Killer Station (Completed) (N...

De JTMLover

42.6K 1.9K 54

Si Joddie at Shintaro ay mga barista na nagtatrabaho sa isang sikat na coffee shop sa Tokyo City. Isang araw... Mai multe

Chapter 1 - Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 10

1K 52 0
De JTMLover


Napangiti na din si Yuki, Reika at Kenji at nagpuntahan sila sa mga bagay na gusto nila, yung mga di nila kayang bilhin. Nagpunta sina Satomi, Reika, Yuki at Eriko sa area ng mga damit, si Kenji, Isao at Toru naman ay sa mga area ng mga sapatos at rubber shoes, si Jiro naman ay nagpunta sa area ng mga sports wear.  

Masayang tumitingin ng mga damit si Satomi nang biglang may nakita sya sa isang tabi, laking gulat nya nang nakita nya si Jiro, nagtataka sya kung bakit napunta doon si Jiro, ang pag kakaalam nya ay nasa kabilang parte ito , doon sa sports area, nilingon nya ang sports area at nakita nya si Jiro na abala sa pagpili ng mga T-shirt.Nakaramdam ng takot si Satomi.

"Bakit dalawa sila?" Tanong ni Satomi sa kanyang sarili.

Napaatras si Satomi at nilapitan nya si Jiro na abala sa pagpili ng t-shirt.

"Jiro!" Sabi ni Satomi kay Jiro.
"Bakit?" Sabi naman ni Jiro.
"Nakita kita, nakita kita doon?" Takot na sabi ni Satomi.

Nilingon ni Jiro ang sinasabi ni Satomi ngunit wala naman syang nakita.

"Wala naman ah at papano ako mapupunta doon eh nandito ako!"
"Pero kitang kita ko, ikaw yun, yan ang suot mo!"
"Ibig mong sabihin dalawa ako, nasisira ba ang ulo mo!" Galit na sabi ni Jiro kay Satomi.

Naisip na lamang ni Satomi na guni-guni lamang nya iyon at bumalik sya sa area ng mga damit at pumili.

"Baka may camera dito at makita tayo?" Sabi ni Yuki.

"Dare mo inai desho, dare ga kuru no? Wala namang katao tao diba?" sabi ni Satomi.

Si Jodie at Shintaro naman ay nakakaramdam ng takot at nagmamasid lamang sa paligid.

"Shintaro, eto na yung Ekizu, kailangan natin makita yung babaeng may ari ng picture, si Shizuko, kapag naibigay natin ay makaka alis na tayo dito,"

"Pero walang tao dito, saan kaya natin sya makikita?"

"Basta maglibot tayo, baka makita natin sya,"

"Papano kung di natin sya makita?"

"Huwag ka naman ganyan , magdasal tayo,"

"Kung makikita natin sya, natatakot ako sa kanya," Sabi ni Shintaro.

"Oo nga nakakatakot pero kailangan natin syang makita, ano ba ang nangyayari?"

Hindi sila mapalagay.
...
Samantala abala si Satomi sa pagpili ng damit, hindi nila inalintana ang mga nangyayari, dahil akala nila ay ghost town lamang doon, naisip nila na baka may naganap na disaster noon sa lugar kaya wala ng tao, kaya adventure ang kanilang nasa isip, maliban kay Jodie at Shintaro.

"Bakit pang winter ang mga damit dito? eh summer ngayon?" Sabi ni Eriko.

"Oo nga pero ang gaganda naman," Sabi ni Yuki.

"Wow maganda ang damit na ito, matagal ko na gustong mag suot nito,"sabi ni Satomi at ng nakita nya ang presyo ay ang mahal nito.

"5 mang yen? {50k Yen} Ang mahal naman pero okay lang libre naman eh," sabi ni Satomi.

"May napili ka na ba?" Sabi ni Reika..

"Oo ito ang nagustuhan ko teka at isusukat ko sa fitting room,"

Pumasok si Satomi sa loob ng fitting room at sinukat nya ang damit na pang winter,

Sleeveless na color black na one piece na parang leather na above the knee at may balahibo ng fox sa may leeg, may partner ito na black na blazer.

"Maganda to kapag nag winter!" Sabi ni Satomi.

"Pwede ko ng suotin ngayon to, aalisin ko na lang ang blazer para hindi mainit,"

At kanya itong isinuot at humarap sya ng salamin,

Habang minamasdan nya ang kanyang sarili sa salamin ay tuwang tuwa sya sa kanyang damit.

"Akin na to, hindi ko na ito huhubarin, gusto ko nato!" Sabi ni Satomi sa kanyang loob.

Aliw na aliw sya sa kanyang itsura habang nakaharap sa body mirror.

Nang biglang may narinig syang humahagikgik na isang babae.

"HI...HI HI....HIHI...HI..HI"

Napatingin sa paligid si Satomi, ngunit wala naman syang nakikita, maliit lang ang fitting room, tumingala sya sa kisame ngunit wala naman syang nakikitang tao, nakaramdam ng takot si At nang tumingin sya sa salamin ay nakita nya na unti-unting humahaba ang kanyang mga buhok, knilabutan si Satomi sa kanyang nakita.

Naghihiyaw sya.
Ahhhhhh!" At nanginingig sya at lumapit sa pinto ng napatingin ulit sya sa salamin ay nakita nyang wala na syang mukha.

Napaupo sa sahig si Satomi sa sobrang takot at naginginig ang buong nyang katawan...

Ng biglang bumukas ang pinto.Si Reika at Yuki.

Nakita nila si Satomi na nakayuko at nasa sahig at nanginginig sa takot.

"Satomi ano nangyayari sayo?" Sabi ni Reika sa kanya at tinatapik sya sa balikat,

Ng biglang iniangat ni Satomi ang kanyang mukha.

"Ano ba nangyari?" Sabi ni Yuki.

Napatingin si Satomi sa kanila at humarap ulit sya ng salamin at nakita nyang wala pa din syang mukha at mahaba ang kanyang buhok.

Naghihiyaw sya sa takot......ngunit normal ang tingin nila sa itsura ni Satomi,

nagmadaling hubarin ni Satomi ang kanyang suot at ng nahubad na nya ito ay tumingin ulit sya sa salamin at naging normal syang muli.

Natulala si Satomi sa nangyari sa kanya at isa isa nyang sinuot ang kanyanf damit.

"Ano ba ang nangyari Satomi?" Sabi ni Reika.

Ngunit nakatulala pa din si Satomi at di makapag salita.

Naupo si Satomi sa isang tabi at nakaramdam ng takot sa nangyari sa kanya.

Nilapitan sya ni Shintaro at ng nakita ni Satomi si Shintaro ay yumakap sya dito at humagulgol ng iyak sa sobrang takot.

Samantala....

May nakita si Toru na nagustuhan nyang nike na rubber shoes..

"Eto yung matagal ko ng hinahanap ayos!" Sabi ni Toru.

Naupo si Toru para isukat ito.

At ng kanyang isusuot na sa kanyang kaliwang paa ay narinig nila ang mga hagulgol na iyak ni Satomi.

"Toru, mamaya mo na sukatin yan, parang may nangyari tara na!" Sabi ni Kenji,

Nanghinayang si Toru dahil hindi na nya ito na isukat.

"Mamaya na nga lang!" Sabi nya sa kanyang loob at iniwan nya ang shoes sa sahig.

"Satomi doshita no?" Sabi ni Shintaro sa kanya.

"Ano yufku, kiru toki, watashino kao ga, watashino kao ga! _____!"
{Nung sinuot ko yung damit ... yung mukha ko!....yung mukha ko!"

"Ano nangyari? Ano yung mukha mo?" Nag aalalang sabi ni Shintaro.

"Watashino kao wa inakata! Nawala yung mukha ko! Umuwi na tayo ayoko na dito!"

Naghihisteryang sabi ni Satomi.

Nagimbal silang lahat sa sinabi ni Satomi.

Naalala nila Shintaro at Joddie nung nakita nila ang babae na nawala ang mukha, at ang mga tao na nasa picture.

"Kowai!" Sabi ni Reika.

"Lumabas na tayo!" Sabi ni Shintaro, ngunit hindi makatayo si Satomi sa kanyang kinalalagyan.

"Hindi ako makakilos, hindi ako makakilos!" Naghihiyaw na sabi ni Satomi.

Pinagtulung tulungan nilang itayo si Satomi ngunit hindi ito makagalaw, may bagay na pumipigil sa kanyang katawan.

Nang biglang unti-unting humahaba ang mga buhok ni Satomi, at nagulat silang lahat at napaatras sila sa pagkakahawak kay Satomi.

"Bakit humahaba ang buhok nya!" Takot na takot na sabi ni Yuki.

"Satomi!" Sabi ni Shintaro at kanya ulit lalapitan ito at iniangat ni Satomi ang kanyang mukha at laking gulat nilang lahat at naging blanko ito.

"AHHHHHH!" Napahiyaw silang lahat sa sobrang takot.

"Tasukete! Tulungan ninyo ko!" Sabi ni Satomi ngunit di nila alam kung papano ito matutulungan, nababalot sila ng takot.

Nakatayo si Satomi at lumalapit sa kanila.

"Tasukete onegaishimasu!Tulong, tulungan nyo ko!" Nagmamakaawang sabi ni Satomi, ngunit habang lumalapit sya ay lalong nag aatrasan ang kanyang mga kasama pati na rin si Shintaro,

"Ahhhh!" Naghihiyaw na sabi nilang lahat.

Nagtakbuhan papalabas sila Reika, Yuki, Isao, Kenji, Toru at Eriko, naiwan sa loob si Shintaro at Jodie.

"Shintaro anong gagawin natin?"

Nakatitig si Shintaro kay Satomi at balak nyang lapitan ito.

"Shintaro huwag! baka hindi na sya si Satomi!"

Ngunit hindi nya pinakinggan si Jodie at hinawakan nya sa kamay.

"Halika na Satomi, kailangan nating makaalis dito!" At nang hinawakan nya ang mga kamay ni Satomi ay bigla na lamang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Satomi at nasaktan si Shintaro at ng naramdaman nya ito ay kinabahan sya.

"Satomi?" Sabi ni Shintaro ng tiningnan nya si Satomi.

Hinihila ni Shintaro ang kanyang kamay ngunit hindi ito binibitawan ni Satomi at di rin sya umaalis sa kanyang kinatatayuan.

"Shintaro halika na hindi na sya si Satomi!" Ngunit hindi pa rin sya binibitawan ni Satomi at lalong humihigpit ang pagkakahawak sa kanya.

"Bitawan mo ko!" Sabi ni Shintaro ngunit pahigpit ng paghigpit ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

Pinipilit hilain ni Shintaro ang kanyang kamay ngunit ayaw nitong bumitaw, ng nakita ni Jodie ay tinulungan nyang hilain si Shintaro ngunit malakas si Satomi hindi man lang ito natitinag sa kanyang kinatatayuan.

Maya maya pa'y laking gulat nila ng may nakita silang lumulutang sa ere na damit, ang damit na sinukat ni Satomi at lumalapit sa kanila.

Samantala.

Pagkalabas nila Reika ng department sore ay hingal silang lahat,

"Asan na sila Shintaro bakit hindi pa sila lumalabas? Sabi ni Reika.

"Dito lang kayo titingnan ko sila!" Sabi ni Kenji.

"Mag iingat ka Kenji!" Sabi ni yuki.

Continuă lectura

O să-ți placă și

4.5K 472 20
Hindi naniniwala si EDANA MAGBANUA sa mga sinaunang bathala at bathaluman-maging sa mga diwata. Hindi pa siya nakasasakay sa elero. At hindi siya mar...
82.5K 1.6K 27
Dr. Russel Ashton Tryze 'Rat' Velaroza. One of the handsome OBGyne Doctor of HC Medical City. He's famous to call 'Dr. RAT' Lagi silang cat and rat...
117K 3.5K 46
Soon to be unpublished
14.9K 864 44
"Outdated Prisoners" yan na siguro ang akmang maitatawag kina Sydney, Jill, Khate, Janel at Denise. Pinili nilang pumayag sa lahat ng gagustuhan ng l...