Chapter 2

2.2K 108 2
                                    

Tokyo City Summer Time

10 A.M. 

JODIE  

Rush hour! Excited akong pumasok sa work. Naglalakad ako sa loob ng Ueno station, isa sa pinakamalaking station sa Tokyo, galing ako sa pinagtatrabahuan ng mama ko, nag titinda sya ng mga Filipino goods sa 'Ameyoko Arcade' at dito sa station na ako sasakay papunta sa aking trabaho, sa laki nito at sa dami ng taong naglalakad ay maaari kang maligaw, buti na lamang at medyo nasanay na ako sumakay ng train, dati kasi ay lagi lamang ako nagbibisikleta pag pumapasok sa school at sa mga part time job ko, pupunta ako ngayon sa Shinjuku Station kung saan ako nagtatrabaho bilang isang barista sa isang kilalang coffee shop, nakarating ako ng Japan dahil nakapag asawa ang nanay ko ng hapon na nakilala nya sa internet, matagal ng hiwalay ang mama at papa ko, nung 12 anyos ako ay dinala na nya ako dito sa Japan, inampon ako ng asawa ng mama na si papa Hosoya Kanno kaya japanese na rin ang apleyedo ko. I'm 21 and my name is Jodie Kanno...

As usual maraming tao ang naglalakad kahit saan, ang lahat ay nagmamadali na makarating sa kani kanilang mga trabaho at isa na ako doon, pagpasok ko ng station ay bumili na muna ako ng coffee in can sa bendo machine, at pumila na ako sa hulugan ng ticket hanggang nakarating ako sa hintayan ng train.

Makalipas ang ilang sandali ay padating na ang train na aking sasakyan.

At ng huminto ito sa aking harapan ay nakipagsisikan na akong makapasok sa loob, at gaya ng dati ay tayuan na naman, kelan ko ba nasubukan ang makaupo agad ng ganitong oras? Habang tumatakbo ang train ay iniinom ko ang aking cold coffee in can at nakahawak ang aking kaliwang kamay sa handrail sa taas, at makalipas ang ilang minuto ay huminto sa unang station.

MAMONAKU SHIMBASHI EKI NI TOMARIMASU.

May mga taong bumaba at nakakita ako ng isang bakanteng upuan at umupo agad ako dito.

Sa wakas nakaupo rin, habang iniinom ko ang aking kape ay may nakatabi akong isang may edad na lalaki na nagbabasa ng dyaryo at napatingin ako sa dyaryong kanyang binabasa, nakibasa ako habang nagbabasa din sya.

"May limang kabataan ang nawawala nung araw ng Biyernes alas sinko ng umaga sa loob ng Keio Line papuntang Harajuku, si Kayako Namikawa ang tanging naiwan sa train, base sa kanyang salaysay ay masaya silang magkakasama sa train, galing sila sa isang bar at inabot sila ng umaga at sumakay sa first trip ng train para makauwi. Habang nasa loob sila ng train ay bigla na lamang diumano nag brown out at huminto ito at biglang nagbukas ang pinto ng train at naglabasan ang kanyang mga kasama, hindi daw agad nakalabas ng train si Kayako dahil nahulog ang kanyang bag at hinanap pa nya ito at biglang bumukas na ang mga ilaw at nagsara ang pinto ng train, at nasaraduhan ang kanyang mga kasama, naiwan sila sa station na iyon. May nabanggit si Kayako tungkol sa isang misteryosong picture na kanyang natanggap mula sa isang babae, at kanyang sinabi na ang sino man ang makakakita nito ay mapapadpad sa isang lugar na wala sa mapa ng Tokyo, at ang nakakagimbal sa lahat ay nawawala na rin ngayon si Kayako Namikawa. Ang iba pang nawawala ay sina. Erico Matsubara, Kenji Honda, Reika Sato, Yuki Kobayashi, Satomi Tokunaga, Toru Usui, Jodie Kanno, Shint..."

Hindi pa ako tapos magbasa dahil narinig ko na ang nagsasalita na malapit na sa susunod na station.

SUSUKIMASHITE YATSUYA EKI NI TOMARIMASU

Tumayo ang lalaking nagbabasa ng dyaryo at lumabas ng tren, nabitin ako sa aking binabasa, ngunit kinilabutan ako dahil nabasa ko ang aking pangalan, bakit napunta doon ang aking pangalan? naisip ko na baka kapareho ko lang ng pangalan ko yon pero nakakapagtaka naman dahil pamilyar din ang pangalang Eriko at Satomi, naisip ko na baka kapangalan lamang din nila ang mga ito.

Makalipas ang ilang minuto ay paparating na sa susunod na station.

Author's Note: Please don't forget to vote! Thank you 😃 hit the orange star to the right!😉

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon