Chapter 37

492 22 0
                                    



"Pero papano na kaya? Nag-iisa lang ang picture na hawak natin?"

"Ano kaya kung sabay natin na ibigay yan, dahil sabay naman nating nakita hindi ba?" Sabi ni Shintaro.

"Tama, sabay tayong nakakita nito kaya tayong dalawa ang mag sasaoli nito."

"Siguradong tinapon ni Kayako ang picture nung binigay ito nung babae sa kanya, at napunta pa din sya dito."

"Oo nga, kaya gusto nyang makuha sa atin ito para sya lang ang makaligtas." Sabi ni Shintaro.

"Pero saan natin matatagpuan ang babaeng iyon, marami dito na kagaya ng itsura nya , mga wala silang mukha,"

"Nasabi ni Kayako na ang babaeng hahanapin natin ay yung may suot na oukang bracelet sa kanyang kaliwang kamay, natatandaan mo ba?"

At binalikan ni Jodie ang kanyang ala-ala nung nasa coffee king sya at nakita nyang may suot nga ang babae na pulang bracelet sa kaliwang kamay nito.

"Tama may suot nga sya na bracelet na pula, bakit di ko naisip yon?"

"Ako rin di ko agad naisip, sinabi ni Jiro kay Kayako kaya nya natandaan."

"Saan natin sya matatagpuan? Nasabi ba sayo ni Kayako?"

"Hindi nya nasabi sa akin, sabi nya kapag nakuha na nya sayo ang picture ay doon lamang nya ito ituturo kung saan."

"Papano na kaya malapit na mag alas sinko."

Lumabas na sila ng Theme park.

Naglakad sila sa syudad.

"Totoo kaya yung sinabi ni Kayako na nakita nya ang isa ko pang katauhan?"

"Sa palagay ko hindi totoo yon."

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon