Chapter 46

658 31 3
                                    


"Mamaya na po may pupuntahan lang ako." Sabi ko sa kanya.

"Mga kaibigan mo sila dapat mong malaman ito?"

"Ano po ba ang nakasulat dyan?" Nangangambang tanong ko sa mama ko.

"Heto basahin mo." Sabi ng mama ko at iniabot ang dyaryo sa akin.

Habang aking binabasa ito ay nagimbal ako sa aking nabasa.

Nabasa ko ang pangalan nilang lahat, ngunit wala ang aking pangalan at wala din ang pangalan ni Jiro at Kayako at ang pinakagimbalan ko ay nakasulat ang pangalan ni......... Jodie.

Nabitawan ko ang dyaryo at natulala ako.

"Papano nangyari ito?" Nanlumo na sabi ko sa aking sarili.

"Wala na si Kayako pero bakit wala ang pangalan nya sa mga nawawala at si Jodie ang nakasulat na isa sa mga nawawala?"
Sabi ko habang napaupo ako.

"Shintaro anak? Anong problema!" Nagtatakang tanong ng mama ko!

"Ah wala po ma!, pahiram na muna ng dyaryo,.!" Sabi ko sa kanya at nagmadali akong lumabas ng aming bahay.

Pumunta ako ng telephone booth at gusto kong tawagan si Jiro, baka may alam sya sa mga nangyayari."

"Hello Jiro?"

"Shintaro?buti at nakaligtas ka!"

"Oo pero si Jodie, sabay kami nagbigay ng picture kay Shizuko pero bakit ako lang ang nakaligtas?!"

"Wala ka ng magagawa, tanggapin mo na, tayong tatlo lang ang nakaligtas!"

"Ano?" Nagtaka ako sa kanyang sinabi, namatay na si Kayako sa Ekizu sa killer station, nahulog sya ng roller coaster.

"Ppp...pero Jiro,papano nangyari yun patay na sya, kitang kita namin ni Jodie."

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon