Chapter 3

1.8K 70 1
                                    

SUSUKIMASHITE SHINJUKU EKI NI O TOMARIMASU, WASUREMONONAI YOUNI SHITE KUDASAI       

Nakalabas na ako ng station at nakita ko na may nag paparade sa syudad , naka costume yung mga hapon ng mga katutubo nilang kasuotan, at naalala ko na 'hanabi matsuri' {Fireworks Festival} nga pala, maingay ang paligid at maraming tao ang nagkalat sa kalye, ang mga babae ay nakasuot ng mga kimono, nagsusuot sila ng ganon tuwing hanabi matsuri.Maraming mga vendor ng pagkain sa mga tabi, at masayang nagdidiwang ang mga tao habang nanonood ng parade, ang iba naman ay abala sa paglalakad papunta sa kani kanilang mga trabaho.Mamayang gabi ay mayroon pang main event malapit sa Shinjuku station kung san ako nagtatrabaho.

May mga taong nagbibigay ng mga flyers na nasa pocket tissue at may nagbigay sa akin, tiningnan ko ang nakasulat sa flyers at may naka sulat na "INDIGO BAR"

"May bagong bar pala dito?" sabi ko sa aking loob.

Natatanaw ko na ang coffee King shop 24/7 ito nakabukas at 10:30 to 3:30 PM ang aking shift, at nakita kong maraming ng mga taong nakapila.Karaniwan na sa amin ang pilahan ng mga tao dahil magagaling ang mga barista na kasama ko lalo na si Shintaro, at sya ang isa sa dahilan kaya ako excited pumasok para magtrabaho sa King Coffee shop dahil may crush ako sa kanya, bukod kasi sa guwapo at mabait ay magaling syang barista, kayanga lang ay may girlfriend na sya, si Satomi, maganda na fashionista pa, samantalang ako ay ordinaryo lang , at hindi ako type ni Shintaro kasi di naman ako kagandahan kumpara kay Satomi.

Pagpasok ko sa King Coffee Shop ay maraming tao sa loob at may mga nakapila sa mga counter, sosyal at malaki ang Coffee King Shop, hanggang second floor. Pagpasok ko ay tumuloy ako sa personel's room para mag suot ng apron at uniform, nagkasabay kami ni Shintaro mag suot ng apron.

"Ohayou gozaimasu!" Masiglang bati ko sa kanya.

"Jodie sang OHAYO!" Masiglang sabi din nya sa akin.

"Kyo wa moto moto isogashi dayo! Kyo wa Hanna Matsuri dakara!"
{Mas busy tayo ngayon, hanabi matsuri (Fire works festival) kasi ngayon!"

"Aso desu ne!"

Maya maya ay pumasok ang aming manager na si Masaki san.

"Hayaku shinasai,muo hito ippai nandakara!"

"Hai!" sabay na tango naming dalawa, at lumabas na kami ng Personel room at nag umpisa na kaming mag trabaho.

Kinagigiliwan ng mga customer ang Coffee King shop dahil kakaiba ang aming style kumpara sa iba, maaaring silang mag request ng design na iguhit sa coffee ng customer at maari ring mag request ng sariling design basta may dalang pag kokopyahan nito, gaya ng picture. Hindi naman ako kagalingan mag barista kumpara sa mga kasama ko, lalong lalo na si Shintaro, mga simple lamang ang kaya kong gawin, kaya maitatawag kong swerte ako dahil natanggap ako sa Coffee King Shop.

AND NOW THE BEGINNING

SATOMI

"Saan ang fitting room?" Tanong ko sa saleslady.

"Halika at ituturo ko po sa sayo." Nakangiting sabi nya sa akin..

Sinamahan nya ako papuntang fitting room, bibili ako ng damit na isusuot ko mamayang gabi, hanabi matsuri ngayon at may date kami ng boyfriend kong si Shintaro.

Sinukat ko ang damit, mini skirt at long sleeve na white na blouse, hindi ko masyadong nagustuhan ng aking isinukat kaya lumabas na ako ng fitting room at naghanap ako ng iba.

Tumingin ako sa ibang area ng mga damit at nakita ko ang isang dress na kulay orange at nagustuhan ko agad ito, nakita kong nag iisa na lamang to kaya inalis ko ito sa pagkakahanger at nilapat ko sa aking katawan, at nag decide ako na gusto ko na to bilhin, at laking gulat ko nang ............ biglang may humawak ng damit. Napatingin ako sa humawak nito at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng kimono, di na ako nagtaka kung nakasuot sya ng kimono dahil hanabi matsuri ngayon, ngunit ang pinagkatakahan ko ay bakit natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha ng kanyang mga buhok.

"Sumimasen, kore wa mo kau suru desu," Sabi ko sa kanya ngunit di sya umiimik at lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa damit, nawirdohan ako sa kinilos nya, hinahatak ko ang damit na kanyang hawak.

"Mou harau suru kara, hanarete kudasai! Bitawan mo, babayaran ko na to!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Pero nakatingin lamang ang kaliwang mata nya sa akin at di pa rin nya binibitawan ang damit, sa inis ko ay pilit ko itong hinatak at bigla nyang binitawan kaya napaupo ako sa sahig.Nais kong makatayo agad para kumprontahin sya ngunit bago ako makabuwelo tumayo ay may iniaabot sya sa akin na isang picture, at ng tiningnan ko ang picture ay kinilabutan ako sa aking nakita. Tumingala ako sa kanya ngunit nakita kong nakatalikod na sya papalayo sa akin at balak ko syang habulin para awayin pero bigla syang lumingon at ngumisi sya at unti-unting nawala ang kanyang mukha, kinilabutan ako sa aking nakita at tumalikod sya at umalis hanggang nawala sa aking paningin.

Nagpunta ako ng counter at aking binayaran ang damit kahit hindi ko ito naisukat, medyo natulala ako sa aking nakita, paglabas ko ng department store ay tinapon ko ang picture sa basura at sumakay na lang ako ng taxi papunta sa aking summer class.

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon