mico? Planado ba niya lahat ng 'to?

Biglang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko, text galing kay Ace.

From : Ace Valerio 

Hi Faith! Kamusta ang byahe? Ingat ka :)

Simula nung una akong yayain sa date ni Ace, lagi na lang niya kong inaalala. Aaminin ko, I find it sweet. Siya na kasi yata yung ideal boyfriend. Mabait, gentleman at alam mong loyal.

Pero bakit hindi ko pa din makalimutan yung lalaking lagi na lang akong sinasaktan? Bakit di ko magawang magkagusto man lang kay Ace?

Naalala ko, yung unang sinabi sa'kin ni Mico, "Ang ganda ng mga mata mo." Nagkabungguan kasi kami nun at nahulog yung mga dala ko. Tinulungan niya kong pulutin yun tapos bigla niya yung sinabi out of the blue. At nung time na yun, alam kong sincere siya nung sinabi niya yun at hindi lang yun basta-bastang pick-up line.

After all, siya na nga mismo ang nagsabi. Naging playboy lang naman siya dahil sakin. Dahil akala niya niloko ko siya. Pero ang masakit? Never niya kong binigyan ng chance mag-explain. Mas pinaniwalaan pa niya yung iba. Tinawag niya ko ng kung anu-anong masasakit na salita. Iba't ibang babae ang nilandi niya sa harap ko.

Tapos ngayon, ano? Kung kelan may bagong lalaking lumalapit sakin.. kung kelan sumuko na ko sa kanya, saka niya ko pinipilit na makuha ulit? Pakiramdam ko tuloy, dahil lang yun sa pride niya. 

Bumaba  ako sa lobby nung hotel para mag-sorry kay Rian sa pang-dededma ko sa kanya pero si Mico lang ang naabutan ko dun.

"F-faith!"

"Nasan sila?" 

"Umalis sina Enzo at Rian tapos sumabit si Justin." Tumango ako tapos nagsimulang maglakad palayo. "Faith, saglit." hinablot ni Mico yung braso ko para pigilan ako pero agad kong inalis yung kamay niya.

Bakit hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko pag hinahawakan niya ko? 

"Ayaw kitang kausapin." sabi ko.

"Pero kailangan nating mag-usap."

Taming The Bad Boy [Complete] *REVISING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon