Chapter 43

484 19 0
                                    



"Hindi! Kailangang tayong dalawa ang maka-alis dito!"

Kahit pagod na si Shintaro ay pinilit pa din nyang buhatin si Jodie.

At inakyat nya ang hagdanan, pagdating sa pangalawang palapag ng tower ay wala silang nakitang tao, umakyat ulit si Shintaro karga-karga si Jodie, at pagdating nila sa ikatlong palapag ay wala pa din tao, inabot sila hanggang limang palapag at 7 minuto na lamang ang nalalabi, umakyat sila sa ika-anim na palapag at doon ay may nakita silang babaeng nakatalikod na nakauot ng kimono, nakalugay ang buhok.

Ibinaba ni Shintaro si Jodie, at doon nakaramdam si Jodie ng ginhawa sa kanyang paa.

Nakatayo na si Jodie.

"Salamat at nakatayo ka na Jodie." Nagyakapan sila.

"Sya kaya yung babae?" Natatakot na sabi ni Jodie.

Tinitingnan nila ang kaliwang kamay ng babae kung may suot itong laso na pula ngunit di nila makita, natatakpan ng mahabang manggas ng kanyang suot na kimono.

At maya maya ay humarap ang babae sa kanila, nakatakip amg buhok sa kalahati nyang walang mukha.

"Shintaro hindi sya yan!"

"Ppp...pano mo nasisiguro?"

"Marami na tayong nakikitang tulad nya sa daan!"

"Wala na tayong choice, kailangan na nating ibigay ang picture bahala na."

Maya maya ay biglang tumawa at humagikgik ang babae at nilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang labi habang tawa sya ng tawa.
I
"HI..HI..HIHI..HI..HI." Sabi nito at biglang lumitaw ang pulang bracelet sa kanyang kaliwang kamay.

"Sya nga Jodie!"

"Oo sya nga yung bracelet na pula sa kanyang kamay!"

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon