Chapter 45

680 29 0
                                    


Matapos kong maligo ay nagbihis ako, nagpapogi para kay Jodie.

Bumaba ako ng aking silid at nakita ko ang mama ko na nasa kotatsu na nagbabasa ng dyaryo.

"Ma?" Sabi ko sa kanya.

"O Shintaro, ano ka ba naman hapon na bakit nagyon ka lang nagising, halika at kumain ka na."

Nagtaka ako sa sinabi ng mama ko kasi parang walang nangyari, nag-alala ako na baka maulit muli ang nangyari, ang kailangan kong malaman ay kung hanabi matsuri pa rin ngayon, kinakabahan ako sa aking malalaman, at ngayon ko na malalaman ang aking mga agam-agam, eto na! Tatanungin ko na ang mama ko.

Huminga ako ng malalim at bumuwelo at tinanong ko sya.

"Ma, hanabi matsuri ba ngayon?" Kinakabahang tanong ko sa kanya, kinakabahan ako sa kanyang isasagot.

"Ano ka ba naman Shintaro, bakit mo tinatanong para ka namang walang alam!"

"Wala nga po akong alam kaya tinatanong ko po." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong natatawa ang aking ina.

"Kahapon pa natapos ang hanabi matsuri hindi ba?" Sabi ng mama ko.

At ng kanya itong sinabi ay nakahinga ako ng maluwag, napangiti ako sa kanya.

"Yes! Thank you! Jodie I love You!" Nasabi ko sa sobrang galak.

Ang saya ng aking pakiramdam, hindi ako makapaniwala na talagang ligtas na kami ni Jodie.

Masayang masaya ako, ni hindi ko dinanas ang magpabalik-balik sa killer station, naisip ko na swerte pa rin kami ni Jodie.Nagmadali akong lumabas at excited akong puntahan si Jodie. Nang biglang may sinabi ang mama ko.

"Alam mo na ba ang balita sa mga kaibigan mo?" Sabi ng mama ko sa akin at biglang nauntol ang aking saya, hindi ko alam ang isasagot sa aking ina, dahil kung alam lamang nya ay nakasama ko sila, ngunit ayoko na munang alamin ang tungkol sa kanila dahil gusto ko na munang pansamantalang makalimot sa mga nangyari sa amin.

Ngunit.....

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Follow me so you will read the next chapters tnx so much!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon