Chapter 36

506 26 0
                                    

"Salamat ha?"

"Wala yun ang importante ay buhay tayo pareho."

"Pero Kawawa naman si Kayako."

"Masama pala sya, wala na tayong magagawa."

"Bakit ako ang naisipan mong iligtas? -ang buong akala ko ay si Kayako."

"Patawarin mo ako kasi napagdudahan kita, ikaw ang dapat na iligtas ko hindi si Kayako may balak syang masama." Sabi ni shintaro haabng nililinis nya ang mga sugat ni Jodie.

"Ouch!" Sabi ni Jodie nahahapdian sya sa ginagawa ni Shintaro.

"Tatakpan ko na ng palster hindi na masakit to."

At nakaramdam ng ginhawa si Jodie.

Naupo sa tabi nya si Shintaro at biglang may naalala si Shintaro, tiningnan nya ang laman ng bag ni Kayako na nakasabit sa kanyang katawan.

"Anong hinahanap mo?"

"Yung picture, sabi nya ang isang picture ay katumbas ng isang tao, kaya yung hawak mong picture ay para sayo lang yon, kailangan ko makuha ang picture nya para sabay tayong makaligtas." Sabi ni Shintaro habang hinahanap nya ang picture.

Ngunit hindi nya ito makita, nahalughog na nila ang buong laman ng bag ni Kayako ngunit walang picture ito.

"Bakit wala, sabi nya ay may picture sya?" Sabi ni Shintaro.

Tiningnan din ni Jodie ang laman ng bag, nagbabakasakali na baka dindi lang nakita ni Shintaro.

"Huwag mo ng hanapin Jodie, nilinlang ako ni Kayako ang totoo ay wala syang picture kaya gusto nyang makuha ang picture na hawak mo."

At naalala naman ni Jodie ang sinabi ni Eriko.

"Ingatan mo ang picture na yan kay Kayako, huwag ka magtitiwala sa kanya!"

At doon naisip ni Jodie na marahil ay nagkita si Eriko at Kayako at pilit kinukuha ni Kayako ang picture kay Eriko.

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon