Chapter 33

645 30 0
                                    

Biglang lumuwang ang seatbelt at ang nakakabit sa kanilang dibdib at tuluyang nakalas ito, at muntikan na silang mahulog buti at nakahawak sila sa isang rail ng kanilang sinasakyan na roller coaster.

"Tulungan nyo ko!"sabi ni Kayako.

Pareho sila ng nakahawak ni Jodie at nakikipaglaban sa kamatayan.

Mahigpit pa ang mga seatbelt ni Shintaro at nakita nya ang dalawa na humihingi ng tulong sa kanya, ngunit isa lamang ang maaari nyang matulungan dahil hindi nya makakaya ang dalawa, pati sya ay mahuhulog kapag pareho nya itong tutulungan.

"Shintaro maawa ka sa akin ako ang tulungan mo!" Sabi ni Kayako,

Hindi nagsasalita si Jodie, nakahawak lamang ito sa rail at hirap na hirap na sya.

Naguguluhan si Shintaro, alam nyang isa sa kanila ang mamamatay.

"Alam ko kung nasaan si Shizuko at hawak mo na ang picture ni Jodie, makakaligtas na tayo!" Sumisigaw na sabi ni Kayako habang nakatingala sya kay Shintaro.

Tulungan mo na ako Shintaro." Nagmamakaawang sabi ni Kayako.

Naisip nya na tama si Kayako, nasa kanya ang susi para sya makaligtas, hahawakan na nya ang kamay ni Kayako para iligtas ngunit nakita nyang nakangisi si Kayako ng nalaman nitong sya ang tutulungan nito.

Kaya biglang binaling ni Shintaro ang tingin nya kay Jodie na malapit ng makabitaw.

"Jodie! Kumapit ka sa akin!" Sabi ni Shintaro at hinawakan nya ang kamay ni Jodie para iligtas, at hinawakan ni Jodie ang kamay ni Shintaro, ng hinihila nya pataas si Jodie ng kanyang dalawang kamay, at ng iniaangat na nya si Jodie ay biglang humawak si Kayako sa mga binti ni Jodie at pilit nyang hinihila pababa para pareho na silang mahulog.

"Ahhh! Bitawan mo ko Kayako!" Naghihiyaw Sabi ni Jodie.

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon