Chapter 7

1K 55 3
                                    


JODIE 

8PM    

Nasa Shinjuku city na ako at nagpunta ako kung saan ang viewing ng hanabi {Fireworks}. 

Karamihan ng nakikita ko ay nakasuot ng mga kimono ang mga babae, ako lang yata ang nakasuot ng fitted white t-shirt at jeans shorts, at nakatali sa aking baywang ang hoodie ko na sweater, nakasuot ako rubber shoes ng walang medyas, dala ko ang aking mini red leather backpack kung saan nakalagay ang picture na binigay sa akin ni Shizuko.

Tatawagan ko dapat si Shintaro para malaman ko kung saan sya naka pwesto at biglang may tumawag sa akin.

"Jodie!"

Napalingon ako at nakita ko si Shintaro, naka blue jeans sya at long sleeve na checkerd na color red and black, naka tiklop ang sleeve hanggang siko, naka bukas ang mga butones at sando na puti sa pangloob, naka tali ang kanyang buhok dahil long hair sya, kasama ang kanyang magandang girlfriend na si Satomi, naka suot naman si Satomi ng summer dress, sleeveless na one piece above the knee, na color orange at naka sandals na beige. Nakalugay ang kanyang buhok hanggang balikat.

Naki join ako sa kanila kaya lang 'out of place' ako kasi magkasintahan sila at mukha akong tanga na nakasunod sa kanila, nasasaktan lang ako sa tuwing nakikita kong ang sweet sweet nila, magkahawak sila ng kamay at panay ang yakapan at lambingan.

Hindi ako mapalagay gusto kong makausap si Shintaro, ngunit abala syang kasama si Satomi. Naghanap kami ng magandang pwesto, para makita namin ng malapitan ang fireworks, nagpunta kami sa isang resto bar at pumuwesto kami sa may terrace upang makita namin ng malapitan ang hanabi, 9:00 pm ito mag uumpisa. Pero pangalawang Fireworks show na ito, 7:30 pm yung pinaka-una.

Pagsapit ng alas nueve ng gabi ay nag uumpisa ng magputukan ang mga fireworks at kahit sino ang makakita ay mamangha sa sobrang ganda nito, ngunit ako lamang ang di maka appreciate sa bawat putok ng mga fireworks dahil hindi nawawaglit sa aking isipan ang picture na iyon at sa aking nabasa at ang nangyari sa coffee shop, natatakot ako na baka may mangyaring masama sa akin.

Makalipas ang isang oras ay natapos na ang pangalawang part ng hanabi show at nagpuntahan naman ang mga tao sa mga kalye, maraming mga nagtitinda sa mga sidewalk ng kung anu anong pagkain at mga souvenir, sa tuwing may festival lamang maaaring magtinda sa mga kalye at marami ang taong nag papalakad lakad, inaabangan nila ang susunod na part ng hanabi.

May tumawag kay Shintaro at matapos makipag usap ay niyaya nya kami ni Satomi na sumama mag karaoke bar.

"Punta tayo sa bagong bukas na bar sa Indigo Bar nandoon sila Kenji." Masayang sabi ni Shintaro.

"Okay!" Sabi ko sa kanya.

At naglakad kami papunta sa Indigo bar, nasa katabi lang na building ito ng coffee king shop.
Pagdating namin sa lobby ng building ay nagpunta kami sa elevator at maraming tao ang nakapila, naunang nakasakay sila Shintaro at Satomi, at ng ako na ang sasakay ay biglang tumunog ang elevator, hudyat na overweight na.....kaya napilitan akong bumaba.

"Kita na lang tayo sa 3rd floor!" Sabi ni Shintaro sa akin. At nagsara ang elevator.

Naghintay na lamang ako sa susunod na batch.

Makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na rin ako at pagbaba ko sa 3rd floor ay nakita ko yung 'kamban' (signage) na Indigo Karaoke Bar.

Pagpasok ko ay binati agad ako ng isang staff na babae.

"Irashaimase!" Nakangiting sabi nya sa akin.

Napatingin ako sa kanya at parang namumukhaan ko sya, at namukhaan din nya ako,

"Jodie?" Sabi nya sa akin.

"Eriko?" Sabi ko naman sa kanya, natandaan ko na, klasmate ko sya nung High School.

"Kokoni shigoto shiteru ne?"
{Dito ka nagtatrabaho?} tanong ko sa kanya,

"Hai! osashiburi ne!"
{Yes, Long time no see,} sabi nya sa akin.

Binati ko din sya at sinamahan nya ako kung nasaan sila Shintaro.

Malaki ang lobby ng bar at may mga VIP room at nasa dulo naka pwesto sila Shintaro.

Binuksan ni Eriko ang pinto ng isa sa mga VIP room, pagbukas ng pinto ay si Shintaro ang una kong nakita,

Katabi nya ang girlfriend nyang si Satomi at kumakanta naman ang kanilang mga kaibigan na hindi ko pa nakikilala.

Pinakilala ako sa kanila ni Shintaro.

"Sya si Jodie kasama ko sa coffee King," Sabi ni Shintaro sa kanyang mga kasama.

At isa isa silang nagpakilala sa akin.

"Hi watashi wa Kenji Honda desu!"

"Yuki Kobayashi desu!"

"Reika Sato desu!"

"Toru Usui desu!"

"Isao Mikata desu!"

"Y-Yorushiku onegaishimasu!" Nakatulala na sabi ko naman.

"Mag enjoy ka lang ha, tiyak ko mawawala na ang takot mo ok?" bulong ni Shintaro sa akin, ngunit natulala ako nang aking narinig ang kanilang mga pangalan.

Naupo ako sa kanyang tabi at natulala ako.

Masaya silang nagkakantahan at nag kukuwentuhan, nakatahimik lamang ako, iniisip ko ang mga pangalan nila, mga pamilyar, sila yung mga nabasa ko sa dyaryo at isa na ako doon, gusto kong makausap si Shintaro pero maingay gawa ng kantahan nila.

Di ako mapalagay.

Napansin ako ni Satomi na parang balisa.

"Daijobu desu ka?"

"Hai! daijobuyo!" Sabi ko naman sa kanya.

"Nonde kudasai!" {Uminom ka} Sabi naman ni Kenji.

"Arigatou." sabi ko naman at ininom ko ang ice tea.

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon